X-34

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Generation X | 34


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Change of Heart by 1975




Yugen's P.O.V




Tiningnan ko si Dasttan dahil sinisiko siko nya ako ngayon.




"Ikaw ha. Dumadamoves ka," buti at huli kaming maglakad.



Tsss. Sinaway ko ang paniniko nya sakin.



"It's a nice opportunity for the four of us," mahinang sagot ko.



"Ayeeehhh...baka para sayo," pilit nya.



Hmmm...siguro nga para sakin yun.



"You're not mad at me anymore?," tanong ko. Naging seryoso ang mukha nya.



"I was never mad at you Yugen. I was just disappointed back then,"



"Pati sa sarili ko...pinabayaan ko sya noon,"



Rinig ko ang pagtikhim nya.



Binalik ko sa harap ang tingin ko at unang nakita ko ang Moza na nakikipag-usap sa kasabay nyang maglakad na si Renjin.



First love huh?



"Do you think it's better for her to stick with him?," tanong ko kay Dasttan na hindi inaalis ang tingin kay Moza.



"Hmmm...I can't say. Hindi ko pa sya nakakausap matapos yung ceremony. Parating nakadikit yung Renjin sakanya,"


Hmmm..I see.



"Nag-aalala ka bang may nangyayari na sa dalawang yun?," tinaliman ko ng tingin si Dasttan pero tinawanan nya ako.



Hinampas nya rin ang braso ko.



"Haha. Don't worry Yugen. I think she's still not over you,"



Sa isip ko ay napangisi ako.



"But she's still mad at me," sabi ko.



Did she read the diary already? I hope she did. I want her to know the reason why I did that. Why I distance myself from her.



I know I'm such a coward for doing that. But right now she won't listen to me. Her heart is close for me.



"So do you have any plans aside from that diary?," napakuyom ako sa tanong ni Dasttan.



"Yes. I will do everything to win her back," I seriously said.


I will break that ice.



***

King's P.O.V




"Oy! May nakikita ako dun!," anunsyo ko sa lahat at mabilis na tinungo namin iyon ni Roui at Weno.




"Hi participants. You're from MXA right?," tanong ng babaeng nakaupo sa harap ng mahabang table nang makarating kami.



Sabay-sabay kaming tumungo nila Roui.



"Here's the next part of the map," tinanggap ko iyon at pinakita sa lahat pagkarating ng iba.



"Oy! Bilisan nyo maglakad! Baka abutin tayo ng dilim!," anunsyo ni Weno.



////



"Oy King. Kanina pa tayo naglalakad. Hapon na oh," ulit na naman ni Roui.


Hinampas ko sya nung map.



"Eh ikaw nga ang nagsabing dito tayo tumungo," ani ko.



"Sakit nun ah,"-Roui. Tinawanan naman sya niaha



Tiningnan ko naman ang iba na mukhang napapagod na rin.



"Patingin nga ng map," tiningnan ko si Mozarella na kanina pa kadikit yung Renjin.



"O," inabot ko yung part 2 ng map.



Pinanood ko syang tingnan yung map pero nang kumunot ang noo nya ay alam ko ng wala din syang alam.




"Dasttan tingnan mo nga to," pinasa nya nga kay Dasttan at nakisali din si Yugen.




Bigla ko tuloy naalala yung usapan namin.




Napatingin din sya sakin nang maramdaman nya ang tingin ko.



"Yugen o. Ikaw matalino,"



Tsss.. yung kambal ko na nga ang matalino.



"Nawawala na tayo," simpleng saad nya pero lahat kami ay nagreak.



"Hala! Balik na lang tayo sa dinaanan natin!," sabi nung roommate ni cheese. Cherish ata pangalan nya.



"Mas lalo tayong maliligaw kapag ganun," sagot ni Dasttan.



"Anong gagawin natin? Pagabi narin," singit naman ni Renjin.



Napatingin ako sa kalangitan.




Dumidilim na nga at puro puno ang nakapaligid samin ngayon kaya mahirap sabihin kung dapat ba kaming magpatuloy sa paglalakad o manatili sa pwestong to.



"Let's just stay here. Hahanapin naman din nila tayo," lahat ata kami ay napatingin kay Mozarella dahil sa suhestyon nya.



"Okay. Let's stay here. But we need to make a bonfire para mas mabilis tayong mahanap," sabi ko.



__




Kaya ayun. Naghanap kami ng mga sanga ng puno para sa gagawin naming bonfire at inabot nga kami ng gabi dito.
Buti na lang maalam akong gumawa ng apoy dahil isa akong boyscout nung elementary.



"Sugoi," sabi nung tatlong roommates ni Cheese. Di ko naintindihan yun a. Sana di ako minura ng tatlong yun.



"Now we have fire," sabi ko saka nagdagdag pa ng mga sanga para mainitan ang lahat. Ang lamig ng klima dito.




"Oy Moza ba't may cellphone ka?! Bawal yan ah!," napatingin ako dahil dun.




Blankong ekspresyon ang binigay ni Cheese kay Weno. Tapos ay nilagay ang earphones sa tenga nya. Napangisi ako dahil dun. She must be tired of listening to Renjin. Tsss. Hindi sya yung first love ni Mozarella. I'm sure of it.




Ugh. Paano ko nalaman? Hindi ko naman inaasahang marinig ko iyon galing kay Sana. Malakas pandinig ko.



"Yaan nyo na sya," ani naman ni Johnny.



Kinolekta nga kasi ang lahat ng mga gadgets namin ni Papa.



Naupo ako sa tabi ni Klaus matapos iyon. Tiningnan ko naman ang lahat na may sari-sariling mundo.




Pero sa dinami-dami nila ay napunta kay Cheese yung tingin ko at saktong nahuli nya ako.
Nakaramdam ako ng gulat pero hindi ko parin naalis yung tingin ko sakanya. Ang bilis ng babaeng to.




Naalala ko bigla yung gabing nakilala ko sya (two years ago). I still wonder kung nasaan na yung taong iniyakan nya.



Teka. Sinusubukan yata ako ng Cheese na to ah. Titigan ba ang gusto nya? Walang kurapan? Kayang-kaya ko yan.



"Jared...."




Narinig kong tinawag ako ni Weno pero hindi ko sya nilingon. Hindi pa nagpapatalo tong si Mozarella!




Pero napangisi ako dahil napakurap sya. Salamat kay Renjin na kinuha ang earphones sa isang tenga nya at sinuot to sakanya kaya nagulat si Cheese. Kita ko ang matalim nyang tingin kay Renjin dahil dun.




"O ano?," lingon ko pero hindi si Weno ang nakita ko kundi si Rose.



"Ah... may kailangan ka?," tanong ko sakanya.




"Hmmm...pwede ba tayong mag-usap," sabi nya. Agad akong napaisip kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Hmmm...pero wala akong maisip.




"Hoy kayong mag-almost lovers---doon nga kayo!," tinulak-tulak ako ni Klaus palayo sakanya.



Tssss....almost lovers.






***

Note: Sugoi means cool or great in Japanese :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro