16.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Hi!"

Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa likuran ko. Kakapasok ko pa lang ng entrnce gate at naglalakad sa pathway. From what I remembered, I think she's the girl named Bianca. Iyong 'brainy' raw sa class nila Eleazar.

Wow, ngayong nasa harap ko na siya ay mas lalo akong naiinggit kung gaano siya kaganda at babaeng-babae ang aura niya.

Hindi katulad ko na bagong ligo lang pero parang pang-uwian na agad sa haggard look.

I pointed myself, hesitantly. "Ako?" I asked softly.

She nodded with a smile. "Yup. Uh, you're close with Eleazar, right? He won't give me his number. I just want to ask if you know?" She smiled shyly, then. She swayed her body while waiting for my answer.

I bit the insides of my cheeks. Ayaw ni Eleazar na binibigay ang number sa iba. I slowly formed a small smile, shaking my head. "Sorry... Hindi, eh..." pagsisinungaling ko.

Her lips parted. Mahina siyang natawa pagkatapos. "You're not lying, right?" she asked with a hint of annoyance.

Medyo nagulat ako roon. Malumanay akong umiling. "Kung gusto mo talaga makuha ang number niya, bakit 'di mo na lang siya tanungin nang personal?" I asked and gave her a small smile. Si Eleazar pa rin naman ang magdedesisyon kung ibibigay ba niya or hindi, eh.

She curled her hair using her fingertip and nodded. "Okay. Medyo nahihiya kasi ako." She blushed and chuckled lightly. "I'll try..." She then, waved her both hand to me. "Bye. Good luck sa classes," she uttered before tunring around to walk down the pathway.

I released a heavy sigh. I've seen a lot of girls with soft facade yet seeing Bianca and talking to her closely, all I can say is she's everything I have to live without. Beauty with brain. Oh my god, sana all, 'di ba?!

Habang naglalakad papalapit sa building ng ABM ay may tumili sa pangalan ko. "Lhads! 'Te!" I looked around and saw Xean half-running towards me.

Natawa ako nang makalapit siya. Kapag nagkikita kaming dalawa ay para kaming close agad. Nakikita ko rin na may mga friends na siyang nakakasama at nakakausap. Mabuti nga at hindi na siya binu-bully ni Ruby. Mas gumaan ang pakiramdam ko nang hindi na nakakarinig ng balita tungkol sa bullying ni Ruby.

Bullying is really an issue in every schools na mahirap solusyonan. I hope they take this seriously. Maraming biktima na hindi nagsasalita dahil sa natatakot sila na hindi paniwalaan.

"Oh, Xean, kamusta?" I asked, smiling. "Anong latest chika natin diyan?" pagbibiro ko.

"Ito na nga." He looked on his watch on his wrist and sighed in relief. Luminga muna siya sa paligid bago ako mahinang hinila sa palapulsuhan at inakbayan. "Usap-usapan sa section namin na nakita raw si Eleazar at Bianca na solo sa room nila no'ng uwian noong nakaraang araw," he whispered as if it was the most confidential thing ever. "May 'thing' ba sila?" he asked afterwards. Maybe, that was the day when Eleazar could not join us to our supposed group study with Cheryl.

I turned to him with my brows knitted together. "Wala namang nakukuwento si Eleazar..." I replied. I gulped after. Mukhang close na silang dalawa, ah...

Bagay rin naman sila.

I mentally cursed myself. Ang OA, Lhads! Ano naman ngayon? Totoo namang bagay sila...

"Ewan ko ba, basta mga chismis lang naman mga 'yon," sambit niya at umalis na sa pagkakaakbay sa akin. "Magkasama lang ang babae at lalaki, issue agad. Hay nako, mga tao talaga." Napailing siya habang nagpamaywang.

Nagkuwentuhan pa kami saglit bago kami nagpaalam sa isa't isa at nagtungo na ako sa room namin. Si Cheryl ay nakadukdok sa mesa niya at ang iba ay nakaharap sa mga phones at textbooks.

"Good morning, Cheryl. Ayos ka lang?" bati ko sa kanya bago inalis ang strap ng backpack ko sa balikat at inilagay sa aking upuan.

Inangat niya ang kanyang ulo at ngumiti. Nag-inat pa siya bago nagsalita. "Nothing... I'm just really sleepy." She covered her mouth because she yawned.

Inayos ko ang aking palda bago umupo sa tabi niya. She rested her head on my shoulder. "Having a hard time to sleep at night?" I asked her. I felt her nod.

"Kapag nag-aaral ako, mabilis akong antukin. Pero kapag gusto ko namang matulog, hindi ako dapuan ng antok." I cleared my throat. "Ang ginagawa ko minsan kapag ganoon, makinig ng calm music. Or pwede rin mag-meditate ka para maalis sa isipan mo 'yung kung ano mang iniisip mo," I uttered softly.

"Thanks, Lhads. I'll keep those in mind and try to do them," she responded.

"Sana gumana sa 'yo. Sleep is very important," I stated.

Nag-phone muna ako saglit at nag-open ng Facebook habang wala pa si Sir. Napakurap ako nang mag-pop up ang notification ng friend request ni Bianca.

I tapped her profile. Bianca Joy Rapatalo. Her display picture was sitting on a beach chair, wearing a one-piece swim suit, cross-legged, and smiling widely while looking at the camera. Just... wow. She is really a confident one, huh. Hope all.

In-accept ko rin iyon pagkatapos at in-off na ang data at nag-exit na sa Facebook. I mentally sighed in frustration. Walang-wala ako sa kanya.

This day passed quickly. Nakita ko si Eleazar na nagd-dribble ng bola sa classroom nila noong uwian. May ginagawa yata ulit sila as a group dahil may kausap din siya-- si Bianca. Aalis na sana ako sa tapat ng room nila kaya lang, nakita ko siyang inilapag ang basketball sa arm chair. Nagtungo siya sa upuan niya at may kinuha mula sa bag. It was his phone.

Naglakad na agad ako paalis habang hindi pa niya ako nakikita. While walking downstairs, I felt my phone beeped from my pocket. I stopped for a while to check it.

From: Eleazar

nakauwi ka na ba? busy na naman kami huhu. sarap layasan mga kagrupo ko :( gusto kitang makita.

I licked my lower lip and texted him a reply.

To: Eleazar

Pauwi na Eleazar. Ayaw kitang makita 😝

Hindi totoong ayaw ko siya makita. Ayaw ko siyang makita na kausap si Bianca... May kung anong kumikirot sa puso ko... na alam kong hindi na 'to tama.

The next day, kinausap ulit ako ni Bianca pagkapasok ko sa entrance gate.

"Pwede mo ba akong tulungan kay Eleazar. I like him... I really do... but I don't have the courage to confess so can I at least take him out for a date? Pwede mo ba akong tulungan, Lhadeen?" pakiusap niya habang naglalakad kami sa pathway. "Kahit after Christmas break sana..."

I turned to her and heaved a sigh. How can I say no to her? It was just a simple request yet it feels so hard to do what she wants.

"Pag-iisipan ko, Bianca. Medyo hectic pa ang schedule ko. Alam mo na, kaliwa't kanan na activities and projects." I smiled shyly.

Abot langit siyang ngumiti. "Just tell me, huh! Sana matulungan mo ako!" Hinawakan niya ang aking palapulsuhan. "Just message me on Messenger, okay?"

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa classroom matapos ang usapan naming iyon. Hay.

"Cheryl, what if may isa kang friend na pinakiusapan ng isang babae na tulungan siyang magkaroon ng date with the guy na gusto niya... which is friend din ng friend mo. Tutulungan mo ba kahit hindi kayo close? Or should that friend turned the girl's favor?" I asked as I sat beside her. Nakatingin lang siya the whole time na nagtanong ako at mahinang natawa pagkatapos.

"And that friend is you? Sino namang nakiusap sa 'yo this time? Big time talaga si Eleazar, huh," he said, smiling from ear to ear.

My lips parted. Paano niya nalaman agad na sarili ko 'yung tinutukoy ko!? Cheryl, talaga! I scratched my head, pouting. "Si Bianca ang nakiusap ," I answered and heaved a sigh. "How can I refuse if she's kind and pretty? Bagay naman sila ni Eleazar..." I said, my heart almost sinking.

She closed her eyes, trying to remember something. She then, opened her eyes. "Oh, that Bianca," tango-tango niyang wika nang may maalala. "Kung talagang gusto niya si Eleazar, she should try pursue him by herself. Maybe, napapansin niya na close kayong dalawa kaya she needs your help. Pero kasi..." Nang magtama ang mata namin ay nagpakawala siya ng buntong-hininga. "What about your feelings?" she asked which made me cough.

"Huh? Cheryl, anong feelings?" I faked a laugh at shook my head after. "Wala, Cheryl, okay? Kung ano man iyang naiisip mo, wala talaga." I gave her a small smile.

I heard her sigh again. "Do you want to help her willingly? Wholeheartedly? Without regrets, afterwards?" she asked with her soft voice.

I started biting the insides of my cheeks. Am I willing to help Bianca? A girl that I'm not even close with? Pero makakabuti rin ba ito sa 'kin o mas lalo lang lumala ang kung anong pagtingin ko kay Eleazar? I don't know anymore....

"Take your time to decide, Lhads. If buo na desisyon mo, you can tell me. You can always tell me things, okay?" She gave me a warm smile. "Pag-isipan mo nang mabuti. Walang namang masamang tumanggi pero kung gusto mo siyang tulungan... nang buong-buo, then... say yes," she uttered.

I mentally noted in my mind what Cheryl have told me. Take my time to decide.

Lalabas sana si Nanay ngayong Sabado para mag-grocery pero sinabi ko na ako na lang ang gagawa. Gusto ko muna lumabas ng bahay dahil hindi maalis sa isipan ko si Eleazar at Bianca. Ano bang kailangan kong gawin para mas mapalapit sila at makapag-date sila? Dapat ba ako mamroblema talaga no'n? I mean, gusto rin kaya 'to ni Eleazar?

Habang tulak-tulak ang push cart ay may nagpatong ng kamay sa itaas ng ulo ko. Nag-angat ako ng tingin dahil alam ko na agad kung sino iyon.

Eleazar. Andito siya!

Excitement filled my insides as if I haven't seen him for a long time. Kalma nga, Lhads! We enjoyed being together while having grocery. Kahit mahaba ang pila ay mabilis na lumipas ang oras kapag kasama ko siya.

"Uh, Eleazar..." mahinang tawag ko sa kanya na nakapamulsa. Kami na ang next sa pila. His gently eyes landed at me. I badly want to say that someone wants to have a date with him but it seems like I just can't really tell him this right now. Masyado pang magulo ang isip ko.

"Ano 'yon, Prim?" He poked my left cheek. Umiling na lang ako bilang tugon dahil kami na ang nasa cashier.

Siya ang nagbuhat ng grocery bags habang nasa labas kami ng store, nag-aabang ng masasakyang tricycle. "Eleazar, bakit ang hirap iwasan na ikumpara ang sarili sa iba?" I asked out of the blue and found his eyes staring at me softly.

He licked his lower lip and heaved a sigh. "Siguro... hindi sila naka-focus sa sarili nila at mas nakikinig sa sinasabi ng ibang tao." Yumuko siya at tinitigan ako sa mata. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko hindi na ako makahinga sa lapit naming dalawa. "Basta ang masasabi ko... Huwag na huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba," he said and straightened his back, looking at the highway.

"H-Huh?" tanging nasambit ko.

Tumingin siya ulit sa akin. "Just like books and music, they have different genres. You are your own genre, Primrose. Hindi mo kailangan na maki-trend sa kung ano ang uso o sa kung ano ang sinasabi ng ibang tao. After all, it's your life." He plastered a warm and gentle smile at me.

"T-Thank you, Eleazar..." I couldn't say anything. I couldn't find the right words to utter.

"I like you..." Halos mawalan na ako ng hininga sa mga kataga niya. He cleared his throat. "To love and treat yourself right just like how you loved your friends and family."


"And please remember, there is beauty rooted within you," he added, still smiling.






≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro