15.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Naalala ko dati no'ng elementary ako. Mga grade one or two siguro ako no'n..." Eleazar laughed, holding his stomach. "May natamaan ako sa trumpo. Sa noo ko siya natamaan." Sabay kaming natawa nang malakas at maski ako ay napahawak sa aking tiyan.

Kakatapos naming pumunta sa Musika Record Store at pauwi na kaming dalawa ngayon. Bumili siya ng vinyl ng Air Supply.

Just like what he said, maganda ang exterior at interior ng shop. Para itong vintage style. May mga hanging plants sa labas at bulaklak. Ang sabi pa ni Eleazar ay mas maganda rin daw ito sa gabi dahil sa mga lights sa loob. There are lots of old records than new ones which Eleazar loved the most. There are incredible selection of classics, punks, metal rock, punk rock, blues, and more!

Na-try din naming dalawa sa listening booth malapit sa may counter area. Para kaming nasa mga panahon ng 80's. May konting tao kanina roon. May mga nagpapaayos ng string ng electric guitar, namimili ng albums, at naglalakad-lakad sa aisles, nagtitingin ng CD's.

Naalala ko bigla kanina iyong ngiti niya habang pinapakinggan ang music ng Air Supply. There was something... whirling... inside my stomach.

Gaya ng dati, tumigil muna kami sa gilid ng bridge at pinagmasdan ang langit. The horizon looks brighter that earlier.

Kinagabihan ay hindi agad ako makatulog. His dazzling smiles could not leave my mind. They were like a film reel inside my cells.

Muli akong bumangon ng kama at nag-open ng book at notebook para mag-aral na lamang ngunit hindi ako makapag-concentrate.

"Lhads, umayos ka nga," I whispered myself in annoyance. Hindi dapat ako nakakaramdam ng mga ganoon sa isang kaibigan. Ang kaibigan ay kaibigan. There is a borderline between us and I don't want to cross over that line.

Mas gugulo lang. Ayaw ko mawalan ng kaibigan. Isa si Eleazar sa mga taong tumanggap sa kung ano ako. He is as important to my family. Isa siya sa hindi nagbabase sa hitsura ng tao. Hindi niya ako sinabihan ng kahit anong masama tungkol sa flaws ko. Sa attitude o physically man.

He was just always there. With me. Supporting me. Helping me.

I just found myself looking at our pictures on my photo album. Nasa pinaka-last page iyon ng album. I caressed them.

Minsan, hinihiling ko na sana bumagal ang oras kapag masaya ako, pero naalala ko na fast-paced na nga pala ang mundo ngayon. Kahit gusto mo mag-stop, hindi pwede dahil mahuhuli ka, habang ang iba nagmo-move forward na. Hindi puwede nang pabagal-bagal sa mundong mabilis ang takbo.

I was scrolling on Facebook to make myself feel sleepy and suddenly a classmate of mine before, posted a new profile picture with a caption 'sweet sixteen' and a heart emoji.

Sweet sixteen daw, pero no'ng naging ganoon ang edad ko, naging mapakla na ang buhay ko.

Well, hindi naman totally. Pero I mean, maraming hindi magandang nangyari. But still, I should be grateful that I reached that age.

Pero bakit ganoon? Bata pa lang tayo pero pakiramdam natin pagod na tayo? I mentally cursed myself. Matulog ka na nga, Lhads!

"Awit, mukhang nagbabago na isip ko na kumuha ng accountancy course sa college! Ang baba ng score ko!" Kanya-kanyang reklamo ang mga kaklase ko after ng long quiz namin sa FABM kinabukasan.

"Mataas na nga 'yang 19 over 25, eh!" rinig kong sabi naman ng noong isang kaklase kong lalaki.

"Naku, beh. Alam kong scam lang 'yong malaki sweldo ng accountant pero gusto ko pa rin siyang i-push kahit na kalahati lang score ko!" Napalingon ako sa nagsabi no'n. Siya iyong matalino sa class namin.

Pinagtinginan siya ng iba at inusisa na bakit siya mababa, eh, matalino naman daw siya. "Nag-rest in peace na utak ko, mga beh," tanging sagot niya at tumawa. If someone was branded as 'smart', people would always have higher expectations to them. I noticed that she laughed yet it wasn't real. Deep inside siguro, nalungkot din siya sa nakuha niyang score.

Bumalik ang tingin ko sa papel ko. Tinupi ko na lang ang paper ko at tinago sa bag bago nagpakawala ng isang malakas na buntong hininga. Cheryl patted me on my shoulder.

I turned to her, giving her a sad smile. "There's still room for improvement. Gusto mo ba later, mag-group study tayo in my house? With Eleazar," she suggested with a small smile.

I shook my head. "Baka hindi ako pwede sa bahay niyo. Pwede ba sa library na lang?" alanganin kong tugon.

Nag-isip siya saglit bago tumango nang marahan. "Sure. I want to introduce you to my parents sana. I'm sure they will be happy," she beamed. "Wala pa akong actually napakilala sa kanila na friend ko." Lumaylay ang balikat niya.

"Sa birthday mo," I said. Pero magugustuhan kaya nila ako? Hindi kami magka-level ng social status. Pero nakita ko naman kay Cheryl na mabait siya... maayos siyang napalaki.

"Oh, matagal pa 'yon." She chuckled. "Alright, then, sa library. Tell Eleazar that he can join para sama-sama na tayong mag-study. Sisirain yata nitong FABM ang grades ko," she uttered and scoffed.

"Isama mo na ang Practical Research," I told her and we laughed in unison. Nakakabaliw mag-aral pero ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mo na nagbubunga lahat ng efforts mo.

"Well, part na ng life natin ang research. It can be antidote for conflicts to be resolved. It gives answers and new knowledge..."

I nodded, agreeing on what she's saying. Kung walang research, maraming mga bagay na hindi natin malalaman o madidiskubre. Walang makabagong bagay ang mai-invent o made-develop. Research is conducted to help problems to be solved.

"Sino riyan pati one plus one gumagamit pa ng calculator?" someone asked, laughing.

I admitted to myself that I am that person who still uses calculator even for simple calculations. Wala na yata akong tiwala sa sarili ko simula nang mag-ABM ako.

Habang nasa canteen during break time, at naghahanap ng mauupuan ay nakita ko ang ibang mata ay nasa akin. I swallowed so hard. Ayaw ko ng pinagtitinginan. Wala naman akong ginawa, ah.

"Tignan mo ang payat niya. Lapit pa siya nang lapit kay Eleazar. Buto naman katawan." Humagikhik ang grupo ng mga babae.

If they only knew how I wished to be as confident as others. Na kumakain naman ako nang tama pero sadyang ganito lang katawan ko. Kaya nga minsan na lang ako nag-o-open ng social media kasi ang gaganda ng mga babaeng nakikita ko sa feed ko. I am so far in being everything.

How could someone body shame you without knowing that it'll hurt you. Words are sharp. That's right. Their words stabbed me. Paulit-ulit na lang. Their words are like shoot to kill. Do they ever regret those?

I almost jumped when someone wrapped his arm over my shoulder. "Eleazar," gulat kong bulong. May nagpapaturo kasi kay Cheryl na classmate namin kaya naiwan muna siya sa classroom. Gusto nga sana niya akong samahan pero alam ko rin kasing kailangan din siya ng kaklase kong iyon. Alam ko ang pakiramdam ng nangangailangan ng tulong sa mga subjects na nahihirapan ka.

Nagtama ang mga mata namin. He smiled warmly. "Sasabay na akong mag-recess," aniya. We walked into a two seater table near the corner of the canteen and sat down. Nilapag ko na ang tray ko. We're facing each other now.

"Sandwich at bananacue." Tinignan ni Eleazar ang mga in-order kong pagkain. "Bibili ako ng tacos, gusto mo ba?" he asked afterwards. I shook my head, smiling. May nilapag siya sa mesa na nakatuping yellow paper. He pushed it smoothly towards me. Nakita ko pa siyang ngumisi bago tumayo. "Pila lang ako saglit," paalam niya.

My eyes followed him walked towards the line. Maiksi lang ang pila. I sighed as I turned back to the paper that he gave me and opened it slowly. 'cute mo sa braid mo :) eatwell master!' Iyon ang nakasulat. I unconsciously smiled. Ang ganda talaga ng sulat mo, Eleazar! I kept it inside my skirt's right pocket.

Nang makabalik siya sa table ay nakangiti siya na parang aso. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga nakatingin sa amin. Ako na lang palagi. Artista ba ako? Ano na naman kayang hot topic tungkol sa akin ang gagawin nila?

"You seem tired? Okay ka lang? " Eleazar muttered out of the blue while we were eating. Well, hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa 'yo! Dahil sa kakaisip sa 'yo! Sa mga ngiti mo at sa malinis mong handwriting! Luminga siya sa paligid. "Gusto mo bang sa sa favorite spot mo tayo kumain?" he asked with his concern voice and eyes.

"H-Hindi na... Dito na lang." I cleared my head and licked my lower lip. Inayos ko ang salamin ko bago nagsalita. "Okay lang ako. Napuyat lang kakaaral," palusot ko.

"Ay, akala ko iniisip mo 'ko." Muntik ko na maibuga ang kinakain kong bananacue. Hayop siya! Paano pala kung napapasa niya iniisip ko?! "Hoy, joke lang. Ito naman sineseryoso biro ko. Dapat ako lang siniseryoso, eh." He chuckled lowly. "Sure ka na okay ka lang kumain dito?" he asked once again.

I smiled and nodded at the same time. Saglit lang naman kami kakain. Aalis din ako rito at kasama ko naman si Eleazar. Okay lang sa akin kahit na pagtinginan ako. Naiinggit lang siguro sila. "Wala nang space sa isip ko para idagdag pa kita," I snapped him.

"Grabe ka talaga sa 'kin." Naiiling-iling niyang sambit habang kumakain.

"Mag-group study raw tayo kasama si Cheryl, gusto mo ba? Mamaya sa library. After class," I told him, diverting the topic.

His lips parted. "May kailangan kasi kaming gawin ng groupmates ko. Sorry talaga, Prim. Gusto ko talaga sumama, eh. Pero baka pagalitan ako ng ibang members. Sasama ako next time." Pinagdikit niya ang dalawang palad.

I scoffed on his reaction. "Okay lang, ano ba! Do your duty with your group para magawa ninyo ng maayos ang mga kailangan gawin," I told him to make him ease. He looked like he really wanted to study with Cheryl and me.

Sa huli ay kaming dalawa lang ni Cheryl ang pumunta ng library. Sumilip ako sa classroom nila Eleazar at nakita kong may mga papers silang inaayos at sinusulat. Sayang daw at wala si Eleazar sabi ni Cheryl.

Nalaman ko rin na hindi na raw sila nag-uusap ni Kuya Conrad online. Dalawa o tatlong beses lang sila nakapag-usap in person at awkward daw. Pero sa messenger ay active sila.

Somehow, I found it weird. A lot of people can talk to strangers or schoolmates, or anyone in social media without awkwardness. But when they meet in person, they couldn't even talk to each other.

"Dad's calling me na," she said after picking up her phone on her bag and sighed.

"Hala. Hinahanap ka na siguro." Kinuha ko na ang mga libro at notes sa desk bago isinuksok ang mga ito sa aking bag.

She sighed again heavily. "I need to go. I want to stay but Dad's really bossy. Nag-aaral nga ako rito tapos want niya na umuwi ako kaagad," reklamo niya bago nagligpit na rin ng gamit.

"Ganoon siguro kapag only child." I shrugged. "Well, okay na rin. Nakapag-aral naman tayo, eh," I added to ease her feeling.

She smiled sadly and stood up. Inilagay na niya sa likod ang backpack niya. "It's not like I'm still a kid though." Tumayo na rin ako at tumabi sa kanya bago. Umangkla siya sa aling braso at naglakad na kami palabas ng school gate. Kumaway ako bago siya sumakay ng van nila paglabas namin.

Habang naglalakad pauwi ay may naramdaman akong tumutulo. Umuulan!

Binuksan ko ang bag at nag-panic dahil wala pala akong dalang payong! Itinaas ko ang dalawa kong kamay sa ulo at tumakbo na lang hanggang sa makauwi.

Pag-uwi ko ay basa ako. Nag-alala pa si Nanay at pinagsabihan ako ng huwag kakalimutan na magdala ng payong next time.

I didn't go to school the next day. Gusto ko man pumilit na pumasol ay sinabi ni Nanay at Papa na magpahinga na lang daw muna ako.

Laking gulat ko nang bandang alas dose ay nasa kusina si Eleazar, naghahanda, kasama si Cheryl. Lumabas kasi ako ng kwarto dahil medyo um-okay na ako.

"Uminom ka na ba ng gamot?." I nodded. "Dapat tsini-check mo 'yang temperature mo, Prim." He quickly went to me and checked my forehead using the back of his palm. He sighed in relief. "Hindi ka na ganoong mainit. Halika," he said. Inayos niya ang mesa.

I turned to Cheryl. "Andito ka," I beamed.

Lumapit siya sa akin. She smiled and tapped my shoulder. "Of course! I'm worried kaya sa 'yo!" She plastered a small pout.

"Gagaling din ako, okay?" Natatawa kong wika. "Kaya huwag na kayong mag-alala." I roamed my eyes to see Nanay. But I couldn't see her. "Saan si Nanay?"

"Sinundo sila Brielle at Eston," Cheryl answered. Pareho na kaming nakatingin kay Eleazar na naghahanda. "We told Nanay na kami na magluto ng lunch mo. Well, si Eleazar pala." Side of her lips rose up.

"Baka naman Cheryl, gusto mong tumulong diyan?" Eleazar snapped.

"Fine." Cheryl stomped her feet and marched towards Eleazar.

Sinabihan na nila akong umupo muna. Grabeng effort na 'tong ginagawa nila para sa akin. Sobra akong na-touch. Napatingin ako sa phone na nag-vibrate sa mesa dahil sa notification.

Then, Eleazar and I were on the wallpaper. I felt my body jolt and my heart jumped in joy.

Masama na yata ito.

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro