01.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Dikit ka nang dikit kay Eleazar, Lhadeen, nilalandi mo ba siya!?" Ruby accused me with anger.

She has feelings for Eleazar and now, just because she saw me with him, she was picking a fight. Naglalakad lang ako sa anex nang bigla akong hilain ng babae papunta sa likod ng building. Taga-STEM si Ruby at ewan ko at ako ang pinag-iinitan nito at sinasabihan pa ng malandi.

Eleazar and I got closer to each other. No. Not that close. Sakto lang.

Nahihiya nga ako dahil andami agad nagfa-fangirl sa kanya. Akala ko pa no'ng una, artista siya or something. Talagang sikat lang siya sa girls.

Ganyan ba naman ang mukha niya? Hindi siya pag-aagawan?

I sighed heavily. Gusto kong sabihin na 'Ang baho naman ng hininga mo. Kung mang-aaway ka siguraduhin mo namang nakapag-toothbrush ka,' pero baka mas lalo siyang magalit. "Wala kang mapapala sa ganito, Ruby. Libre lang ang manners, Ruby, bakit wala ka no'n?" sambit ko na lamang.

She scoffed. "Tandaan mo na walang magkakagusto sa 'yo! Lalo na si Eleazar! Akala mo kung sino ka!" she exclaimed. Some of her saliva went to my face.

"Hindi ko naman hihilingin na gustuhin ako ni Eleazar, Ruby. Bakit ba triggered ka, huh?" Someone held on my elbow. Nang lingunin ko siya ay nilagay niya ako sa kanyang likod, na para bang pinoprotektahan ako. I bit my lower lip.

"Stop this, Ruby. Wala siyang ginagawang masama." He said those with irritation in his voice.

"I'm more prettier than her, Eleazar. Pero siya naging kaibigan mo?" Ruby scoffed in disbelief. "Samantalang ako 'di mo man lang matapunan ng tingin?" Bitterness was shown on her voice.

"Always remember that beauty is from within, Ruby. At wala ka no'n," he smirked like he won. "Si Prim may mabuting puso, pero ikaw?" he continued. He shook his head in disappointment. "Umalis ka sa paningin ko baka masuka pa ako sa pag-uugali mo," sambit niya nang may pagbabanta.

People usually calls me Lhads, but Eleazar is the only person who calls me Prim.

And I liked it.

Wait, what? Nababaliw ka na ba, Lhads?!

No, maybe... just because of the way that he uttered my name.

Bahagya kong sinilip ang naging reaksiyon ni Ruby. Her face was mad red, looking at Eleazar with her brows together.

Nagulat na lang ako nang inakbayan ako ni Eleazar bago  namin tinalikuran na si Ruby. Ang kamay niya ay nasa balikat ko lang naman ngunit bigla na lang ako nakaramdam ng kuryente.

"Sinabi mong may mabuti akong puso? Nananaginip ba ako?" I hissed and looked up to his face because he was tall. Hindi na ako umabot kahit sa bandang balikat niya.

"Mali naman kasi 'yong lagi ka niyang inaaway dahil sa 'kin. Wala ka namang ginagawang masama, kaya ipagtatanggol kita. Tandaan mo 'yan."

Sinalubong niya ang tingin ko at ngumiti kaonti. It was a small yet alluring smile.  He was the only person who smiles like that. I unconsciously smiled too and looked on our way. Inalis na rin ni Eleazar ang pagkakaakbay niya nang mapansing may tumitingin sa amin.

Alam niya na agad na hindi ako komportable sa mga tingin nila.

"Lunch tayo mamaya," pag-aaya na naman nito sa 'kin. Paakyat na kami ngayon papuntang second floor, sa aming room. Magkatabi lang kasi ang room naming dalawa.

I shook my head immediately. "Hindi ba, niyaya ka na ng mga tropa mo?" I asked and glanced at him sideways. May mga katropa siyang mga kakalase niya at pati sa ibang strand. Ganoon siya ka-friendly.

He placed his hands on his pocket. "Palagi kang mag-isa kumain. Ayaw ko no'n."

"Masaya rin namang mapag-isa, ah," I told him.

"Kahit na. Iba pa rin kapag may kasama," wika naman niya.

"Huwag mo na akong isipin. Sanay naman na 'ko, eh," pagdadahilan ko.

"Kaya nga ngayong andito ako, hindi kita hahayaang mag-isa," aniya.

Dahil sa kanyang sinabi, namali ang pag-apak ko sa susunod na hagdan at bago pa man sumubsob ang aking mukha sa hagdanan, nasalo ako ni Eleazar. Ang kanyang braso ay nakaikot sa aking baywang upang 'di ako tuluyang matapilok.

Katangahan, Lhads! Katangahan!

Umayos din ako ng tayo at pakiramdam ko ay napakainit ng aking pisngi.

Hindi ko na siya inantay magsalita at nagpaalam na dahil baka ma-late pa ako sa next subject namin. Kakatapos lang kasi namin mag-recess.

For over one month, nakakapag-adjust na ako unti-unti sa pagiging isang senior high student. It still like highschool, but may mga nabago lang sa ibang mga subjects.

Dito pa rin ako sa VNHS, Villafuentrez National High School, kung saan ako ng JHS. This is a public school yet students are more competitive and intelligent.

Sumalubong sa akin ang maingay na classroom. Ang iba ay nagdadaldalan at naghaharutan. Samantalang ako, tahimik lang na umupo sa designated seat ko sa dulo ng second row.

Nagbasa lang ako at nag-practice ng solving sa Business Math na subject namin. Marami akong naririnig na kapag ABM or STEM daw ay magagaling sa Math. Eh, anong tawag sa 'kin?! Mapapasana all na lang talaga ako sa mga blessed ang utak. Ano kayang sikreto nila, ano? Ritwal? Nobena?

I could understand the lesson but it depends on how the teacher will explain. Iyong iba kasi nagdi-discuss, then after, parang need pa rin ng self study dahil mabilisan ang pagtuturo. Kaya sinisikap ko talagang matuto dahil wala naman akong mapagtanungan. I don't know how to socialize at wala rin namang namamansin sa 'kin.

'I'm going solo' sabi nga ni Mareng Jennie ng Blackpink.

May tumabi saupuan kon bakante. Tinawag nito ang pangalan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Close kayo ni Zaramiel?" she asked, smiling from ear to ear. It feels weird dahil may kumausap sa 'kin.

Lahat naman yata sila kinakausap ako hindi para makipagkaibigan ngunit para maka-close si Eleazar. A small smile crept on my lips before nodding. "Good!" Pumalakpak siya. "Pwede mo ba kaming i-set-up?" tanong niya, pero more on pakiusap iyon.

My lip parted. "H-Hindi ko alam...." I replied.

"Hmp." Sumama ang timpla ng mukha niya bago mas lumapit. "Sige na," she said, still persuading me. I bit the insides of my cheeks.

"Kailangan daw no'n mag-focus mag-aral... kaya baka-"

"Hmp. Bahala na nga." She stood up sharply and went to her proper seat, gossiping with her seatmates... I don't know. Maybe, about me?

Inilabas ko na lang ang Hello chocolate bar sa bag ko at tahimik itong kinain. Kapag stressed ako or kinakabahan, kailangan ko ng nginunguya.

5 PM na ako nakauwi dahil dumaan pa ako sa small bakeshop sa tapat ng school at bumili ng pan de coco para sa kambal. Nagkaroon pa kasi kami ng meeting ng mga ka-groupmates ko sa library bago umuwi.

Binigyan din ako ni Eleazar ng Superstix, choco flavor. I asked him what was this for, and he just gave me a grin as an answer. Ewan ko ba roon. Naging masikip tuloy ang bag ko pag-uwi dahil may bitbit akong mga folders at iyong tinapay.

"Ate, pareho naming na-perfect ni Brielle 'yong quiz!" Eston uttered with so much joy in his voice. Sinalubong niya ako pag-uwi ko.

I smiled and ruffled his hair. Lumabas galing kusina si Brielle, hawak-hawak ang tinapay sa isang kamay at lumapit sa akin. "Bigay po ni Nanay Gloria. Dumaan saglit dito." Itinaas niya ang sandwich.

Ngumiti ako. "May pabili ba kayo?" I asked. Yumuko ako nang bahagya para medyo magkalapit kami at humawak sa tuhod bilang suporta.

Naunang umiling si Eston. "Kahit huwag na, Ate."

"Basta kasama ka lang namin lagi." Brielle giggled, munching her food.

"Re-reward-an ko kayo. Mababait kasi kayo," I said, smiling.

"'Di naman namin magagawa uyon, Ate, kung 'di mo kami tinutulungan at tinuturuan, eh!" Umupo ako sa kahoy na upuan, malapit sa pintuan at kinuha sa bag ang binili.

I gave them the pan de coco which was on the brown paper bag and the Superstix that Eleazar had given to me. Si Eston ang kumuha ng dalawa kong binigay dahil may hawak pa si Brielle na tinapay. Naku, busog na busog na naman ang dalawa.

"Yehey, tara hati tayo!" Brielle told Primston, smiling widely.

I took a quick bath and cook for our dinner. Nagulat na lamang ako nang padabog na pumasok si Mama sa bahay, mukhang galit, kasunod niya si Papa na nakapalumbaba.

Sobra akong nagtataka dahil bakit sila ganito? Normally, they have fights but it wasn't like this. They looked like... there was really something... A huge problem?

"Ma, dumaan si Nanay Gloria saglit kanina!" sabi ni Eston, tuwang-tuwa, nasa sala sila at sinilip ko lang sila mula sa kusina.

"Huwag muna masiyadong makulit, anak, huh? Pagod lang si Papa at ako." I saw my mother gave him a small smile. Si Briella naman ay nakamasid lang habang nakaupo sa upuan.

I cleared my throat to caught their attention. "Kain na po," I uttered.

"Kayo na muna kumain. Busog ako," Mama said coldly before walking inside their room and closed the door. I wonder what really happened.

"Kumain na tayo," ani Papa.

Ang kambal ay tumulong sa pag-prepare ng mga plato at kubyertos pati baso. Pumunta ako sa harap ng kwarto nila Mama at kinatok ang pinto. Muli kong kinatok ito nang hindi sumasagot si Mama.

"M-Ma... Sabay-sabay po tayong mag-dinner..."

"Busog na raw ang Mama niyo. Halika na, Lhads," sambit ni Papa. Napalunok ako nang mariin bago muling nagtungo sa kusina upang kumain.

Dati, kapag umuuwi sila, naglalambingan pa sila sa harap namin, pero ngayon, parang ibang tao na ang kaharap ko... Si Papa parang biglang hindi ko na kilala... at si Mama, parang may nabago...

One week have passed already but they were still not communicating with each other. Kahit sila Briell

As what I've said, I am grateful to have my family on my back especially my parents... but not until today.

"Doon ka na sa kabit mo. Wala kang kwenta!" pagsisigaw ni Mama habang binabatuhan ng mga damit si Papa sa may labasan ng gate habang ang mga kapitbahay ay walang ginawa kung hindi magchismisan sa nangyayari. Kakauwi ko lang galing ng school at ganito ang bungad sa akin.

Ang mga kapatid ko ay umiiyak sa likuran ni Mama.... Our families were meant to be a safe haven for us, but sometimes, they were the source of our heartbreak.

Lumapit ako kay Papa na nakayuko, pinagpupulot ang mga damit na ibinato sa kanya. "Totoo ba, Pa?" malamig kong tanong. Nag-angat siya ng tingin. "May k-kabit ka raw?" 

He looked at me like he was sorry... or maybe, guilty. "A-Anak... sorry kasi..." He tried to explain... but see? He can't.

I stepped back, tears pooled on my eyes. "B-Bakit?" My heart clenched in pain. Hindi ako makapaniwala.

My father was lying all these time. I don't see lies as white. They are black. Lies are fake, and... garbage... it is dirty and gross. There's no such lies that are white.

I actually preferred honesty, even if it was brutal.






≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro