X-35

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Generation X | 35


Vote. Comment. Be a fan.

Chapter Song: Satellite by Sara Hartman



Moza's P.O.V



Eh? Almost lovers? Si King at si Rose? Owws?



“Ano bang mga type of music na pinapakinggan mo?,” usisa ni Renjin sakin.



Binigay ko sakanya yung phone ko para tingnan nya yung laman ng playlist ko. Tinatamad akong magsalita dahil yung utak ko na mismo ang maingay.



Okay. Nasaan na nga ako? Ay oo doon kina King at Rose.


Hmmmm....sabagay wala akong alam sakanila at ganun din sila sakin.



“I like your taste Moza,” ani pa ni Renjin.



Kung di ko lang talaga kilala to ay lalayo ako sakanya. He's too annoying but I understand him. He's holding on to me because of that damn promise.


Bakit ba kasi uso nung elementary yung mga chenes na yan.



Kasi nga...si Renjin ay naging crush ko ng elementary. Nakalimutan ko na nga dahil nakasalamin pa sya noon at maliit. I mean cute. Yeah. Ganun yata ang mga tipo ko noon.



Tiningnan ko sya at tinitingnan  ang laman ng gallery.


“Walang laman dahil di naman to sakin,” inunahan ko na sya.



Pinahiram ni Chie sakin to.



“Ang daming lamok huhuhu,” napatingin ako sa tatlo.



“Kelan pa kaya tayo makakaalis dito,”-Chelsy.



“Gutomens na si ako,”-Cherish.



Nilibot ko ng tingin ang paligid namin. Tanging yung tunog ng mga kuliglig ang naririnig ko ngayon. Hmmm...malamig pa naman.



“Walang simcard yan,” sabi ko na naman dahil nasa contacts na naman napunta si Renjin.



“You're still annoying,” mahinang sambit ko.



“Isn't that the reason why you liked me before?,” ramdam ko ang panunukso sa boses nya.



“Get over it,” sabi ko.



Ay. Napatingin si Yugen sa pwesto namin dahil tumawa si Renjin sa sinabi ko.



“Usap tayo,” nasabi ko kay Renjin sabay tayo.



Ugh. Mas mabuti ng makausap ko sya ngayon.



“Ok,” rinig kong sagot nya.



“Oy saan kayo? Bawal magdate dito, di pa nga nakakabalik sila King eh,” sita samin ni Roui.


Tsss....



“May sasabihin lang ako sakanya,”sagot ko kay Roui at tumango naman sya.



Dinala ko si Renjin sa malayo sakanila dahil kakausapin ko pa to ng maayos.



“Hmmmm...anong pag-uusapan natin?,” tanong nya. Humalukipkip ako saka bumuntong hininga.



“Yung tungkol sa proposal mo,” sabi ko.



Sinuklay nya ang buhok nya saka tiningnan ako.



“Can you give me your answer kapag nakabalik na tayo sa academy?,” he pleaded again.



Uhhh...nabubuhay ang pagiging mabait ko dahil sakanya.


“Can we talk something else instead?,”- tanong nya.


“About what?,”


“About you,”


Hindi ako nasagot. Napaka straightforward naman ng lalaking to.


“I want to know why.....”


Napangisi ako.



“Curiousity can kill Renjin,” makahulugang saad ko.



Sumandal ako sa puno matapos iyon.


“It's okay....I'm ready to be killed anyway,”


Napangisi na naman ako.


He's really annoying.


“You know how persistent I am,” dagdag nya pa.



“Well, I think you heard the news already huh,” sabi ko.


Tumango sya.


“Who is Veronica,”


***

Sana's P.O.V


“Everyone?,”


Napatayo kaming lahat nang sawakas ay dumating si Teacher Trejos na may kasamang tatlo pang taong may dala-dalang mga flashlights.


Phew. Salamat at nahanap na kami.



Sakto namang bumalik si Moza at Renjin. Ganun din si King at Rose.




Tahimik naman kaming lahat na nakasunod sakanila pabalik. (Sa mga napapaisip: pinatay yung bonfire). Tsaka natagalan din kaming makalabas sa gubat o kagubatan na ata to.




Pero curious ako kung ano na ba ang takbo ng usapan ni Moza at Renjin.



“Go get yourselves clean...magsisimula ang open mic maya-maya,” ani ni Teacher Trejos.



Nagsitanguan lang kaming lahat.



Mukhang di naman sya galit kaya nagsibalikan na kami aming mga Cabin.



Napansin kong mas tahimik si Moza tapos iyon.



“Mauna na akong maligo,” aniya sabay kuha sa towel nya.


Nagtinginan lang kaming lahat hanggang sa makapasok sya sa banyo.



“She's really coooooold,” sabi ni Cherish.



“But I think she's nice,” sabi naman ni Rose.



“Anyway Rose, anong pinag-usapan nyo ni King? Ayeeeehhhhh,” niloko sya ng tatlo habang ako ay nakikinig lang sakanila.



“You like King?,” tanong ko. Napatingin si Rose sakin saka dahan-dahang tumango. She's cute.


“Eh bakit mo binasted?,” usisa ni Chie.


Nahiga naman ako sa kama para ipahinga ang katawan ko.


“Hindi pa ako ready nun tsaka may mga nangyayari pa sa buhay ko kaya hindi ko pa masagot si King,” kwento ni Rose.



Pero imbes na makinig sa usapan nila ay mas pinili ng utak ko na mag-isip ng iba.



Naalala ko si Yugen at naalala ko ang gabing hiningan nya ako ng pabor.


/flashback/



2 years ago.



“Aalis ka? Ha? Bakit?,” tanong ko.



“Sasama ako kay Mom sa States,” sagot nya.



Napabuntong hininga ako. Nagulat ako sa sinabi nya eh.



“Alam na ba to ni Moza at Dasttan?,” tanong ko na naman.


Umiling sya.



“Hindi pa. Pero magpapaalam ako sakanila,” tumango na naman ako saka napaupo sa tabi nya.



Natahimik kami matapos iyon. Nag-iisip pa ako kung ano ang mga dapat kong itanong sakanya.



“Kelan ka babalik?,” tanong ko.


“Matatagalan,” sabi nya.


Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko kasi inaasahang mangyayari to.



“Kaya mo ba iniiwasan si Moza?,” tanong ko ulit. He's been avoiding Moza for 3 months at wala kaming ideya kung bakit.


“Hmmm....”


“Anong sagot yan Yugen,” natatawa kong sabi.


“Yes. It's better if I leave like this,” aniya.


Napailing ako. I'm confused.


“So aalis kang ganito? Yung hindi mo kakausapin si Moza?,” tiningnan nya ako. Somehow, his eyes are sad.


“I need to leave. Sasamahan ko si Mom,” ang layo lang ng sagot nya.


“Pero si Moza....she's been wondering why you're being heartless to her. I know you have reasons so speak,” I demanded.


Tumungo sya.


“I'm not ready for her,” lumambot ang ekspresyon ko sa sinagot nya.



“But don't leave her like this,” hinawakan ko sya sa balikat.


“Sana....I need to ask you a big favor,” our eyes met.


Napalunok ako.


“Can you be my girlfriend?,”



Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko at ang pagkabog ng puso ko dahil sa tanong na iyon.


“Girlfriend?,” naulit ko.


“Yes. Just for a month or what---until she forget about me,”


Mas lalong kumabog ang puso ko pero hindi ko alam kung saanong dahilan.


“Pagsisisihan mo to Yugen. We will only make everything complicated,” sagot ko.



“But why? Why would you want me to be your fake girlfriend?,”



Muntikan akong pumiyok sa salitang  fake.


“Galit ka ba sakanya? Alam mo namang masasaktan sya kapag ginawa mo to,” dagdag ko ulit.


Muli na naman syang nag-isip.



“Nakapagdesisyon na ako,” matigas ang tono ng boses nya.


Ikaw Sana? Anong desisyon mo? Anong pipiliin mo?



“Please Sana...” hinawakan nya ang kamay ko at mahigpit iyon.

Is he that desperate to remove Moza in his system?



“Just tell her you love me,”



Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay maririnig ito ni Yugen at natatakot akong malaman nya to.



“Sana...”



Ang gulo-gulo ng utak ko at hindi ko yata kayang mag-isip ng tama ngayon.



Pero yung puso ko...


Mukhang nakapagdesisyon na...



/end of flashback/



“Ha? Anong sabi mo?,” napakamot ako ng ulo dahil tinapunan nila ako ng unan. Masyado yata akong nadala sa naalala ko.



“We are asking about you....,” sabi ni Rose.



“About your crush!,”-Chelsy.


Crush...

Napailing ako.


“Wala. I don't like anyone,” I lied.



***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro