13.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

In the end, ABM won from STEM. That was a nice game! I enjoyed cheering for my friend.

Iyong laro lang talaga ni Eleazar ang inabangan ko, eh. Nagpasama lang din si Cheryl noong hapon para sa game ng crush niyang si Kuya Conrad at nag-cheer kami para sa kanya.

Ang cute pa nga no'ng gawa ni Cheryl na banner para kay Kuya Conrad. Luckily, I didn't see those girls earlier again. Cheryl was mad at them. She said that I wasn't do anything bad about cheering for Eleazar yet people still want to make an issue about it.

Girlfriend agad? Hindi ba puwedeng nagpapakita lang ako ng support? Hay, mga tao talaga. Ma-issue sa konting bagay.

When the Intramurals ended, may mga nauwing iba't ibang trophies ang kada strand. Nag-enjoy ako, sa totoo lang. Pero siguro kung wala akong kaibigan... kung wala sila Cheryl at Eleazar, papasok lang ako for attendance.

Being with them made me feel less alone. Hindi ko naiisip ang mga problema sa buhay. Nawawala ang pag-o-overthink ko sa future ko. Actually, hindi ko pa rin alam kung anong kukunin kong kurso. Pabago-bago ang takbo ng isip ko. My future is uncertain as well as my mind.

Nakakatakot kasi na sa bilis ng araw, hindi mo mamalayan, malapit ka na mag-college. Nakakatakot na mali pala 'yung desisyong ginawa ko. Na hindi pala talaga masaya ang puso ko sa kursong kukunin ko. Hay, ilang years na akong nag-aaral pero hanggang ngayon hindi pa rin ako decided sa gusto kong gawin sa buhay.

That made me feel stupid. My other classmates already have their plans what program to choose when they will be in college.

"Ate, anong gusto mong maging trabaho?" I was washing my dirty clothes at the back of our house, then, Eston, appeared.

Habang nagkukusot ng blouse ay napahinto ako at tinignan siya. He was now sitting beside me, on a small wooden stool. "Hmm," I uttered while thinking. "Mahirap sagutin 'yan. Hindi ako decided." I shrugged and continued to rub my clothes.

"Kapag alam mo na po, Ate, sabihin mo agad sa akin, ha! Kasi kung anong gusto mo po 'yon na rin ang akin," he beamed.

I chuckled upon his remarks. "Huh? Hindi ba, sinabi ko naman na kung anong gusto niyo, iyon ang piliin niyo. Hindi 'yung dahil nakikita niyo sa akin," I told him.

He hummed. "Idol po kasi kita, Ate. Ikaw ang pinaka-astig na Ate!" Natawa ako at tinignan siya.

"Talaga? Astig ako?" He nodded as a reply. I narrowed my eyes at him. "May kailangan ka bang pabili?" I asked.

His mouth formed a small pout. "Wala naman po." I saw him playing his hand. "Miss ko lang si Mama. Hindi na po kasi natin siya napag-uusapan... Parang nabura na po siya sa alaala natin." I could sense his tone, indicating that he was sad.

Nagpunas ako ng kamay sa likod ng aking damit at bumaling kay Eston. I cupped his face. "Sorry, Eston." I lowered my head and hugged him.

"Wala ka naman pong dapat na ipag-sorry. Nagtataka lang po ako bakit..." he said, it was almost a whisper. "Pakiramdam ko bawal na po siyang i-bring up. Naiisip ko rin po minsan kung nami-miss din ba siya ni Papa?"

Kumalas ako at inayos ang kanyang buhok. "Hindi off-limits ang pagbanggit kay Mama, hmm?" I caressed his head. "Hindi iyon bawal dahil bakit naman? Mama natin siya. Hindi kailanman ipinagbabawal ang pag-uusap tungkol kay Mama lalo na kung miss mo siya." I heaved a sigh.

"Si Papa..." I trailed off and gulped when Eston looked at me with his innocent eyes. "Hindi kasi siya showy. Alam kong miss niya rin si Mama katulad natin pero 'di niya lang sinasabi." I saw him nodded a bit. Siguro, nahihiya pa rin si Papa pag-usapan si Mama kasi may bagahe pa rin siyang dala sa isip at puso niya sa nangyari sa kanya. "Eston, I've read a book at ang sabi nito ay 'When people leave, they don't really leave. Their memories stay. Their smiles, their laughter, their love.' Kaya lahat ng memories mo with Mama let them stay for keeps, okay?"

He eventually went back inside the house. Ang sabi niya ay maglalaro daw sila ni Brielle ng chess.

While I was hanging my clothes, Eleazar was in front of our house which made me flabbergasted. Nagtatakbo agad ako sa loob at narinig ko pa ang sigaw nito, tinawag ang pangalan ko. Agad akong nagpalit ng suot pang-itaas sa kwarto ko dahil basa ito at nakasando lang ako.

Hindi ako confident na harapin siyang nakaganoon ako! Nagmamadali rin akong nag-ayos ng buhok at naglagay ng face powder bago muling lumabas. Lhads, parang hindi na ikaw 'to!

Kaya lang paglabas ko naman ay ang mga kapatid ko na ang nagpapasok sa kanya. Narito na siya ngayon sa terrace namin at may dalang paper bag sa kabilang kamay. I also noticed that he was holding a large size of notebook, I guess, and a textbook, on his other hand.

He handed the paper bag with different breads inside to my siblings. "Thank you, Kuya Eleazar!" Brielle beamed as she accepted it. Nag-apir pa sila. Eleazar turned to Eston and ruffled his hair. Yumuko rin siya para i-pat sa ulo ang aso. Wala pa kaming naisip na pangalan para sa kanya.

He stood up and straightened his back. "Para ka namang nakakita ng kriminal kanina," he commented when our eyes met.

I just rolled my eyes in annoyance. Hindi ko na nakilala ang sarili ko kanina sa inakto ko! "Bakit ka narito? Hindi ka ba busy?" I asked. Naglakad ako palayo sa kanya ngunit ramdam kong sumunod siya sa akin. Bumalik na ako sa initan at muling pinagpatuloy ang pagsasampay.

"Wala naman akong ginagawa kaya... Magpapaturo sana..." My face heated when I realized that I am now hanging my underwears while he was here beside me.

"Sige. Mamaya," I replied shortly.

Naramdaman niya siguro na nahihiya ako ngayon kaya sinabi niyang makikipagkulitan muna siya sa mga kapatid ko. He also offered to cook for our lunch but I declined. Wala na kasi kaming uulamin at inaantay ko pa si Nanay bago magluto.

Sakto naman ay nakauwi na rin si Nanay Gloria galing sa palengke. Nasabi niya na natagalan siya dahil nawili raw siya sa kakuwentuhan niya.

Natuwa pa nga siya nang makita si Eleazar na narito sa amin. Nang matapos ako sa ginagawa ay pumasok muna ako para tulungan si Nanay pero tumanggi siya at sinabing ayos lang daw. Kaya, tumabi ako kay Eleazar na nakaupo sa plastic na upuan sa tabi nila Eston at Brielle na naglalaro ng chess sa mesa sa terrace habang kumakain ng tinapay na bigay ni Eleazar.

Mabuti na lang at presko ngayon dito sa terrace. "Hindi ka pa nagmemeryenda," Eleazar stated. "Nakigulo pa ako." He chuckled.

I tsked. "Hindi ka naman others, eh." I cleared my throat. Bumaling ako sa kanya. "Ano ba iyong papaturo mo?" malumanay kong tanong.

"FABM1." God, no way! Mahina rin ako riyan! "Kain ka muna meryenda, oh." He swiftly pushed the hopia in a cellophane to my direction. "Hopia para may pag-asa," he joked.

"Corny!" Narinig ni Brielle ang sinabi ni Eleazar kaya inasar niya ito. I laughed when my younger sister said that.

"Luh, tinuturuan mo bang awayin ako ng kapatid mo?" Eleazar asked me in shock.

"Hindi ako masamang Ate, 'no!" pagmamalaki ko. "Totoo naman kasing corny ka!" wika ko. Bigla na lang akong sinubuan sa bibig ni Eleazar ng hopia!

"Cute niyong dalawa, Ate. Kuhanan ko kayo picture!" Tumayo si Brielle at pumasok sa loob ng bahay.

Nakatingin naman sa amin si Eston, nakangiti. "Pwede ka na po ba rito tumira?" Muntik ko nang mailuwa ang kinakain ko mabuti at hindi.

"Eston, hinay-hinay naman." Eleazar looked proud on what my younger brother asked him. "Baka 'di approve si Tito, eh. Tsaka na kapag may maiaambag na ako." I hit his arm.

Bumalik na si Brielle dala ang old camera namin. "Gumagana pa ba 'yan?" I asked her.

She nodded and sat in stood in front of us. "Na-try ko 'to kahapon, Ate. Nag-picture kami ni Nanay." May pinindot siya roon bago itinapat iyon sa kanyang mata. "Okay po, ready. Pose kayo, Ate, Kuya!" Malawak akong ngumiti at nilagyan si Eleazar ng sungay sa likod ng kanyang ulo. Then, Brielle clicked the shutter button.

We took a lot of photos until Nanay Gloria called us for lunch. We helped to prepare the table. We laughed and talked while eating. It was a happy moment together. Sana sa susunod, kasama naman si Papa.

"Hindi ko rin talaga masiyadong gets 'tong topic natin, Eleazar," I confessed as we finished eating and washing the dishes.

We were in the living room, sitting on the ground, crossed-legged, and our backs were resting against our wooden chair.

He nodded. "Mahirap talagang i-gets." I heaved a sigh. "Gusto mo tawagin natin si Cheryl? Baka alam niya," he suggested.

I shook my head. "Nag-out of town sila ngayon." Naalala ko lang na sinabi ni Cheryl sa akin iyon kahapon.

"Try natin manood ng tutorial sa Youtube," he suggested again.

Oo nga 'no! "Mahina signal dito sa loob." I stood up and handed my right hand to him. "Tara sa terrace." He smiled and held my hand and we went out together at the terrace.

Nanood kami roon ng tutorials at talagang sakit sa ulo 'tong FABM 1 na subject. Inabot na kami ng hapon. We both yawned which made us burst into laughter.

"Lagot ako nito sa exam," Eleazar stated.

"Same vibes," wika ko bago nagpakawala ng isang malakas na buntong-hininga.

The sun has come down, leaving a yellow-orange-purple-blue hue. The air was getting cold and I could hear the sounds of the crickets. Nag-akas na rin ako ng mga nilaba ko kanina. Mamaya ko na muna tutupiin kapag umalis na si Eleazar.

"May sasabihin ako," we uttered in unison.

Sabay rin kaming napatawa. "Mauna ka," aniya.

I shook my head, smiling. "Ikaw mauna, Eleazar," I told him while I was playing with the bracelet that he made for me. Nakasulat doon ang aking pangalan at puro heart ang beads na ginamit.

He also shook his head, smiling too. "Mauna ka magsabi." He licked his lower lip and stared at me in the eye.

I took a deep breath before saying, "I want this friendship for keeps." Tila natigilan siya sa aking sinabi. My brows knitted. "Bakit? Ayaw mo ba?" taka kong tanong.

Natauhan siya bigla at mahinang tumawa bago umiling. "Okay, then. Let's make this friendship for keeps." He sighed and chuckled after a little while.

"Ano naman pala iyong sasabihin mo?" I asked.

His lips parted. "Akin na lang muna iyon," he replied.

Napairap ako. "Daya!" I punched his arm. Kinabukasan, pumunta kaming dalawa sa Tronix para ipa-develop 'yung mga pictures na nasa camera na kinuha ni Brielle kahapon.

"These memories are for keeps," Eleazar uttered while looking at those pictures on his hands. "And also you..." My heart pounded so loud as he said those.



≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro