32.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Omg! He literally did that?! Ano, is he more gwapo na ba?!]

I rolled my eyes. Oo! Ang gwapo niya. Mas lalo siyang gumwapo! Pero ano naman 'yon sa akin?!

"Uh... oo." I cleared my throat when I said those. "Cheryl, dinala niya talaga 'yung clip ko para lang isauli sa akin! Sa ganoong sitwasyon pa kami nagkita!" Nasapo ko ang aking noo. Lunch break ngayon at kumakain ako sa cafeteria ng office building at tinawagan si Cheryl. "Ayaw niya na talaga sa akin. Nagtanim siya ng sama ng loob," I figured out.

She laughed from the line. [Or... maybe, he would always bring your clip because he misses you. Palusot lang 'yong Eleazar na 'yon!] she hissed.

I huffed. "Asa naman ako." I bitterly smiled. "Move on na 'yun."

[Move on from what?] he asked innocently. [Hindi naman naging kayo. Parang kayo pero hindi. Friendship with a little flirting, ganoon!] She laughed loudly, teasing me.

"Kami? Flirting?" My forehead creased. Wala naman akong maalala na naglandian kami. Sadyang close lang naman kami.

[It's quite obvious! You're just numb or... pretending not to know. Duh.

I massaged my nosebridge. "I just don't want to risk our friendship before that's why I'm stopping myself, okay? I'm trying to to keep the fire from smoking." I explained. She hummed, trying to understand my remarks.

[But, this time... are you ready to take risks?] she asked softly. I bit the insides of my cheeks. I don't know what or how to respond. I swallowed hardly. [It's okay. Give yourself time to process everything. I know na nabigla ka sa pagkikita niyo kanina.] she eventually said when I could not answer her.

"Yup... Tama..." Napalingon ako sa mga katrabaho ko na patungo sa aking direksyon, may dala-dalang tray, at mukhang naghahanap nang mauupuan. I raised my hand and waved at them. Four seater table naman itong inupuan ko. They smiled when they saw me. "Cheryl, magl-lunch lang ako, ha? Update kita soon."

[Oh, okay! Sure! Love you! Make sure to eat well, okay?]

I snorted. "Opo, madaam. Love you too. Ingat diyan palagi!" I smiled. "Huwag masyadong pa-blooming!" I teased her before ending the call.

"Uy, Lhadeen, may irereto 'tong si Inez sa 'yo!" My co-employee, Amy, said cheerfully as she settled herself beside me.

Inez was sitting across. She smiling widely. "Nakita mo ba 'yung interior designer nitong bagong branch?" She giggled and squealed. "Bagay kayo! Gusto mo ba ng jowa?" They were looking at me, waiting for my reply. I feel pressured.

Natuop ang bibig ko. Kakatapos lang namin siyang pag-usapan ni Cheryl tapo heto na naman siya... Wala akong ginawa kung hindi ang umiling at, "Focus muna ako sa work. Alam niyo na... new environment na naman..." I awkwardly smiled.

"Sus, ito naman Try mo naman makipag-date!" Amy nudged me, convincing me.

I slowly shook my head, refusing. "Sorry talaga... pero kailangan ko munang asikasuhin ang work bago 'yang lovelife na 'yan," I told them.

"Pero kilala niya. Kaya baka may chance!" pagpupumilit ni Inez.

"Oo nga!" Bumaling ako kay Amy, ngiting-aso na nakatingin sa akin. Lumunok siya bago magkwento. "Tinanong niya kung saang department ka! As in full name pa ang pagkakatanong niya!" She cleared her throat. "Ganito... 'Hello, good morning. I just want to ask which department does Primrose Lhadeen Gentil works in?' Tapos, girl! May spark sa mata niya pagkabigkas ng pangalan mo!" She nudged me again and I could not eat properly.

Dahan-dahan akong sumubo ng pagkain. "T-Talaga?" tanging sinambit ko.

"Paano ka niya nakilala? Ghad, don't tell me, he's your ex!" I almost choked with my food. "Name reveal!"

"Guys, relax nga lang kayo," I uttered and composed myself. Actually, kanina pa talaga talbog nang talbog ang puso ko at hindi mapakali. "Naging schoolmates kami noong senior high..." Iyon lang ang detalye binahagi ko sa kanila. I didn't tell then the part that we became friends.

Usisa sila nang usisa kaya natagalan ang pagkain ko. Nililihis ko ang sagot ko palagi. Sila naman ay nirereto ako sa kung sino-sino.

"Familiar talaga 'yung guy. I think sumikat siya before dahil may issue. Pero humupa rin after niyang mag-post ng saloobin niya sa Facebook."

Natigilan ako sa pagsubo ng huling pagkain na nasa kutsara ko. Nilingon ko sila at nakatingin na ngayon sa akin, parang may inaalala.

Inez covered her mouth, like she remembered something. On the other hand, Amy gasped, still looking at me.

I know... They both remembered and realized that I was 'that' girl that on his post about years ago on his Facebook after reactivating his account.

"Shit... Oo nga!" Amy snorted. "Bwisit 'yang Bianca na 'yan, eh. Sabi ko nga nga ba na gawa-gawa niya lang 'yug drama niya sa interview na 'yon!" She tsked, shaking her head before she sipped on her fruit tea.

A memory flashed through my mind when I was in the office, trying to do create track records for recent transaction but I just couldn't. Isang linggo na rin noong huli kong nakita si Eleazar. Para siyang naglaho nang parang bula.

Eleazar reactivated his account three months after our last conversation about seven years ago. He posted something that made me regret my decision to push him away. Kahit na tinulak ko siya palayo, hindi pa rin niya ako kinalimutan. Inisip pa rin niya ang kapakanan ko.


Hello,

This is to remind everyone that we should not speculate things based in what we saw on social media. May taong nadadamay dahil sa mga hinuha ninyo. Ang taong iyon ay nasasaktan.

Try to see yourselves in her shoe. Anong mararamdaman niyo kung araw-araw kayong kinukutya ng tao? Ano sa tingin niyo ang maiisip niyo kung palaging may masamang sinasabi sa inyo ang ibang tao kahi hindi naman totoo ang mga pinaparatang sa iyo?

Sobrang sakit.

At kapag nakikita mo 'yung taong mahalaga sa iyo na nasasaktan at umiiyak dahil sa iyo, grabeng bigat sa dibdib at sakit din ang katumbas nito sa iyo, 'di ba? Ganoon ang nararamdaman ko. Wala siyang kasalanan pero pakiramdam ko ako ang dahilan ng lahat dahil wala man lang akong sinasabi tungkol sa issue. Nanahimik ako dahil akala ko mas makakatulong. Pero lumala lang anh sitwasyon.

WALANG agawan na nangyari. WALANG inagaw dahil WALA naman kaming relasyon ni Bianca. We were JUST classmates. Hanggang doon lang iyon. I NEVER gave her hints that I was interested in her, because first of all, wala naman talaga. And to Bianca's fans, please STOP attacking Prim. Hindi na po nakakatulong iyon sa mental at emotional state ng tao.

STOP spreading bad and fake news about Prim, please. Nasisira ng media ang pagkatao niya kahit na inosente naman siya. Maraming humuhusga sa kanya.

Also, please RESPETO naman sa privacy ng tao. Hindi 'yung kinakalat niyo ang old photos niya at magkokomento ng kung anu-ano.

Gusto ko lang magsalita dahil hindi na matigil-tigil ito. And to Bianca, I hope that you'll learn not to tolerate your fans' behaviors.

Let's all settle in peace. We all deserve a peaceful life.

:)



Dinelete niya rin ito after one year. Exactly, one year after niya itong pinost at nag-deactivate muli ng account. After no'n, wala na talaga akong balita sa kanya. Basta ang alam ko, roon niya tinulo ang pag-aaral sa college hanggang sa maka-graduate.

Hindi ko alam na nagwo-work na pala siya rito. Hindi ko rin alam kung kailan siya umuwi. Hindi ko rin alam kung may girlfriend siya. Hindi ko alam kung kamusta ang naging buhay niya roon.

Bianca also posted an apology on Facebook. I don't know if she means this. Humupa na rin naman ang issue eventually. Lumipat din ako ng dorm dahil kay Jessica. Maarte na kung maarte pero ayaw ko ng toxic na ka-roommate.

Eleazar never get off in my mind. Weeks after weeks, I never saw him again. Ang tanging bagong memorya ko na mayroon siya ay iyong nasa elevator kami.

Two years after, I thought we'll never meet again.

Lagi kong nililibot ang aking paningin bago tumawid ng kalsada, umaasa n naroon siya at makakasabay ko. Hinanap ko siya noong umuwi ako sa amin at dumadaan sa bahay kung saan siya nakatira dati kasama ng pinsan niya pero wala nang tao roon.

But fate just get us twisted sometimes.

I have now started and opened a small business after two years. Dito ko sa Taranquil City naisipang magtayo ng negosyo.

Nakabili na rin ako ng sarili kong apartment. Kaya lang, mag-isa ako at hindi naman pwede na dalhin ko ang mga kapatid ko dahil mas gusto raw nila roon mag-aral. Wala naman silang reklamo na kasama si Papa.

Ayon, nagtatrabaho pa rin siya. Ayaw nilang umalis doon. Tanggap ko naman ang desisyon nila at ganoon din sila sa desisyon ko.

Now, I have my own small business. A small laundry shop. Pakiramdam ko parang nananaginip lamang ako. Finally, Lord, salamat... Napangiti ako.

I realized why I was named after a flower. Because just like flowers. They wither, rise again and bloom with colors. I am like a flower.

I withered for countless of times. I rise again and moved forward after a hurricane, and bloom. Its always a cycle. Hindi natin alam kung anong plano sa atin ng Itaas. Pero ang tanging sigurado ko ay malalampasan natin ito.

After a couple of weeks of my soft opening, I already have several customers whom loved my service.

Hindi ko alam na ang pagtatayo ko ng business na ito ay ang paraan para magbuklod ulit kami ng lalaking tanging nagpapasaya ng puso ko.

Kami ni Eleazar... Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. Hindi ko alam kung anong pinapahiwatig ng pagkikita naming muli.

Hinanap ko siya, 'di ko siya nakita. Kung kailan, hindi ko hinanap, kusa siyang lumitaw.

"Sis, ni-recommend ko 'tong shop mo sa ka-batch ko noong college!"

I smiled widely while folding her dry clothes. The chime made a sound which means someone just entered. A customer just entered. I opened my mouth to greet him but I was just there, frozen.

"Oh, Zaramiel! Sis, ito pala siya." Ipinakilala niya sa akin ang lalaki na para bang hindi namin kilala ang isa't isa. The atmosphere felt awkward.

Even though we were under the same roof, I felt like we were solar systems away.

He's here... Nagwala bigla ang puso ko at nagtatatalon. Hindi dahil sa tuwa kung at pati na rin dahil sa kaba. After two years ng huli naming pagkikita roon sa pinagtatrabahuan ko, narito siya... Binati ko siya nang parang normal na customer lang katulad ng ginagawa ko sa lahat kahit na sa loob ko ay nagwawala na naman itong puso ko.

Ang empleyado ko ang nagtuloy sa aking ginagawa kay Ma'am Denise at inasikaso ko ang customer ko... Ang customer ko na si Eleazar na bigla-biglang sumusulpot dito.

I swallowed when he spoke. His voice is now deeper and is more soothing than before. It gave me chills. "Full service laundry.  Wash, dry and fold..."

"Mauna na ako, sis! May PTA meeting pa sa school ng anak ko!" I waved and bid her goodbye. Naiwan kaming tatlo at ang empleyado ko na ang nag-asikaso kay Eleazar at nakabantay ako. Regular clothes ang ipapa-laundry niya. Price per kilo ang sistema ng presyohan ng shop ko. I heard him asked for a normal wash.

I bit my cheeks when our eyes met in a brief moment. He's wearing a casual outfit. Oversized navy blue hoodie and gray jogger shorts and black flip flops.

Lumayo muna ako roon at nagtungo sa counter at chineck ang mga cash. Inayos ko rin ang ibang mga display na iba't ibang klase ng bulaklak na binili ko sa isang sa flower shop, malapit dito. Akala ko after niyang magpa-service ay lalabas muna siya o ano pero narito siya, inaantay ang mga damit niya.

I jumped upon I finished the arrangement of the flowers when be called me by my surname. Relax! "Miss Gentil..." He was leaning on the counter, with a ghost smile.

"S-Sir?" My breathing became fast when we looked to each other for almost a minute. Magsasalita na sana siya nang, "Orlene, bibili muna ako sa labas ng lunch!" nagmamadali kong sabi bago lumabas ng shop.

Humahangos ako hanggang sa nakaliko ako ng daan at napahawak sa tuhod. Hindi ko kaya na biglaan siyang makita. Lalo na at sa shop ko pa!

"Ako dapat tumatakbo palayo, pero bakit ikaw 'tong umalis? Mukha na ba akong halimaw sa paningin mo?"

"Ah, putangina mo!" Napahawak ako sa dibdib nang sumulpot siya sa likod ko.

"Ano bang sinasabi mo?" I tried to act like I was upset. "Sir Pineda?" I raised my brows and placed my hands on my hips.

"Sir?" He leaned forward. "Hanggang customer lang ba ako? Dati hanggang kaibigan lang. Ouch." He winced.






≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro