X-27

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Generation X | 27



Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Maps by Maroon 5



Moza's P.O.V


"Rella?,"



Namulat ko ang mga mata ko at unang nakita ang tatlong mukha ng mga roommates ko.


Mabilis akong napabangon.


Hala? Umaga na!


"Paanong napunta ako dito?," tanong ko sa tatlo. Sa pagkakatanda ko kasi, sa Library ako tumungo matapos yung eksena ko kay Sana.



"Ayos lang ba yang kamay mo?," tanong ni Chie kaya naman napatingin din ako dun.


"Nabali daw yung kamay mo," nag-aalalang saad ni Chelsy.



Di ko maalalang may nilagay akong benda sa kamay ko.




"May nagdala sayo sa clinic, nawalan ka ata ng malay sa Library," kwento ni Cherish.



"Dala ka ni Dasttan at yung kambal ni King,"



Pinandilatan ko silang tatlo.


Kumabog ang puso ko dun ah.




"Huwag ka na lang daw pumasok ngayon," tinanguan ko na lang si Chie.




"Sige. Alis na kami Rella,"paalam nilang tatlo at pinanood ko silang lumabas ng kwarto.



Muli akong nahiga matapos iyon.




"Hay nako. Iisipin mo na naman ang mga bagay-bagay na hindi mo naman dapat iniisip Moza," parang baliw na pinapagalitan ko ang sarili ko.





"Bakit mo rin kasi sinuntok yung pader," itinaas ko sa ere yung kamay kong iyon.




"Pero wala ka paring maramdaman," kinuyom ko yun saka hinarap ang palapulsuhan ko.




Kahit gaano ko kalalim sinugatan ang parteng yun ay wala parin.




"Bagay ka nga dito. You murderer! You killed your friend!,"




Yung mammal na yun. Akala nya alam nya ang lahat. But still she's right. I killed a friend.




But this is not the time to be depressed. Kaya naman ay bumangon na ako dahil kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko. Tama. Doon ko na lang uubusin ang oras ko ngayong araw.





Kinuha ko yung maleta ko saka binuksan.




"Si Mom talaga. Bakit puro pink tong nilagay nyang damit?," nakangiting reklamo ko habang isa-isang inaalis sa maleta ang mga iyon.




"She even put this biscuit pillow," kinuha ko yun at inamoy. It smells just like her.




Para siguro hindi ko sya masyadong mamiss. Naalala ko tuloy yung mga gabing kinakantahan nya ako bago matulog.




Kung pwede lang sanang bumalik sa pagiging bata. Kung alam ko lang sanang lalaki akong ganito, napigilan ko na sana tong mangyari.




But I don't blame my parents. How can I? They're the most incredible and awesome parents in the world. Ako lang naman ang dapat sisihin because I burned the bridges.





Nilapag ko yun saka muling tiningnan ang mga laman ng maleta ko. (Hindi ako nag unpack sa Hideout.)




Nakuha naman ng isang picture ang atensyon ko. Yung family picture namin na kinunan nung 10 years old ako. I was smiling genuinely. And I know I was happy here.




Tiningnan ko ang likurang parte ng picture. Habit ng parents ko na magsulat sa likod.




"I'm sure this is Dad's handwriting,"


And so I read it.



"Take that painful yet beautiful journey but always remember, we are here waiting for you,"




Napangiti ako. Dad always put something like this. Kahit sa lunch box ko nung elementary ay may mga sticky notes. He's quiet funny but I find it romantic.




Alam kong wala akong dahilan para maging ganito. I have a loving parents. But sometimes, nalalagay ka talaga sa alanganin and no one can save you but yourself. They must be frustrated because they can't help me.





But I will pull my shts eventually. I will find my way back. I will.



"Hoy,"


Napamura ako dahil sa bigla.




"What the hell are you doing here?," sinigawan ko si King.



Napahawak sya sa dibdib nya.




"Tinatakot mo naman ako dahil sa pagsigaw mo," aba't ako pa talaga ang nakakatakot ngayon.



"Get out," sabi ko.


Umiling sya sabay may pinakita.




"I found it," he said. Napako ang tingin ko sa necklace na hawak nya pero napunta sa nakangiting mukha ni King. Naalala ko si Yugen.



"Give it back," napairap ako sa sinabi nya.





"Oo na," sabi ko at aktong tatanggalin yung necklace na suot ko pero pinigilan nya ako.




"Let me do it," lumapit sya sakin.





"I heard bali yang kamay mo, so let me do it. Kasalanan ko naman diba?," hindi na ako sumagot sa sinabi nya. Okay fine. Bahala sya.




And so, nasa likuran ko na sya ngayon at inaalis yung necklace.



Aish! Bakit ang tagal!





"Isusuot ko na tong sayo," aniya matapos maalis yung necklace.




Tumango na lang ako.



"Tapos na!," masiglang sabi nya.



Hinarap ko sya.




Pero sana pala ay di ko ginawa dahil sobrang lapit ng mukha nya sakin ngayon.



Satingin ko ay nagulat din sya. Pareho kaming nagulat.




Bigla kong naalala yung nagtabi kami sa kama. Ganun kami kalapit ngayon.



"Rella?,"




Mas lalo akong nagulat nang marinig ko iyon.




Hindi pwedeng makita si King dito! Baka anong isipin ng tatlong yun!




"Anong gagawin ko?," tanong ni King sakin.



Ewan! Nagkandarapa akong itago sya sa ilalim ng kama!


At saktong nabukas yung pintuan.




"Pahinga ka na," ani ni Chelsy. Napatango ako. Sana hindi nya pansing namumutla ata ako.




"Naiwan ko yung pastel eh. May activity sa Arts," ani nya pa.




"Okay," normal kong tugon.



Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makuha nya yung pastel at lumabas ng kwarto.



Napahinga ako ng malalim.




"Labas na," utos ko kay King. Nagmadali syang lumabas sa ilalim ng kama at pinagpag ang damit nya.




"O, nakita ko sa ilalim ng kama mo," napataas ang kilay ko dahil sa inaabot nyang notebook na may leather cover.




Tinanggap ko na lang para makaalis na sya.



"Sige na. Lumayas ka na," tinulak-tulak ko sya patungo sa bintana.



"Oo na. Lalayas na," aniya habang dumadaan sa bintana.



Ang creepy din ng ginawa nya ah. Paano nyang nalaman andito ako sa kwartong to.




"Bumalik ka na sa Hideout!," may sumigaw kaya tiningnan ko yun sa baba.




"Lumayas ka na!," sigaw ko rin sakanya.



Napangiwi ako matapos sundan sya ng tingin na umalis.


Tssss..


Anyway. Napatingin ako dun sa notebook na nakita ni King.


I don't remember na meron akong ganito.


Baka naman sa magpipinsan to. Kaya para malaman kung kanino nga to, I opened the notebook.




Property of Miss M.D.C



Yun ang nakalagay. Hmmm...dahil di ako sure ay nilipat ko sa sunod na pahina.



Letters for you.




Nilipat ko ulit sa sunod na pahina dahil curious ako. Is this a diary?




Entry 1:



Dear M,

I left but don't worry, I will comeback. And I hope, just like what you told me, you will wait for me.






***
-jareditsme

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro