01

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

I turned 18 yesterday. It means I am no longer a minor. I can finally find a job and work in another city. And I'm leaving today.

Hinahanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko papunta sa Edelweiss City.  Mabigat man sa kalooban na umalis ako rito sa Periwinkle City, kailangan ko pa ring tumuloy.
I've been living in isolation for the past few years. Pagtatanim lang ang bumubuhay sa akin at isang beses kada buwan, pumupunta ako sa plaza upang ibenta ang mga gulay na aking inani.

Naalala ko ang laging binabanggit na pangarap ni Mama noon. Gusto niyang makapunta sa iba pang siyudad sa aming kaharian, ang Antheia Kingdom. Ngunit dahil kapos sa pera, at dahil inaalagaan niya ako ay hindi niya ito magawa kaya ngayon, ako nalang ang tutupad sa pangarap niyang iyon. Ilang buwan din akong nag-ipon para rito. Sapat na siguro ang pilak na nalikom ko para mapakain ko ang aking sarili ng ilang linggo habang naghahanap ng trabaho roon.

Ang Antheia Kingdom ay nahahati sa lima: Dianthus, Periwinkle, Edelweiss, Zinnia, at Freesia.

Ang Dianthus City ang nasa pinaka gitna ng kaharian. Dito nakatira ang royal family, mga nobles at iba pang mayayamang pamilya. May mataas na pader na nagbubukod sa kanila mula sa iba pang siyudad sa Antheia Kingdom. Protektado ito ng mahika at hindi basta-bastang nakakapasok ang kahit na sino hangga't hindi nakakahingi ng permiso mula sa hari.

Ang Periwinkle City naman ay nasa Hilagang parte ng kaharian. Sa pagtatanim kami umaasa at kahit na malamig ang klima ay masagana ang ani. Binibenta namin ang mga pananim sa iba't ibang lugar sa buong kaharian at minsan, kung sinu-swerte ay nakakatanggap ng gintong sapat na upang ipambili ng mga bagong kagamitan.

Ang Edelweiss City sa Timog ang sinasabing sentro ng kalakalan at ang pinaka masiglang siyudad sa Antheia. Samu't saring mga trabaho ang mahahanap dito. At may mga pista rin silang ipinagdiriwang.

Ang Zinnia City na nasa Silangan ay mayaman sa iba't ibang mga metal kaya naman sila ang supplier ng mga weapons at armors ng kaharian.

Ang Freesia City, na tinatawag ding City of Love, ay nasa Kanluran ng kaharian. Dito pumupunta ang mga gustong magkaroon ng love life. Magaganda ang mga tanawin at bagay na bagay na bakasyunan ng mga couples. Makakahanap ka rin dito ng iba't ibang sangkap para sa mga potion. Karamihan sa mga ito ay rare at hindi mo mahahanap sa ibang lugar.

Nagsimula akong lumipad paalis ng Periwinkle. Pwede akong gumamit ng sasakyan ngunit kailangan kong magtipid.

Pumikit ako at dinama ang pagtama ng hangin sa aking mukha ngunit bigla akong nasampal ng isang ibon sa katotohanan na wala akong time na mag emote. Nakalimutan kong madami nga palang pwedeng mangyari habang lumilipad. Awts.

Mula sa kalayuan ay may natanaw akong kumpol ng liwanag. Ito na ba ang Edelweiss?

Lumipad ako papalapit dito at halos mabulag ako sa liwanag. Lord? Time ko na ba? Pa extend naman po, mga 30 minutes. 

Nang makalapit ako ay iz a frank. Kumpol lang pala sila ng mga Žėrintis, mga ibon na ang lakas maka flex ng kanilang glowing feathers.

Pinagpatuloy ko ang paglipad tungo sa Edelweiss habang minamasdan ang mga kagubatang aking nadadaanan. Nasulyapan ko pa ang Dianthus City mula sa taas ngunit agad din itong naglaho sa aking paningin dahil sa nakapaligid ditong barrier na humahadlang sa aming mga normal na mamayan upang makapasok sa loob at pagmasdan man lang ito.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakita ko na ang Edelweiss. Kumikinang ang buong siyudad sa liwanag nito, tila mas nagliliwanag pa sa bawat minutong lumilipas dahil sa paglubog ng araw.

Sa plaza ako dumiretso. Buhay na buhay ang paligid at halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng iba dahil napaka ingay ng musika at mga nagtitinda.

"Bili na kayo! Inihaw na tuyo! Murang mura lang!"

"Daing na isda with a twist! Sinabawan ng pagmamahal ko! Bili bili na! Limited edition dahil ang mga kasunod, talagang kakati ang lalamunan mo sa sobrang tuyo!"

Di kalayuan ay may nakita akong upuan sa ilalim ng puno. Masasabi kong magandang pwesto ito para obserbahan ang lahat.

Inilabas ko ang lettuce at strawberry mula sa dala kong backpack.

Gustuhin ko mang subukan ang iba't ibang pagkain dito ay kailangan kong magtipid ng pera dahil hindi ko alam kung kailan ako makakahanap ng trabaho. Binalot ko ng lettuce ang strawberry at inimagine na karne ang nasa loob. Wow, sherep.

"Magsilikas na kayo! Nagsisimula na naman sila!" Nakarinig ako ng sigawan at nang lingunin ko ito ay nakita kong tumatakbo papunta sa aking direksyon ang mga tao.

"Miss, anong nangyayari?" Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya nang may dumaan ay hindi na ako nag aksaya pa ng panahon.

"Naglalaban si Seraphina at Merillia. Kung gusto mong manood ay dumiretso ka lang doon. Sige mauuna na ako!" Itinuro nyo ang direksyon sa akin at dali daling tumakbo paalis.

Tinago ko ang aking kinakain at pinuntahan ang sinasabi nya. Sa gitna ay may nakita akong dalawang babaeng naglalaban. Sa gilid ay nakita kong may nangongolekta ng pilak. Ha? Bakit may nangongolekta? May ambagan ba?

Napansin ako ng nangongolekta ng pilak at lumapit sa akin. Aalis na sana ako dahil wala naman akong maibibigay ngunit huminto nang tuluyan syang makalapit.

"Oh miss sinong manok mo? Si Seraphina o si Merillia?" Nakangiti sya nang tanungin iyon sa akin.

Hindi ko siya sinagot at ibinaling ko na lamang ang tingin sa gitna kung nasaan ang sinasabi nilang Marillia at Seraphina. Napakamot sya sa kanyang ulo at bumalik sa kumpol ng mga nagpupustahan.

Biglang nagtipon tipon ang mga ulap sa kinatatayuan nila at nang itaas ng isa ang kanyang kamay ay nagsimulang magtipon ang mga kidlat. Habang ang babae sa kanyang harapan ay kalmadong nakatayo ngunit nakikita kong unti unting nabibitak ang lupa sa kaniyang kinatatayuan at napapalibutan siya  ng mga bolang gawa sa bato.

Umupo ako at nilabas ang pagkain. May pakiramdam akong titigil din ang dalawa bago pa man nila maipatama ang kanilang mga atake kaya habang hindi pa sila tumitigil ay itutuloy ko muna ang pagkain.

Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang enerhiyang nagmumula sa kanila. Padami nang padami ang mga kidlat at palaki nang palaki ang mga bato. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ipinapakita nila.

Maya maya pa ay bigla nalang silang tumawa at nawala na ang mga kidlat at bato. Umaliwalas ang kalangitan at nagbalik sa dati ang nabitak na lupa. Naglakad sila papunta sa akin at mas natawa pa ng makita ako. Mga baliw ba sila?

Tumayo ako nang tumigil sila sa aking harapan ngunit nabigla nang may lumabas na magic circle sa kinatatayuan namin. Lumiwanag ito at naramdaman ko nalang na dinadala ako nito sa ibang lugar.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro