14.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

May pa-surprise recitation pa kami ngayon at halos magdugo na ang labi ko kakakagat dahil sa kaba! It was about our topic in Fundamentals of Accountancy, Business, and Management 1.

At nang hindi ko nasagot ang tanong ay halos maiyak ako dahil graded iyon. Malaking points ang recitation. Iniwan akong nakatayo kasama ang mga ibang hindi rin nakasagot.

They all look at me in dismayed. Pakiramdam ko ang bobo ko. My heart sank. Sinubukan ko talaga siyang aralin pero hindi ko makuha.

Cheryl reached for my hand and squeezed it. I turned to her. She mouthed, "It's okay." I really hope that it was going to be okay. Paano na lang sa mga next lessons? Paano na lang kapah grade 12 na ako?!

Panic rushed through my veins. Pakiramdam ko end of the world na. I inhaled deeply. Our prof eventually let me sit after giving me a second chance with an easier question.

Alam kong simple at average student lang naman ako pero natakot ako bigla nang maisip paano kung babagsak ako? Paano kung bumaba iyong mga grades ko?

Aside from studying, I know how to do household chores and take care of my siblings. I don't know any sports and I am not talented in singing or any any arts. Kaya kinakailangan kong pagbutihin.

Hindi na ako makaantay na makapagtapos at matulungan si Papa sa pagtatrabaho. Lalo na at nangako ako kay Mama noon na hindi ko papabayaan ang pag-aaral.

During recess time, Cheryl helped me with the subject earlier. Nahihiya akong magtanong nang paulit-ulit dahil baka magalit siya pero hindi. Siya pa itong nag-udyok sa akin na magtanong lang kung hindi ko na-gets.

"Salamat sa pagtitiyaga, Cheryl." I chuckled softly. Narito kami sa favorite spot namin.

She smiled. "Andito lang naman ako if you need help, eh. Feel free to ask anytime. Available ako basta it's for you!" she said happily.

"Grabe talaga kaba ko kanina," wika ko. "Akala ko katapusan ko na." I shook my head as the flashback of moments from earlier appeared in my mind.

But I got distracted. My eyes drifted to Eleazar. I was about to wave my hand at him but then, I realized he was walking with a girl. Napayuko ako nang makitang papunta sila rito sa aming direksiyon.

"There's always a chance to improve. See, nakukuha mo na tinuturo ko." Mukhang hindi napansin ni Cheryl iyong kanina.

"Prim! Cheryl!" From that voice, I knew it was him.

"Oh, hey, Eleazar!" Cheryl waved her hand happily at him. "Oh, who is she?" I heard her whisper. Hindi ako lumingon sa kanila at nanatili akong nakayuko at nagpapanggap na nagbabasa ng notes. Cheryl cleared her throat. "I'll just go muna sa restroom."

"Samahan na kita." Tatayo na sana ako pero nakita kong umiling siya.

"No need na. I'll be back, okay?" Tinanguan ko siya habang nakangiti.

Naramdaman kong umupo si Eleazar sa kabilang tabi ko. I knew his manly scent. He poked my cheek. I looked at him, raising my brows. "Kamusta? Nagpa-surprise recit daw si Sir Ben?" Napalunok ako nang mapagtanto kung gaano kalapit ang aming mga mukha.

Umiwas ako ng tingin. "Okay lang naman. Noong una, 'di ko nasagot pero binigyan ako ng second chance. Mas madali iyong tinanong sa akin," tugon ko. Napalingon ako at nakitang wala na iyong babaeng kasama niya kanina. "Nasaan na 'yung kasama mo kanina?" I asked him while roaming my eyes around. Nilapag ko muna ang mga notes na inaaral ko sa laps ko.

"Ah, bigla lang siyang kinausap ni Cheryl tapos sinabi niya na mag-CR daw sila." Mabilis akong napabaling sa kanya, nagtataka. Magkakilala ba sila ng babae kanina ni Cheryl?!

"Bakit?" He laughed. "Mukhang nagulat nga rin si Bianca kanina." Muli siyang natawa at ginulo-gulo ang buhok.

My lips parted. Sinadya ba ni Cheryl na iwan kami ni Eleazar dito na kami lang? I mentally chuckled with her actions. But I suddenly felt a pang in my chest as I remembered the girl's name. Bianca. Bakit sila magkasama? Siya ba iyong crush ni Eleazar?

"Sino pala si Bianca?" I innocently asked.

He turned to me and smile. "Classmate ko. Iyon 'yung brainy sa section namin. Galing nga niya." Napatango ako. I clearly saw how the girl's face screams feminine grace although she was far from me earlier.

"Crush mo?" Hindi ko alam kung anong katangahan ang nakain ko dahil nasambit ko ang mga iyon. Wala na. Wala nang bawian. He suddenly pinched my both cheeks, laughing. Inis kong hinawi ang mga kamag niya. "Papansin ka!" I touched my cheeks. "Masakit, ha!" I hit his arm which made him groan in pain. "So, crush mo nga siya?" Bumalik ako sa topic kanina habang hawak pa rin ang pisngi.

"Hindi!" he answered, still laughing.

"Bakit parang kinikilig ka no'ng binanggit mo pangalan niya?!" Gosh, Lhads, hindi na talaga kita kilala?! Ano ba 'tong inaasta ko?!

Tumayo siya at tumapat sa akin. He placed his right hand on the top of my head. "Hindi siya ang crush ko, okay? Sasabihin ko rin naman sa 'yo kung sini iyon pero hindi pa ako ready." He said those in a serious manner.

Nakanguso akong tumango. Naku-curious pa rin talaga ako! Nakita ko siyang may kinuha mula sa kanyang bulsa gamit ang isang kamay. "Tignan mo, nilagay ko picture natin sa likod ng case ng phone ko." He handed me his phone and I grab it from him. Inalis na niya ang isang kamay na nakapatong sa ulo ko kanina.

"Ang saya natin," I commented. Our picture that Brielle took was placed on his clear case at the back of his phone. Ang photo na iyon ay iyong nilagyan ko siya ng sungay sa likod ng ulo niya habang nakangiti kami pareho nang malawak, labas ngipin.

I put our pictures on a photo album I had in our house. Parte na iyon ng magagandang memories ko kasama siya. I unconsciously smiled. "Para tayong magjowa, 'no?" he suddenly said.

Binalik ko na sa kanya ang phone nang nakangiwi. "Babalik na ako sa room." Binalewala ko ang kanyang sinabi kanina.

As I stood up he asked something to me. "Paano kung i-try natin?"

My brows knitted. "Huh? Ang alin?" taka kong tanong.

He just shook his head, smiling a little. "Wala lang..." He shrugged. Naglalakad na kami palayo sa tambayan namin.

I hit his arm. "Sinasabi mo?" Natawa ako.

Nakita ko na si Cheryl na pabalik sa aming direksiyon. She was waving her hand with joy. Nang nakalapit na sa akin ay inangkla niya ang kanyang braso sa akin. "Sorry, it took me long." She chuckled. Hah! Sinadya niyang iwanan kami ni Eleazar nang kami lang dalawa!

Eleazar handed me a paper flower before we walked upstairs to go to our room and I kept it in my skirt's pocket. I wonder sometimes, why does good times happen so fast?

But then, after class I went to a computer shop to print some papers I needed until it rained. "Wala akong payong," I whispered to myself before keeping the printed papers in a folder inside my bag.

Nasa labasan ako ng store at inaantay na tumila ang ulan ngunit lumakas lang ito. Mabuti na lang at may mapagsisilungan dito sa labas. Nilipat ko ang backpack ko sa harapan. Nagpamulsa ako habang nakatitig lang sa pumapatak na ulan.

Mayroon akong nakapa na papel sa loob nito at agad na inilabas mula sa loob. It was the paper flower Eleazar gave me earlier. Color red ito. Napangiti ako nang wala sa sarili habang nakatingin sa bigay niya.

Bigla na lang may payong na tumapat sa akin at napaawang ang aking labi nang makita si Eleazar na medyo basa habang nakangiti, nakatingin sa akin, habang pinapayungan ako.

Agad ko siyang hinila sa gilid ko. "Bakit ka basa?!" Nag-panic ako at inabutan siya ng panyo ko. Natata niya itong tinaggap at pinampunas. Isinara at ibinaba na rin niya ang dalang payong kanina na color yellow.

"Tumakbo ako papunta rito kanina. Hindi ko na-realize na 'di pala ako nakapayong kaya nabasa ako kaonti." Sabay kaming natawa sa kanyang sinabi. Tumingala siya sa itaas at natawa bago muling bumaling sa akin. "Wala ka sa record store," he said.

My eyebrows knitted together. "Huh?" Anong record store ang sinasabi niya? Wala naman kaming napag-usapan kanina, ah.

Marahan niyang kinuha ang paper flower mula sa kamay ko. He opened it carefully and showed me that something was written in there.

'Kita tayo mamaya sa Musika Record Store :)'

"Hala, sorry!" sambit ko kaagad at kinuha iyon mula sa kanya. "Hindi ko alam na may nakasulat pala rito." Tinignan ko ang papel. Sadyang si Eleazar lang siguro ang maayos ang sulat na nakilala ko kahit na lalaki siya. Or talagang maganda lang sa paningin ko ang kanyang sulat. Ewan ko ba.

He patted his head. "May bibilhin akong vinyl ng Air Supply. Gusto sana kita isama roon. Ang ganda sa loob. Parang... vintage style iyong interior at exterior."

I licked my lower lip. "Punta tayo kapag tumila na 'yong ulan. Gusto kong makita iyon," I said.

He went near me and wrapped his arm around me. "Ikaw ang nag-iisang tao na gusto kong dalhin doon. Tapos try din nating dalawa sa listening booth. I want to listen music with you." He then, chuckled softly.




≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro