X-15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Vote. Comment. Be a fan.

SONG: First Flight Home by Jake Miller



Moza's P.O.V



Napamulat ako nang may maramdaman akong malamig na dumampi sa pisngi ko.


Bumungad sakin ang mukha ni Sana kaya napabangon ako.

Heol.

Ang sakit ng ulo ko.


“I'm sorry to wake up but Miss Ally is waiting for us,” she said.


Hindi naman ako nagtatanong.


“Sige. I'll go ahead. Drink your coffee and medicine for hangover,”


Pinasadahan ko lang sya ng tingin hanggang sa makalabas sya ng kwarto.

Muli akong nahiga.


“Anong nangyari kagabi,” namasahe ko ang ulo ko. Ang sakit talaga sobra. Parang binibiyak sa dalawa ang ulo ko.


Napailing ako habang iniisip ko kung gaano ako kawasted kagabi.


Oh.

I was with King.

Oh-oh.

Naputol ang iniisip ko nang makarinig ako ng pagkatok.



“Rella?,”


Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong si Johnny yun.

Heol.


What should I do?


Teka nga Moza.



May dapat ka nga bang gawin?


What's with Johnny anyway.



“Pasok,” namamaos na sabi ko at bumukas nga ang pinto.



Napabangon ulit ako at pinanood syang lumapit sakin. Nakasuot sya ng p.e uniform.



“Hey,” aniya.



“I'm sorry about last night,” napatango ako saka umiling.



“It's fine Johnny. I'm not mad,” sagot ko.



“But still. May nangyari sa bahay kaya kailangan kong umalis,”


“I understand Johnny,” sagot ko.


May inabot syang paper bag kaya tinanggap ko.


“Open that later because  right now you need to get up,” tumango ako bilang pagsang-ayon.






****

Roui's P.O.V





“Nakakakaba naman to,” nasabi ko habang patungo kami sa Dean's Office na noon ay ako ang may-ari.
Hays. Nakakaiyak naman.




“Bakit kaya tayo pinag-suot ng p.e uniform?,” tanong ni Weno na nasa gilid ko.




“Baka tatakbo tayo,” sabi naman ni Klaus.




Ayoko sa lahat yung pinagpapawisan ako tsaka mainit ang panahon ngayon. Nasanay pa nama ako sa aircon kaya nga ang puti ko.




“Si King nasaan?,” tanong ko nang mapansin kong lima lang kami.



“Bumisita ang dad nya kaya susunod na lang yun,” sagot ni Weno.


Hmmmm....okay.



“Eh yung pinsan ko at si J,” tanong ko na naman.



“Makatawag ka ng pinsan ah kala mo close kayo ni Moza,” sabi ni Weno. Tsssss...




“Basta magpinsan kami,” sabi ko. Basta Elizandré ang middle name ko. Pero bakit hindi ko man lang alam na may pinsan pala ako? Hmmm...kilala ko naman si Tito Hyungwon tsaka si Tita Mozy.





“Yaan nyo na yung dalawa. Susunod din naman yun,” muling sabi ni Weno.



Okay. Edi susunod.




Napatingin naman ako dun sa bagong dalawang kasama namin. May pinag-uusapan silang dalawa at dahil nasa hulihan sila ay hindi ko rinig kung ano yun.





Anyway. Tumigil na kami nang nasa labas na kami ng office. Mukhang lahat ay kinakabahan tulad ko. Nakakatakot naman kasi si Ally.



Hays. I wish us luck.

***






King's P.O.V






Nang malaman kong andito si papa ay patakbo kong tinungo ang visitor's lounge at naabutan ko nga si papa na nakaupo. Tagal nya akong hindi binisita pero okay lang. Naiintindihan ko.


Dahan-dahan na lumapit ako sakanya.



“Papa!,” masayang bati ko nang makalapit ako sakanya.



Napalingon sya at napatayo saka niyakap nya ako.


“Nagpapakabait ka ba dito?,” tanong nya.


Napatawa ako.


“Medyo,”mapilyong sagot ko.


Kumalas kami sa isa't-isa.



“Tumangkad ka ata anak,” aniya. Nginitian ko sya.



“Namiss po kita Papa,” sabi ko.



Hindi ako nahihiyang magsabi ng ganon sakanya. Dahil wala nga akong mama ay close kami ni Papa.


“I missed you too son,” he pat me on my shoulder.



“Upo ka muna anak, we need to talk about something,”



Sinunod ko si Papa.



Pinanood ko syang pinagsalikop ang mga kamay nya at tiningnan ako.



“Remember what I've promised you before?,”




Tumango ako dahil hindi naman nawala yun sa isipan ko kahit minsan.



“Na kapag bumalik ka na dito, kasama mo na ang kapatid ko,” sabi ko. He nodded.




“Alam kong natagalan ako Jared pero ngayon ay nahanap ko na sila,”



Natigilan ako.


“Talaga---nasaan sila,”



“He's here,” tumayo si Papa saka napunta ang tingin ko sa papalapit na lalaki.



Napatayo ako.



Ewan. Bigla akong kinabahan. Hindi rin yata ako kumurap hanggang sa makalapit yung lalaki samin.




“Jared, this is Yugen. Your brother,”




Tiningnan nya ako at pinagmasdan ko rin ng maigi ang mukha nya.




Nilahad ko ang kamay ko sakanya at napatingin sya dun.



“Nice to finally meet you,” sabi ko nang tanggapin nya sawakas ang kamay ko.








***

Dasttan's P.O.V






“Oy, hanggang kelan natin iikutin tong field?,” rinig kong reklamo ni Roui.




Napailing ako. Pero sabagay, kanina pa kami andito.



Ang sabi kasi ni Miss Ally (Miss dahil wala na daw syang balak mag-asawa) samin ay magkakaroon ng mga 'tests' kaming mga Supreme Students bago magkaroon ng pairing. Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit nasali kami ni Sana dito. Pero naisip ko rin na baka dahil dito nag-aral ang mga magulang namin kaya ganon.




“Ang iniiiiiiiit!,” reklamo na naman ni Roui.


“Ang arte arte neto!,” sabi ni Weno na kasalukuyang kasabay ko sa pagtakbo.



Napunta naman ang tingin ko kay Sana na nasa likod ni Moza na kasabay si Johnny.



Tsk. Umuwi syang lasing kagabi at nakakapagtakang si King ang kasama nya. Akala ko kasi lumabas sya kasama si Johnny. Hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay nya. Baka dumidistansya sya sakin dahil andito si Sana.



Napailing ako sa utak ko.



Pero pipilitin kong bumalik sa dati ang lahat.




Nang may marinig kaming pito ay napatigil kami sa pagtakbo at humarap sa papalapit na si Miss Ally.




“Bakit tayo lang ang pinapahirapan nya,” rinig kong reklamo ni Roui.



“Shhhh..andyan na sya,”-Weno




Nang makalapit samin si Miss Ally ay may binigay syang papel samin na unang kinuha ni Roui.




“That's the list of members of new SS,” ani ni Miss Ally.



Lumapit naman sakin si Sana.



“Are you okay?,” tanong ko.



“Yeah. Napagod lang,” sagot naman nya.



“Miss Ally bakit 9? May dagdag na isa?,” tanong ni Roui.



Hinablot ni Klaus at tiningnan nila ito ni Weno.



“Yugen,”



Nang marinig ko iyon ay pareho kaming nagtinginan ni Sana.



“Anong sabi mo?,” tanong ni Moza sabay hablot ng papel sa dalawa.






Naramdaman ko naman ang pagkapit ni Sana sa braso ko.



“O, papalapit na si King!,”



Nagtinginan kaming lahat sakanya pero lumusot ang tingin ko sa taong nasa likod ni King.



“Yugen,” nasabi ko.



Rinig ko ang pagsinghap ni Sana at agad akong napatingin kay Moza na ngayon ay alam kong direktang nakatingin kay Yugen. Nabitawan nya ang hawak-hawak nyang papel.



And before I knew it. Nahimatay sya.



“Moza!,” mabilis ko syang nilapitan.

“Anong nangyari sakanya?,”




Nagsilapitan nadin ang lahat kay Johnny dahil buhat-buhat nya si Moza.




“Miss Ally----”

“Ako na,” tiningnan ako ni Johnny.



“Salamat sa pagsalo sakanya pero ako na,” muling sabi ko.




Hindi naman sya nakipagtalo sakin kaya kinuha ko sakanya si Moza.



“Sasama ako Dasttan,” sabi ni Sana. Tumango na lang ako.




“Ako na po ang bahala sakanya Miss Ally,” paalam ko.



I didn't bother to look at Yugen at nagdire-diretsong naglakad palayo sa field.









***
-Jareditsme

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro