Kabanata 53

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 53

As You Wish

Mahaba ang byahe patungong Laguna. May isang sasakyang nakasunod sa amin. Naroon ang mga bodyguards ni Logan.

"May problema ba?" pang ilang tanong ko na ito sa kanya ngunit pareho parin ang kanyang sagot.

"Wala..."

Nakatitig siya sa daanan at seryoso habang nagpapatakbo ng sasakyan. Parang may tinatago siya sa akin pero hindi na ako nangulit. Malamang marami siyang iniisip sa ngayon. Nagkaproblema yata ang kanilang kompanya.

Nakatulog ako sa byahe. Nagising lamang ako nang may nadaanan kaming lubak-lubak na kalsada. Kinusot ko ang mga mata ko at napansin ko ang kumot sa aking katawan. Nilingon ko si Logan na sumulyap din sa akin.

"You're awake? We're almost there."

Kinusot ko ang mga mata ko para makita ng maliwanag ang paligid. Madilim at halos puro kagubatan ang nakikita ko. Mga matatayog na punong kahoy at matalahib na mga patag.

"Nasa Laguna na tayo?" tanong ko.

"Yup," sagot niya.

Biglang bumagal ang kanyang patakbo. Tingin ko ay malapit na kami sa headquarters na sinasabi niya. Isang malaking gate ang namataan ko. Iyon lamang ang tanging gate sa kahabaan ng mga punong kahoy at madilim na kalsadang nakita ko.

"We're here," aniya.

Automatic na bumukas ang gate. Nakita kong may tatlong security guards na nakatayo sa gilid ng gate. Tumigil ang sasakyan ni Logan at binaba niya ang mga salamin.

"Sina Ben ang nasa likod ko. Nasa loob si daddy?" tanong ni Logan.

"Opo. Nasa monitoring room."

Tumango si Logan at nilagpasan ang mga guards. Luminga linga ako nang pumasok na ang kanyang sasakyan doon. Mga ilaw lang galing sa matatayog na street lamp ang naroon. Ang paligid ay puno ng kahoy. Ano kaya ang itsura nito kapag umaga?

Siguro'y isang kilometro ang layo ng byahe bago kami nakarating sa isang malaking mansyon. It looked like an ancestral house to me. It probably is. Parang panahon pa lang ng kastila ay narito na ito, konkreto at mataas nang nakatayo.

"This is your headquarters?" napatanong ako habang pinapark niya ang sasakyan sa gilid ng marami pang ibang sasakyan.

"Yup. This is the ancestral house of the Torrealbas. Ginawa ni daddy'ng headquarters ng Trion," aniya.

They are really hell damn rich! Lumabas kaagad siya. Nagmamadali kong kinalas ang seatbelts. Pagkakalas ko noon ay pinagbuksan niya ako ng pintuan.

"Thanks..." naiilang kong sinabi at lumabas na rin doon.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ganoon din ang ginawa ko sa aking sarili. I'm wearing a dress and a Valentino stilletos. Ngayon ko lang napagtantong wala nga pala akong dalang damit na pantulog!

"Let's go inside..." aniya.

Tumango ako at sumunod na sa kanya. Isang engrandeng hagdanan ang inakyat namin para lang makapasok sa double doors ng bahay. Ang bawat pundasyon ng bahay ay may nakaukit na mga anghel. Hindi ko mapigilan ang paglinga linga. They were carved intricately.

"Dito ka ba lumaki?" tanong ko.

"Kind of..."

Pagkapasok namin sa double doors ay nakita ko kaagad ang dim na lights ng buong bahay. Nakahilera ang pintuan ng mga kwarto. Sa dulo ay nakita ko ang malawak na tanggapan ng bahay.

"These are the rooms of our agents..." aniya sabay turo sa nakahilerang mga pintuan.

May isang lalaking lumabas. Tumango siya kay Logan at napatingin sa akin. Kasing edad ko yata iyong lalaki at naka itim na sando lamang. Mukhang bagong gising ang lalaki. Ang body built niya ay halos tulad kay Logan. His muscles were tight and on the right places.

"Where's dad?" tanong niya.

"Nasa Monitoring Room. Heard what happened..." Bumaling ulit ang lalaki sa akin.

Bumaling si Logan sa akin at hinawakan niya ang aking palapulsuhan. Hinigit niya ako palapit pa lalo sa kanya.

Bumukas ang isa pang pinto at dalawa pang lalaki ang lumabas. Parehong mukhang bagong gising din. Sumipol ang isa. Tiningnan ito ni Logan kaya natahimik.

"Sorry..." humalakhak ang lalaki ng bahagya.

Humigpit ang hawak ni Logan sa aking palapulsuhan.

"Salubungin ninyo sina Ben sa labas..." mariing utos ni Logan.

"Sige po..." anang mga lalaki.

Hinila niya ako patungong isa pang hagdanan patungong second floor. Nilingon ko iyong mga lalaking nakita ko kanina.

"They are your agents?" tanong ko.

"Yes. Why?" Sumulyap siya sa akin. May bahid na galit akong nahimigan sa kanyang tono.

"Wala lang. Nagulat ako. Ang babata pa pala nila..."

"Sila iyong mga bago. May mga beterano na rin kami dito," aniya. "While you're here, you should stay in my room. And my room only..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala sa usapan namin na sa kwarto niya ako matutulog ah?

"Wala bang ibang silid? Do I need to stay inside your room? I'm sure a house this big can have more rooms!"

"It's all occupied by agents and I can't let you stay alone in one place, Portia..." mariin niyang sinabi.

Lumiko kami sa isang corridor ng second floor. Tumigil kami sa dulong pintuan. Binuksan niya iyon. It's probably his room. Nang binuhay niya ang mga ilaw ay nakita ko ang isang kamang kasya ang dalawang tao. Puti ang bed sheets, comforter, at mga unan. Gawa sa kahoy naman ang kama, tukador, mga kabinet, at maging ang kabinet ng TV at computer.

"This is my room..."

Nagtungo kaagad siya sa kanyang kabinet. Nilapag ko ang bag ko sa kanyang kama. I'm not sure if I can sleep here.

"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit tayo nandito," sabi ko.

Huminga siya ng malalim. Nilapag niya sa kama ang isang puting longsleeve button down shirt at isang kulay gray na shorts. Am I going to wear that? Crap!

Nag iwas siya ng tingin. Mukhang nahihirapang magdesisyon. Pakiramdam ko ay hindi niya sasabihin sa akin ang problema.

"I thought you said you need me that's why we're here. Tell me what the problem is, then?" tanong ko, kinakabahan.

Humakbang siya palapit sa akin. Halos mapaatras ako. He's always so intense. Tuwing nakikita ko siya ay lagi na lang akong nasisindak. Ang malalalim niyang mga mata ay diretsong nakatingin sa akin.

"We'll talk to dad right now. Come..." para bang nahirapan siyang sabihin iyon.

Nilahad niya ang kanyang kamay. Napatingin ako sa kanya. It's like he's testing me... Nilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang kamay. Huminga siya ng malalim at mahigpit na pinagsalikop ang aming mga daliri.

Lumabas kami sa kwarto at naglakad uli patungo sa engrandeng hagdanan. Dumiretso kami sa thirdfloor ng bahay. Hindi ako magkanda ugaga sa kakatingin sa paligid. The house really looks so fine. It's a classic.

Bumukas ang pintuan ng isang malaking room. Nagulat ako nang taliwas sa pagiging classic ng bahay ay nakita ko ang ilang monitors ng mga CCTV sa loob ng buong mansyon. Marami iyon. Pakiramdam ko ay sa bawat sulok ng mansyon, may CCTV.

Inatake ng amoy ng kape ang aking ilong. Sabay sabay kaming nilingon ng mga taong naroon. May tatlong lalaki at isang babae na nakaharap sa mga monitor. Silang apat ay may kape sa kanilang desk. Sa gitnang lamesa ay nakita ko ang daddy ni Logan na nagkakape rin.

"Logan!" ani Ret. Gen. Torrealba.

Napatingin siya sa akin. Tumango siya at ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Sa harap niya ay nakatayo ang anak ng pumaslang sa kanyang asawa. We've meet before. Ilang beses. Pero ngayon ko lang talaga napagtantong siguro'y mahirap sa kanyang harapin ako... o ang pamilya ko...

"Good evening, Portia..." ani Ret. Gen. Torrealba sa akin.

"Good evening, General," sabi ko.

"Skip the formalities. You can call me tito... You're not from our agency or the AFP!" Humalakhak ang kanyang ama.

Manang mana si Logan sa kisig ng kanyang ama. But his foreign features were from the del Fierros.

"You brought her here? Dapat ay sa silid mo na lang pinagpahinga si Portia, Logan," anang kanyang daddy.

"She wants to be here. She wants to know. I don't want her to doubt..."

Napatingin ako kay Logan na ngayon ay hinahalughog ang mga monitors doon. His dad laughed heartily. Uminit tuloy ang pisngi ko. Ano na lang ang iisipin ng kanyang daddy. Nilingon ako ng babaeng agent at ngumiti siya sa akin. She's probably in her early thirties and kind of boyish. Naka itim siyang racerback at sweatpants.

Sa isang monitor ay nakakita ako ng gym. Sa loob ba ito ng bahay? Naroon ang ilang agent na nakita ko kanina sa baba. Doon siguro sila nagpapahubog ng katawan.

"What is their plan this time?" tanong ni Logan sa kanyang ama.

"I'm not sure if I can tell you not to worry, though, son..." anang kanyang ama.

May kinuha itong mga papel sa kanyang desk. Hindi ko maintindihan. Nilahad ni Logan sa akin ang isang sofa doon pero ayaw kong umupo.

"Nagdinner na ba kayo?" tanong ng kanyang daddy.

"Yes. Sa Manila," anang kanyang daddy.

His eyes twinkled when he looked at me. Ngumiti na rin ako. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin sa kanya.

"What's their plan, then?" tanong ni Logan.

"Their target isn't the Ignacios or the Prietos..." ani General.

Nagising ako nang narinig ang aking apelyido. Kumalabog ang puso ko. What is this?

"Our agents think it's the man running for Senator." Sandaling napatitig si General sa akin.

"Bakit nila pagdidiskitahan iyon?"

"Because from the very beginning of the cases, alam nating magkalaban ang mga Fuentes at Cayetano. Only that, Fuentes won the masses kaya siya ang nasa posisyon."

Napalunok ako. What is this?

"He failed nang nagkaroon ng controversies. Three years ago, because of what happened in Bulacan. The reason why Christopher Cayetano helped you out is because he wants to ruin Fuentes' name so bad. Kaya ngayon... Sila ang pinagdidiskitahan nila."

"Marina is in the Philippines?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Christopher Cayetano? Anong kinalaman ni Tito dito? And Marina? I saw here in Finestra!"

Napatingin si Logan sa akin. His eyes were pitch black. Kumalabog ang dibdib ko.

"You saw her? You didn't tell me!" ani Logan.

"I wasn't sure!" sabi ko.

"I'm sorry, Logan. Pancho Fuentes called. May cancer siya at siya ang informant namin. It's her daughter who couldn't accept the defeat of his father. Si Marina ang nag uutos sa mga tauhan nila. Pancho's a good man. Kinain lamang ng kanyang kagustuhang maghiganti. And now his daughter Marina..."

"Do you know of her whereabouts?" putol ni Logan sa isang kabadong tono.

"Hindi pa tumatawag ang agent pero most probably she's still in Manila. She wants revenge for the defeat of his father. Kay Christopher Cayetano."

"Kay Tito?" hindi ko na napigilan.

Dumagungdong ang kaba sa aking dibdib. Naiisip kong babarilin si Tito Christopher. And what if Mom and Katelyn's there? Naalala ko iyong nangyari sa Bulacan. That was terrifying as hell!

"Logan! We need to contact Tito Christopher..." sabi ko sabay hawak sa kanyang braso.

Tumango siya. "I'll send some agents to protect him too. May security naman siya and I'm sure natunugan niya na ito."

"Logan, hindi niya pa ito natutunugan. This infos straight from Pancho. You should act now..."

Tumango ulit si Logan. Halos magmakaawa ako sa kanya na tawagan niya si Tito ngayon o kahit ang mga police.

"We should contact the police!" sabi ko.

"It's not going to be that easy. Pag nasabi ito sa police, there's a bigger chance na malaman nina Marina na may alam na ang awtoridad kaya mas mabuting huwag muna. If we'll act, we should act discreetly," ani Logan.

"That's all for now," ani General.

Ang mga mata ko ay nakay Logan na para lamang magmakaawa sa kanya na umaksyon na ngayon.

"We'll send five agents to the Cayetanos in Quezon City. I'll call Katelyn, magtatanong ako kung nasaan si Tito Christopher, Portia."

Tumango ako at bahagyang guminhawa ang pakiramdam. I feel like dad should know too but I don't want to ruin their operation.

Hinaplos ni Logan ang aking pisngi. Pumungay ang mga mata niya habang mataman akong tinitingnan. Tuliro ako. Hindi makalmante kahit na sinabi nang tatawagan.

"Come, let's rest. I'm sorry I dragged you to this," aniya at hinawakan ang aking kamay.

Nilingon ni Logan si General na tahimik at nakangiti lamang sa aming likuran.

"I'll call you when something comes up. Turn on your intercom. I don't want to knock on your door." Humalakhak siya ng bahagya.

Umiling si Logan at hinila na ako palabas ng Monitoring Room.

Hindi ako makalma. I want to call mom and Katelyn right now. I want to inform them but I really don't want to ruin Logan's plan for this. I trust them. I trust him.

"Hey..." Hinila niya ako para makuha ang aking atensyon.

Nilingon ko lamang siya. Bumukas ang isang pintuan sa second floor at nakita ko ang isang malaking gym. May lumabas na agent doon. Tahimik lamang siyang tumingin at lumagpas lamang sa amin. Pawisan siya at may hand wrap pa sa kanyang kamay. Hinigit ako ni Logan palayo doon at tumigil lang nang nasa pintuan na kami ng kanyang kwarto.

"Hey... don't worry, okay?" aniya sabay angat sa aking baba para makatingin ako sa kanya.

"Natatakot ako para sa kanila. Bakit ba ito ginagawa ni Marina?" tanong ko.

"I'll call them right now. Nag usap na kami ni Marina noon and I'm sorry but her heart's really full of anger. She's a good person pero hindi siya natutong magpatawad."

Naisip ko ang lahat. Naisip ko ang mga nangyari kay Marina. Naisip ko kung gaano kasakit mawalan ng minamahal at malugmok. I can feel her pain. I can feel how much it probably hurts. And I understand where she's coming from. You can't easily forgive.

Nag angat ako ng tingin sa mga mata ni Logan. His hazel eyes then pierced me... Mahirap magpatawad pero nakaya ni Logan. At nakaya niyang humarap sa akin. Nakaya niyang harapin ang anak ng pumatay sa kanyang ina. Nakaya niya iyon.

He's amazing.

Inangat niya ang aking baba. Napaawang ang bibig ko. All my inhibitions left me. I just want to feel him. I missed him so much. I just want a taste. I just want one.

Dinampi ko ang aking labi sa kanya. His soft lips brushed mine. Ngumisi siya habang hinahalikan ako. Kinagat ko ang labi ko at tumigil sa paghalik sa kanya.

"You're taking me back now?" bulong niya sa gilid ng aking tainga.

Halos tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya malapit sa aking leeg.

"Call Katelyn..." sabi ko at kinagat ang aking labi.

"As you wish, Porsh..." he whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro