19.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Magkasama rin kaming namamalengke o nag-go-grocery ni Eleazar minsan. Paborito rin naming pagmasdan 'yung sunset kapag may time kami after school."

I unconsciously smiled. Isagani and I were here at the wet market, in the fish section. I was scanning the tiled filled with bangus. "Buti naman may kasama ka. Mas panatag ako ngayon na nakilala mo si Eleazar. Base sa mga kwento mo, alam ko na mabait siyang tao." I picked a large fish and the vendor weighed it. Nang maibalot na sa plastic ay si Isagani ang kumuha at nagbayad na ako bago kami umalis doon.

Huminto muna ako sa paglalakad at gumilid. I grabbed my glasses from my eyes to wipe some dirt before putting it back. I turned to Isagani, smiling. He smiled when our eyes met. "Gusto mo bang mag-lunch sa bahay?" I asked him.

"Sige ba," he answered. We also bought some eggs, vegetables, and fruits. Magkatabi na kaming naglalakad ngayon, palabas ng palengke. I offered to help him carry the other plastic bags but he refused. Siya raw si Superman!

"Naalala mo pa ba dati, binuhat pa nga kita kasi napilay ka noon hanggang sa makauwi tayo sa inyo." He laughed softly. I tsked, remembering thoe moments. Naghahabulan kasi kaming dalawa noon kaya lang, hindi ko napansin na may bato pala sa harap ko, ayon tuloy, pilay ang inabot.

He really carried me on piggyback all the way home. Pinagalitan pa ako ni Nanay kahit na ako na itong napilay dati.

Pero inako ni Isagani na siya naman daw nagsimula. Totoo naman siya ang nagsimula! Inasar niya kasi ako sa kaklase namin at sinabi niyang crush ko siya! Hindi ko na lang sana kwinento sa kanya 'yon! Nakakahiya! My classmates laughed at me! They also teased me that I was just a nobody and that we were not match.

Kaya after class hinabol ko si Gani para mahampas siya. Kaya lang, mabilis talaga 'tong tumakbo, eh.

He said sorry immediately. Dati talaga, gusto kong i-zipper itong bibig niya. Sobrang daldal!

"Ako pa napagalitan," I uttered, laughing softly.

"Ako kasi nagdusa. Binuhat kita, eh. Buti na lang mabait ako," mayabang na sambit niya.

"Self proclaimed mabait. Saan naman banda, huh?" I playfully said and my gaze turned to him.

"Every part of me," he responded.

"Nauntog yata ulo mo, ah." I extended my arms and jokingly checked his head. Binaba ko rin ito pagkatapos.

He looked at me with his lips parted. "Lhads, iiwanan na kita rito. Sige ka," banta niya. Natawa naman ako sa kanyang naging reaksiyon. Para kaming mga bata na nagtatalo katulad ng dati habang naglalakad.

Pumara siya ng tricycle at nauna akong pumasok at umupo sa loob bago siya tumabi sa 'kin. Sa "Purok Sais po, Manong," I told the driver.

Isagani ate with us during lunch. Nanay also shared our meal to his family by delivering it to their house. Nakasanayan na rin namin magbigayan ng ulam o mga gulay rito. And it was normal for us.

Our grandmothers are close that's why sometimes if Nanay Gloria will go outside, it will took her hours to come back home maybe because of long conversations she had with Isagani's lola.

"Last year na po sa college si Kuya. Nag-take po siya ng BSMT as his course. Si Mama naman po, ayaw pa pong umuwi rito. Napamahal na po yata sa trabaho niya roon." Isagani's smile faded when he mentioned his mother. Normal na sa amin na nagkukuwento siya habang kumakain. It's just he was comfortable being with us and being open to us.

Nag-aalaga ang Mama niya sa ibang bansa ng anak ng kanyang amo. Nakuwento sa akin ni Gani one time na naiinggit daw siya sa mga inaalagaan niya. He said that he was the son yet his mother was taking care of another child. But still, he managed to understand the situation. Because of his mother's hardwork as OFW, they were able to eat and have their education.

"Ikaw po, Kuya Gani, anong gusto mo paglaki?" Brielle asked before sipping her glass of water.

My eyes landed to to Isagani. He smiled faintly. "Pag-iisipan ko pa. Siguro katulad na rin kay Kuya. Pero parang gusto ko rin maging engineer... Hindi pa sure, Brielle, eh." He chuckled to lighten his feelings. I knew deep inside that he is also confused about his future.

Just like me. I don't even know what job is suited for me. What skills or potentials do I have that will fit on a specific career? I could not picture my future. But I know, someday, darating din sa akin at malalaman ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Anong trabaho ang ma-e-enjoy ko... and so on.

No one's pressuring me but myself. Siguro kasi nagkakagulo pa ang isip ko sa ngayon. Marami akong iniisip at prinoproblema kahit wala pa naman. Sobrang stressed ako kakaisip sa future ko minsan... to the point na nakakalimutan ko na I have to live with the present first. Learn to breath in and breath out. Hinay-hinay lang din minsan.

Sa ngayon ay importante muna ang ma-survive ko ang senior high school journey ko. Step by step muna. And of course, ask some guidance to Him.

"Pero kung ano man pong kukunin ko, susuportahan naman daw po ako nila Mama at Papa," Isagani added. When our eyes met, I gave him a small smile.

"Kahit anong kurso naman, nasa tao pa rin 'yan kung paano siya didiskarte sa buhay. Walang madali sa buhay. Kaya, hijo, laging tatandaan na andito kami lagi para suportahan ka, ha? Para mo na rin kaming pamilya," Nanay uttered gently. Humigop siya ng sabaw pagkatapos.

I saw my father nod while silently eating his food. Inabot ko ang pitchel ng tubig na malapit kay Brielle at nilagyan ang baso ni Papa. Tahimik ko iyong ginawa. Si Mama kasi usually ang gumagawa nito sa kanya noon. Kailangan ko lang din siguro mag-step by step para bumalik sa dati ang relasyon namin ni Papa... hindi ko alam.

"Kuya Isagani, may bike ka po ba?" Eston asked after a while.

My gaze turned to my friend, waiting for his response. Napakamot ng ulo si Isagani. "Wala na 'yung bike ko..." he answered softly.

"Sayang! Magpapaturo pa naman po sana ako," wika ni Eston, nakanguso.

Days were passing by faster than I expected. Ganoon yata talaga kapag wala masiyadong ginagawa at walang acads na iniisip.

"Merry Christmas!" Every people in the household were celebrating and wearing gleeful smiles. We all helped to prepare for the Noche Buena that we will eat.

I don't know why but Christmas isn't the same as it was. Ibang-iba na 'yung feels ngayong panahon. Or maybe I was just longing for a person. Someone. Hindi ko alam...

I gave everyone handwritten letters as my gift. Nakaupo kami sa bamboo couch habang nag-o-open ng gifts. I didn't have enough savings to buy gifts as much as I want to. Si Papa naman ay may mga biniling damit para sa kambal, kitchen utensils naman kay Nanay Gloria, at niregaluhan niya ako ng journal notebook at pen.

"Alam kong mahilig kang magsulat kaya binili ko na 'yan agad para sa 'yo," my father uttered, smiling, after I tore the Christmas-designed wrapper and saw the vintage-style notebook inside together with a pointed ball pen.

I didn't realize that he knows I love writing or journaling... but that was before... when Mama was still here. Hindi ko na kasi alam ang mga isusulat ko dahil busy na rin ako at maraming kailangan na gawin.

"Salamat po," malumanay kong tugon at bahagyang ngumiti. I placed them on my laps. Si Brielle at Eston ay sinukat ang regalo ni Papa at naghahalakhakan pa habang pinapakita ito sa aming harapan. Katabi ko si Nanay at nakangiti silang tinitignan.

"Pa, ang ganda ng dress! Susuotin ko po 'to kapag magsisimba tayo!" Brielle said proudly and twirled around.

"Akin din po! Gustong-gusto ko po! Thank you po, Pa!" Eston uttered lively. Polo naman iyong kanya.

Nagtungo agad ako sa kwarto pagkatapos namin kumain at naghugas pa ako ng mga pinagkainan namin. Sanay na kami sa simpleng selebrasyon tuwing Pasko. Nasa living room pa silang lahat maliban sa 'kin. I grabbed, opened my bag, and took out Eleazar's letter that he gave me. I made my promise that I will not open it until Christmas Day.

And now I couldn't be more excited to open and read it.

I sat down on the edge of my bed and took the letter out of the white envelope. It has a small heart there with my name.

'To: Primrose Lhadeen Gentil ♡'

Inilapag ko muna sa aking gilid qng envelope. Yellow paper ang nasa loob no'n at naka-fold ito nang tatlong beses. I slowly unfold it while inhaling deeply.

Before I start to read the letter, I shut my eyes first, trying to calm my mind and heart. I exhaled afterwards and opened my eyes. My gaze turned to the letter.

Dear Prim,

Ikaw ang favorite person ko kaya ikaw lang may letter. Special ka sa akin, eh. Galing ito sa puso kaya huwag mo akong tatawanan, ha? Hindi rin ito galing sa Google. It's from the bottom of my heart and from the cells of my brain (haha!) Masaya akong nagkakilala tayo. Hindi lang magkakilala. Magkaibigan. Mas nakilala kita. Sobrang pinagpapasalamat ko iyon.

Ngayong Christmas, wala na akong ibang wish. Andiyan ka na, eh! >_< Deserve mo ng magagandang bagay sa mundo Primrose. ♡

Merry Christmas!

Love,
Eleazar




I immediately stood up and dialed Eleazar's phone number as I was filled with excitement and happiness at the same time.

Sa isang letter niyang iyon at mga kataga niya, pakiramdam ko buo na ulit ako at mas magaan ang nararamdaman ko ngayon.

After three rings, he answered the call.

[Merry Christmas, Prim!] pagbati niya agad nang may sigla. [I wish I was there... Gusto kitang yakapin.] he said in a hoarse voice.

I wish you were here too. I want to hug you too. I almost said those. "Merry Christmas, Eleazar... Thank you nga pala..." I cleared my throat. "Sa letter," sambit ko.

Hearing his voice again made my insides go crazy once again. Hindi ko na talaga alam kung anong ihaharap kong mukha sa kanya sa pasukan. I went back sitting on the edge of the bed, my phone was still pressed on my ear. [Buti nakapag-antay ka pa hanggang Pasko bago mo binasa.] He chuckled lowly.

"Hindi nga ako makapag-antay minsan kapag sumasagi sa isip ko," I reacted. "Pero nangako ako na ngayong Pasko ko bubuksan at babasahin. Ayan, tinupad ko ang promise ko," I happily said to him.

Nag-usap kami saglit at nagkuwento kung ano ang naging handa namin at anong nangyari sa araw na ito. When I heard some footsteps approaching, I bid my goodbye to him and quickly grabbed the letter and returned it back to its envelope and kept it inside my bag. Tinago ko na rin ang phone at in-off ito. Pero bago ko na-press ang power off ay may text pang sinend si Eleazar.

From: Eleazar

merry christmas ulit Prim!! see u soonest <3

Sa pagsapit naman ng New Year ay ganoon din lang. Simpleng handa, fireworks, at kung ano pang pampaingay para sa pagsalubong ng bagong taon. Si Brielle ay nagtatatalon dahil naniniwala si Nanay na mas tatangkad pa siya kapag ginawa niya iyon. Si Eston ay nagpapatunog ng torotot habang ako naman ay hinahanap iyong lusis na binili ko noong nakaraang araw.

Three days after New Year's day, we decided to go back home. Nagpaalam din muna kami kina Isagani. He was sad. I can see it in his eyes albeit he was showing me a smile, knowing that it will take long for us to go back here in province. Ang sabi niya ay mag-aral daw ako mabuti at huwag siyang kalimutan. Pabiro niya pang sinabi na magsumbong ako sa kanya kapag sinaktan daw ako ni Eleazar. Phew.

Malapit na rin ang resume of classes. Kailangan kong mag-recall ng mga napag-aralan ko dahil hindi pwedeng babalik akong tanga sa Monday.

"Lalaki mga kaibigan mo, Lhads. Hindi lang maganda tignan," ani Papa na parang dismayado habang naghuhugas ako ng plato kinagabihan. Nakauwi na kami kaninang hapon dito. Hindi ko alam kung bakit niya in-open ang ganoong topic.

Bumigat bigla ang aking paghinga at kumunot ang aking noo. "Mabait naman po sila, Pa." Tumaas ang tono ng pananalita ko. I heaved a sigh, trying to calm myself. I turned off the faucet. "Si Isagani, matagal niyo na pong kilala. Si Eleazar, nariyan po siya lagi para sa akin... siya at si Cheryl lang po ang kaibigan ko sa school... Pati rin po si Xean... Kilala niyo po sila, Papa..." I turned around to see him, leaning against the counter.

He massaged his nosebridge and released a heavy sigh. He was sitting on the dining table with a glass of water on the top. His gaze met mine. Malamlam ang mga mata niya. "Anak... pumupunta-punta pa sa bahay natin... sana naman huwag nang ganoon," he said in a calm way.

"Nagpapatulong po siya sa schoolworks. At saka tumutulong din po siya rito sa bahay... Nagpunta po siya noong nagkalagnat ako... pati noong namatay si Mama... Papa, mabait po siya. Wala siyang gagawin na ikakasama para sa akin o sa amin..." pagtatanggol ko kay Eleazar.

"Sabihan mo siya na huwag na sanang dalasan ang pagpunta rito. Naiiwan pa kayo minsan dito. Pareho na kayong malaki. Alam mo na mga kabataan ngayon," he added which made me annoyed.

I clenched my fist tightly and lowered my eyes. "Tatapusin ko lang po 'to. Inaantok na ho ako, Pa," walang buhay kong sambit bago dumiretso sa ginagawa. My eyes watered so I inhaled deeply. Walang nagsalita sa amin. Kahit noong natapos ako, naroon lang siya nakaupo at nakatitig sa baso ng tubig, na para bang ang lalim ng iniisip.

Agad na nagsitulo ang mga luha ko pagkahiga ko sa kama. I cried myself to sleep. Bumalik sa akin ang lahat ng alaala. Noong nalaman namin na may iba siyang babae... noong umalis si Mama... no'ng nawalan kami ng ina... at noong puro na lang siya trabaho.

Hindi ko alam kung bakit halos muntik ko nang maisumbat sa kanya ang nagawa niyang kasalanan kay Mama at sa amin. Pero nagpapasalamat ako na nakapagpigil ako... kasi ayaw ko siyang saktan... kahit na sinaktan niya kami hindi man sa pisikal na paraan pero tagos sa dibdib ang sakit.

No matter how I tried to deny to myself... I knew that couldn't still move on from my past scars which my father created. Nagkukunwari lang pala akong okay...



≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro