06.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pag-uwi ko ay isang kagimbal-gimbal na balita ang ipinarating sa amin.

I should have hugged her tight... Hindi ko inaasahan na huli na pala naming pagkikita yon... She's gone... My mother died...

Sana.... sana.... sana nasabi ko man lang kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano ko naa-appreciate ang mga ginagawa niya sa amin. Hindi man lang ako nakabawi. Napakasama ko.

I am staring at nowhere. I felt numb... Habang patuloy ang pagbuhos ng ulan na para bang nakikisimpatya sa amin, tumayo ako mula sa upuan papunta sa harap ng kanyang kabaong. She was lying there, wearing her favorite white dress, body was cold.

Sobrang bigat ng dibdib ko pero walang luha na mailabas ang mga mata ko. All of my system shut down.

Wala na siya. Iniwan niya ako. Mga kapatid ko... Hindi man lang kami nakapagpaalam... Hindi ko rin maintindihan na bakit maraming tao ang nagsasabing 'sayang napakabait pa naman niya' pero nasaan sila ngayon? Nasaan sila noong kailangan ni Mama ng tulong?

"B-Bakit a-andiyan s-si Mama?" Hindi ko namalayan n nasa tabi ko na si Brielle. "Bakit wala na siya?" inosenteng tanong niya habang umiiyak.

Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang makita ang pag-agos ng luha niya. I sat in front of her to level our height and caressed her hair. "S-Si Mama..." My voice cracked. I couldn't bear watching my sister hurt.

Lord, bakit? Bakit naman po kinuha niyo na si Mama? Hanggang doon lang po ba ang misyon niya sa mundong ito? Gusto ko pa siya makasama nang matagal. Gusto pa naming magkakapatid na mayakap siya lagi. Mahalikan siya bago kami aalis papuntang school. Babatiin ng good morning at good night. Sasamahan magluto....

Napakarami kong nais sabihin sa kanya na hindi ko pa nasabi. I just found myself hugging Brielle tight. Si Eston ay nakatulog na sa kakaiyak. God knows how pained my siblings were. Si Papa, hindi ko nakita na umiyak siya, but somehow, I know that he was mourning too. He just doesn't like to show us.

"M-May guardian angel na tayo..." My voice broke when Brielle's sobs became louder.

"Dapat dito na lang siya! Sana hindi na lang nagloko si Papa para hindi siya umalis!" Ramdam na ramdam ko ang hinanakit ni Brielle habang sinasambit ang mga iyon.

Some part of me was blaming my father. If he didn't had another woman, my mother would still be here. She won't bother go to Taranquil City.

Balak kasi sana umuwi ni Mama sa amin at bisitahin kami kaya lang, ang bus na sinasakyan niya, sumalpok sa isang malaking truck.

"Brielle.... masamang manisi ng iba, hmm?" tanging nasabi ko. I cleared my throat. Kumalas ako ng yakap at pinunasan ang pisngi ni Brielle. Kunot na ang mukha niya dahil sa kakaiyak. Her eyes were red and puffy.

"Pero, Ate..." She sniffed. Patuloy ang pagtaas baba ng dibdib.

"Shh..." Binuhat ko na siya at nagtungo sa kusina para bigyan siya ng tubig. Pinaupo ko siya sa sink at pinanood na inumin ang tubig. "Matulog ka na muna. Pagod ka na kakaiyak." I caressed her cheek and kissed her forehead.

Simula ngayon, ako na ang tatayong ina sa mga kapatid ko. I can't let myself drown in despair knowing that I still have my siblings. They need me.

Yet, I was still so devastated. Ayaw ko nang kumain. Hindi ako dinadalaw ng motivation para bumangon sa araw-araw knowing na wala na si Mama. Hindi na siya babalik. Regrets, sorrow, misery and frustration. Ganoon ang naramdaman ko sa araw-araw. Nakakapagod umiyak. Ang sakit sa puso.

Minsan naisip ko na, kung sumunod na lang kaya ako? Pero hindi ko magawa kasi alam kong mas mahihirapan ang mga kapatid ko. Mas masasaktan sila kung pati ako mawala sa buhay nila. Kailangan kong magpakatatag.

Mama, I am happy and grateful that you are my mother. Walang makakapantay sa 'yo. Proud akong naging anak mo ako.

Binuksan ko ang pinakababang parte ng aking drawer at kinuha ang photo album. Naroon ang pictures namin noon ni Mama habang bata ako. I hugged it tight.

"Ma, h-help me please... I need you..." I whispered while crying. "I m-miss you po..." Napahagulgol ako. "Sobra..."

The next day, Cheryl went to our house and stayed with me for hours. Nagtataka raw kasi siya at hindi ako pumasok ng ilang araw. Nakapagpadala naman na ako ng excuse letter ko.

Maging si Eleazar ay pumunta rin sa amin. Halos dito na nga tumira, eh. Maliban na lang kung papauwiin ko na diya dahil baka hinahanap na sa kanila at nags-skip pa ng classes para lang pumunta sa 'kin. Ayaw ko namang mapabayaan niya ang studies niya. Papasok din naman ako pagkatapos ng ilang araw na lamay.

Noong una, ayaw ni Papa sa kanya. Lalaki raw kasi. I mean, kauna-unahang lalaki na bumisita sa bahay namin. Tapos lagi pa raw lumalapit sa akin.

Actually, if Eleazar wasn't here, mas magiging malungkot ako. Nariyan din siya para sa aking mga kapatid. Binibigyan niya sila ng mga pagkain at pinapatawa. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Kasi alam ko na may taong andiyan para sa 'kin.

"Inaantok na si Eston, Prim," Eleazar whispered to me. Nasa harapan lang ako ng kabaong ni Mama, pinagmamasdan siya.

"Dadalhin ko na siya sa kwarto," wika ko.

"Ako na. Kailangan mo na rin muna magpahinga." He gave me a small smile. Wala akong nagawa kung hindi tumango. Tinuro ko sa kanya ang kwarto ng kambal. Nauna nang natulog si Brielle. Ang batang iyon, halos araw-araw nang umiiyak. Mas hinahanap na nga minsan si Eleazar.

I was really glad that I have him. He never failed to make simple things or efforts for me and to my siblings. Pareho akong china-chat para sa updates sa school nila Cheryl at Eleazar para maka-catch up kahit papaano.

Simula nang pumanaw si Mama, hangga't maaari, binibisita ko ang puntod niya araw-araw. Mapa-anong panahon man. Miss ko siya.... Miss na miss ko na.

Bumalik na rin ako sa school. I still have to continue my life despite what happened to my family.

"Nanay Gloria..." Napaluha ako nang makita si Lola na pumasok ng gate habahg nagsasampay ako ng labahan. Ngayon na lang ulit umaraw nang ganito kaya nag-take advantage na ako. I ran towards her and hugged her. Mas matangkad ako sa kanya nang kaonti.

She hugged me tight and caressed my hair. "Sorry... sa naging kasalanan ng Papa niyo..." I heard her sniffed. "At sa nangyari sa Mama mo... Sorry din kasi hindi ako nakapunta agad dito kung kailan kailangan niyo ako," she uttered.

I shook my head quickly. "You don't have any fault, Lola. Mahirap din po bumiyahe ngayon dahil maulan po noong nakaraan." I exhaled.

Bumitaw siya at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Simula ngayon, dito na muna ako. Kailangan niyong magkapatid ng kasama sa bahay at saka lalo na busy ang Papa niyo lagi." She heaved a sigh. "Ang Gilbert na iyon." Napailing siya.

"S-Sila pa rin po ng babae niya..." I told Nanay Gloria. Nagsimula na namang magsitulo ang mga luha ko. "Hindi ko po maintindihan kung b-bakit, Nay."

She pressed her lips together creating a thin line. I noticed that her hair were all gray and her skin was wrinkled already. She was also wearing a thick glasses at naka-duster at slippers.

"Diyos ko," tanging nasabi niya. She sighed again and gulped. "Kakausapin ko ang Papa mo na tigilan na niya iyong ginagawa niya."

Napakagat ako sa labi nang mariin. "K-Kung titigil po siya, s-sana noon pa. Sana noon ba, bago mangyari ang l-lahat ng ito..."

Kahit papaano, noong dumating dito si Nanay Gloria, nabawasan ang lungkot sa mga mata nila Eston at Brielle. Para na rin naman siyang ina. Paborito rin siya ng kambal.

"Nanay, ako na po, maglaba niyan" I insisted. She was now at the back of our house, washing my sibling's clothes.

"Kakagaling mo lang ng skwela, apo." That's true. Medyo late na nga nakauwi dahil naghahabol ako ng activities namin lalo na at may mga group projects and performances pa na kailangan gawin.

I am tired too. Yes, we did a lot of activities today but I know that Nanay Gloria was more tired since she's old and has a bad back.

"Madali lang naman po ang mga iyan. Kayang-kaya ko po 'yan," I assured her.

Tumayo siya at nagpunas ng kamay. Nag-bless ako sa kanya pagkatapos no'n. She gave me a small smile. "Magmeryenda ka muna kung ganoon. Tara muna sa kusina," she said.

Nang matapos ko na lahat ng kailangan gawin ay nagtungo ako sa kwarto at in-open ang aking school bag upang ayusin ito. Pagbuklat ko ay bumungad sa akin ang isang small white rectangular envelope.

I decided to sat down on the edge of my bed to open and read it. Pag-open ko ay isang tri-fold paper ang nakuha ko roon. Ibinaba ko sa laps ko ang envelop at sinunod na buksan ang letter.

Dear Primrose,

Nabasa ko lang sa isang book itong quote sa baba, hehe. Hindi ko naman kaya mag-english ng buong paragraph, eh. Essays nga hindi ko kaya makagawa. Joke lang! Kinakaya ko para hindi mo na ako sermonan.

"They may not be in your life in the way you remember them, but their energy, and their love, and their heart, still exists in this world. They are all around you. They are always with you. We never really lose the people we lose. They are in the sunsets, and in the rain, and in the forests, and in laughter, and music that takes our breath away. We never really lose their love, their beauty, because that energy doesn’t disappear — it finds new ways to reach you."

Basta, andito ako sa 'yo. Always and in any ways and in many ways. Oh, 'di ba? Kaya ko rin pala mag-construct ng english sentence? >_<

Love,
Eleazar (your future husband. kung hindi, edi hindi ako papayag)

With that, I unconsciously smiled while a tear escaped on my eyes. I wiped them using the back of my palm immediately. Ang paper na kanyang ginamit ay yellow pad. Tapos, may designs pa sa gilid na mga cute doodle hearts.

"Hay, Eleazar...." Niyakap ko ang letter at humiga. Humugot ako ng isang buntong hininga. "Thank you so much," I whispered.

Bigla na lamang ako nakaramdam ng kung ano sa akin puso. Nagwawala ito. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

My phone suddenly vibrated. Tumayo ako at niligpit ang letter sa aking drawer sa maliit na study desk ko. I opened my phone. Text message ni Eleazar ang bumungad sa 'kin.

From: Eleazar

huwag ka masiyadong maamaze sa cute at malinis kong sulat. nag-iisa lang yan tapos nag-iisa lang din aq. kiligz.

He's right... His handwriting was indeed cute and neat. Bwisit, bakit ako biglang nakaramdam ng paru-paro sa aking tiyan?!

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro