Kabanata 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 13
The Plan And 18th birthday

Naalimpungatan ako sa lakas ng ulan. I look at my wristwatch and it's still 8:00 in o'clock in the morning. It's too early. Hinawi ko ang curtains sa kwarto ko at nakita kong medyo masama nga ang lagay ng panahon. Makulimlim ang mga langit at hindi magkamayaw sa pagpatak ang mga ulan. Ang mga puno ay tila nagsasayaw dulot ng malakas na hangin. There's also flood. Bigla kong nabitawan ang kurtina nang nakita kong kumidlat na kaagad sinundan ng kulog.

Napatakip ako sa tenga ko. Dahil sa lakas, nabitawan ko pa ang baston. Mabilis akong humawak sa kurtina para kumaha ng suporta. With the help of my right leg, sinipa ko paitaas ang baston na ngayon ay nakapatong sa isang pointe shoes. Luckily, sa isang pagsipa ay nasalo ko kaagad ito ng walang kahirap-hirap.

Bumalik ako sa kama at naupo pinagmasdan ko ang ulan hanggang sa maging katamtaman ang lakas nito. Nakapantulog pa ako nang bumaba ako malapit sa veranda.

I stared at the rain for a moment at wala ano-anong lumabas at naglakad lakad sa labas ng bahay.

Pinasyal ko ang sarili ko sa labas ng mansion hindi alintana ang lamig. The wind sent shivers all over my body.

Nanginig ako dahil dito. Pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. I miss this so much. Namiss kong maligo sa ulan. I love the rain because nobody knows I'm crying; I used to shower in the rain when I was a kid.

Ilang beses pa akong naglakad lakad habang iniisa-isang tingnan ang paligid. Wala na ang dating kislap sa aking mata tuwing sisilayan ko ang mga ito. My heart felt a lot of pain that it started to feel nothing.

"Young lady!" I was in the middle of my thoughts and having conversations with myself when I heard Eternity shouted.

Nilingon ko siya at nginitian. Di bale na she won't see tears in my eyes anyway. Puno ito ng tubig ulan. The rain is my comfort zone. It make me feel that I'm not alone and it's crying because I cry too.

Yumuko ako para pakawalan ang luha kasabay ng pagpatak ng ulan saka ako nag-umpisang maglakad papunta sa veranda kung saan naghihintay siya at may bitbit na tuwalya.

Inabot ko iyon kaagad nang makaramdam na naman ako ng lamig dahil sa hampas ng hangin. Mabilis kong pinulupot sa aking katawan ang tuwalya. Inalalayan niya naman ako para hindi ko na kailangan pang bitawan ang bastong hawak-hawak ko. My cast is waterproof kaya wala akong problema rito although naninibago pa rin akong maglakad ngayon na meron nito.

"Bakit ka naligo sa ulan?" Tanong niya nang matapos akong alalayan.

"Please let the maids clean my dance studio." Sagot ko na di pinansin ang tanong niya kanina dahilan ng pagka-awang ng labi niya.

Hindi pa rin siya nakakabawi sa sinabi ko nang magsalita ulit ako. "Hire an expert editor now. Wala ng ulan kaya I'm sure makakapunta sila dito. I wanna see their works."

"Ano na naman bang binabalak mo?" Tanong niya pero kaagad na inasikaso naman ang utos ko sa pamamagitan ng pagtipa sa cellphone niya.

"Just do what I say." Ngiti ko sa kanya tsaka siya tinalikuran.

I know she's still in shock kasi wala naman akong narinig na kumilos o umalis siya sa kinatatayuan niya kahit nakatalikod na ako.

Slowly, narating ko rin ang kwarto ko. I took a shower and change into a mesh long sleeve  dress. Nadatnan kong nagma-make up bed si Jannica sa kama ko.

"Pakisabi kay Eternity I'll stay inside my mom's office. Doon niya na rin papuntahin ang editor." Tipid kong sagot bago sinaksak ang blower.

"Yes, young lady."

Ilang saglit pa ang itinagal ko sa pag-aayos ng buhok saka lumabas. Minabuti kong mauna sa loob ng office so I can fix my position. Ayokong makita kaagad ng editor ang kalagayaan ko. I won't let that happen.

Sampung minuto ang hinintay ko bago pumasok si Eternity na may bitbit na mga resume.

"Magpapakita ka na sa mga editor?"

"Hell no!" Depensa ko kaagad.

"What are you doing here then?" She asked trying to figure out what I'm trying to do. Her eyes is so suspicious. I hate it.

"To atleast hear what they'll say?" Sarkastikong sagot ko tsaka siya pinandilatan.

"They'll see you." Pagbabanta niya.

"They won't because I'll stay in the desk." Pagdepensa ko para manahimik siya.

"Did you publicly announced a hiring?"

"No." Paninigurado niya na nagpagaan sa kalooban ko.

Everyone will suspect me once they'll knew.

"Okay let's start." Sagot ko at naupo na sa desk. Sinigurado kong walang makakakita ng cast at baston ko.

"When it comes to editing I'm an expert to that."

"I started editing when I was 9 years old ."

"I became addicted and decided to pursue my passion."

"I know I deserve this position and working with young lady is such a pleasure."

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Tsk. ayoko sa kanya. Ang ingay!

Sinenyasan ko si Eternity na palabasin na ang lalaki.

Lumapit siya sa akin at para pagsabihan ako.

"Dalawa nalang ang natitira salamat sa choosy diyan at wala pa tayong nahihire hanggang ngayon." She murmured.

Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Hindi man lang sinabihan na tatawagan ang editor. Hindi pa nakasimula sa trabaho sisante na kaagad." Dagdag niya na mukhang stress na. Siya ata itong mga nag-aapply eh nagsanib pwersa lang. Kung makareklamo akala mo naman siya ang nasisante.

"Next." Malamig kong sagot at hindi pa rin pinapansin ang pambabatikos niya.

"Break muna." Pangungontra niya.

I rolled my eyes.

Ilang minuto rin ang tinagal ng break bago pumasok ang 2nd to the last editor.

She's now presenting her outputs. I can see that she's so formal and professional.

"Hindi ba makakahalata ang iba na edited lahat ng gawa mo?" Singit ko sa kalagitnaan ng presentation niya.

"My goal is to make my work look realistic." She smiled confidently at me.

"Kung ganoon ay bigyan mo ako ng example." Panghahamon ko sa kanya.

"I'll take a photo of Miss Eternity having a bandage in her leg. I want you to remove that bandage na hindi nahahalatang may nabura ka." Pagpapaliwanag ko ng gusto ko sa kanya. Seryoso naman siyang nakinig sa sinabi ko.

Actually, kaya ko namang gawin to eh. I can do editing. Pero sa dinami-dami ng iniisip at pinoproblema ko, I don't think I can spend time on editing. Editing takes so much time at nanakawin lang nun ang oras ko na dapat ay magpractice. My main priority right now is to dance again like before.

Kagaya ng napagkasunduan kanina, kinunan ko ng larawan si Eternity na may bandage. Ilang minuto along nag-antay ng result.

Okay naman yung mga edit niya pero gusto kong makasigurado kaya marami akong pinagawa sa kanyang iba't ibang angle at nilagyan ko ng mga complicated na bagay si Eternity para masubok kung kaya niya pa rin bang pagmukhain itong orihinal.

Ilang shots pa ang kinunan ko na siyang enedit niya bago ako na satisfy. I stared at my photo on the projector ang isang may cast at isang wala. Nakita kong maganda ang pagkaka edit niya. Matagal ko itong tinitigan bago nagsalita.

"Okay, you're hired." Malamig na sabi ko .

Eternity sighed for a relief na siyang nakuha ng attention ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.

"Explain everything to her, what she needs to do and about the salary." Tamad kong sinabi at nagsimulang magalakad papunta sa living room.


Kinabukasan nagising ako nang makarinig ako ng ingay sa staircase at sa cellphone kong kanina pa tunog ng tunog. Inis kong Inabot ang unan di kalayuan sakin at ginamit iyon pangtakip ng tenga. Urghhh kahit anong gawin ko ang ingay pa rin! Nagpagulong gulong muna ako sa kama.

Ano ba naman yan! Ke aga-aga puro notifications na galing sa social media ang natatanggap ko sabayan pa ng epal na tumatawag at ingay na nanggagaling sa staircase.

Sa Inis ko'y bigla akong bumangon at napatayo. I didn't last standing. I quickly sit on top of my bed when I've realized I have a broken ankle at nangingirot ang sakit dahil sa diin at biglaang pagtayo.

I can also feel dizziness. Grabe. Ganun pala yung sinasabi nilang huwag kaagad tatayo kapag bagong gising.

Hindi pa ako nakakabawi nang bumukas ang pintuan at niluwa si Miss Eternity at mga kasambahay. Imbis na mairita ay nagulat ako. She's carrying a cake.

"Sinong ma--" hindi ko na naituloy ang tanong ko dahil inunahan na siya ako.

"Happy 18th birthday young lady." Masayang bati niya na siyang sinundan ng nga maids. All I can see is their bright faces projecting a smile.

I'm still in shock dahilan kung bakit hindi ako umimik.

Shit!

Birthday ko pala ngayon?! What the hell!

Is this for real?

Pinigilan ko ang sarili kong magsalita. The moment I'll talk, I'll break down.

"Thank you prepare that on the table we'll have breakfast together." Pagsisinungaling ko nang makabawi. Nagpanggap akong alam ko ang mga nangyayare.

Umalis kaagad sila nang magpaalam akong maliligo. Before, Eternity helped me. Ngayon ay nahihirapan man pinipilit kong ako lang ang gumawa. Ayokong umasa sa iba.

I can't believe that today is my birthday.  My mind is pre occupied with so many things that I forgot it.

Hinayaan kong umagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan sa harap nina Eternity.

It's my first birthday without my parents. Today was supposed to be my debut celebration. I'm entering the new chapter of my life, the stage of legality without a father and a mother by my side. May initial plan na kami before ni mommy about sa theme ng debut ko, motif,  at may list na din ako ng 18 Roses at Candles. Mom had me list lahat ng anak ng mga business partner nila ni Dad since I don't have any cousins and siblings.

Mas lalo pa akong naluha nang maalala ko kung paano kami nagcecelebrate ng birthday ko before. They always try their best to make my day special regardless of how busy they are.

Nang matapos akong magbihis ay tiningnan ko ang oras sa cellphone ko dahil naiwan ko ang aking wristwatch sa banyo.

It's still 7:30 A.M ang aga pa. And shit. Oo nga. Today is August 27. It is my first time na makalimutan ang birthday ko. Dati rati ay excited ako tuwing sasapit ang kaarawan ko.

Ilang minuto akong napatitig sa cellphone ko muntik na itong tumilapon sa pagkabigla ko nang magsimula itong mag ring at nakita kong si Tita Ivy ang tumatawag.

"Happy 18th birthday, hija!" Masiglang bati niya dahilan para ilayo ko ng kunti ang phone ko sa tenga.

"Thanks tita." Napangiti ako.

"What are your plans for today? I'm planning to visit you together with your tito Hesham today. We bought you gifts."

"Thank you tita, nag-abala pa po kayo. Nothing special po. Nagpapacondition pa rin ako ng katawan as of now." I lied.

"But it's your special day hija. You should at least rest and celebrate it." She insisted.

"Nah. I'd rather practice po. Besides, I'm still mourning I don't think I can afford to celebrate a birthday." Pagtanggi ko. Hindi ko na alam ang susunod ko pang sasabihin kapag humaba pa ang aming usapan.

"Come on Ivy. Cerynna is busy." Narinig ko sa kabilang linya. Malamang si tito Hesham yun.

Mabuti naman.

"O-okay hija. Ipapadala ko nalang ang mga regalo diyan. Just atleast update us, we miss you. See you soon!"

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang matapos ang aming pag-uusap.

"I'm done eating. I'll excuse myself." casual na paalam ko sa mga kasambahay saka ako tumayo.

Kaagad namang na gets ni Eternity nang tumunog ang cellphone niya at nakitang ako ang nagtext.

To Eternity: I'll go to my dance studio I need to take a photo.

Binuksan ko ang cabinet at namili ng tutu dress na isusuot. Pinili ko ang isang kulay puti na napapalamutian ng silver sa upper body.

"Tsk. Ano ba naman to!" Pagrereklamo ko. Kanina ko pa kasi pilit na sinusuot ang dress pero lagi akong na o-out balance.

I rolled my eyes nang masuot ko ito ng maayos. Puno na ng pawis ang noo ko.

I stared at my reflection in the mirror at kumuha ng hair brush. I put my hair into a perfect bun at nilagay ang headdress na terno ng pancake tutu dress.

I picked a pointe shoes at dahan-dahang naupo sa sahig. Maingat ko itong sinuot at tinali. Hindi na ako nagsuot pa ng leggings.

Seeing myself in the reflection bigla akong na lungkot na dati rati'y hindi ko nararamdaman tuwing sinusuot ko ang mga damit na ito.

Inabot ko ang aking cellphone. I started taking pictures by lifting my toes making the pointe shoes stand. Nanginig kaagad ang paa ko dulot ng ginawa ko it started aching again.

Sinubukan ko rin ulit mag 90 degrees extension. I slowly lifted my arm over my head.

Napabagsak ako sa sahig nang mawalan ako ng balanse. Shit. It hurts.

Natapos naman kaagad ng editor ang pag edit ng pics kung saan tinanggal niya ang cast na nasa paa ko.

Kaagad kong binuksan ang aking Instagram at inupload iyon.

'Chapter 18' Binasa ko ulit ang caption at saka pinost.

Hindi na ako nagtagal pa sa studio at bumalik na ng mansion. Nadatnan kong nanonood ng Netflix si Eternity sa sala. Tiningnan niya ako at tamad ko siyang binalingan saka dumeretso sa itaas para magpahinga.

Alas kwatro na ng hapon nang magising ako. Nakaidlip ako kanina. Nagising ako sa tunog galing sa cellphone ko. Oo nga pala naiwan kong naka on ang wifi.

Tiningnan ko kaagad at nakita kong galing iyon sa Instagram at sa larawang pinost ko kanina.

Nakatanggap ako ng iba't ibang greetings pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay si tita Ivy.

'I'm relieved that you are doing great this day. Happy birthday, my dear.'

Ilang Mensahe pa ang nabasa ko.

'Ang ganda at ang galing niya talaga.'

'Namiss kong mag upload siya ng ganito. I'm a big fan.'

'She's so talented and hardworking. Imagine, it's her special day and she chose to practice instead of spending too much money to throw a party.'

'I agree with that. She's really wise. She's a role model and an inspiration.'

'I miss seeing her. Hoping to see you dancing on the stage, Miss Martin.'

'Our one and only Prima Ballerina.'

'Looking forward to see you on Stardust's Foundation Anniversary. '

'I wanna be like her.'

'Sana magtuloy-tuloy na ang pag-uupload ng pics at pag uupdate niya tungkol sa pagbaballet. Someday, I wish to be like her.'

Nakatanggap ako ng samu't-saring papuri. Pero imbis na matuwa ay mas lalo akong nakaramdam ng lungkot. Lalo na sa mga sinabi nilang aabangan nila ako sa Foundation Anniversary. Gustuhin man ng puso ko pero alam kong hindi pa kaya ng katawan at paa ko. Hindi lang ibang tao ang niloloko ko rito, niloloko ko rin pati ang sarili ko.

How I wish kung anong sinasabi nila ay totoo. Pero alam kong ang kanilang papuri at mga napansin ay taliwas sa totoong ginagawa ko. I can't help but be guilty. I can only imagine their reaction and anger once na malaman nila ang totoo.

Today was supposed to be a memorable and beautiful day; my birthday yet here I am trying to pretend to have something I don't actually have as of the moment just to comfort myself and fool other people.

Photo not mine. Credits to the rightful owner.

Source: Pinterest

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro