21.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ang dami nang naghihiwalay ngayon. Tanghali na lang talaga ang nag-iisang tapat."

Usap-usapan sa buong classroom ngayon ang hiwalayan hindi lang sa showbusiness kung hindi, pati na rin ang mga magjowa sa school.

"Stay single na lang forever. Mag-self love na lang tayo," sambit ng iba.

I turned to see Cheryl's reaction. Kuya Conrad had a girlfriend just a month ago and then, yesterday, he posted a new girl on his Facebook story.

This spreads like a wildfire to the whole campus. Kanya-kanyang speculations ang mga studyante kung bakit naghiwalay ang dalawa at ang bilis makapagpalit ng babae ni Kuya Conrad. Cheryl was busy reading her handouts, minding her own business. But I know her. She was listening, but pretending to not hear anything. I leaned forward to her. "Ang ingay ng paligid. Gusto mo bang lumabas muna. Magpahangin?" I asked her softly.

She placed the papers on top of her table before looking at me. "What if we're late na if hindi natin mamalayan ang time?"

I smiled. "Don't worry. Saglit lang tayo. We have to breath outside for fresh air than being here in this suffocating and noisy place," I uttered, still smiling.

She smiled too, lookong convinced. Tumayo ako at inantay siya. She kept her handouts inside her bag before standing up, too, and we both went outside.

May mga estudyante sa hallway ang nagtatawanan, nagbabasa ng pocketbooks, iyong iba ay textbooks ang hawak at mukhang nagre-review, may couple na naghaharutan, gumagawa ng Tiktok videos, nagru-rubics cube habang nakasandal sa railings, at marami pa.

Bumaba kami ng building at naglakad patungo sa bench sa ilalim ng puno, na malapit sa garden area. I inhaled deeply as the wind blows my hair. Hindi ako nag-braid ngayon dahil nagmamadali na akong pumasok.

"Okay ka lang ba?" marahan kong tanong sa kanya nang mapansin na matamlay siya.

"I don't know..." Magkatabi kami ni Cheryl, nakaupo, at nakita ko siyang nakatingin sa direksyon ng STEM building. She heaved a sigh. "Buti na lang hindi ako naging isa sa mga babae ng Conrad na 'yan. I almost did, but at least I stopped," she stated. "Ganoon pala ugali niya." Lumingon siya sa akin at mapaklang ngumiti. "I thought we're just awkward to each other personally was because he's shy... Akala ko mas komportable siya if we're talking lang online. He has his reasons pala." She lowered her eyes and played her fingers.

I tapped her shoulders, trying to ease her feelings. Never akong naging magaling sa pag-comfort ng ibang tao. All I can do is open my ears and listen to them wholeheartedly. I'm not good at words. That's why sometimes, I see myself as a useless friend.

"May mga lalaki talagang gago," komento ko. "Pero mayroon din namang hindi." Katulad ni Eleazar. "It's their choice to be man... or just to be a boy na puro lang laro," I added and sighed. Muli kong tinapik ang kanyang balikat.

She rested her head to my shoulder. "I'm glad that I have a friend. And that's you. I'm glad it's you..."

Bumalik na rin kami sa classroom fifteen minutes before first period. At nang mag-recess ay nagtungo muna ako saglit sa Library at may binalik na libro bago pumunta ng canteen kasama si Cheryl. Hinanap ng mata ko si Eleazar sa paligid ngunit hindi ko siya makita.

Habang kumakain kami ay may umupo sa tabi ko. Si Bianca. Her perfume went through my nose which made me feel so little. Amoy mamahalin kasi. "Hi there, guys. Hi, Lhadeen," bati niya sa amin.

"Oh, hi, Bianca. Are we that close to sit on the same table?" Hindi ko alam kung sarcastic ba si Cheryl sa pagtatanong niya or biro lang.

Bianca laughed and composed herself. "Actually, si Lhadeen talaga ang sadya ko. Can I borrow her for a while?" she was asking Cheryl.

"Oh." Cheryl paused. Her gaze met mine. "Okay lang ba sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong. Alam niya na tungkol kay Eleazar ang gustong pag-usapan ni Bianca.

I gave Bianca a once-over before looking back to Cheryl. I gave her a nod. "Okay lang... Ikaw? Mag-isa mo lang na kakain," sambit ko sa kanya.

"Oh, it's fine." She looked at Bianca. "Just be fast, okay?" masungit niyang sabi.

Gusto ko mang kumain pero wala akong magawa kung hindi sumunod kay Bianca. Para matapos na rin ito at makabalik na ako roon dahil mag-isa si Cheryl.

"Next Sunday. Ano? Is everything planned?" nagmamadali niyang tanong sa akin nang makarating kami sa gilid ng building ng HUMSS.

Lumingon ako sa paligid bago muling bumaling sa kanya. "Gusto kitang tulungan kaya lang, paano kapag ayaw pala ni Eleazar?" maingat na tanong ko dahilan para siya ay matawa. Nagdadalawang-isip na naman ako. Sobrang hirap makapag-decide.

"Pumayag ka na noong nakaraang araw tapos ngayon, magbabago ka na naman ng desisyon?" she snorted. "What made you sure na hindi siya pupunta?" She raised her eyebrows. "Sabihin mo lang na magkita kami sa mall. Tapos manonood ng sine. Mahirap ba 'yon?" I bit the insides of my cheeks. Hindi ko gusto ang tono ng kanyang pananalita. "Or pwede mo namang sabihin na kunware magkikita kayo roon pero ako pala talaga ka-meet up niya, ganoon!"

"Kung hihingi ka ng tulong sa akin at ganyan ka, Bianca, sana hindi na lang. Pwede mo namang gawin nang ikaw lang 'di ba?"

"Ano?" She started to frown.

Lumunok ako. "What I mean is, kung hindi magustuhan ni Eleazar, baka magalit pa 'yon sa akin. Ayaw niyang sineset-up siya sa mga date, Bianca," I explained. "At kung talagang gusto mo, wala namang masama na ikaw mismo ang mag-aya sa kanya personally. Tutal, magkaklase naman kayo, eh."

"Just once, 'kay? Help me just once. Just this time. Isang araw ko lang naman hihiramin si Eleazar. Masama ba 'yon?" she said dramatically. "Alam kong magkaibigan kayo pero hanggang doon lang naman, hindi ba? Platonic friendship lang ang meron kayo, right? So, please, just this time... Help me." Hindi ko mapigilang maawa sa kanya. But still, I was second-guessing her sudden change of actions and speaking.

"Stop gatekeeping Eleazar," dagdag niya na dahilan ng panunuyo ng aking lalamunan. That made me shiver. Am I gatekeeping him all along? Ako ba talaga ang problema?

I don't have energy left to argue with her. Wala rin naman itong mapupuntahan. Sa huli, pumayag pa rin ako. Wala akong magawa. Wala pa man ay kinakain na ako ng guilt dahil hindi bukal sa loob ang gagawin ko. Kung tutuusin, ayaw ko. But I think Bianca was right after all. I am gatekeeping Eleazar.

Baka ako lang talaga ang dahilan kaya hindi siya pumapayag na makipag-date sa iba. Siguro gusto rin niyang i-try, pero ako ang rason kaya hindi niya nagagawa. Pinapamukha ko ba na huwag niyang gawin iyon? Nararamdaman niya bang ayaw ko siyang may maka-date na iba? Hindi ko alam. Naguguluhan ako.

Kaya sa sumunod na araw ay inipon ko lahat ng natitirang lakas ko para makausap si Eleazar. Sobrang kabado ako. Ayaw ko... Ayaw ko siyang pumunta kasama si Bianca...

Tiningala ko siya. "Eleazar, free ka ba next Sunday?" tanong ko sa kanya. We were walking back to school and we just had our lunch break. Cheryl was sick and I'm worried since maybe because she was stressed and she was lack of sleep due to academic loads and as well as her freeloader groupmates.

Sa dinami-dami ng kailangang gawin, hindi na niya naaalagaan ang sarili niya. Balak namin na dalawin siya mamayang uwian. Sana pwede. Gusto kong makita kung kamusta siya.

Inayos niya paharap ang kanyang backpack. "Hmm? Hindi naman. Gusto mo, simba tayo?"

"Huh? Ano, magsisimba kami nila Papa..." tugon ko. May kinuha siya sa loob nito. After a few seconds, he handed me a one-pack Hello chocolate bar. Nagkatinginan kaming dalawa. "Wow... Thank you," I uttered sincerely as I accepted it. Tumigil kami saglit at gumilid.

Niyakap ko iyon. Siya naman ay inayos ang bag at isinuot na ito sa likod niya. "Ibibigay ko sana sa 'yo 'yan kanina." We started walking together. "Kaya lang, masiyado kasi silang ma-issue at baka kung anu-ano na naman ang sinasabi tungkol sa 'yo."

He was really thoughtful and always consider my feelings. "Ang bilis nilang may masabi sa buhay ng ibang tao nang hindi inaalam ang buong istorya," I commented. We separated our ways when we stepped into the campus. He went to his friends, running.

Pagkatapos ng klase ay nag-tricycle kaming dalawa papunta sa address nila Cheryl. Nalaman ko iyon dahil naiwan niya sa desk niya ang ID niya kahapon kaya kinuha ko na rin para ibalik ito sa kanya.

We knocked on their big red metal gate. "Tao po!" sabay naming sigaw ni Eleazar. We both peeked through the small space on the lower part of the gate since their place is huge and we thought they couldn't hear us.

Bigla na lamang may nagbukas at umayos kami ng tayo pareho ni Eleazar. Lumabas ang isang babaeng nasa mid 50's. "Hello po. Uh, pwede po ba kaming pumasok sa loob?" pagbati ko. Bumaling ako kay Eleazar at itinaas niya ang dala naming mga prutas para kay Cheryl. I looked back to the lady. "Para po kay Cheryl... Mga kaibigan niya po kami." I smiled.

Tumango ito sa amin. "Saglit lang, ha? Tatanungin ko muna siya," aniya bago lumakad pabalik sa loob ng bahay.

Nilabas ko na ang ID ni Cheryl mula sa aking backpack at hinawakan ito sa kanang kamay. My eyes drifted to Eleazar. He was scratching his nape. He smiled when our eyes met. "Baka nagugutom ka na? Kunin mo na itong banana or orange," alok niya at tumingin sa hawak na plastic.

"Hoy, sira. Para kay Cheryl 'yan!" sambit ko, natatawa. "Hindi naman ako gutom," tanggi ko. Iinom sana ako at inilabas ang aking water bottle ngunit pagkuha ko ay magaan na ito at wala nang laman.

"Nauuhaw ka? Mayroon tubig. Teka." I turned to him. Inilabas niya sa gilid ng bag niya ang isang Tupperware na water bottle at color blue ito. In-open niya ito bago inilahad sa akin. "Oh, ayan." Wala pa itong bawas. "'Di ko pa 'yan nainuman, ha."

Nakangiti ko itong tinaggap. "Sus, thank you! Kumpleto talaga, ah. Boy scout 'yan?" I chuckled lowly. I turned my back around him as I drink.

Hindi nagtagal ay lumabas nang muli ang babae kanina. I composed myself and bring back Eleazar's bottle to him. "Sorry talaga, mga nakong. Sabi kasi ni Cheryl, ayaw niya muna ng bisita dahil baka makahawa pa siya at gusto munang mapag-isa. Pasensya na rin daw at salamat sa pagpunta." Yumuko siya at humingi ng paumanhin.

"Naku, wala pong problema." Inabot ni Eleazar ang plastic na may laman na prutas sa kanya. "Naintindihan po namin."

I also handed her Cheryl's ID and she gladly accepted it. "Pakisabi po kay Cheryl na pagaling po siya, kumain nang maayos at 'wag kalimutan mag-take ng meds," paalala ko.

"Parang gusto ko tuloy magkasakit," ani Eleazar habang nag-aabang kami ng tricycle sa waiting shed malapit sa bahay ni Cheryl.

Malakas ko siyang siniko sa tagiliran. "Siraulo! Ang hirap kaya magkasakit tapos hihiling ka ng ganyan?!" I hissed.

"Aw!" He touched his waist. "Joke lang!" bawi rin niya at nag-peace sign. I glared at him. Ito talaga, puro biro! Napakapasaway!

Hanggang sa dumating na ang araw na magd-date sila. Para lang akong kumurap at hayun na... Sunday na.

From: Eleazar

san ka? andito na ako sa harap ng stall ng potato corner. malapit sa sinehan

I gulped hardly. Hay, sorry talaga! Hindi ko alam ang gagawin at nagpa-panic na ako. Akala kasi ni Eleazar magkikita kami roon sa mall. Hindi niya alam na sinet-up ko siya kay Bianca! Hindi ako makapag-reply agad.

Bianca messaged me that she was on her way with the tickets for cinema. I didn't reply to the both of them... Magtatagpo rin lang sila roon.

I kept my phone in silent and made myself busy. Naglinis at naglaba ako until I felt exhausted. That's when I decided to take a rest for a while. Kating-kati na akong buksan ang phone ko.

My mind couldn't take this anymore. I marched to my room and grabbed my phone. No texts at all...

I turned on the mobile data and tapped the Facebook app. I was just scrolling until a notification popped. 'Bianca Joy Rapatalo added to her story.'

My hands were shaking as I clicked the notif. My heart sank when I saw Eleazar's stolen shot. He was eating ice cream, wearing a plaid polo. Probably, magkaharap sila noong kinunan ito ni Bianca...

Napansin ko na may maliit na word doon sa larawan na nakalagy. I fixed my glasses and squinted my eyes to see it clearly.

'Had fun with Eleazar! Such a nice first date ❤ OMG IT FELT LIKE A DREAM!!'

Ang sakit pala. Tanga ko. My heart clenched in pain and a tear escape from my eyes. That moment I knew that I really like Eleazar... And this will be a secret that I won't let anybody know.




≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro