Kabanata 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 14
Sacrifice

Sinabihan ko si Eternity na susundin ko na ang doctor at ang ballet orthopedist. Pero heto na naman ako ngayon sa dance studio at nag wa-warm up.

Maaga kasi akong nagising kanina at ito na naman ang pumasok sa utak ko. I just can't give up dancing without trying my best. Hindi man ako makasayaw pa ulit, atleast wala akong pagsisisihan sa huli kasi ginawa ko lahat.

Tulog pa si Eternity nang madaanan ko ang kwarto niya kaninang umaga. It's still 5 o'clock in the morning. Ako pa lang yata ang gising at ang chef.

"Ouch." Ang sakit ng paa ko sa right. Though left side ang may injury I can still feel pain on the right side that's why I hired a massage therapist before.

Hindi na kagaya ng dati ang katawan ko. Konting stretch at galaw lang ay nagrereklamo na ito.

Nang matapos kong gawin ang 30 minutes stretching ay nagsimula na akong maglakad sa gitna. Binitawan ko ang baston na kani-kanina'y hawak ko at nagsimulang sumayaw.

I first put my hand in front of my stomach and positioned my my feet in an opposite direction with heels touching.

Napangiwi ako nang makaramdam ako ng kirot but that doesn't stop me from what I am doing.

Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa makarating ako sa ika limang posisyon. Mas lalo akong napangiwi dahil habang nag eexecute ako ng mga paunang steps at habang pahirap ng pahirap ay patindi ng patindi rin ang sakit.

"One, two, three." Bilang ko habang nagtataas baba sa aking posisyon.

Without a second, I tried spinning my body ngunit hindi ko kinaya ang sakit. Tulad ng dati, napabagsak na naman ako sa sahig.

"Come on Cerynna!" Pagkukumbinsi at pagmomotivate ko sa sarili ko.

Though I can feel the searing and excruciating pain, pinilit ko pa ring tumayo sa tulong ng aking baston. It became my bestfriend. Alam nito ang lahat ng nangyayare at pinagdadaanan ko.

I lifted my pointe shoes out of the box.

"Ou--ch! O-ouch, ouch!" Hindi ko pa nailalagay ang akong paa malapit sa aking legs upang makalikha ng parisukat ay napaupo ulit ako sa sahig. My left foot is shaking. Sobrang sakit!

With tears in my eyes, tumayo ulit ako at hindi pinansin ang panginginig ng aking paa.

I tried standing again at dahan-dahang nagtaas baba ng posisyon para ulit makaikot.

"Ah-a-ray--y." Napabalik ako sa pagtayo nang makaramdam na naman ako ng sakit. Binalingan ko ang closet at dahan-dahang naglakad papunta roon. Kinuha ko ang isang pain reliever at ininom.

Babalik na dapat ako sa gitna para sumayaw nang marinig kong nagri-ring ang phone ko. I saw Eternity calling.

"Where are you young lady?" Paunang  tanong niya nang masagot ko.

"Dance studio why?" Casual na Sagot ko.

"And what are you doing?" May pagdududa na ngayon sa boses niya.

Ang bilis nita talagang makasense. Kaasar naman.

"Taking photos. Duh." Irritable kong sagot.

"Just make sure you won't do anything stupid." Hindi na siya si Miss Eternity ngayon. She's acting like a big sister.

I rolled my eyes in her last words. What I'm doing right now isn't about my stupidity.

"Whatever." Sagot ko at tamad na hinagis ang cellphone sa bed na kanina ay nasa closet. Magsasalita pa sana siya pero binaba ko na ang tawag.

I shouldn't waste my time.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nagtext ako kay Eternity na padalhan nalang ako ng breakfast dito.

Hindi ko pa kayang maglakad ng malayo. My foot is still shaking. Hindi naman nagtagal at dumating na ang pagkain.

It's a coffee, a fried rice, sausage and an egg. Tahimik akong kumain at pilit na binabalewala ang sakit at kirot na nararamdaman ko ngayon sa paa.

Pinatong ko na ang tray sa taas ng bed. Mamaya ko nalang ito ipapakuha. Ilang minuto akong nagpahinga.

I stretched my arms at tumayo na ulit.
I tried playing a ballet music at sinimulan muna ang basic steps.

I stayed my left foot standing and lifted my right foot creating a horizontal. I'm executing the first arabesque.

Ginawa ko ang lahat ng arabesques nang dahan dahan hanggang sa umabot ako ng ikatlong arabesque. Hindi pa ako gumalaw nang bigla akong matapilok.

Shit! Ang tanga mo Cerynna. Wala naman sanang heels ang pointe shoes. Naninibago siguro ako. I've lost my balance.

Ang sakit na ngayon ng dalawang paa ko. Lumapit ako sa kama at naupo muna trying to calm my shaking feet.

Nagulantang ako sa ingay ng phone ko sa tabi ko. Nakaidlip ako sa sobrang pagod at sakit kanina.

"Ano?" Antok na sagot ko

"Ano ka riyan! It's already lunch time. Kakain na." Bungad ni Eternity. Halata ngang kakain na. Naririnig ko ang ingay ng mga kubyertos sa hapag eh. Pati ang pagbuhos ng tubig sa baso ay dinig na dinig ko.

"Ipahatid mo nalang dito tinatamad pa akong bumalik diyan. Nakatulog ako." Palusot ko which is half true. nakatulog naman talaga ako.

"May isang tray pa na hindi nakukuha diyan." Sagot niya. She sound so suspicious.

"Nah. Ipakuha mo nalang kapag naghatid na ang maid ng pagkain dito." Binaba ko na ang tawag bago niya pa ako gisahin sa kung ano ang ginagawa ko dito at bakit natagalan ako. I emailed the photos to the editor.

Ilang sandali muna akong naupo sa kama at tumayo na papunta sa gitna. Nanginginig pa rin ang paa ko pero hindi na ito gaano ka grabe kagaya ng kanina.

Nagsimula ulit ako sa unang arabesque hanggang sa nakarating ako sa ikatlo nangirot kaagad ang paa ko.

Hindi pa rin ako nagpaawat. I slowly balanced my body trying to endure the pain.

While I'm on the 3rd arabesque, I tried the promenade in arabesque. Though my left foot is raised in the air, mayroon pa rin akong nararamdaman na kirot mula dito.

Nang grumabe ang sakit ay saka lamang ako tumigil. I am planning to do the flying leap. I need to know kung marunong pa ako sa lahat ng steps. Sa susunod na araw ay gusto kong sumayaw na may music.

I positioned my arms and legs saka sinubukan ang flying leap. I focused myself at sinimulan na. Ayos naman noong una ang aking pag leap. Sinundan ko ulit ito ng pangalawa.

*BLAG!*

"ouch!" Daing ko. Sobrang sakit na ng buong katawan ko. Kanina pa ako bumabagsak sa sahig. Kung hindi pwetan ang nauna ay nauupuan ko ang dalawa kong paa. Ngayon ay ang sakit ng pwet ko dahil napabagsak ako habang nagle-leap.

I looked at my reflection in the mirror pawis na pawis na ngayon ang buong mukha ko. The perfect bun earlier became a messy bun. Sobrang putla na rin ng mga labi ko at may iilang pasa at sugat sa mga tuhod ko.

Nabaling ang aking atensyon sa paa ko at oo nga. I saw some blood in my knees. Hindi ko to napansin kanina ngayon ay sobra ng hapdi. May namumuong kaunting dugo rin sa cast ng ankle ko.

I can feel that I'm about to faint. Sobrang lamig na ngayon pero sobra-sobra ang pawis at pagod ko Dagdag pa ng physical pain na nararamdaman ko.

Nang maging maayos ang pakiramdam ko ay maingat akong nagmatyag para hindi ako makita ni Eternity.

I quickly changed into pajamas nang makapasok ako sa kwarto ko. It's already 7:30 in the evening.

To: Eternity

Please don't bother sending a meal in my room. I'm not hungry. Pakitawagan nalang ang ballet orthopedist ng kompanya. I need to discuss some important matter with her.

Sobrang down ang buong sistema ko ngayon. Nakakadismaya na hindi ko na kayang gawin ang flying leap. I used to be good at that. Kilala ako diyan. Yun ang pinakagusto at paborito ko sa lahat.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone ko.

From: Eternity

The ballet orthopedist has arrived young lady.

Alaka ko hindi niya pa nababasa ang text ko dahil hindi naman siya nagreply.

To: Eternity

Paakyatin mo nalang dito sa kwarto ko. I'm not in the mood para bumaba.

Kakalapag ko lang ng cellphone ko nang makita kong dahan-dahang bumubukas ang pinto.

"Good evening. Sorry hindi na ako kumatok Miss Martin. Eternity said baka hindi mo pa nababasa ang text niya kaya umakyat nalang ako." Panimula ng ballet orthopedist nang makapasok siya.

Hindi na ako nagsalita. Itinaas ko na kaagad ang manggas ng aking pajama. Siya ay nagulat sa kanyang nakita. Sinong ba namang hindi. I'm injured and she advised me not to put too much weight on my ankle and what she saw now is blood, wounds and bruises.

"Wha--."

"Please change my cast." I interrupted her bago pa siya matapos magsalita.

"I'll get some first aid kit first, I want to put band-aids on my knees."

"Huwag na. Ako na ang bahala riyan." Pagpipigil niya kaya wala na akong nagawa.

"Have you forgotten what I've said?" Tanong niya habang tinatanggal ang fiber glass cast at ang cast padding. She instructed me not to move kasi fresh pa rin ito.

Hindi ko siya sinagot.

"How many times do I have to tell you no---"

"Not to put too much weight on your ankle." I sarcastically said bilang dugtong sa sinabi niyang pinutol ko.

I rolled my eyes.

Maingat na niyang inilapag ang paa ko sa kama. At nilagyan ng betadine ang mga sugat sa tuhod ko.

"Your condition may worsen." She said out of the blue.

Nah. Kahit hindi niya sabihan alam ko naman. Alam kong severe ang condition ko that's why I took the risk. Kung hindi na rin naman ako makakasayaw mabuti ng ginawa ko muna ang lahat kesa pabayaan ko nalang. I just cannot give up dancing without giving it a good fight.

Well lahat naman tayo. Lalo na when it comes to our dreams and goals in life. We should not give up on our dreams without giving it a good fight.

"Bawas-bawasan mo ang tigas ng ulo mo. I'm warning you." Sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.

"Whatever." Nasabi ko nalang nang makalabas na siya.


Puyat ako kagabi kaya medyo tanghali na akong nagising. Anyways wala naman akong ginagawa bukod sa pag eensayong maglakad, kumain at matulog eh. Paminsan-minsan din akong may online therapy sessions with a psychologist. I need that session in order to keep me sane. What happened to me was too much to handle.

Medyo umayos-ayos na akong maglakad ngayon mula nang tumigil muna akong magpractice ng sayaw at tumambay sa dance studio.

Makulimlim ang langit ngayon pero wala namang sign na uulan. Malakas rin ang ihip ng hangin. Kung sa iba, this weather is sad mararamdaman mo talaga ang kalungkutan kapag ganito but for me, it's my favorite weather. Hindi umuulan at hindi rin mainit. I like it.

I took my phone in my pocket at kinunan ng larawan ang makulimlim na ulap. Nandito kasi ako ngayon sa bench ng aming garden. It's my go-to place and my second favorite place at our mansion.

It has a lot of flowers. Roses, Plumeria, cistus, daffodil, at kung ano ano pa. Pero ang mas gusto ko talaga ang dandelion. I requested it na maglagay dito. Wala lang natutuwa lang akong pagmasdan ito.

I opened my Instagram and posted the photo I captured with a caption, "There's a dark cloud covering the great sun you are; after it lifts, you'll be shining."

It's a reminder to myself. Napangiti ako. Atleast naman ngayon nakapag-upload ako ng picture na totoo at walang halong edit. Totoo at may kinalaman sa akin.

"Today is just an ordinary day." I said nang mailagay ko na ang cellphone sa aking pocket. Pabalik na sana ako sa loob ng mansion nang mahagilap na naman ng mata ko ang dance studio.

It's been a while. Matagal-tagal na rin akong hindi bumisita o pumasok man lang dito.

Sinabi kong hindi muna ako pupunta dito. Pero nang makita ko ay may kung ano na namang nag udyok sa akin para pumasok.

Hmm? Kumusta na kaya ang mga dress ko? Every week kasi dati lagi akong may bagong tutu dress. Every rehearsal ay para akong magpeperform para sa finals dahil lagi akong binibilhan ng tutu dresses. Hindi ko pa naranasan buong career ko ang umulit ng tutu dress. Well except kapag nandidito ako sa dance studio. Sayang naman kasi kung hindi ko gagamitin.

Hindi ko talaga maiwasang mapangiti kapag tinitingnan ko ang mga damit at sapatos ko. Parang gusto kong magsuot nito.

Suot lang naman eh duh. I'll just update my IG.

I can't helped but admire myself when I saw my reflection in the mirror.

I'm wearing a romantic tutu and a well fitted purple long sleeves and a pair of satin shoes. Hindi ko gaanong maisuot ng maayos ang satin shoes dahil sa cast pero tinali ko itong mabuti. I put my hair into bun tsaka ulit pinagmasdan ang aking reflection.

I looked pale. Hinatak ko ang unang parte ng drawer sa cabinet and I put on a red lipstick.

"Perfect." Puri ko sa sarili ko. I was about to change my clothes para makaalis na when an idea flashed on my head.

Total nakadamit na rin lang naman ako, why not subukan kong sumayaw ulit?

I set a timer for 30 minutes para makapagwarm up. I need to warm up properly.

Binitawan ko ang hawak-hawak kong baston kasabay sa pagbitaw at paglimot ko sa mga problema ko at mga tao na nakapaligid.

Maingat akong nagsimula na parang praktisado ko ang bawat galaw ng kamay at paa ko.

I focus on dancing without minding my environment. Without minding my condition, and without minding if I'll fail.

I slowly turn and balance my body as I lift my feet out in the box. I gently started a move.

Dahan dahan akong nagsimula as if I'm living in this moment. Dinama ko ang pinatugtog kong musika.

Though the pain in my foot is present, it doesn't stop me.

Everything was smooth and perfect until I've reached the middle part. The part where I need to do a flying leap.

Sinimulan ko iyon na tila ba pinapakawalan ko ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko. As if I'm flying because I have the freedom.

"Aa---rayyy." Sobrang lakas ng naging impact ng pagkabagsak ko. Everything went black after I close my eyes because of pain.

Isang silid ang bumungad sa mga mata ko pagkagising na pagkagising ko. It's our guest room. Why I am here?

I tried looking at the whole place at kaagad na nakita ko si Eternity at ang orthopedist.

"You badly need to rest Ms. Martin. Your condition may worsen. By this time, dapat ay nakakalakad ka na ng maayos. Ilang buwan na ang lumipas at ganyan ka pa rin because of what you are doing. Tell me, are you really willing to dance again? Kasi sa aking nakikita ay mas pinapasama mo rin ang hubog ng katawan mo. Look at your body it's full of bruises and wounds dahil sa laging pagbagsak mo sa sahig. That impact will cause you more trouble in the future." I can sense anger in her voice as she said those words but she still manage to look calm and reserve.

Her words hit me so hard. Ilang buwan na nga ang lumipas. Reality hit me so hard. Hindi ako magkakaroon ng kalayaan na gawin ang mga bagay na gusto ko dahil kinakailangan kong magsakripisyo ng isang bagay. Ang makapagsayaw ulit.

I need to sacrifice in order for me to walk again. And when I can finally walk again, there's only a little chance that I can tone my body again.



Credits to the rightful owner. Nasa right yung cast na nandito while Cerynna has a broken ankle on her left leg. Please don't mind it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro