27.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Research defense, business proposal, exams, ano pa? Baka nahiya pa 'yung iba." Cheryl huffed upon fixing her textbooks, notebooks, papers and pen inside her bag.

I groaned in frustration. Hindi matapos-tapos ang gawain. Araw-araw na lang akong haggard. Wala namang bago pero mas lalo lang lumala.

Few more weeks and we'll have our vacation. Konting push na lang. Kinakaya namin at kakayanin para makatapos.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa dahil naramdaman ko itong nag-vibrate.





From: Eleazar

pwede ba akong magskip ng klase? 👉👈

joke lang! huhu nakakapagod mag-aral pero d aq mapapagod magmahal :^




To: Eleazar

Umayos ko nga. Para kang tanga. Haha! Magpahinga ka rin 😁




He immediately replied.




From: Eleazar

wala ung pahinga ko d2 e

nasa kabilang room >_<





That made my brows frowned. Ah... Sino kaya?! Matagal na siyang walang kinukuwento or nababanggit sa akin.

Baka naman nasa malapit lang? Hay, ewan ko. I didn't reply to him and decided to go to canteen with Cheryl to have a quick break.

As days pased by, I was very nervous for our defense. I was wearing a formal attire. I borrowed this from our neighbor since I don't have my own. Mabuti at mabait sila, pinahiram naman ito sa akin agad.

Nanginginig ako habang paakyat na sa AVR Building. Kami na ang next sa naunang grupo. Pero naalala ko bigla 'yung sinabi ni Eleazar kanina.

"Goodluck, Prim, ha. Bukas pa kami. Tandaan mo na proud ako lagi sa 'yo." He smiled and pinched my left cheek. "Kaya niyo 'yan. Kaya mo 'yan. Inhale..." I did what he say. "Exhale..." It helped me calm a bit.

During defense, my throat felt dry. My hands were sweaty despite the cold wind from the aircon here in the AVR room. But Eleazar's voice keep echoing in my mind. Kaya namin 'to. Kaya ko ito. Inhale... Exhale...

At nakaya ko nga. Nakaya namin. My groupmates shriek in happiness as we went outside the room. "Deserve natin ng milyon-milyong tulog!" masayang sambit ng leader namin.
                    
"Lhads!" tawag sa akin ni Cheryl, nakangiti. Sinalubong niya ako ng isang yakap pagkabalik namin sa room. "How was it?" she asked excitedly.

"Sure na sure nang makakaakyat ako sa recognition day," I replied happily.

Kumalas na kami pareho sa yakap. "Oh my god, why do I feel like we're getting older already? Is this because recognition day is getting near?" She smiled. "Congrats! You deserve to eat lots good food later."

"Thank you." I gave her back a smile. "Akalain mo 'yon? Buti 'di ako nahimatay." I snorted. "Goodluck mamaya, ha?" I held her right shoulder and caressed it.

She exhaled. "I hope 'di nila kami gisahin."

I was waiting for Cheryl to finish their defense here outside the AVR room. Tinanggal ko muna ang eyeglasses ko dahil napapagod na ako kakasuot nito.

I was crossing my arms, feet are stomping and I could feel my stomach rumbling. Lumipat ako pwesto rito sa may railings. I leaned my arms and feel the wind gently touching my skin.

Someone covered my eyes from my back. "Ano ba?" I hissed.

"Hulaan mo." Phew, akala ko kung sino naman.

"Tao ba ito?" I chuckled. "Hayop? Parang hayop yata, eh." Doon na siya bumitaw at umikot ako para tignan siya. "Tignan mo, binibiro ka lang," I told him.

Eleazar was pouting, eyebrows were knitted together. Bakit ganoon? Malabo ang mata ko, pero pagdating sa kanya, parang lumiliwanag at lumilinaw. "Hayop?" hindi makapaniwalang aniya.

I laughed. "Bakit? Hindi ba?"

He licked his lower lip. "Matagal pa ba sila Cheryl?" he asked softly.

I shrugged. "Baka malapit nang matapos. Lagpas 12 PM na rin, eh. Antayin lang natin." Nakatingin lang siya sa 'kin na para bang naninibago kaya nailang tuloy ako.

Tinalikuran ko siya at ipinaharap ang bag ko bago ko ito in-open para halungkatin ang salamin ko. Nakalagay ito sa color baby pink na transparent hard case. Isinuot kong muli ang salamin. Everything's clear now.

"Anong eye grade mo ba?" tanong niya sa likod ko. Zinipper ko na ang bag bago siya hinarap.

"Mas mataas sa general average ko," pagbibiro ko.

He chuckled lowly. "Hindi ka naman nahihilo 'pag inaalis mo?" curious na tanong niya ulit.

Bumuntong-hininga ako. "Dati. Blurd kasi nakikita ko. Kaya pakiramdam ko nahihilo ako. Ngayon, nasasanay na rin. Mahirap kasing nakasalamin lagi kaya minsan hindi maiwasan na alisin," litanya ko.

Tumango-tango siya. Bigla namang nagbukas ang pinto ng AVR. When Cheryl saw she her eyes widened and hugged me while jumping in joy. "Yes! It's all done! I can now sleep peacefully during night!"

I tapped her back. "Congrats!"

Nang kumalas siya ay inayos niya ang kanyang buhok at nagulat sa presensya ni Eleazar. "Oh, You're here! Did you, guys, waited for so long?"

"Medyo. Pero okay na rin. Kasama ko naman si Prim." The side of his lips lit up. I snorted.

"Then, let's have lunch together! Wait-- I have to change my clothes pa pala." Naka-corporate attire kasi siya dahil nga nag-defense sila. Ang mga kagrupo niya ay nagyakapan din at sinama nila si Cheryl.

The three of had our lunch at Mang Inasal. Naka-unli rice at PM1 si Eleazar samantalang kami ni Cheryl ay parehong sisig ang order with gulaman.

"PM me if your interested in me."

I jokingly rolled my eyes on his statement. "I-PM mo na kasi siya, Lhads." Siniko ako ni Cheryl. I only reacted with a snort.

Few weeks later and it's already our recognition day. I received my medal. I'm part with the honor roll. With honors.

Buti nakasama ako kahit nahihirapan akong mag-adjust lalo na nung umpisa. Maski ngayon naman. I did my best and tried and tried and I'll keep on trying... I won't give up despite the difficult things that I will encounter. I have Him. And I trust Him so much. I wouldn't be here in the first place without Him. Our Creator.

Worth it lahat ng mga puyat namin. Makakapagpahinga na rin sa wakas. Siguro ang gagawin ko lang sa buong bakasyon ay matulog 24/7. Charot.

Mama, nakikita mo ako ngayon... Alam kong masaya ka riyan. Miss na kita, Mama. Miss ko na 'yung dati na ikaw ang kasama kong umakyat sa stage at sinasabit ang medal sa akin... I wish I could see you here... I wish you were here with me... I wish I could hug you again...

My father was the one who hung my medal. "Congrats, 'nak," he whispered softly afterwards. "Proud si Papa sa 'yo," dagdag niya. Pinigilan kong hindi maluha. 'Di na kami close katulad ng dati bago niya niloko si Mama at bago rin siya pumanaw.

"S-Salamat po..." tanging sinabi ko.

Humarap kami sa audience para kuhanan kami ng photographer ng picture. My siblings and Nanay Gloria caught my attention from the audience. Nangunguha si Brielle ng pictures. Nasa may bandang harapan siya, hindi kalayuan kina Nanay at Eston.

I smiled to the cameras albeit I feel shy because I was in front of so many people. My eyes drifted to Ruby. Ang dating inaaway-away ako dahil kay Eleazar. My eyes also landed to Bianca. She was looking at me, fuming mad. Then, I also saw Xean. He was smiling and gave me a two thumbs up. Cheryl was also clapping proudly.

Eleazar. He was standing, holding a phone horizontally, on his eye-level... He was taking a picture of me...?

Bumaba na kami sa stage at sa hindi malamang dahilan ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Puntahan mo muna si Eleazar." Nagulat ako sa sinabi ni Papa pagkaupo namin. Ano raw? Akala ko ba ayaw niya na lumalapit ako sa kanya?

Tatanungin ko na sana kung bakit pero na-distract ako dahil inabutan ako ni Eston ng sunflower. Nag-abala pa sila para dito! "Congrats, Ate. I love you." Nakangiti siya nang malawak.

I accepted the flower and graze my thumb on his right cheek. "Thank you, Primston Roswell..." A small plastered on my lips. "Love ka rin ni Ate." Bumaling ako kay Brielle, nakatayo at inabot sa akin ang isa namang pack ng Hello chlcolate bar. I chuckled softly. "Aba... Thank you, Primilyn Brielle." I pinched her nose.

She giggled. "Congrats, Ate! Proud kaming lahat sa 'yo!"

"Nay, andito ka..." Kaninang umaga ay kami lang talagang apat: Papa, Ako, Eston at Brielle. Akala ko kasi 'di makakapunta si Nanay dahil busy siya. Pero, heto siya ngayon, humabol para makaabot siya.

Malawak na ngumiti si Nanay Gloria. "Baka apo ko 'yan... Malaki ka na talaga, Lhads..." Ngumuso ako. Nakaka-touch naman na narito silang lahat ngayon!

"Puntahan mo muna si Eleazar..." I turned my gaze to my father beside me. Palabas na kami sa gymnasium dahil natapos na ang awarding. Kumukuha pa ng pictures ang ibang naiwan sa loob. Mayroon kaming larawan ni Cheryl gamit ang camera niya. Her parents were here. Her family screams luxurious.

We bid our goodbye to each other when her parents already called her. Magce-celebrate sila somewhere. "I'll chat or text you sometime, okay? Love you. Congrats!"

"Congrats, Cheryl! Enjoy your vacation! Love you." I hugged her tight before she left.

Hinahanap ng mata ko si Eleazar bago pa man kami tuluyang makalabas sa school, nang biglang magsalita si Papa. "Mag-usap muna kayo o magkwentuhan bago tayo umuwi."

Kumunot ang noo ko. "Akala ko po ba..." I trailed off.

Papa plastered a small smile. "Magkaibigan kayo. At least, magpaalam muna kayo sa isa't isa bago magbakasyon," paliwanag niya. "Mabait na bata si Eleazar. Nagkamali ako na hinusgahan ko siya at inayawan..." He heaved a sigh. "Pasensya na..."

I unconsciously smiled. "Salamat, Pa." Excited akong nagtungo malapit sa gymnasium. Nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng puno, may kasamang mga lalaki, nag-uusap at naghahalakhakan.

The guy beside him saw me and poked Eleazar's arm and gestured my direction. His eyes roamed and when he met mine, he waved his right hand. He excused himself to his friends and ran towards me.

He immediately hugged me. "Congrats! You made it, Prim! Gagi, sobrang proud ako sa 'yo, oh!" Bumitaw siya. Sobrang lawak ng ngiti niya na para bang anak niya ako at talagang proud siya sa akin. "Kaya idol kita, eh."

Mahina akong natawa. "Congrats sa atin. Ano ka ba! Ano... papaalam lang ako bago kami umuwi."

His face soften. "Uuwi na kayo?"

"Doon na kami sa bahay magce-celebrate. Bibili muna kami pancit at cake," tugon ko. "Ikaw?" tanong ko naman.

He licked his lower lip and checked his wristwatch. "Uuwi na rin ako maya-maya."

"Sino kasama mo?" Hindi ko mapigilang magtanong.

Ngumisi siya. "Love of my life."

"Tss. Edi wow!" Mahina kong hinampas ang braso niya.

"Pinsan ko kasi!" Tumawa siya. "Si Kuya Matmat, naalala mo?" Ah, 'yong kasama niya sa bahay. Tumingin siya sa likod ko at ibinalik din ang tingin sa 'kin. "Baka hinahanap ka na."

I gave him a small pout. "Mami-miss kita." My mouth should stop from talking... Just what did I say?!

"Eh..." Napakamot siya sa tainga na bahagyang namumula. "Mami-miss din kita." He opened his arms. "Payakap nga ulit." I smiled. Niyakap ko siya at hinagod ang kanyang likod. Ang baba niya ay nasa balikat ko. "Bilib ako sa 'yo, Prim..." Kumalas na kami. "Ingat, hmm? Pakibati na rin si Eston at Brielle para sa 'kin," aniya.

"Okay. Sige." Nakaramdam ako ng lungkot. "Bye... Uh, ingat ka rin. Congrats ulit," I uttered. Ghad, ayaw ko pang umalis.



***


Wala akong ginawa ngayong bakasyon kung hindi gumawa ng gawaing bahay at mag-advance reading sa topics for grade 12. Minsan, nagtutungo kami ni Cheryl sa isang bagong tayo na book cafe dahil nagpapasama siya. Bored na rin kasi siya sa bahay nila. Bonding na rin naming dalawa 'yon.

Paminsan-minsan ay nagkikita rin kami ni Eleazar kapag nagb-bike siya sa aming lugar at inaaya akong kumain ng ice cream.

Sumasama minsan ang mga kapatid ko. Nagpupunta kami sa Wharf, Food Park, Children's Park, Fishing Village, at City Plaza.

"Para kang bata." He wiped off something on the corner of my lips using his thumb. Nakakunot ang noo niya habang ginagawa 'yon, na para bang concentrate talaga siya.

We are here in the Fishing Village, sitting at the edge of the wooden bridge and our feet was below, swinging. May dala siyang gitara at tumugtog siya kanina.

Our eyes met and our face was so close. We stared to each other until I gave up first. I can't swim back. I was drowning.

Pero hindi ako aaminin sa kanya. Sasarilihin ko na kang ito hanggang sa mawala ang nararamdaman ko sa kanya. I don't want our friendship to be ruined just because of this one sided love.

I gulped so hard. I touched the side of my cheek. Ang init ng pisngi ko! Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Parang gustong kumawala. Nagtatatalon.

"Huwag mo na ulit gawin 'yon." I did my best not to stutter. Ayaw kong ipahalata na naaapektuhan ako sa mga galaw niya... sa mga ginagawa niya sa 'kin.

"Ang alin?" He looked innocent.

I exhaled hardly. "'Yang mukha mo. 'Wag mo na ulit ilalapit sa akin."

"Iyong ganito ba?" Mabilis niyang nilapit ang mukha sa akin kaya napapikit ako kaagad. I was almost out of breath!

I heard him laughed softly which made me opened my eyes slowly. Ang lapit pa rin ng mukha namin. "Ang cute mo talaga," he cooed before kissing my forehead quickly.

Eleazar kissed my forehead.




≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro