17.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Ingat sa biyahe. Sana pwede ako sumama.] Eleazar chuckled softly on the call. [Mami-miss ko 'yung sidewalk dates natin at 'yong panonood ng sunsets.]

Sidewalk dates?! Date ba ang tawag doon, eh, friends lang naman kami, ah?! At saka 'yun lang ba mami-miss niya? Paano naman ako?!

Well, miss ko na nga iyon, eh. Especially, when he would always move to my side, near the road, like it was a rule that he never forgets. Ganoon siya lagi kapag naglalakad kami sa gilid ng kalsada. At isa iyon sa bagay na hindi ko makalimutan. Ang gentleman niya sa ganoon. Naa-appreciate ko 'yung mga simpleng bagay na kanyang ginagawa para sa 'kin.

Nagdesisyon kaming pamilya na sa probinsya ni Nanay Gloria kami ngayong Christmas break. Kahapon kami nagkaroon ng Christmas party sa school. May binigay sa akin si Eleazar na color red letter. He also told me to open this when it's Christmas, at exact 12 AM.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako ngayong nalalapit na Pasko dahil ito ang first time namin na magse-celebrate nang wala si Mama. Iniisip ko pa lang na wala siya sa hapag, naiiyak na ako. Naiiyak ako lagi kahit na sa araw-araw akong kumakain, nami-miss ko na siya at ang luto niya... Sobra.

Kakatapos ko lang mag-ayos ng mga gamit dahil bukas ay luluwas na kami agad kaya nakahiga na muna ako ngayon sa kama, ang isang braso ay nakayakap sa unan, habang kausap ko si Eleazar.

"See you next year. Sana tao ka pa rin kapag makita kita ulit," pagbibiro ko at tumawa nang mahina.

[Sana ako pa rin next year.] His voice sounded like he wasn't joking.

"Tsk. Ikaw pa rin naman," I told him. Siya lang naman talaga, eh. I cleared my throat. "Ikaw pa rin ang kaibigan ko," I added, plastering a small smile on my lips.

I heard him chuckled lowly. "Kaibigan lang talaga?" Ramdam ko na nakangisi siya ngayon kahit hindi ko siya nakikita. I moved the phone to my other ear. "Hindi pwedeng lumagpas sa linya?" Tumawa siya, halatang nagbibiro.

"Hindi lang naman linya 'yung kailangan lagpasan," makahulugang sambit ko. Pati na rin 'yung mga iisipin ng mga tao. I don't know why I still consider other people's opinion about me and Eleazar. Lagi ako nakakarinig ng masakit na salita.

Friends pa lang kami no'n, ha. Grabe na sila makaasta. Paano na lang kung sakaling... I shook my head. Tama na, Lhads. Stop dreaming. I should not cross the line. Neither of us should do that thing. I'm not prepared for the worst things to happen.

"Kasama ba dagat, kailangan tawirin?" he asked afterwards. I can sense the he was kind of sleepy, based on his tone. "Pati bundok..."

"Inaantok ka na, Eleazar. Kailangan mo nang matulog para makapagpahinga ka na. Puyat pa more," wika ko sa kanya. I moved my body to my left side and sighed.

"Gising pa 'ko..." It was almost a whisper.

Mahina akong natawa dahil para siyang bata na ayaw pang patayin ang tawag. "Gising ka pa pero inaantok ka na. Good night na," I said. But before I ended the call he muttered something which made my heart pounded so loud.

"Ingat lagi. Love you..."

Napabangon ako habang mabilis ang paghinga. Napahawak ako sa aking puso. Kalma... kalma... Baka nag-sleep talk lang siya. Tama!

Hay, paano ako makakatulog nito?! Pinoproblema ko pa 'yung sa kanila ni Bianca! I haven't decided if I am going to help that girl to have a date with my friend.

Kinabukasan ay maaga kami sa bus terminal. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na magising nang maaga kahit na hirap ako nakatulog kagabi.

I ended up sleeping the whole trip. Ginising na lang ako ni Papa nang malapit na kami sa babaan.

We rode a jeep until we reached Nanay Gloria's little home sweet home. It was a small yet tidy house kahit na hindi natirhan nang matagal. Lumabas muna si Papa at naghanap ng malapit na karinderya para mag-take out ng lunch namin.

Nalaman ko rin na ang kababata ko pala ang nagbabantay at nag-aayos ng bahay simula nang lumuwas si Nanay sa amin para alagaan kaming magkakapatid noong nawala si Mama at habang nagtatrabaho si Papa.

There were lots of different flowers and plants outside the house. Ang bakod ay gawa lamang sa bamboo at barbwire. Malapit din sa bahay ang isang puno ng mangga na dati kong inaakyatan noong bata pa ako.

I smiled, reminiscing those moments I was still little and genuinely happy. First time lang nakarating dito ang kambal kaya naninibago pa sila. After having a simple meal that my father took out from an eatery, we organized the things we brought with us.

Umidlip ako pagkatapos mag-ayos ng gamit. Sa iisang kama kami ni Brielle at Eston. Wala itong kutson at banig lang ang mayroon pero wala namang problema sa akin ito. At may kasama pang mosquito net. Ang mahala ay may maayos kaming matutulugan.

I stood up when I felt my throat was getting dry so I needed something to hydrate myself. Sumilip muna ako sa bintana nang may ngiti sa labi. I shut my eyes and inhaled the fresh air. Napamulat naman ako nang may narinig na tunog ng jeep na dumaan.

Si Nanay ay nasa terrace naman. She had there a hammock, her favorite spot. Matatanaw mo kasi ang paligid, which is bukid at mga matatayog na puno, pati na rin ang highway. While my father was on the living room, sleeping on the rectangular chair made with bamboo.

I roamed my eyes around. Some frames were hanging on the wall. The TV was an old style. The box type that we had before. Pagkatapos ng sala ay diretso na sa kusina. Tanging mga upuan lang ang nakaharang. Ang dining table naman ay plastic, ganoon din ang mga upuan. Ang sink ay walang faucet dahil may maliit na timba at kabo sa gilid nito.

We have to use the water pump at the back of the house to have our water. My siblings were enjoying the place. They kept running outside the house earlier and climbing our mango tree. Nagtungo na ako sa refrigerator at kumuha ng maiinom.

Mabilis na lumipas ang oras at hapon na. "Dati, ikaw ang umaakyat diyan. Ngayon mga kapatid mo na," Nanay Gloria uttered with a small smile plastered on her lips. We were now at the terrace, stting next to each other on the hammock, our eyes were following them while they were playing. Si Papa ay nasa likod, nag-iipon ng tubig para may pangligo kami bukas.

Ang kulay ng kalangitan ngayon ay pinaghalong pula at orange na may kaonting pink. I wonder if Eleazar was looking at the horizons too. Despite being far to each other and having different colors of skies, we both loved them without any doubts.

"Ang bilis lang, 'Nay, ano?" sabi ko sa kanya. I chuckled, putting some hair strands away my eyes because of the wind. "Nakaka-miss maging bata ulit." I heaved a sigh.

Nanay caressed my hair. "Ang bibilis ninyong lumaki, mga apo ko." She also sighed heavily.

Bumaling ako sa kanya, nakanguso. "Kaya nga po, eh. Hindi na nating basta-basta namamalayan ang oras." Muli akong lumingon sa harap at pinanood sila.

Kinabukasan after namin kumain ng breakfast ay ginawan ni Papa sila Eston at Brielle ng kite. Nagpapagawa kasi silang dalawa.

Hindi naman nagdalawang isip si Papa at kumilos agad. Masaya ako na kahit papaano ay ganoon pa rin siya katulad ng dati kapag may request ang mga kapatid ko.

Pero hindi ko pa rin maiwasang maisip si Mama.

Bago mag-lunch ay lumabas si Nanay para bumili ng uling na gagamitin namin para makaluto kami ng pananghalian.

Si Papa ay nasa Center Market, bumili ng mga tools dahil may aayusin sa bahay ni Nanay. Ito rin ang naging bahay niya noong bata pa siya bago siya ng asawa.

Ang kambal naman ay nakipaglaro sa kapitbahay. I was glad that they were living their youth with other kids. Naglalaro. Nag-e-enjoy. Because someday, they will grow. Kahit ayaw natin na lumaki sila nang mabilis, hindi natin mapipigilan.

I was waiting for Nanay to return here in the terrace and when she came back, we talked about life.

The next day, I was filled with excitement as I saw someone carrying the sack of charcoals towards the house. I was on the terrace. It became my favorite spot, too.

"Isagani!" I waved at the guy who helped my Nanay Gloria carry the charcoals. Namalengke kasi si Nanay. I ran upon the gate and opened it. "Thank you pala, ha!" I beamed as he entered. Naalala ko noong huling punta ko rito noong bata pa ako ay siya ang nakakalaro ko. Binaba niya muna saglit ang sako at nagpunas ng pawis sa noo gamit ang likod ng kanyang palad.

Si Nanay naman ay ginulo ang ang kanyang buhok habang nakangiti. "Gusto niyo ba ng meryenda? Ipaghahanda ko muna kayo." Before I could speak, Nanay spoke again. "Pakipasok na lang pala, nong, ha?" She smiled before she walked inside the house.

Bumaling ako kay Isagani. "Buti naalala mo pa ako," he uttered, smiling widely.

"Oo naman. Ikaw pa ba!" I never felt any awkwardness between us ever since before. Nadako ang paningin ko sa sako ng uling. "Mabigat 'yan, ah."

Bumaling din siya roon, natatawa. "Kayang-kaya ko 'yan, Lhads," mayabang na sambit niya. "Nagkaka-muscles na nga ako, oh." Itinaas niya ang sleeves ng shirt at tinaas ang braso.

I playfully rolled my eyes. "Feeling ka!" Suddenly, I remembered that I forgot to send Eleazar a text about out arrival here which I promised before.

Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Isagani sa loob at binuhat niya papasok sa kusina iyong mga uling. Nasa kwarto ako saglit para i-check ang aking phone. I also forgot to charge it yesterday!

Nang mag-five percent na ay in-open ko agad at andaming messages ang nag-pop sa lock screen ko na galing kay Cheryl at Eleazar.

Pero mas marami kay Eleazar! Parang oras-oras... minu-minuto, mayroon! I was bombarded with his texts! I replied to Cheryl's messages and gained all of my energy to reply back Eleazar's messages.


From: Eleazar

playing Imahe dahil feeling ko broken ako :(

i miss sunsets with u huhu

praying na makarating kayo ng safe diyan!

nababaliw na ako dito Prim 😭 see u next year talaga

balitaan mo ako ha!!


There were still a lot of texts but all I know was, I was smiling the whole time I was reading them. I can't wait to open his letter on Christmas.





≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro