33.

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

My co-employees invited me to a dinner with drinks on a pub. Birthday ng senior namin at gustuhin ko mang tumanggi ay nahihiya ako dahil after all, ngayon ko lang 'to mae-experience muli.

Sadyang maliit nga ang mundo. Sadyang mapaglaro rin talaga ang tadhana Kami yata ni Eleazar ang napag-trip-an. Hindi mo talaga alam ang buhay at mangyayari sa 'yo. 'Di mo alam kung saan at kailan ulit kayo magkikita.

I'm still working while managing my business. Yeah, so I'm doing multiple of tasks everyday. Weekends lang ako totally nakakapunta sa shop. Pero napaka-rewarding din naman. Dinasal ko kay Lord na magkaroon ng business someday tapos ngayong ibinigay sa akin, magrereklamo pa ba ako? Wala akong karapatang magreklamo. Mas nagpapasalamat ako.

Noong last time na nag-usap kami ay parang normal na Eleazar siya. What I meant is, he was like the old Eleazar. Playful and jolly.

Kumpara noong nagkita kami two yeara ago, parang may hinanakit pa siya. Casual lang din kaming nag-usap... Para sa akin casual naman 'yon... He also paid for the lunch that I bought for myself and to Orlene.

"Hanggang customer lang ba ako? Dati hanggang kaibigan lang. Ouch." He winced. My forehead creased on his remarks. "I'll buy you lunch." He plastered a small smile and walked past me, his hands were inside his pockets.

Confused, I followed him, almost running because of his long legs, he walked faster than mine.

He turned his head over his shoulders and looked for me. I was behind him, scratching my right cheek shyly. Bigla na lang siyang naging ganito! Binagalan niya ang lakad at tumigil ako.

Ano 'tong ginagawa ko? I cleared my throat. "Eleazar..." It was my first time calling his name again. I felt some magic in the air or maybe it was just my delusion. Nang bumaling siya sa akin ay halos mawalan na ako ng hininga. Ang bilis bilis nang tibok ng puso ko. "B-Bakit..." Napailing ako. "B-Bakit m-mo ba 'to ginagawa?"

His face saddened. He took steps to break the space between us. He lowered his head. "Because I missed you... so much." He said those words in almost a whisper.

I gulped so hard. Pakiramdam ko may humarang sa aking lalamunan. "N-Nambibigla ka..." I shook my head weakly and lowered my gaze, avoiding his. "Ano b-bang trip mo? Maghihiganti ka ba dahil sinaktan kita? Dahil tinulak kita palayo?"

I felt his thumb on my chin. He gentle lift my face. I closed my eyes when he did that. I don't want to see his eyes. Nahihilo ako. Pakiramdam ko hindi ko siya kayang tignan nang matagal.

He cupped my face. "Prim, I came back here... for you... I waited... and waited... S-Sana hayaan mo akong makasa ka..." His voice broke. "Kahit ngayon lang... Pero kung ayaw mo." His forehead met mine. "It's okay... If you still need time... it's okay..."

I opened my eyes and looked at him. I could feel his breath on my nose. It smells like vanilla. Nakapikit siya. I slowly pulled myself from him and he let me. As he opened his eyes, he met my gaze and nodded. Small and faint smile were crept on his lips

"K-Kailangan ko nang bilhan ng lunch si Orlene," I told him before walking away calmly. I felt his presence on my back. Hindi ko siya ma-gets. Akala ko ba inaalis niya na lahat ng bagay ko na nakapagpapaalala sa kanya? I thought he was mad. Ano itong pinapakita niya ngayon.

I kept walking and crossed the street. I glanced at Eleazar before crossing. He was quiet. Hanggang sa nakarating kami sa Sisig Restaurant, wala siyang imik na para bang malalim ang iniisip.

When we finished ordering, it took thirty minutes for our order to arrived. Takeout lang para makakain na agad si Orlene dahil lagpas 12 na ng tanghali. Si Eleazar nga talaga ang nagbayad. Nag-sorry pa siya dahil baka nakaistorbo pa raw siya.

"Hindi naman..." tugon ko. Totoo namang 'di siya nakakaistorbo. Sadyang nagulat lang ako sa kanyang presensya pati na rin sa mga sinabi at kinilos niya kani-kanina.

He pushed the glass door for me when we arrived back to my laundry shop. Orlene was still doing her job and I called him to have lunch. Ako ang nagtuloy sa pag-wash ng mga damit ni Eleazar.

Silence became loud to my ear. He never spoke again and he waited here for his laundry to be finished. May tatlo ring customer ang nagpa-full laundry service kaya busy kaming dalawa ni Orlene.

Ako ang nag-fold ng mga damit niya. Halos t-shirts, shorts, jogger pants at mga sando ang mga ito. Hindi ko alam kung bakit ako halos maubusan ng hininga habang tinutupi ang mga damit niya. Sa bango pa o dahil sa narito pa rin siya.

When the door chimes, the voice of the customer caught my attention. "Lhadeen!"

My lips unconsciously smiled widely. "Isagani!" Sinalubong ko agad siya ng yakap pagkapasok. Nakalimutan ko na nasa waiting area pala si Eleazar. I felt his eyes on us. Nang kumalas ako ay inabot niya sa 'kin ang dala-dalang mga bulaklak na color pink na chrysanthemum.

I gladly accepted them and smelled the flowers. He roamed his eyes in the shop. Nagkatinginan sila ni Eleazar pero hindi naman niya ito nakilala nang personal. Nakukuwento ko lang si Eleazar. Hindi ko pa sila napapakilala sa isa't isa.

"Grabe ka, Lhads." He was smiming from ear to ear and went around. I watched him while I placed the flowers down in the counter. Mamaya ay ilalagay ko ito sa vase. His eyes were amused and fascinated. Bumalik ako sa ginagawa kanina at chineck si Orlene sa kanyang ginagawa. Si Eleazar lang ang tanging customer na nag-antay. Iyong iba ay lumabas upang pumunta sa supermarket, may dadaanan saglit at may ime-meet.

"Nangangailangan ka ba ng additional employee? Pwede ako mag-apply?" I snorted at Isagani's remark. Civil engineer kaya 'to! Hindi niya na kailangan ng sahod na galing sa akin kung mas triple triple pa ang kanya!

"Ang dami mong projects na ginagawa. Ikaw nga 'tong bigtime, eh!" Sumulyap ako kay Eleazar. Nakabusangot siya habang nakahalukipkip sa upuan, nakatingin sa glass window. Kung bored siya, edi sana pwede naman siyang lumabas.

Binilisan ko ang pagtupi ng mga damit niya pero kahit na ganoon, sinigurado ko pa rin na maayos ang pagkakagawa ko. Mukhang naiinip na siya. "Gusto ko lang ng dagdag gawain," Gani replied.

Ipinasok ko na ang mga damit ni Eleazar sa bag. "Ang sabihin mo, gusto mo lang ng extra kita! Nagpapayaman ka talaga nang todo-todo," sambit ko sa kanya, natatawa.

He excused himself because someone called him. "Babe!" His tone seemed happy when he answered it. I inwardly smiled. He found his special someone while he was in college and still going strong. Lumabas din siya ng shop saglit dahil sa kausap.

"Sir Pineda..." I called him afterwards. He lift his gaze at me and stood up. He paid the total amount for the service. Bumili rin siya ng additional na bag sa mga damit niya at idinoble ito para mas matibay.

"Pumunta ako rito no'ng Thursday. Wala ka." It was a statement not a question. So, nagpunta siya... para saan?

Lumunok ako bago sumagot, hindi makatingin sa kanya, habang nagbibilang ng barya na isusukli sa kanya. "Nagtatrabaho," tipid kong sagot.

"Tuwing kailan ka nandito?" tanong niyang muli.

"Weekends."

"'Yung hairclip mo..." Roon na ako nag-angat ng tingin sa kanya. He was tapping his fingers on the counter. "Sorry... Hindi ko intention na ganoon ang sasabihin ko noong araw na iyon. Hiyang-hiya ako... Sorry..."

I pressed my lips. "Ah, 'yon..." I gave him a small smile as I gave him the change. "Okay lang naman... Naintindihan ko naman kung saan galing 'yong hinanakit mo." Our hands touched for a brief moment.

"Sa tingin mo..." His Adam's apple moved. "May pag-asa pa?" tanong niya. Ang kanyang mga mata ay lumamlam.

"Ano? May pag-asa ang alin?" I leaned my both hands on the counter to support myself.

Magsasalita na sana siya nang bumukas ang glass door. Kakapasok ng isang customer kanina. Sabay kaming napalingon doon at naputol ang usapan. Nagpaalam na siya pagkatapos.

Tsaka ko lang din nalaman mula kay Orlene na madalas pala roon si Eleazar kahit na ang kaonti lang ng pinapa-laundry niya at para bang may hinanahanap. Hindi kami nag-aabot marahil ay dahil may trabaho ako sa tuwing nagpupunta siya rito.

Kaya naman during weekends, palagi na lang kaming nagkikita. Alam kong this time, 'di na ito coincidentally nagpupunta...

We don't talk that much to each other but I would always feel my heart pounding when I am around with him. May time na nakikita ko na lang ang sarili ko na nakatingin na pala sa kanya nang hindi malalaman. He's always wearing simple clothes yet he still looks striking.

"Cheers!" Napabalik ako sa sarili. Halos lahat ng kasamahan ko ay mga lasing na. Medyo nahihilo at sumasakit na rin ang ulo ko. Nasa kabilang table lang si Eleazar. He was probably with his co-workers too, driniking liquors.

I keep glancing at him and I would always see him looking at me already. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa alak pero lahat ng nasa paligid ay mukha ni Eleazar ang aking nakikita.

Nakailang tungga rin ako. Tawa ako nang tawa kahit hindi ko na alam ang mga pinag-uusapan nila. My head is spinning. "Nakikitananamankita... Pft..." I laughed again.

I burped and rested my cheek on the table, facing towards the direction of where Eleazar is. Ang ingay ng paligid. My eyelids felt heavy until everything turned dark.

I woke up when I felt the sun's heat on may face. My eyes were still squinting. I was under the covers. Maroon covers. Huh? Hindi naman ganito ang kulay ng kumot ko? Muli kong pinikit ang aking mga mata.

Once again, I opened them. This time my eyes widened. I realized that I wasn't in my bedroom. Nasaan ako?! Umupo ako agad at dahil sa pagkabigla ay nakaramdam ako ng hilo.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at agad akong nakaramdam ng kaba. Nasaan ako?! Paano ako napunta rito?! Wala akong maalala! Sinong nagdala sa akin dito?!

My lips parted in shock when he was standing there, holding a wooden tray with foods. He smiled like a child. "Good morning. First time kong makitang lasing ka." I gulped when he placed the tray on my side. May egg sandwich, tubig at avocado with powdered milk. "Kumain ka na..."

"Papaano ako..." Lumingon ako sa paligid. Nasa condo unit ako... kasama siya. Wow... Talagang ang weird na palagi kaming nagtatagpo. And that I ended up here in his zone.

"You passed out last night. Nagpaalam ako sa mga kasamahan mo na ako na ang maghahatid sa 'yo. Nag-taxi tayo papunta rito. Hindi ako pwede mag-drive dahil nakainom din ako. I don't know you address so..." He shrugged.

I suddenly felt conscious with my look. How could he still look good when it's just 7AM?! I nodded slowly and lowered my gaze. Pasimple kong pinunasan ang mga mata ko. Tsaka ko lang napansin na nakapangtulog ako. Hindi naman ito ang suot ko kagabi... Nasaan ang mga damit ko?!

Umupo siya sa gilid ng kama, nakabaling sa akin. I pointed him, more of an accuse, and asked, "Eleazar, 'yung mga damit ko?! May nangyari ba sa atin?!" Sobra akong nadala sa gulat at takot kaya iyon agad ang lumabas sa bibig ko.

He raised his both hands, quickly shaking his head. His face went complete crimson. "Prim, hindi ko 'yon gagawin sa 'yo..." Mukhang nagulat din siya sa reaksiyon ko. I inhaled deeply and calmed myself. When he saw that I was calmed, he then, spoke. "Ikaw ang nag-alis ng damit mo..." I raised my brows. "Legit nga!" Tumayo siya, nakataas pa rin ang mga kamay sa itaas ng ere.

"S-Sabi mo naiinitan ka." Napalunok siya. "Lasing na lasing ka, Prim, I swear! Hinanapan agad kita ng pambahay kasi baka lalamigin ka kung wala kang..." Pati ang leeg naman niya ngayon ay namumula na rin.

I released a scoff and palmed my forehead. Nakakahiya! Ano 'yong sinabi niyang ginawa ko?! Gusto ko na lang magpalamon sa lupa! "P-Prim... K-Kumain ka n-na... Aalis ako kung gusto mo..." he said, almost a whisper.

"H-Hindi ko naman sinabi..." Ngumuso ako.

"A-Ayaw mo akong u-umalis?" Mukhang naging masaya siya sa sinabi ko.

"Dito ka lang muna..." Dahil sa totoo, ayaw ko nama talaga siyang paalisin. Ayaw ko siyang pakawalan... Noon pa man. Pero kailangan... hindi para lang para sa akin, kung hindi para sa amin. Muli siyang umupo sa gilid ng kama, kung nasaan siya nakaupo kanina. Ang tahimik ng paligid at nakatingin kami sa isa't isa.

A short and quick memory flashed through my mind. I gasped and covered my face. "Bakit, Prim?" He panicked. I felt his palm on my shoulder. "Prim? Ayos ka lang? Bakit?" sunod-sunod niyang tanong.

"Hinalikan kita..." Halos maiyak ako dahil sa kahihiyan! I kissed him last night because I was so drunk! Narinig ko lang siyang tumawa. Inis akong nag-angat ng tingin. "Nakakatawa!" Napairap ako. I hugged my knees and started at the food. Tumunog bigla ang tiyan ko.

"Kumain ka na nga." He covered his mouth, stopping himself to laugh again.

"Sabayan mo 'ko," I told him. He paused, looking confused. I could finally say this to him...

A genuine smile plastered on my lips. "Hindi man katulad ng dati... pero wala naman masamang magsimula ulit, 'di ba?" Na-gets ko na ang tanong niya noong araw na nagkita kami sa shop at nag-usap. He wants us to start again.

Some things are worth to risk. Eleazar is much more than worth it. He's more of a blessing than risk.






≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro