X-16

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Vote. Comment. Be a fan.

SONG: What if I go by Mura Masa




Sana's P.O.V




Napirmi ang tingin ko kay Dasttan na nakatingin kay Moza. Nawalan sya ng malay at alam ko kung bakit. Yugen is here.




Napabuntong hininga ako saka binaling ang tingin kay Moza.



“Anong dapat kong gawin,” mahinang sambit ko.



Mukhang narinig ni Dasttan ang sinabi ko dahil napatingin sya sakin.



“You don't have to choose between them Sana,” sabi nya.



“Instead, piliin mo silang dalawa,” dugtong nya.



Napatango ako.



I know yun dapat na gawin ko. Pero natatakot ako na baka dahil sa nangyayaring to ay mas lalong lumayo si Moza sakin.



“Huwag mong iwasan si Yugen,” nagtama ang tingin namin.



“Ako na ang bahala sakanya. Alam kong hindi na nya gagawin ulit yun. He won't hurt Moza,”



Alam ko naman yun. I'm aware. He cares for her. So I need to stop this to save everyone. Dapat matagal ko ng sinabi kay Moza ang lahat. In the first place Sana hindi ka dapat pumayag. Pero wala na. Nangyari na..



“Maaayos din natin to Sana,” muli akong napatango sa sinabi ni Dasttan.



Sakto namang dumating yung nurse kaya tinanong ni Dasttan kung ano ang dahilan ng pagkahimatay ni Moza. Though pareho naman  naming alam kung bakit.




“May history ng depression and anxiety si Miss Elizandré. Minsan kasi kahit na tuluyang naovercome na ng tao ang yun, bumabalik yun kapag may nagttrigger,” napatango si Dasttan.



“Is she taking her medicines?,” nagtinginan kami ni Dasttan.


“Sa pagkakaalam ko, she's not taking them anymore a year ago,” sagot ko.


Napatango yung nurse.



“Sige. Kung maulit to or there are changes of her behavior let me know para makaschedule sa doctor,”



I looked at Moza. Satingin ko hindi doctor o kung sino ang kailangan nya.




Naalala ko tuloy yung dati. Kaya bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kaya hindi ko hahayang maulit yung mga nangyari.



Umalis yung nurse matapos iyon. Nakita ko namang nagkamalay na sya. Agad syang inalayayan ni Dasttan para bumangon.



“Where am I?,” tanong nya habang minamasahe ang ulo.



“You passed out,” sagot ni Dasttan.



Napunta naman ang tingin nya sakin.




“Ah. Paalis na rin ako,” sagot ko.



She didn't give any reaction.



“Sige, alis na ko,” pamamaalam ko. Tumango si Dasttan saka tumalikod na ako.



***


Dasttan's P.O.V




Sinundan ng tingin ni Moza si Sana habang papalabas sya ng clinic.



“Nag-alala sya sayo,” sabi ko. Napatingin sya sakin dahil dun.



“She didn't have to. I'm fine,” she lied.


“You passed out because----”



“Because I'm hungry. That's all. Don't assume too much Dasttan,” singit nya saka tuluyang tumayo.



“Napagod lang ako sa pagtakbo. I just need to rest,” tinapik nya ako sa balikat.



“And the sun just set, so we need to eat now. Tara sa Cafeteria,” hinila nya ako na para bang walang nangyari sakanya kanina.




Tahimik naming tinungo ang Cafeteria dahil alam kong wala  talaga syang balak na pag-usapan ang pagdating ni Yugen.



“Maupo ka na. Ako na ang oorder,” sabi ko. Tumango sya saka umupo.




“Kahit ano Dasttan basta matamis,” sabi nya. Ako naman ang napatango.


“Sige,”



Bago ako umalis para bumili ng pagkain ay pinanood ko syang humalumbaba sa mesa.



Tama nga ako. I know she's thinking about him.



***


Moza's P.O.V




Ughhhhh! Bakit ba kasi ako ganito. Bakit ba ako kinakabahan.




Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kagagaling ko lang tumakbo. Pati tong tiyan ko parang kung ano sa loob. Hindi ko talaga maintindihan tong nararamdaman ko ngayon. Kapag naaalala ko yung nakita ko kanina ay hindi ako mapakali.




Gusto ko sanang tanungin si Dasttan tungkol dun pero ayoko. Ewan. I'm so complicated. Naiinis na rin ako sa sarili ko.




“Kumain ka na,” rinig kong sabi ni Dasttan.



Napaayos ako sa pag-upo. Dapat hindi ako umakto ng kakaiba. I need to act normal.



“Hmmm...Red Velvet,” sabi kong nakatingin sa cake.




“Naghahanap ako ng ice cream pero ube na lang yung natira,” sabi ni Dasttan.


Tiningnan ko sya.



“O? Bakit? May dumi ba ako sa mukha?,” he asked.


Umiling ako.



“Salamat, kahit nakakapagod akong kaibigan. Thank you for staying,” mukhang nagulat sya sa sinabi ko kaya nginitian ko sya. Kahit ako nagulat din sa sinabi ko. Yung bibig ko na ang nagsalita para sakin.




“I want to see you smiling like that, everyday,” sabi nya.


Hindi na ako sumagot sakanya at sinimulang kainin ang cake.




***


King's P.O.V




“King, iiwan mo na ba talaga kami?,” tinapunan ko ng unan si Roui.



“Babalik ako,” sagot ko.


“So kapatid mo yun?,” tiningnan ko si Klaus.



“Kambal,” nakangiting sagot ko.



“Weh? Di nga kayo magkamukha eh!,” sabi ni Roui.



“Hoy Roui. Aral-aral din. May dalawang klase ang kambal. Identical at Fraternal,” sabi ko. Umaktong nasaktan si Roui sa sinabi ko.



“Alam ko. Hindi ako bobo,” sagot ni Roui.



“So papalitan ka nya? Switching lives ganon?,” tanong naman ni Weno.



Nagkibit balikat ako.



“Siguro. Pero two weeks lang akong mawawala mga ungas,” sabi ko.



“So matatahimik ng two weeks ang MXA,” sabi ni J.



Napangisi ako.



“Mukhang ganon na nga,” sabi ko.


Kinuha ko ang bag ko at tiningnan silang apat.



“Pasalubong ah,”-Roui.



“Oo. Magdadala ako ng isang baldeng biscuit,” sagot ko.


___



Dala-dala ang bag ko ay lumabas na ako. I'm actually excited but at the same time I feel sad leaving. Pero two weeks lang naman Jared, hindi ka naman aalis ng matagal. Bakasyon lang to. A vacation with my mom.




Yes. I'm going to meet her. Finally. Excited na akong makita sya. Sabi ni Papa. I got her attitude. I think my mom is very similar to me.




Kaya patakbo kong tinungo ang visitor's lounge kung saan naghihintay si Papa.




Pero napatigil ako nang makita ko ang nakatinging sa malayong si Mozarella. Yeah. Yun ang tawag ko sakanya. A bad cheese.




“Hoy!,” tawag ko.



Hindi nya ako nilingon.


Tsk. Nahimatay pa naman yan kanina. May hangover pa yata to.



“Mozarella!,”



Dahan-dahan ay nilingon nya ako at masama ang tingin nya sakin. Seriously. Ano na naman ang ginawa ko.


Nilapitan ko sya saka sya humalukipkip.



“Going somewhere?,” tanong nya. Napansin nya ang dala ko.



“Yeah,” sagot ko.


“So you're leaving for good,” napangisi ako.



“Nope. Just two weeks, magkikita parin tayo,”sagot ko.


“But who knows. It took one year for us to meet again,” she said.



Napatango ako. Hindi ko rin inakalang sya at yung tinutukoy ni papa ay iisa. Nakakatawa.



“But I know it wont take that long again,” I said.



Isang ngiti ang binigay nya sakin. Oh. Ngumiti sya sakin. How odd.



Pero nagulat ako nang hinablot nya ang suot kong necklace.



That was fast! Tsk. Kaya nya pala ako nginitian. Tong babae to, napaka unpredictable.




“I just have to get this. Baka hindi ka na bumalik,” nakakaloko na ang ngiti nya ngayon.



“Ibalik-----”


“It's mine,” she insisted. Pinanood ko syang isuot ang necklace.




Well. Atleast I tried to tell her that it was mine.



“Yeah. It's yours now,” sabi ko.


“See ya when I see ya,” paalam nya.



Hindi na ako nagsalita at sinundan sya ng tingin habang papalayo sya sa pwesto ko.



Tsss.. sumakit kaya ang likod dahil kagabi. Hindi man lang nagpasalamat.




Well, see you again bad cheese.





***

-Jareditsme

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro