X-25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Generation X | 25


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Miss You by Monsta X






Dasttan's P.O.V



“Dasttan damihan mo ng peanut butter,” utos ni Moza sakin.




“Oo na. Alam ko na yang request mo,” tiningnan ko sya at masaya syang nakatingin sa ginagawa kong peanut butter.



Midnight snacks.




“Hindi ka ba talaga titira dito?,” nawala yung ngiti nya saka dahan-dahan tumango.



“Last stay here in Hideout,” aniya.




“Okay. I think it's for your sake,” tiningnan nya ako saka ngumiti.



That's what I want to see.



“Sige na. Ilagay mo na yan sa microwave,” tinulak-tulak nya ako papunta dun kaya napatawa ako.



Habang naghihintay ay nagtimpla ako ng juice.



“Gatas. Peanut butter sandwich is perfect with hot milk,” aniya. Kaya ayun. Isinamtabi ko yung juice at nagtimpla ng gatas.



Yeah. I spoil her that much.




“Buti na lang at tulog na tulog silang lahat. Solo natin tong kusina,” aniya habang tinitingnan ang mga laman ng ref.



Naalala ko tuloy yung dati. Sleepovers. Kaming apat. We were just like siblings. Pero ganon talaga siguro. Nagiging komplikado ang lahat kapag lumalaki na.



“O. Daming assorted biscuits,” sabi nya sabay kuha ng isa.



“Dinala ni King,” sabi ko.



“Tssss... ang bakla naman,” aniya. Napatawa ako.



“Hoy ikaw, tumahimik ka at baka magising yun,sige ka,” ngumiwi sya sa sinabi ko.



“Hmmm...,” ngumunguya sya.



Bumalik sya sa tabi ko matapos iyon.



“Di ka makatulog no?,” tanong ko sabay abot ng baso ng gatas sakanya.



“Yeah.. alam mo naman diba? May insomnia ako kaya kailangan kong uminom pero dahil hindi na pwede ay lalaki na tong mga alaga kong eyebags,” bumuntong hininga sya.



She can't take sleeping pills. She hated that kaya sa alcohol sya kumakapit.



It's kinda sad. Looking at her and realizing how much she have changed, nakakalungkot isipin.



“Hey. What's with that look. I'm fine Dasttan, seriously,” sumimsim sya matapos sabihin yun.



“Yugen's dad is here. Siguradong  hindi madali sakanya tong nangyayari,” I said. I want to see her reaction.


Tumango sya.



“I know but he's not my business anymore,” she responded.



Natahimik kaming dalawa.



Nakakatawa dahil gusto kong maging maayos kaming apat pero hindi masabi kay Moza na patawarin na si Sana at Yugen dahil hindi ko naman talaga alam kung saan ba talaga to nagsimula.


In the end. I can't save anyone.



“You don't have to save anyone Dasttan. Minsan, all you need to do is to be with them and not try to fix them,” tinapik nya ang balikat ko. Just like that she know what's inside my head.




“You don't have to fix me. I'll eventually pass this but for now, just be with me, that's all I want,” tumango ako.



“You're right. But still---I will be waiting for Moza to comeback,” she giggled.




“Kahit sino pang Moza ang bumalik,” I added.



I hope she'll find herself again.



“Is this the sign of maturity?,” napatawa sya.



“Siguro nga. Tumatanda na tayo,” sagot ko.



“Hoy yung sandwich!,”





***

/Kinabukasan/



Moza's P.O.V


Inaantok ako.



Zzzzz... humalumbaba ako dahil wala pa naman yung teacher.


Matutulog na muna ako.



“Rella bakit absent ka kahapon sa p.e?,” tanong ni Chelsy sakin.



Hindi ako sumagot. Tinatamad talaga ako ngayon sa totoo lang.



“Mozarella yung gamit mo,”




Kumunot ang noo ko pero hindi ako gumalaw.




“Mozarella,” this time ay napabangon ako dahil binulong yun sakin.




“Owww,” hinimas himas nya ang balikat nya dahil sinapak ko.




“Bakit ka ba nanggugulat parati?!,” inis na sabi ko.



Sarap batukan ng maraming beses.



“Eh kasi nga yung upuan ko ay kinukuha mo,”




Kapag talaga kausap ko tong si King ay kumunukot parati ang noo ko. Ganon ang epekto nya sakin. Parati na lang akong inis.



“Seatmate,” he said.



Kinuha ko yung bag ko sa upuan nya.



Kamalasan na naman.



“Welcome back King,” bati sakanya ng mga kaklase namin.



Yeah. Whatever King. Just leave me alone.



“Mozarella,” tsssss... heto na naman sya.



“Usap tayo mamaya,” aniya. Kumunot na naman ang noo ko.



“Nag-uusap na tayo,” sagot ko.



“Basta, mamayang lunch time usap tayo,” aniya.



Sasagot sana ako nang dumating ang teacher namin. Wow. Timing is a bitch.




Nakaramdam naman ako ng paghila ng buhok ko kaya napalingon ako.



Hinila ba ni Cherish ang buhok ko?



Tinaliman ko sya ng tingin pero imbes na matakot ata ay nagheart sign silang dalawa ni Chelsy.


Hanudaw? Di ko gets.



Ewan.



////



Pagkalagay na pagkalagay ko ng gamit ko sa bag ay agad akong hinila ni King na ikinagulat ko talaga.





“Pahiram muna ng kaibigan nyo ah,” paalam nya sa dalawa na tumango lang.





“Kahit di mo na ibalik hihihi the ship's sailing,”




Napailing ako sa sinabi ni Chelsy. Ewan ko sainyo.




“Tara na cheese,”




Nagdire-diretso kaming lumabas pero nahagip ng tingin ko si Dasttan na mukhang nagtataka kung bakit hila-hila ako ni King. I don't know either.




“Saan mo ba ako dadalhin,” pilit kong binabawi ang kamay ko sakanya pero mahigpit nya tong hawak. (Yung palapulsuhan ko.)



Hanggang sa makarating kami sa isang rooftop. Doon na nya ako binitawan.



“Ano bang meron?,” hindi na maipinta tong mukha ko. He's wasting my time.



“Yan,” tinuro nya ako. No. Tinuro nya tong suot kong necklace.



“Give it back,”




Hindi ko sya gets sa totoo lang.




“This is mine,” I said. I emphasized the word MINE para gets nya.



Umiling sya.




“Nope. That's mine,”he insisted. Akala ko ba ayos na tong issue na to.




“We have the same necklace and that is mine,” sabi nya.



Mas lalong gumulo yung utak ko.




“Nagpapatawa ka ba?,” humalukipkip ako.



“Nope. I have proof,” sabi nya sabay abot ng cellphone nya. Tinanggap ko iyon at oo nga. May suot din syang katulad ng necklace ko.




“My mom gave it to you,” tiningnan ko sya dahil dun.



Oo nga pala. Kambal sya ni Yugen.




“If you're telling the truth then where is it?,” inabot ko yung cellphone nya.




“Wait,” pinanood ko syang may dukutin sa bulsa nya.




Napataas ako ng kilay nang mukhang may maliit atang problema.



“Naiwala mo?,” nakangisi kong saad.



Napamura sya.



Galing ko talagang manghula.




“If that's the case, I can't give this to you without my necklace. And besides, kasalanan mo to. You stole mine,” walang gana kong sagot at naglakad paalis sa roof top.




“See you around,” sabi ko bago tuluyang umalis.



Pagkababa ko ay napahawak ako sa necklace. So this is his.




Pagkakataon nga naman. Such a bitch too.




“Hoy Elizandré!,”




Napalingon ako. This is the first time someone called me that.




At dalawang babae ang lumapit sakin.



“So you're the famous Moza,”




I wear my resting bitch face. Ginagamit ko to sa mga ganitong tao.



Humalukipkip yung isa habang yung isa naman ay mataray na nakatingin sakin.



“What dyou want?,” I asked.




Kita kong napalunok yung nagtataray sakin.



Napangisi ako.



“Excuse yourself,” sabi ko at tinalikuran sila.



Gutom na ako.




“H--hoy Elizandré!,” hindi ako lumingon.




I won't waste my time with mammals like them.



“Hey murderer!,”




Napatigil ako sa paglalakad dahil dun.



“Hah!We know your secret,”












***

-jareditsme

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro