X-28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Generation X | 28


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Incomparable by Monsta X




Roui's P.O.V


“Okay Ma,”



(“Anyway, bumalik na ang Dad mo,”)


Tumango na lang ako sa sinabi ni Mama.


(“Roui. Don't be mad with your Dad,”)


Tumikhim ako. Di naman ako galit dun. Nagtatampo lang.


“Oo na Ma,” sabi ko na lang.



(“Yung pinsan mo nga pala? Kamusta?,”)



Saktong dumaan si pinsan kaya nilapitan ko. Mukhang nagulat sya sa paghawak ko sa braso nya.



“Bitawan mo ko,” utos nya sakin.



“Ma, she's here,” sabi ko sabay abot kay Moza ng cellphone.




Tinanggap naman nya kahit mukhang naguguluhan sya.



“Si Mama,” sabi ko.


“Ah. Hello Tita?,” ani ni pinsan.


Paniguradong magtetelebabad tong dalawa. Mga babae nga naman.



“Bigay mo na lang mamaya sakin pag nagsalubong tayo,” sabi ko at iniwan si pinsan na kausap ang Mama ko sa linya.



---


P.E na kaya nagsilabasan kami para magpalit ng damit. Sabi ng teacher namin ay basketball daw at katunggali namin yung Class 3B.




“Tamlay natin ah,” inakbayan ako ni King matapos kunin yung p.e uniform.



“May nangyari ba?,” tanong nya.



“Wala,” inalis ni King ang braso nya sakin.



Nagsimula naman na kaming magbihis.




“Napakasinungaling mo talagang ungas ka. Alam kong may nangyari,” sabi ni King.



May superpower ba tong si Jared?


Wala akong matatago sa lalaking to.




“Ano kasi...si Dad. Bumalik na daw,” pagkukuwento ko.



Napatango naman sya. Alam nya rin kasi ang tungkol sa issue ng pamilya namin.



“Edi dapat masaya ka diba? Bumalik na si Tito kaya magsaya ka,” tinapik nya ang balikat ko matapos sabihin iyon. Tapos na syang magbihis.





“O sha. Kita tayo sa gym. Tatalunin ko pa kayo bwahahaha,” napailing ako habang sinusundan sya ng tingin.




Sana nga masaya ako ngayon pero hindi. May nagawang kasalanan si Dad.




***

Klaus' P.O.V




Maingay habang naglalaro sila King. Bangko ako kaya heto ag naiirita na si sigawan ng mga fangirls ni King at ni J. Klase namin laban sa klase ni King.




“Ang ingay ng 3B,” komento ni Roui na tumabi sakin. Nangunguna sila eh.



“Sinabi mo pa,” sabi ko.




Mas lalong umingay nang makashoot ng 3points si King. Napunta ang tingin ko dun sa mga taga 3B na nagbubunyi pwera na lang kay Moza na poker face. Bored na bored and itsura nya.




Pero kumunot ang noo ko nang mahagip ng tingin ko yung kaklase namin na nakikicheer sa 3B, kasama yung dalawa pang chinita. T-r-a-i-t-o-r.


Napailing ako.




Pero nang marinig ko ang pagbuntong hininga ni Roui ay tiningnan ko sya. Gloomy ng aura nya.



“O, nakalimutan mong makainom ng energy drink? Nahawaan ka na sakin?,” tanong ko. Ngumisi naman sya.




“Ano kasi, nabalik na si Dad matapos ang 2 taong pag-alis nya,”




Kaya pala matamlay. Si Tito pala ang iniisip nya.


Tinapik ko ang balikat nya.



“Edi dapat masaya ka? Tsaka baka ayos na ang lahat kaya bumalik na sya,” sabi ko na tinanguan nya.




“Iisa ba kayo ng utak ni Jared? Yun din kasi ang sinabi nya sakin,” tumawa ako.



“Yeah. Dahil yun talaga dapat. Talk to him Roui, matagal din ang dalawang taon,” sabi ko.




Maswerte akong wala masyadong problema sa pamilya namin.




“Mr. Grazeldo, pasok sa court,” ani ng p.e teacher namin.  Tinulak-tulak ako ni Roui kaya sinimangutan ko sya. Tsk.




***

Moza's P.O.V






Ang daming tumatakbo sa utak ko ngayon. Gusto kong iumpog tong ulo ko para matigil sa kaiisip. Dumagdag pa yung sinabi ni Tita Delilah tungkol sa academy.



“Prrrrt!,”






Nabalik ang atensyon ko sa kasalukuyang paglalaro ng basketball ng mga kaklase namin.


Ang ingay.



Hinanahap naman ng mga mata ko si Roui dahil kailangan ko pang isauli tong cellphone nya. At kakausapin ko pa sya. Humingi ng pabor si Tita Delilah sakin.



Kausapin mo naman si Roui.



Napabuntong hininga ako.



Nalaman ko ring nakasanggla ang academy. Sinanggla ng Dad ni Roui sa isang pamilya and that makes me not the owner of this academy.



Okay lang naman sakin. Pero kay Mom at Dad kaya? Pero sabi nga ni Tita Delilah, nakausap na nya ang mga magulang ko. And it went well.




“Miss Elizandré, pasok sa court,” napatingin ako sa p.e teacher namin.



Hala. Di ako marunong magbasketball!



“Sir, masakit ang tiyan ko,” sabi ko.



Ay teka! Bali pala tong kamay ko. Mehehe.




“May injury si Moza, sir,” singit ni Sana. Okay. Thank you for that.




“Okay. You Miss Vuenas, ikaw ang pumalit,” ani ni sir at sumunod nga si Sana.



Napailing ako sa isipan ko. Balita ko, kagagaling nya lang sa sakit.





“Hindi na sir. Ako na,” agad akong tumayo at nagdire-diretso papuntang court.




Rinig ko ang pagtawag ni Sana sakin pero hindi ko sya pinansin. Stop being a hero Sana. Baka kasalanan ko pa at mapaano ka sa loob ng court.




Narinig na namin ang pagpito kaya nagsimula na ang agawan ng bola. Well, tatayo lang naman ako dito.




“Go go go Moza Rella Harfhilia Elizandré!!!!!,”





Sinumpa ko ang nagcheer nun. Sino pa ba? Tsss.. yung magpipinsang yun! Lagot sila sakin mamaya.




“Mozarella! Galaw-galaw!,” nilingon ko ang nagsabi nun at sinamaan ko ng tingin si King. Close ba kami para magcheer sya sakin!





“Elizandré!!!!!,” boses ni Dasttan. Isa pa yun.




Nagmura na muna ako bago gumalaw at nakisali sa agawan ng bola.





Matapos makipag-agawan ay nakuha ko naman ang bola. Ez. Lol. Ang yabang.



Shoot. Kailangan mong i-shoot yan Moza.




“Ay bahala na,” at ayun, nagshoot ako na para bang maalam ako.




May narinig akong pagpito at nalaman kong na-ishoot ko nga.


Heol. Himala.




“Galing ni girlfriend!,” rinig kong sigaw ni Johnny. Tiningnan ko sya at nginitian.



Lol. Feeling ko ang sama ng tingin ni Dasttan sakin ngayon. He confronted me about that, nagseselos ang luku. Selos pa talaga ang ginamit na salita. Para namang may kaselos-selos samin ni Johnny.




At ayun. Naglaro ulit kami. Pero hindi na ako nakapuntos dahil tinamad na ako. Wala namang premyo.



Pero panandaliang nawala sa isipan ko yung mga iniisip ko kanina.





“Good job Miss Elizandré,” bungad ng p.e teacher namin. Isang ngiti na lang ang binigay ko sakanya.

___



Matapos ang nakakapagod na araw ay naligo ako. Gusto ko talagang mag-isip kaya naligo ako. (Sa banyo lang tahimik.)




“May dapat ba akong gawin?,” tanong ko sa sarili ko.




Yung tungkol sa sinabi ni Tita Delilah sakin kanina. Sa pagkasangla ng academy.




“Wala naman akong pakialam sa academy na to pero mahalaga to sa mga magulang ko,”



Napaisip na naman ako.



Ang sabi din ni Tita Delilah ay okay na daw ang lahat pero hindi pa pumipirma yung pamilyang sinanglaan ni Mr. Kriston.



So ang dapat na lang siguruhin ay pumirma yung pamilyang yun.



Napatango ako dahil sa mga iniisip ko.



“Paano ko naman masisiguradong mangyayari yun?,” pinatay ko yung shower saka kinuha ang towel at binalot sa katawan ko.






“Rella? Hindi ka pa ba tapos? Ihing-ihi na ako huhuhuhu,” napairap ako saka binuksan ang pintuan. Mabilis namang pumasok si Chie sabay palayas sakin sa banyo. Tsss.



“Gwapo ni Rouiiii~~~~” rinig kong sabi ni Cherish.



I snapped my fingers.



Tama! Si Roui!









****

-jareditsme

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro