07.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Nagpagupit ka?"

Eleazar asked while walking me home. Actually, hindi pa kami nakakalayo sa pinagbilhan namin ng school supplies kanina. Nasa gilid kami ngayon ng kalsada at nasa safe side ako banda. Sinamahan din kasi niya ako kanina sa puntod ni Mama upang bumisita.

Ngumiti ako. "Nagpa-trim lang," I responded. How could he notice a little thing about me? I mean, nasa two inches lang ang ibinawas sa aking buhok.

"Nabalitaan ko na-defend niyo iyong mock defense niyo kanina. Congrats nga pala," he uttered with utmost sincerity.

I gazed at him and smiled widely. "Thank you. Hindi naman namin magagawa iyon kung hindi kami nagtulungan at saka ang tatalino ng mga kasama ko." Buti pa sila. "Grabe, hirap pala no'n. Nakakakaba kasi baka gisahin kami. Lalo na 'yung panelist, mukhang strikta." Napangiwi ako sa naalalang kaganapan kanina.

"Paano naman kami. Gisang-gisa." He laughed. I patted his arm, and was about to say something but someone called him.

"Eleazar!" Our gazed turn to a tall and looking-good man. He was waving his hand... at Eleazar. Malamang, siya nga tinawag, eh.

"Prim, teka lang, ha." Lumapit siya roon sa lalaking chinito na matangkad. Nasa bench ng waiting shed ang lalaki at nang makalapit na si Eleazar ay nag-apir ang dalawa.

I bit the insides of my cheeks. Hindi ko mapigilng mapatingin sa lalaking iyon. I wonder what's his name. Matanong nga mamaya.

I just looked away and stomped my feet, looking at those moving cars. Later on, Eleazar poked my left arm. Nag-angat ako ng tingin. "Tara na." He smiled but I didn't answer yet. Gusto kong magtanong sa kanya patungkol sa lalaking chinito kanina. Sumulyap ako sa gawi ng lalaki kanina. Naglalakad na siya palayo. Sa kabilang direksiyon. "Or gusto mong sa park muna tayo?" I looked at him. My eyes twinkled. Yes! Maitatanong ko na rin kung sino iyong kanina!

"Sige!" I sounded like an excited child.

He raised both of his eyebrows, looking at me, confused. "Saya mo yata, ah. Gustong-gusto mo 'kong kasama, 'no?" Side of his lips rose up.

I scoffed. "Asa ka pa!" I hissed.

Nagtungo kaming dalawa roon at bumili ng pagkain. Isaw at iced tea. Tapos, si Eleazar bumili rin ng iba't ibang klase ng mani. May sweet, maanghang, at maalat. Pagkatapos ay umupo kaming dalawa sa swing, magkatabi.

"Kaibigan mo ba iyong kanina?" I curiously asked Eleazar while chewing on my food. I was waiting for his answer.

"Oo, bakit?" tanong namn niya pabalik at nilingon ako, nakakunot ang noo.

I pouted. "What kind of guy is he? Mabait ba siya?" tanong kong muli, bahagyang nahihiya. "And..." I cleared my throat. "What's his name?" I asked calmly despite the wild beating inside my chest.

He gave me a look. Parang hindi makapaniwala. "Do you like my friend?" He squinted his eyes on me.

Umiwas ako ng tingin. "Hindi, ah..." My face heated because of his question.

"Huwag na 'yon. Iyong iba na lang diyan... na nasa paligid mo, ganoon. 'Di pa 'yon naka-move on sa first love niya," he told me.

"Eh, name? Kahit iyon lang makuha ko sa 'yo," I uttered softly, then, looked away after. Ininom ko nang diretso ang iced tea na nasa plastic cup. I exhaled when I could feel the coldness on my throat.

"Leviticus. Simon Leviticus," he answered. His voice was filled with coldness. Akala ko naramdaman ko lang sa lalamunan ko pero pati pala sa kanya. Ewan ko ba rito. Biglang nagbago ng mood.

When I looked at him he was just slowly eating his food, parang walang gana. "Uy," I called him.

He sighed and stood up. "Ihahatid na kita pauwi," biglang sambit niya at naglakad papalayo, papunta sa isang trash bin at tinapon doon ang barbecue sticks at plastic cup. Napanguso ako bago isinabit ang bag muli sa likod at nagtapon na rin. Ubos ko na rin naman, eh.

Magkatabi kaming naglalakad, tahimik lang siya at nakapamulsa, ang tingin ay nasa dinaraanan. I heaved a sigh. Kabuwanan niya ata dahil moody. Mahina akong natawa sa naisip. Lalaki nga pala siya. Hindi siya magkakaroon ng monthly period.

"Dito na lang," I told him. Malapit na kami sa bahay at isang liko na lang, papunta na iyon sa amin. Ayaw kong makita na naman kami ng iba dahil baka kung anu-anong isipin nila dahil lang sa magkasama ang babae at lalaki. Our neighbors would look at us with malice. Nakakasawa nang ganoon.

"Ihahatid kita hanggang sa gate niyo," he said, still with his cold voice which is unusual for him.

"Huwag na kung ganyan ka rin naman." It sounded mad. No. I didn't mean that kind of tone.

His forehead creased. "Anong 'ganyan' naman ako?" He licked his lower lip and chuckled. "Sige. Papasabi ko na lang kay Levi na siya na ang gusto mong kasama."

My lips parted because of his remarks. He sounded unlikely him. What's his problem? "Ano namang kinalaman ng kaibigan mo, Eleazar?" Hindi ko mapigilang mairita.

He exhaled sharply and ruffled his hair. "See you tomorrow," he said shortly and make his way home. Lumaylay ang aking balikat sa inasta niya. I scoffed. Hindi na siya lumingon pabalik. Gusto ko pa sana siyang habulin pero baka ayaw niya rin lang sa presensiya ko.

"Bahala na nga," I whispered and turned around to go home.

As usual, si Nanay Gloria at mga kapatid ko ay narito na. Nakapagluto na rin pala si Nanay ng dinner namin. Normally, ako ang gumagawa dahil pinipilit ko na magpahinga siya. It's not like she's still young to do every household chores. She needed rest especially with her bad back, ayaw ko iyong lumala.

Nang matapos na ang mga kailangan gawin ay nagtungo na ako sa kwarto at inayos ang higaan. Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong hininga bago dumapa sa kama. The side of my cheek was pressing on my new bed sheets. I closed my eyes.

My phone suddenly beeped. Dahan-dahan akong tumayo dahil halos makatulog na nang ganoon ang pwesto kanina. Nag-chat si Cheryl sa akin.

Winison Cheryl Muriel:

Lhads! Congrats for your defending your research! I have some kwento bukas! OMG!

I mentally smiled and replied to her before dozzing off to sleep.

Simula nang mag-second semester ay nakaka-drain ang mga naging araw ko. Mabuti na lang at nakiki-coopearte ang naging kagrupo ko sa Practical Research I at napagtagumpayan namin ang mga tanong na binato ng panelist.

Our sleepless nights paid off. We really put much efforts on that paper. Nag-aya pa ang mga group mates ko na sabay-sabay kaming mag-lunch pero nahihiya akong sumama. Kahit na mukhang wala naman silang masamang intention sa 'kin at kakain lang naman kami, pakiramdam ko, wala pa rin ako sa lugar. It's not that I don't feel comfortable with them... It's because I don't feel my real self whenever I'm with them. Halos kasi sila, magagaling, ako, parang napag-iwanan.

As the next day passed, Cheryl talked about Kuya Conrad, chatting with her through messenger. He was kind of flirting to her, as what Cherly told me. Ang babaeng 'to, kilig sagad ang reaksiyon.

Hindi ko alam kung bakit biglang lumapit sa akin si Eleazar no'ng mag-recess sa canteen. Umupo siya sa tabi ko sa pinakasulok na table at nilapag ang tray niya. Si Cheryl at Kuya Conrad ay magksama ngayon. Ayos lang naman sa 'kin dahil kita ko naman na sobrang ligaya ni Cheryl, eh.

"Sorry, Prim." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko dahil hindi ko siya pinansin. Pinagdikit niya ang palad nang nakaharap na ako sa kanya. "Prim..."

I flicked my finger on his forehead. "Hindi mo bagay. Shunga," tanging nasabi ko at muling binalik ang paningin sa kinakaing bananacue.

"Kasi si Levi hanap mo, eh, ako naman kasama mo," he whispered. He then, started eating his food.

"Hindi ko siya hinahanap," I explained. "Tinanong ko lang naman pangalan niya, ah."

"Bakit? Crush mo?" he asked.

I tsked. "Kapag nagtanong lang ng name, crush na agad?" hindi makapaniwalang tanong ko.

He heaved a sigh. "Ibig sabihin kasi..." My eyes landed on him. His Adam's apple moved. "Interested ka," he reasoned out. My mouth crept a small smile. "Oh, tignan mo." He pointed me. "Ngiti-ngiti ka, oh!"

"Kumain ka na nga," wika ko na lang at umiwas na ng tingin. He poked my cheek.

"Edi wow." I heard him whispered.

"Edi wow rin sa 'yo." Nagpunas ako ng bibig gamit ang kinuha kong tissue at tumayo para ibalik ang tray bago kumuha ng tubig sa malapit na water dispenser at lumabas na. Someone suddenly held my right arm gently when I was about to take my step on the staircase to go back to our room. "Ano?" I asked, annoyed. Piningot niya ang ilong ko. "Eleazar naman!" Mahina ko siyang sinuntok sa dibdib at inirapan bago tumakbo paakyat.

"Uy, Prim!" Eleazar called me but I didn't bother to look at him. Hindi ko siya maintindihan!

Hanggang sa mag-lunch at uwian ay hindi ko siya pinansin. Ang gulo niya! Ano naman kung tinanong ko ang pangalan ng kaibigan niya? Crush ko raw?! Gosh, wala sa bokabularyo ko 'yon. Aral muna. Siguro, nagwapuhan lang ako kahapon pero na-realize ko na hindi rin naman ako mapapansin no'n.

"Had a fight with your Eleazar?" Cheryl was sounded teasing more than worried.

"'Your'?!" I exclaimed. Her hand was clinging on my arm. We're on our way to our school's gate, pauwi na.

She laughed. "I don't understand you two," she uttered which made me look at her with my brows, frowned.

"Huh?" Nakalabas na kami ng gate at tumigil sa gilid ng daanan.

She eyed someone that made her smirk. "Ayan na si Eleazar. You better bati na or else, aasarin ko kayong dalawa." She suddenly waved her hand at me and walked away.

Balak ko pa sana siyang tawagin nang hindi ko namalayan nasa harapan ko na si Eleazar. He was carrying a guitar hard case.

"Pakinggan mo 'kong kumanta," he said. It was more like a command.

I crossed my arms and raised my eyebrows. "Baka 'yan pa ang ikasira ng tainga ko," masungit kong sambit sa kanya.

He chuckled. "Prim, naman. Funny ka na ngayon, huh?" He ruffled my hair.

"Hindi ako nagbibiro kasi totoo naman," sabi ko kahit na hindi ko pa siya actually naririnig na kumanta.

"Makinig ka lang. Tara sa fishing village." A warm smile crept on his lips.

His statement made smile. "Saan iyon? Mayroong ganoon dito?" I asked with fascination. Nawala ang masungit na aura ko kanina.

Hindi ko alam bakit biglang naging okay kami. Siguro, pareho lang kaming baliw. Bigla-biglang nagsusungit. Well, kami rin lang nakakaintindi sa ugali ng isa't isa.

"Marunong ka palang tumugtog ng gitara?" nakangiting tanong ko nang umupo kami sa edge ng wooden bridge. We went here and rode a tricycle. He paid for our fair although I told him that I can pay for my own but he insisted.

Inalalayan niya pa ako nang sumampa kami roon kanina. Biglang naging gentleman, eh, ano? Ibinaba namin ang paa namin sa bridge dahil hindi naman mababasa ang mga iyon dahil 'di gaanong mataas ang tubig.

"Tinuruan lang ako ng pinsan ko," tugon naman niya kaya tumango na lang ako. Inilabas niya ang gitara mula sa case na nasa gilid niya.

He started playing the strings. "Panalangin ko sa habang buhay... Makapiling ka..." Nagkatinginan kami, ngumiti siya. "Makasama ka... 'Yan ang panalangin ko..."

Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Dumapo na lang ang mata ko sa aking paanan at ini-sway iyon.

Pagkatapos no'n ay may isa pa siyang kinanta. "Every little smile, that special smile... The twinkle in your eye in a little while.... Give it a time... just a little more time so we can get closer... You and I..."

Para akong nasa alapaap habang pinapakinggan ko siyang kumanta. He has such a manly yet soothing voice. It was so good in my ears... Ang ganda ng moment na ito.

Ibinaba na niya ang gitara sa laps. "Kamusta? Ayos lang ba? Pwede na pang-singing contest?" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin.

With that, I chuckled. "Ayos naman," tipid na sagot ko.

"Iyon lang? 'Ayos naman'?" Napalingon ako sa kanya at tumango.

I gave him a small pout. "Maganda, Eleazar. Napakaganda ng boses mo... Hindi katulad ng akin... Pati ng itsura ko. Kung ikukumpara sa ibang mga babae, walang-wala ako." I sighed.

He suddenly reached for my hand and squeezed it. "You are beautiful because God crafted you with a beautiful mind and a loving heart," he uttered softly, eyes were on me.

I bit the insides of my cheeks, couldn't say any words.

"Paano kung sabihin ko sa 'yo na nahuhulog na ako?" he immediately asked with his soft voice.

I gave him a disgusting look even though my insides were already bursting. My heart is beating rapidly. "Ihulog kita para kasama mong lumangoy mga isda," pagbibiro ko at minata ang mga isda sa baba namin.

"Sabi nila 'sharing is caring'," he suddenly uttered.

My forehead creased. "Ano?" Natawa ako dahil sa nga sinasabi niya at upang hindi nito mapansin na halos mabaliw na ako rito.

"Do you mind if I share my feelings to you?"

Those words echoed in my mind. My stomach suddenly felt something inside... like there's flying.... like it's tickling me. And my heart, I couldn't describe it with any words.




≿━━━━༺❀༻━━━━≾



Song used above:  Closer you and I by Gino Padilla & Panalangin by APO Hiking Society.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro