20.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Lumala na yata pagiging bobo ko. Nagkaroon lang kami ng Christmas break, iyong utak ko forever nang nakipag-break sa akin.

"Kaya natin 'to, guys. Please, sana naman mag-cooperate ang lahat. Hindi 'yung sasabihin niyo 'hindi ko alam' ganito ganyan... tapos makikita ko lang sa IG or Facebook story niyo, nakikipaglandian or namamasyal lang kayo kung saan-saan. Hello, kamusta naman grades natin, huh?" mataray na wika ng leader namin sa Business Proposal.

Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita niya at nakikinig lang ako at nagt-take down ng mga kailangan gawin. Nagbibigay rin ako ng ideas.

Some of our groupmates groaned. Hinanap ng mata ko si Cheryl. Magkahiwalay kasi kami ng group. Binigyan kasi kami ng time ng prof namin para makapag-meeting each groups at para paghatian ang tasks na kinakailangang gawin.

Hay. Kakabalik lang ng klase, stress agad ang binungad sa amin. Ang daming kailangan gawin. Siyempre, reklamo muna tayo bago gawin. Kasi naman, pag-uwi galing school, may kailangan pang gawain sa bahay. Maaga pang gigising at madalas late na nakakauwi.

I exhaled hardly. Kaya ko 'to.

Bumaling ako sa katabi kong mahinang tinapik ang aking braso. Nakapaikot kasi ang chairs ngayon dahil nga sa meeting. "Anong feeling na makasama si Eleazar araw-araw?" one of my groupmates asked, grinning.

I licked my lower lip, thinking of an answer. "M-Masaya..." I answered reluctantly. Sa dinami-dami ng pwedeng itanong iyon pa talaga, huh? Lumalapit lang talaga sila sa akin o kinakausap ako kapag tungkol kay Eleazar.

"Sus! Swerte mo nga. Crush iyon ni Bianca. Usap-usapan na sa buong campus. Nakikita mo ba 'yung mga posts niya? Puro pagpaparinig kay Eleazar." Mahina niya akong siniko. "Tulungan mo naman," aniya na parang pinipilit talaga ako. I lowered my eyes, don't know what to say. "Ikaw yata dahilan kaya hindi siya nagkaka-jowa. Dikit ka kasi masiyado." She scoffed which made my heart clenched in pain.

After class ay nagtungo kami ng mga kagrupo ko sa Library para masimulan na namin kahit papaano. Nang pakiramdam ko ay kailangang kong magtungo muna sa comfort room ay nagpaalam muna ako bago tumayo at naglakad palabas. Sakto naman ay nakasalubong ko rin si Eleazar sa hallway nang makalabas. Kasama rin niya ang groupmates niya.

He gave me a warm smile. Kaninang recess lang ulit kami nagkita at nagkausap saglit. Pakiramdam ko pa rin ngayon ay bagong kita lang kami.

I pressed my lips into a thin line to force a smile. Naalala ko bigla ang sinabi ng kaklase ko kanina. Gumilid ako at nilagpasan sila.

Naglabas ako ng malalim na buntong hininga. Imbes na magtungo sa CR ay pinagmasdan ko ang school campus mula rito sa second floor building kung saan narito ang Library. Mayroon din malapit sa STEM building pero ito ay mas malapit sa amin. I leaned my arms against the railings and saw several students walking below.

Ang iba ay mukhang zombie na naglalakad at iyong iba naman ay mukhang masaya-- siguro dahil uwian na nila.

Someone poked my cheek. Before I could turn my head, I already knew who it was. He stood beside me, leaning his arms against the railings too. "Malapit na mag-five o' clock. Bilhan kitang pagkain, Prim. Anong gusto mo? Iyong usual ba?" Eleazar was referring to streetfoods.

I shook my head as my reply, not turning to him. "Hindi ka ba hahanapin ng mga groupmates mo?" marahan kong tanong.

He chuckled. "Saglit lang naman ako, eh... Sige na... Fishball? Kwek-kwek? Isaw? Betamax?"

I heaved a sigh. My gaze turned to him. He was smiling at me, waiting for my response. "Sige na nga," pagpayag ko at napangiti na rin. His smile was contagious.

His smile widened. "Kaso pala hindi healthy iyong streetfoods. Dapat 'pag stressed ka, healthy foods ang kinakain mo para hindi hihina ang resistensiya ng katawan mo," sambit niya.

Natawa ako habang umiiling. "Doc Eleazar, who?" I joked. "Kung ganoon... kahit ano na lang," I said. "Bananacue na lang pala," biglaan kong wika.

A small pout plastered on his lips. "Okay, noted kahit na oily iyon." Humalakhak kami pareho. "Bibilisan ko lang bumili." Humakbang na siya paalis pero muli siyang lumingon. "Drinks?"

"Kahit ano. Basta galing sa 'yo." I bit the insides of my cheeks.

Side of his lips rose up. "Okay, boss."

"Ingat. Balik ka agad! Baka hanapin ka ng groupmates mo," paalala ko nang maglakad na siya palayo.

"Nagpaalam ako na saglit lang. Don't worry!" Umikot siya saglit at nag-thumbs up sa dalawang kamay niya bago siya muling nagpatuloy sa paglalakad.

After that, I went to the comfort room and went back to the Library. Lahat ay busy at may ginagawa. Na-guilty tuloy ako bigla.

"Itutuloy natin 'to bukas, ha. Walang uuwi nang maaga. At saka kung pwede, continue niyo na sa house 'yung iba para bukas mabawasan na tayo ng tasks."

Tumango kaminh lahat at nagpatuloy sa ginagawa. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagbulungan ang iba kong kasamahan at may tinitignan sa likod ko. Napunta rin ang tingin ko roon. Eleazar was on his way towards our direction. I bit the insides of my cheeks. Bakit parang nag-slow mo siya?!

Umayos ako nang upo nang nakalapit na siya. He placed the small brown paper bag on the table and gently pushed it near me. "Goodluck, sa inyo." I looked up to him. He smiled at me and to my groupmates.

"Thank you..." I uttered, it was almost a whisper.

Nang umalis na siya at pumunta sa ka-group niya, na hindi kalayuan ang seats sa amin, ay dahan-dahan kong kinuha ang bigay niya at in-open ito. Tatlong bananacue. I smiled inwardly.

"Sana all," dinig kong sambit ng isa.

Lumingon ako sa paligid at patagong kumain. Hindi naman ako sinuway ng mga kasama ko at tahimik lang sila at pinagpapatuloy ang mga ginagawa. Ang group ni Cheryl ay malayo sa amin.

Nauna kaming umuwi at nag-text ako kay Eleazar na mauuna na ako dahil may pinapabili si Eston na kailangan sa school nila. Nakalimutan niya raw kasi sabihin kay Nanay habang maaga-aga pa.

From: Nanay

pncil, art pper dw tpos papel ksma n glue. slmt apo ko.

Nakabili nga ako ng kailangan ng kapatid ko sa isang school supplies store na malapit sa VNHS pero nakalimutan ko namang bumili ng columnar pad!

"Bili tayo columnar pad mamaya, Cheryl," pag-aya ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway papuntang staircase.

She sighed heavily. "Speaking of the devil. Naubusan na rin ako!" Umangkla siya sa braso ko nang narating na namin ang hagdanan. "Grabe, nakaka-stress naman ang bungad ng bagong taon sa atin! Sana naman next time, Prof will give me a nice groupmates. Puro pabuhat! I don't think I can't look in their eyes anymore." She sounds annoyed.

"Kung nakakapatay lang ang mata, baka naka-murder ka na," pagbibiro ko.

"I will bury them six feet under the ground, alive." I saw her rolled her eyes.

Bumili kami ni Cheryl noong uwian bago siya sinundo. Pero since may pupuntahan naman daw sila, sinabay na nila ako sa kanilang sasakyan pauwi. Para hindi na raw ako maglakad at padilim na rin.

Si Eleazar naman ay text nang text sa akin at nagrereklamo na gusto na niyang umuwi. Kahit sa Messenger ay nagra-rant na siya!

Maaga akong nagising kinabukasan kaya maaga rin akong papasok. Nahanda ko na ang mga kailangan nila Brielle at Eston. Habang palabas ng bahay ay naabutan ko si Eleazar sa labas ng bahay. Ngumiti siya sa akin.

Lumabas na ako ng gate at inayos ang pagkakasara nito. "Anong ginagawa mo?" I checked my phone to see the time. "6:40 pa lang," I said before I chuckled.

"Hindi na tayo nagkikita, eh. Na-miss ko lang..." Sabay na kaming naglalakad. Umikot siya at nagpalit kami ng pwesto. Nasa safe side na ako sa gilid ng kalsada gaya ng madalas niyang ginagawa.

I jokingly rolled my eyes. "Anong hindi na nagkikita? Hindi ka ba nagsasawa na makita mukha ko?" I scoffed.

"Hindi. Kahit araw-araw o twenty-four hours ko pa 'yang titigan. Baka matiklop ka pa," mayabang niyang saad.

I hit his arms. "Eh, kung ikaw tiklupin ko?" nanghahamon kong sambit.

"Testing nga," pang-aasar niya. "Paano mo ako titiklupin," dagdag niya pa. Inunahan ko na siya maglakad at nasusundan niya ako agad! Ang ending ay nag-asaran lang kaminh dalawa hanggang makarating sa gate ng school.

As usual, sa Library ang tambayan ko after class dismissal. Lagpas 5PM na kami natapos dahil nagpasya na rin ang iba na umuwi dahil malayo pa ang bahay nila.

Sabay-sabay silang naglakad pababa ng stairs at ako ay naiwan sa likuran nila. Huminto ako sa paglalakad saglit at gumilid para halungkatin ang bag ko. Hindi ko mahanap kung nasaan 'yung calculator ko!

Nagmamadali akong bumalik sa ABM building dahil baka ni-lock na 'yung room at baka naiwan ko iyon doon! While running on the stairs, I bumped into someone.

"Oh my god! Lhadeen!"

"Bianca..." I forced a smile. "H-Hi..."

"Hello, Lhadeen! Uh, have you decided to help me?" Bianca pouted. "Sa susunod na Sunday sana... I want to watch a movie with Eleazar. Could you please help?" she was pleading.

I didn't know what to react. Tumikhim ako. "Pagkatapos ba no'n, uuwi na kayo?" I asked hesitantly.

Her brows frowned before she chuckled. Her other hand held the strap of her backpack. "Depende kung gusto pa niyang gumala," she answered. "Also his number... I didn't have it so..." She smiled this time, her cheeks were turning red.

Napalunok ako at dahan-dahang kinuha mula sa bulsa ko ang phone at nagtungo sa contacts. After clicking Eleazar's name, I showed her the screen. Nilabas dim niya ang kanyang cell phone at nagtipa roon habang tinitignan ang akin.

Nang ma-save niya ito ay ibinalik ko na sa bulsa ko ang phone. "Thank you so much, Lhadeen!" she beamed. "So, will you help me to have a movie date with Eleazar?" Her eyes twinkled and I know the she was filled with excitement so I couldn't say no. "This Sunday lang naman. No more next time."

A small smile platered on my face before I decided to nod slowly. "O-Okay," kinakabahan kong tugon dahil baka kainin ko lang ang sinabi ko. Wala naman akong makitang dahilan para tanggihan siya. At saka, sabi niya isang beses lang naman.

Hinawakan niya ang braso ko at tumili. She covered her face afterwards with her two hands. "I cannot wait. Oh my god!" Inalis niya ang pagkakatakip sa mukha at pulang-pula siya. She looked on her wristwatch, then, she looked at me. "I have to go! Bye!" She waved her hand quickly and ran away after.

Kinagabihan ay hirap akong makatulog. Hinihiling ko na huwag munang magmadali ang araw na lumipas upang hindi pa mag-Sunday. Ang kapal ng mukha kong pumayag tapos magiging ganito rin pala ako.

Magd-date sila sa susunod na Linggo.

Silang dalawa lang.

Those thoughts kept running inside my head. I don't know what will happen... If this is a good idea or not, but still, I was hoping that Eleazar will feel happy that day.



≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro