00

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

The proletariat has perished for the past 500 years.

We couldn't do anything. We were powerless against the aristocrats. Anyone who would dare defy them were ruthlessly punished in front of the town people, in front of everyone in the kingdom.

 ☆☆☆                    

Hindi ko alam kung anong nangyayari ngunit naririnig ko ang sigawan ng mga tao sa labas.
Is this... an onslaught by the Regal Knights? Impossible. They wouldn't do that. We were living in peace and did nothing wrong.

But of course they would. The Regal Knights directly serve the king and follows only the orders of the nobles and their squad leaders. The people who lived inside the walls of the royal capital were known to be remorseless. They would even be disgusted by a mere mention of the word 'commoner' or 'peasant'.

Si Mama. Asan na si Mama? Sinabi niya sa akin na magtago ngunit hindi ko na maalala kung saan siya pumunta.

Sumilip ako sa maliit na siwang sa cabinet at nang makitang walang tao ay unti unti akong lumabas.
Nilibot ko ang buong bahay ngunit hindi ko makita si Mama. Lumapit ako sa pintuan at nagdalawang isip pa kung bubuksan ko ba ito dahil ang sabi sa akin ni Mama ay magtago. Pero kailangan ko siyang makita. Hindi mapapanatag ang aking loob kung hindi ko masisigurado ang kaligtasan niya.

A blizzard of arrows made with dark magic was buzzing through the sky. Everyone around me were screaming as they were helplessly pierced by the arrows and were slowly turned to ashes.

Nilibot ko ang aking tingin at nakita si Mama na nakikipaglaban sa isang Regal Knight. Muntik nang tumama sa akin ang isang pana ngunit iniwasan ko iyon at gumawa ng barrier gamit ang aking wind magic.

Mabilis na napatumba ni Mama ang kalaban niyang Regal Knight. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap niya agad ako.

"Aella! Ano bang ginagawa mo rito? Ang sabi ko magtago ka lang!" Kahit na nagagalit ay mahinhin pa rin ang boses niya.

"Sabay na po tayong pumasok sa loob, Ma. Delikado rito sa labas." Hinihila ko ang kanyang kamay ngunit hindi siya nagpatinag.

"Anak, hindi pwede. Kailangan kong ipagtanggol ang bayan natin. Hindi ko hahayaang may mapahamak pa rito. Kaya bumalik ka na sa loob at hintayin mo ako roon." Nginitian niya ako ng malumanay at bahagya pang ginulo ang aking buhok.

Tumakbo ako pabalik sa bahay ngunit hindi ako pumasok. Nakatayo lang ako sa pintuan at pinagmamasdan kung paano siya lumaban. She was flying elegantly while making tornadoes, blowing her enemies away.

Nakita ko ang isang babaeng hinihila ng isang Regal Knight kaya naman agad akong lumipad patungo sa kanila at gumawa ng air balls. Tumama ito sa kaniya at nabitawan ang babae. Nagpasalamat ito at tumakbo na paalis.

"Aella, sa likod mo!" Hindi ko napansin ang isang Regal Knight na nasa likuran ko ngunit bago pa tumama ang kaniyang espada sa akin ay mabilis itong tinangay ng hangin.
Kahit na maraming kalaban ay nagawa pa rin akong iligtas ni Mama. Habang tumatagal ay mas dumarami ang kumakalaban sa kaniya. Nakita kong unti unting bumabagal ang kaniyang kilos ngunit hindi niya iyon alintana.

Lumapit ako at tinulungan siya sa paglaban.

"Ma, tapos na. Wala na sila. Umuwi na po tayo." Humarap ako sa kaniya ngunit halos gumuho ang aking mundo nang makita ko ang isang panang nakatarak sa kaniyang dibdib.

"Aella, anak ko. Simula nang ipanganak ka ay wala na akong ibang hiniling pa kundi tanging ang kaligtasan mo lamang. Napakasaya namin ng papa mo noong una ka naming masilayan. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon." Agad akong lumapit sa kaniya at sinalo siya nang manghina ang kaniyang mga tuhod.

"Alam ko, Ma. Lagi niyong kinukwento sa akin 'yan. Kaya tara na, umuwi na po tayo." Hindi ko mapigilang hindi maluha nang bahagya niyang suklayin ang aking buhok.

"You are my home, Aella. Lagi mo 'yang tatandaan. You have always been my stress reliever and my favorite ball of sunshine." Hinawakan ko nang mahigpit ang kaniyang kamay at nginitian niya naman ako.

"I love you, Ma. Makulit po ako at minsan ay lagi akong nagagalit pero mahal na mahal po kita." I cried harder when her shaky hand held my face, trying to wipe away my tears.

"Live. Starting now, live not for me but for yourself." She was starting to loosen her grip on my hand but I still held it tightly. Afraid that when I let go, she will leave me all alone.

"You are my only family, Ma. I don't know how to live without you." I covered my face with my hand while still holding her's. Hindi ko kayang panoorin ang unti unti niyang pagkawala.

"You'll find friends someday that you will treat as your family, trust me. Mahal na mahal kita. Your father and I will watch you from the skies, Aella. I'm always so proud of you." Unti unti na syang tinatangay ng hangin ngunit patuloy pa rin ang kanyang pag-ngiti. As if telling me, everything will be alright.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang mga abong dinala ng langit. It was a painful death, I know. But until the end, she was smiling.

Huminto na ang ulan ng mga pana at ang tanging maririnig nalang ay ang hinagpis ng mga taong katulad ko ay nawalan ng pamilya.

Bakit? Bakit hindi nalang din ako kinuha? Mas gugustuhin ko pang sumama kay Mama kesa mabuhay ng mag isa.

Maraming buhay ang nawala. Bakit nga ba nila ginawa ito? Payapa kaming namumuhay at kahit na mahina ang kita namin sa pagbebenta ng mga pananim, kailanman ay hindi namin naisipang gumawa ng masama. Gusto nilang mabawasan ang dumaraming populasyon ng mga taong katulad namin? Just the thought of it made me laugh. Kung sabagay, ang tingin lang nila sa amin ay mga ipis, mga salot sa lipunan. Hindi na nakapagtataka.

Tumayo ako at pinagmasdan sa huling pagkakataon ang pinsalang idinulot nito sa amin.

Lumipad ako patungo sa pinaka liblib na bahagi ng aming bayan. Dito ako madalas na pumupunta kapag nalulungkot ako. Palubog na pala ang araw. Umupo ako sa lupa at pinagmasdan ang araw. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin habang nililipad nito ang aking buhok.

Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon. Wala na akong ibang iisipin, ang sarili ko na lamang.
Hindi ko na namalayan ang oras at nang tuluyan ng malamon ng dilim ang kapaligiran ay umuwi ako sa bahay at nahiga, hindi ko na pinansin ang gutom na aking nararamdaman. Bago tuluyang mahila ng antok patungo sa mundo ng mga panaginip ay nagawa ko pa ring ipagdasal ang kaligtasan at kapayapaan ng aming kaharian.

Someday. Maybe someday, somehow, our grief will be replaced by comfort.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro