10.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

From: Eleazar

good morning

kumain na ba ako?

oo kumain na ako

di joke lang di naman yon funny e

gising ka na

Nagising ako sa sunod na pagtunog ng phone ko na nakapatong sa desk ko. Pagbangon ko ay bumungad sa 'kin ang mga mensahe ni Eleazar. A ghost smile crept on my lips.

I typed a reply.

To: Eleazar

Good morning Eleazar. Aga mo namang nag-text. 7 AM pa lang. Sabado naman ah.

He immediately replied. Bilis naman.

From: Eleazar

ganon talaga pag gwapo

maaga nagigising 😎

Napalabi ako. Totoo namang gwapo siya. Kaya hindi malabong ang dami babae ang lumalapit sa amin at halos patayin na nila ako gamit ang mga mata nila. Grabe makatitig, eh.

To: Eleazar

Talaga ba? Saan banda?

Wala akong maisip na reply kaya naisipan ko na lang siyang asarin.

He didn't text back that's why I decided to take my towel and went out my room, planning to wash my face. To my horror, Eleazar was on the kitchen, talkimg softly with Nanay Gloria. He was helping her cooking.

Maingat akong umatras at papasok sana muli ng kwarto ngunit nahuli ako ni Nanay Gloria. "Oh, gising ka na pala. Nakipaglaro sila Eston at Brielle sa kapitbahay," Nanay Gloria uttered. "Narito ang kaibigan mo." She chuckled.

My eyes drifted at Eleazar. Our eyes met. He smiled. Gosh, bakit kahit simpleng white shirt at shorts, ang gwapo niya? I cursed myself mentally. Hindi na yata ako ito. "Anong gingawa mo rito?" I asked instead and went to the sink.

Na-conscious naman ako bigla! Lalo na nang lumapit siya at sumandal sa sink, nakatingin sa akin habang naghihilamos. Ano naman kayang hitsura ko kanina?! Hindi ako ready, eh!

"'Good morning, Eleazar!', wala bang ganoon, Prim? Talagang mukhang pinapaalis mo na ako." From my peripheral vision, he was shaking his head.

"Nabigla lang ako," I responded. Then, he went to Nanay to assist her. Nilalagay ang na-slice na patatas at carrots. Dahil sa amoy, masasabi kong adobo ang niluluto nila. I was done washing my face and turned off the faucet before wiping my face with dry towel.

"Na-bored lang ako sa amin. Gusto lang kita makita. Na-miss kita, eh." Napaka-straight to the point naman nito!

Nanay Gloria laughed, sounds like she was teasing us. Me. "Lhads, itong binatang 'to, tinulungan pa akong magdilig ng mga halaman," she happily said.

"Papalitan mo na ba ko bilang apo, huh?" I asked, chuckling. Kung titignan sila, para na silang mag-lola.

"Hindi, ah. Wala akong balak maging apo ni Nanay Gloria. Balak kong asawahin ang apo niya," he replied. Because of that, Nanay jokingly hit his arm. "Nay, joke lang po." I saw him pout.

Napangiti ako bago muling pumasok ng kwarto at sinampay ang towel bago nagbihis. Naglagay rin ako ng face powder. Napakagulo pa pala ng aking buhok! Nakakahiya naman! Nakita niya akong nasa state of kakagising lang.

Sabay kaming kumain kasama sila Eston at Brielle dahil tinawag ko na sila kanina sa kapitbahay upang kumain. They were both happy with Eleazar as our company. Para silang nagkaroon bigla ng Kuya.

"Kuya, gusto mo po ba si Ate Lhads?" Brielle innocently asked which almost made me choke. Napainom agad ako ng tubig. I glanced at Eleazar. His ears were slightly red.

"Brielle," sita ko.

"Mas gusto kong kapatid si Kuya Eleazar kaysa maging asawa siya ni Ate," sambit naman ni Eston. Ano bang pinagsasabi ng mga kapatid ko?! Kailan pa nila natutunan iyang mga ganyan?!

"Eston, Brielle, mamaya niyo na asarin si Ate at Kuya Eleazar niyo. Bata pa kayo, ha, para pag-usapan ang mga ganyang bagay," pangaral ni Nanay Gloria.

I saw Eleazar crept a small smile on his lips that made me smile too. How weird. Nakakahawa ang mga ngiti niya.

Sinamahan niya pa akong mamalengke. Kahit na ayaw ko, sinabihan ako ni Nanay na mas mabuti na rin daw na may kasama ako para hindi ako mahirapan. Dati nga, kaya ko namang mag-isa.

First time na hindi nagsasalita si Eleazar. Siniko ko siya habang naglalakad kami papunta sa meat section. Siya ang may dala ng cellophane ng mga gulay na pinamili namin.

"Tahimik mo naman. Hindi mo bagay," I commented.

Eleazar chuckled. "Naiisip ko lang 'yong tanong ni Brielle kanina," he answered . My brows frowned. Was it about if he liked me? Agad bumilis ang tibok ng aking puso.

"Anong sagot mo roon?" Lumabas nang kusa ang mga katagang iyon sa aking bibig. "Tara na," agap ko.

He halted me by holding my left elbow. I raised my brows. "Oo." Nagtaka ako sa kanyang sinabi.

"What are you saying, Eleazar? Halika na nga." Hihilain ko na sana siya ngunit ngumiti lang siya.

"You'll know someday. Just..." He ruffled my hair. "Not today." He smiled.

Pag-uwi sa amin ay nag-stay pa siya roon hanggang lunch time. Naglaro din kami ng chess at naglaban din sila ni Nanay Gloria. Habang pinapanood sila, hindi ko mapigilang mapangiti.

Iyong tipong parang matagal na silang magkasama at komportable na sa isa't isa. Isa iyon sa hinahangaan ko kay Eleazar. Mabilis siyang makisama at pinaparamdam niya sa mga tao sa kanyang paligid kung paano maging komportable kapag nariyan siya.

Eleazar and I, together with mys siblings, made a bracelet made of beads. I also made for Nanay Gloria and Papa, and also, for Cheryl.

Bago siya umuwi, habang naglalakad kami palabas ng gate para ihatid siya sa labasan ay may inabot siya sa aking naka-fold na paper at agad ko iyong tinanggap.

"Mamaya mo na basahin, Prim, ah. Baka kiligin ka kasi sa harap ko," he said, chuckling.

I hit his arm jokingly. "Nag-enjoy ako kasama ka rito," I admitted while looking at the letter ha had given to me. How weird. Ilang oras lang kaming nagkasama pero pakiramdam ko kakaibang ligaya ang naranasan ko ngayon.

It was such a great day.

"Teka, ako ata kinilig." He touched the part of his arm that I hit. He licked his lower lip and our eyes met. He smiled widely. "Sige na. Uuwi na ako. Sa susunod ulit."

I didn't know what's gotten unto me. In a few seconds, I pulled him for a hug. Alam kong mahihiya ako sa ginawa ko pero alam kong gusto ko iyon. Mukhang nagulat si Eleazar dahil hindi siya gumanti ng yakap.

"Thank you for always making us happy, Eleazar." I pressed my left ear on his chest and heaved a sigh before I pulled myself away. Yumuko ako. "Sige na." Baka hindi na kita pakawalan niyan.

He ruffled my hair. "Ikaw, chancing ka na sa 'kin, huh?" Nag-angat ako ng tingin at inirapan siya nang pabiro. "Bye, Prim. I had fun today with your family." Nagpamulsa siya. "Sana next time, kasama na father-in-law ko." He chuckled. "I mean si Tito."

Tumango ako. "Layas na." Itinuro ko sa kanya ang labas ng aming bahay.

His lips parted. "Grabe ka talaga." He shook his head. "Alis na ako!" He waved his hand before going out.

"Ingat!" Itinaas ko ang aking kamay at kinawayan din siya habang nakangiti.

As soon as I didn't see his face, I sighed heavily. I missed him already and I knew that this is bad.

Nang mag-Monday after ng first subject ay nakiusap sa akin si Cheryl na iabot kay Kuya Conrad ang Toblerone dahil nahihiya raw siya.

"Nagcha-chat-an kayo pero nahihiya ka pa sa kanya?" Ngumisi ako. "Ikaw ang magbigay niyan sa kanya at makapag-usap kayo ng personal, Cheryl," I said, smiling.

She gave me a small pout and cling unto my arm. "I'm really shy. Ini-imagine ko pa lang, I think my face will become red na!" she hissed.

"Then, try to be calm," I suggested. I was not an expert on this kind of thing.

She rested her head on my shoulder. "How?" she asked like a kid.

With that, I could not respond. Ano nga ba gagawin para maibigay mo sa crush mo ang gusto mong ibigay nang hindi nahihiya?

Sa tingin ko naman, normal lang mahiya dahil crush mo iyon. My face heated when I remembered what happend last Sunday. When I hugged Eleazar, I felt some jolt that shivers through my body.

"Just..." I gulped. "Just give him that and talk to him normally?" patanong kong sagot. Umayos siya nang upo at napalingon sa 'kin.

She, then, chuckled with my remarks. "You're so cute talaga." She reached for my cheeks and squeezed them. "I'll just give him the chocolate and then..." She tilted her head, thinking. "Aayain ko mag-lunch." Napatili siya.

Kumunot ang noo ko. "Ikaw mag-aaya?" gulat kong tanong. "Ang bilis, huh," I commented.

She smiled shyly. "I don't know what to do, eh." She shrugged.

"Take things slowly," I uttered. "Pero na sa 'yo naman kung ano gusto mong gawin. Andito lang ako susuportahan ka." I smiled.

"Hay, I'm excited na and nervous!" she beamed which made me smile too.


≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro