Prologue.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

The story starts when it was hot and summer end. Ay, Taylor Swift pala 'to. Okay, ito na...

While it was raining with beauty, I was struck by a lightning.

It's so hard to born with many flaws.

Most of the people would turn me down. They always mock my pimples, dark spots, my thick glasses for my eyes. Pati ang petite kong katawan, hindi na pinalampas.

As if they're perfect too. Maganda nga sila, pero ang ugali... it's a no for me.

'Maganda ka sana kung wala ka lang lubak na mukha.'

'Matangkad ka at maputi. Pwede ka sanang model kaya lang sa itsura? Sorry ka na lang, 'te.'

'Ang payat mo. Kumain ka nga.'

'Ang maldita mo, pangit naman.'

Kapag pangit, bawal agad maging maldita!? Hindi ba pwedeng naiinis lang ako sa tao kase deserve nila ng inis ko? Charot.

Well, what do I expect in our society? Kung sino pang aasahan mong susuporta sa 'yo na kapwa mo babae, sila pa ang hihila sa 'yo pababa.

Napatitig ako sa sapatos ko. Narito ako ngayon sa Children's Park, nakaupo sa swing at nag-iisip-isip lang ng mga bagay-bagay bago umuwi. Nang mag-angat ako ng tingin, nagtama ang mata namin ng isang hindi ko kilala na lalaki na at may kasama pang isang lalaki ngunit siya lang ang nahuli kong nakatingin sa akin sa 'di kalayuan.

Tinitingin-tingin nito? When he smiled, I avoided his gaze. Baka iba ang nginitian niya? Sa gwapo niyang iyon, imposible namang ako. No one was interested at me. I somehow found his smile dazzling.

Napatayo tuloy ako agad dahil 'di ko namalayan ang oras at nagmamadaling kinuha ang bag ko bago naglakad paalis ng Children's Park. Isinuot ko ito paharap. "Miss!" dinig kong tawag ng kung sino. "Miss naka-uniform!" Boses ng isang lalaki. Natakot ako dahil mag-isa ko lang kaya 'di ko ito nilingon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

I wasn't sure though if I was the one he was calling. Marami rin namang naka-uniform doon maliban sa 'kin. At saka bakit naman ako tatawagin, 'di ba? Para nga akong invisible, eh. Sa totoo lang, bihira lang may makapansin sa akin o kumausap.

May naramdaman akong tumakbo sa likuran ko. I took a deep breath. "Miss-" This time, I turned around to see him with my stern look. Itinaas niya ang isang ID na may color dark green na lace sa aking harapan. "I-ID mo..." His voice was soft and gentle and I also noticed his facial features.

"Hala..." I whispered. Hindi ko man lang namalayan na nahulog ko pala! Tanga ko naman!

Mabuti na lang at ibinalik nitong lalaki sa akin. I also realized that he was the man looking at me earlier while I was on the swing. He has a cute short bangs on his forehead, and his hais was kind of on sides. He also has a protruding Adam's apple and jawline. Wow... My heart raced for unknown reason.

Ibinigay niya ito sa akin at nakahinga ako nang maluwag nang makuha ito mula sa kanyang kamay. Our hands brushed quickly and I felt some electricity through our skin.

I hugged my ID. "Thank you," I uttered in sincerity but he was frozen. Anong nangyari? Para siyang nagulat o ano. Nakatitig lang siya sa akin. Bahagya tuloy na uminit ang pisngi ko!

A guy, probably his friend-- placed his hand on this guy's shoulder, lowly laughing. "Pasensya ka na, Miss. Mahiyain 'to kaya natiklop ang bibig niya!" Tumawa siya at mahina rin akong natawa. Para nga naman kasing natiklop ang bibig nitong lalaking nag-abot ng ID ko!

"S-Sige. Salamat ulit." A small smile plastered on my lips.

"Anong strand kukunin mo sa senior high?" Napakunot ang aking noo, nagtataka. Bakit naman bigla-biglang 'yon ang itatanong? I somewhat answered. "Uh, ABM siguro..." I replied in a soft voice kahit hindi ko naman talaga sure kung 'yun ba talaga kukunin kong strand. Strand ng buhok, pwede pa. "Sige, mauna na po ako."

Hindi na siya nagsalita kaya nagpaalam na ako. Ewan ko ba kung anong mayroon sa lalaking 'yon basta masaya ako na 'di nawala ang ID ko at naibalik agad ito sa akin. 'Di ko talaga namalayan na nahulog ko 'to!

Bigla kong naisip na 'di ko man kang nakuha ang pangalan niya. Sayang.

Ilang araw siyang hindi mawala sa isipan ko. Nasaan na kaya siya ngayon. Bumalik ako roon kahapon sa Children's Park, nagbabakasakali na makita siyang muli. Ngunit wala kahit na anino niya.

I looked myself through the mirror. My eyes were big and doey. Small mouth, plump lips and my nose was small. I also have a long, black, wavy hair. And I have a fair skin. Sabi nga raw nila pwede na sanang maging mukhang Koreana kaya lang, hindi raw kasi ako glass skin.

We are all biologically made to be a unique individual but still, the world continuously insult us for being different. I... Just don't want to listen to them anymore. The world is just... out of its mind. Pero ang hirap iwasan ang naririnig ko.

Ewan ko ba sa mga tao. Lakas nilang mangutya. Wala na bang pagbabago?

Napabuntong-hininga na lamang at lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para magluto ng lunch naming magkakapatid. Nasa palengke pa ngayon sila Mama at Papa kaya ako na napag-iiwanan sa mga gawain sa bahay.

May nabili kasi kaming maliit na area doon. Space for gulayan. Tutulungan ko pa mamaya 'yong dalawa kong kapatid sa mga assignments nila.

After cooking, my siblings and I started to eat. Ang kapatid kong lalaki ang nanguna magdasal. Maaga na kaming kumain ngayon dahil panigurado ay mamaya-maya pa sila Mama uuwi.

Ever since I was young, I was taught to pray before sleeping, after waking up, before eating, and to surrendering our problems to Him and thanking Him for the blessings that he had given to us.

After we ate, I washed the dishes and went to my room. Maliligo muna sana ako bago turuan ang dalawa kong kapatid.

Si Eston ay nakababatang kapatid ko. Short for Primston Roswell. Actually, may kakambal siya. Si Primilyn Brielle ang kanyang kakambal.

Isang buwan na ang nakalipas. I told myself to stop going back again to that place. Wala lang din akong mapapala.

Nakaupo ulit ako sa swing. Inaantay ang pagkakataon na baka magkita kaming muli. Hanggang sa nagutom ako at bumili ng binatog.

Malapit na akong grumaduate. Last year of junior high school and then, boom, another two years for senior high. Another expenses for two years, then college. Gusto ko na lang agad makatrabaho para makatulong.

ABM ang pinili kong strand kahit hindi ko pa alam bakit. Kahit kurso na kulunin, hindi ko alam... Hindi ko alam kung anong gusto ko.

But then, I chose ABM. Naririnig ko na mahirap ito, pero mahilig naman ako sa challenges. Napakarami nang challenges ang nalampasan ko. Well, wala namang madali na strand dahil lahat may kanya-kanyang specialization...

Hindi ko na siya ulit nakita kaya tumigil na ako.

"Dito po ba 'yung room ng ABM 11-Fibonacci?" tanong ko sa isang lalaking estudyante na lumabas ng classroom.

"Do'n sa kabilang building ang ABM, eh." He pointed the building painted in yellow and green. It wasn't that far. "STEM 'tong inakyat mo," he added.

"Ah..." I nodded slowly. "Thank you..."

As senior year starts, it was difficult to adjust. I have to really have an advance reading and time management. Lalo na pag-uwi ko pa ng bahay ay may mga gawain pa akong kailangan gawin.

PE subject namin ngayon at lumabas kami ng classroom at nagtungo sa school oval, open field ng school kung saan nagt-train ang mga student athlete.

Pagkarating doon, mayroon ng mga grupo ng estudyante. "Maglalaro kayo ng volleyball. Kalaban niyo ang ibang section. Boys versus boys at girls versus boys. Mag-team ang gustong mag-team. Lahat ay kailangan mag-participate," ani ng aming PE teacher habang nakaupo kami sa damuhan.

My eyes roamed around. Hindi ganoon kainit ngayong araw. Then, someone suddenly poked my arm. I turned me head to my left to see who it was and looked over my shoulder.

Sa aking likuran, nakita ko siyang muli.

"Hi," he greeted, smiling. "Naalala mo ba 'ko?" Lumipat siya ng pwesto-- sa gilid ko, habang busy ang iba naghahanap ng ka-team.

Natuop ang bibig ko. Ghad, andito lang pala siya?! Rito lang pala kami magkikita ulit?! "H-Hi?" I wasn't sure of what to say to him. Biglaan ko lang siya nakita.

Kung mag hinahanap ka, hindi mo makita. Pero kung sinusubukan nang 'di hanapin, tsaka naman nagpapakita!

His dazzling smile widened. His tongue touched the side of his cheek. "Eleanor Zaramiel Pineda." He offered me his right hand. Ang laki naman! "Eleazar na lang for short."

"Uh..." I reluctantly shake my hands with him. There was again... some jolt when our skin touched. "Primrose Lhadeen," I introduced myself. Maybe, he probably knows my name because he saw my ID. "Uh, Lhads, ang tawag sa akin ng iba..."  nahihiyang dagdag ko.

What a small world nga naman, 'no? Heto ako, kausap ang lalaking hinanap ko. Nagkahawak na rin ang mga kamay namin. Bumitaw ako pagkatapos dahil may tumawag sa kanya.

"Eleazar! Tawag ka ni Diego! Ikaw raw middle blocker sa team mo!" Tawag siya ng isang magandang babae, na naka-high ponytail habang nakapamaywang.

Tinignan ko si Eleazar... Alam ko na ang pangalan niya. Eleazar. His name suits him very well. Bumaling siya sa 'kin. Mukhang nag-aalangan pa siyang tumayo.

"Sige na. Tawag ka na ng kaklase mo," I told him.

"Okay ka lang dito?" he asked softly.

I looked around. Nobody invited me to be their teammate. "A-Ayos lang naman..." Sanay na ako sa ganito. Hindi napapansin. Napag-iiwanan.

He stood up and dusted his jogging pants. He gave me a smile. "See you when I see you." He then, half-run towards his classmates.

Ibang section pala siya. Pero ayos lang dahil same strand kami. Magkatabi rin ang room namin. Pacioli ang section niya.

When the PE teacher gave us direction to start, nagsitayuan na ang mga players na mauunang maglalaro.

I didn't actually pay attention to the game. My eyes were looking over Eleazar. Nakikipagtawanan siya sa mga lalaki niyang kaklase at paminsan-minsa'y ginugulo ang buhok. His other hand was holding a bottled water that was still full while he was side-sitting.

May pagkakataon na nagtatama ang aming mga mata.

May binulong siya saglit sa katabi bago tumayo at tumakbo patungo sa direksyon ko. Muli siyang tumabi sa akin. "Oh, baka nauuhaw ka." He handed his bottled water.

Umiling ako. "H-Hindi na." I couldn't talk properly. Nakakakaba naman kasi lalo na at ang lapit namin sa isa't isa!

"Sige... kung ganoon. Sana huwag mong tanggihan kung sasabihin ko na gusto kitang maging kaibigan..."







≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro