Kabanata 54

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 54

Safe

Habang naliligo ako at nagpapalit ng damit ay naririnig ko si Logan sa kwarto. Tinawagan niya si Katelyn at nakikipag cooperate din siya sa mga agents na nasa Monitoring Room.

"Kate, I'm not in my condo..." Narinig kong sinabi ni Logan sa kabilang linya.

Nagsusuklay ako ng buhok. I can hear the frustration in his voice. I wonder if Katelyn visits his condo?

"Is your dad home?" tanong niya.

Binuksan ko ang pintuan para makalabas na. Suot ko iyong puting longsleeve button down shirt niya at ang gray short pants na hanggang itaas ng tuhod ko. Napatingin siya sa akin at napahilot sa kanyang sentido. Bumaling siya sa computer.

"Where is he then?" tanong niya habang ginagalaw ang mouse ng computer.

I took out my phone to text Clyde and Maja. I will check if they're fine too. Sa totoo lang, kahit walang kinalaman ang pamilya nina daddy dito ay natatakot parin ako para kay Beau. I don't want to freak out. It won't help.

Ako:

Maja, how's Beau? Lock the doors. Is your bodyguards with you?

Ako para kay Clyde:

Clyde, please sa bahay ka na lang muna matulog so may kasama si Maja at Beau.

"Can I talk to Tita Carina?" tanong ni Logan.

Nilapag ko ang cellphone ko sa lamesang nasa gilid ng kama. I shivered. Sobrang laming ng aircon kaya kinuha ko ang comforter at pinalupot ko sa aking katawan.

"Kate, this is important..." ani Logan.

My sister's giving him a hard time. Huminga ako ng malalim habang tinitignan si Logan. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"It's about business. Yes, I'm fine. Kumain na ako. I'm not in my condo..."

Ilang beses niya pang inulit ang mga iyon. Nakapagreply si Clyde sa akin kaya kinuha ko ulit ang cellphone ko.

Clyde:

Yes, I'm staying. I was about to call you when I received your text. Where are you at bakit di ka makauwi?

Ako:

I'm in Laguna. Are your body guards around?

Bumaling si Logan sa akin. Nasa tainga niya parin ang cellphone. Nilapag ko ulit ang cellphone ko sa lamesa. Umuga ang kama nang umupo siya sa aking paanan.

"I'll call back when you're dad's home. Please send me his number, okay?"

Ilang sandali pang nakinig si Logan sa mga sinasabi ni Katelyn.

"Yes. Don't worry. Thank you..." aniya 'tsaka binaba ang cellphone.

Nilapag niya sa aking paanan ang cellphone niya. Humikab ako. Kahit na natulog ako sa byahe ay tinamaan parin ako ng pagod.

Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko.

"Anong sinabi ni Katelyn?" May luha sa gilid ng aking mga mata dala ng pagod at antok.

Pinunasan niya iyon gamit ang kanyang mga daliri. Nahuhulog na ang aking mga mata. Base sa kapeng nasa lapag ng kanyang computer ay hindi siya matutulog ngayong gabi.

"Hindi pa raw nakakauwi ang Tito Christopher mo. I'll call her again after thirty minutes and she'll send me your titos number."

"Ba't di mo sinasabi kung nasaan ka ngayon?" tanong ko.

Umiling siya. "Do I need to tell her? We just want your family to be safe..."

Napatingin ako sa aking kamay na unti unti niyang inaabot. Pinaglaruan niya ang mga daliri ko. This feeling is nostalgic. Parang umiinit ang puso ko.

"How about mom?" tanong ko nang naalalang nag away kami ni mommy.

"She's in your house. Do you want to call her?" tanong ni Logan.

Umiling ako. I'm not sure if my mom wants to talk to me. At may hinanakit parin ako sa lahat ng sinabi niya sa akin. Even then, I still want them safe.

"Okay. Matulog ka na lang muna. I'll make sure they're safe tonight," sabi ni Logan.

"Thank you..." Humikab uli ako.

Hindi ko na matandaan kung paano ako nakatulog. Ang huli kong nakita ay ang mga mata niyang abelyana. Nagising na lang ako nang may narinig akong tumutunog na cellphone.

Luminga linga ako para hanapin ang tumutunog. Nakita ko si Logan na kinukuha ang cellphone at nakatingin parin sa computer. Madilim na sa kwarto. Tingin ko ay pinatay niya ang ilaw nang natulog na ako. Nilingon ko ang bintana ngunit hindi ko lubusang makita ang labas dahil sa makapal nitong mga kurtina.

"Yes. I'll be there. Wait..." sabi ni Logan at agad na kinuha ang isang jacket sa gilid.

Bumangon ako at pinagmasdan siya. Aalis na sana siya sa kwarto nang namataan ang pagkakagising ko. Bahagya siyang napamura at tumigil sa pagtakbo.

"Y-You're awake!" aniya.

"Yup. What's wrong?"

Napatingin ako sa computer at nakita ko ang pagiging abala ng mga agents nila doon. May mga armas akong nakita kaya sumibol ang kaba sa aking dibdib. What the hell is happening?

"Whatever happens, you have to only stay here. Papunta na ang tito Christopher mo dito kasama si Katelyn at ang mommy mo."

"Papunta sila dito?" tanong ko.

"Nasa Laguna na sila..." Napapaos niyang sinabi.

"Tapos?" Natataranta kong tanong.

Pakiramdam ko ay hindi ako matatahimik kung nandito lang ako.

"We need to check on them. Ang sabi ng mga pinadala kong agents ay may humarang daw sa dinaanan nila."

"Oh my God! What? Puntahan natin!" sabi ko.

Pumikit siya ng mariin at tinuro ang kama.

"You stay here..." utos niya.

"I can't! Paano sina mommy?"

"Kami na ang bahala sa kanila. I need you to be safe here. Stay here!" utos niya muli.

Umiling ako. Hindi ko kayang manatili dito at maghintay. I want to be there. I want to see if my mom, my sister, and tito Christopher's going to be okay.

"Please, Logan," hinawakan ko ang braso niya.

Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mata. He's frustrated and confused. Hinilot niya ang kanyang sentido bago dumiretso sa kabinet. Kumuha siya doon ng isa pang jacket.

"Fine... But please, Porsh. When I tell you to stay inside my car, you're going to stay. Alright?"

Tumango ako habang sinusuot ang jacket. Bumubunggo ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko na makalma ang aking sarili. The images of what happened years ago attacked my memories. I don't want it to happen again!

"Promise me!" aniya.

Tumango ulit ako.

Hinigit niya ang braso ko. Tsaka pa lang ako nag angat ng tingin nang naramdaman kong mahigpit ang hawak niya sa aking braso. "Promise me..."

"I promise..." sabi ko.

Tumakbo kami pababa ng bahay. Malapit nang lumiwanag ang langit nang nakalabas na kami ngunit sobrang lamig parin dala ng gabi. Pinasok niya ako sa isang SUV. Nasa back seat ako kasama ang dalawa pang agents. Sa front seat ay si Logan at sa driver's seat ay iyong body guard niya.

"Confirmed, Logan. Hinarangan sila at nagkakaputukan na ngayon," anang katabi kong lalaki.

Ang malalaking baril ay dala dala nila. Nag aayos din ng baril si Logan sa harap. Nanuyo ang lalamunan ko.

"Nahuli ba tayo?" tanong ni Logan.

"Hindi pa. Marami daw, e. Tumawag si Ben, nakikipagputukan na sila ngayon."

Pinaharurot ng driver ang sasakyan. Nakabukas na ang gate ng kanilang mansyon kaya agad kaming dumiretso sa kalsada.

"Nagkamali sila ng binunggo. At bakit dito pa talaga sa Laguna nila naisipang humarang na alam nilang nandito ang headquarters natin," anang katabi ko sabay tingin sa akin. Nagtataka siguro kung bakit may babae sa loob ng sasakyan.

"Baka marami sila. Alam ni Marina na kaonti na lang ang agents ng Trion. She probably think they can take us down..." ani Logan.

Pilit kong pinasok sa loob ng aking baga ang hangin para lang mapakalma ako. I've never been this nervous before. Kahit noong putukan sa Bulacan ay hindi ako naging ganito ka kabado.

"Portia, I need you to stay here whatever happens. This is an armored vehicle. Kahit anong paputok nila dito, hindi ka matatamaan. But I want you to stay down..." ani Logan habang hinahawakan ang kamay ko.

Tumango lamang ako. Unable to speak. Lumiko ang sasakyan sa isang intersection.

"Lapit na tayo..." sabi ni Ben.

"We're going to rescue your family," dagdag ni Logan.

"They'll be okay, right?" tanong ko.

"Yes..." he assured me.

Bumaba ang tingin ko sa baril na hawak hawak niya. He's going to exchange fires too.

"Are you going to be fine?" nanginginig kong tanong.

"Yes..."

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang mga sasakyan sa intersection. May dalawang sasakyan ang humarang sa sasakyan nina mommy. May isang itim na van sa likod na nakabukas na ang pintuan. May ilang SUV naman sa gilid kung nasaan kami malapit nagpark. Pinaulanan ng putok ang aming sasakyan. Yumuko ako.

Maingay na ang mga agents. Nagmamadali silang lumabas. Ni hindi ko nakita kung nasaan sina mommy, Tito Christopher, at Katelyn. Hindi ako lubusang makatingin sa nangyayari dahil sa takot na matamaan. I stayed down for a while.

"Ben, stay here..." utos ni Logan sa driver.

Sabay sabay silang lumabas. Mabilis muli ang putukan. Lumingon ako kung saan nagtago sina Logan at namataan ko ang unang agent na nakita ko kagabi. Sugatan ang kanyang braso pero nagpapatuloy siya sa putukan.

Inatras ni Ben ang sasakyan para makalayo sa putukan. Humupa ang mga tumatama sa amin ngunit kitang kita ko ang iilang apoy na nanggagaling sa mga baril ng mga agents. They are still exchanging fires.

"Nasaan sina mommy?" tanong ko kahit na alam kong maaaring walang maisasagot sina Ben.

Tumayo ako para makita ng malapitan ang sasakyan namin pero sinaway ako ni Ben.

"Ma'am, please stay put..." ani Ben.

Nakita kong may tumihaya sa di kalayuan. Lalaking nakaitim at may dalang malaking baril. Natamaan yata ito dahilan kung bakit tumayo sina Logan at lumapit sa kabilang sasakyan para mas makita ang iba pang aasintahin.

Logan and his team were very visible now. Sa harap ko ay kitang kita ko sila. At nakita ko ring bumukas ang salamin ng aming sasakyan. Buhok ni Katelyn at mukha niyang umiiyak ang naaninag ko.

"KATE!" sigaw ko kahit alam kong di ako maririnig.

May sinasabi si Logan sa kay Katelyn dahilan kung bakit sinarado muli ni Katelyn ang bintana. Nagkaroon ulit ng sunod sunod na putok.

Bahagya akong kumalma nang nakita si Katelyn. She's still inside the car. Mom and Tito Christopher are probably there too!

Kitang kita ko ang pagtakbo ng ibang mga agents nina Logan sa kung saan nanggaling ang mga nagpapaputok. May nakita ulit akong duguan sa kanila. Umusok malapit sa van dahil sa bilis ng putok ng baril.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumabas si Katelyn sa kanilang sasakyan. Narinig ko ang sigaw ni mommy at paghila niya kay Katelyn pabalik sa loob. Tumayo si Logan at sumigaw dahil sa ginawa ni Katelyn pero huli na ang lahat. Tumakbo ang kapatid ko patungo kay Logan. Sinalubong siya ni Logan. Ngunit nang nahawakan na ni Logan ang baywang ni Katelyn ay may isang lalaking nagpaputok ng baril.

Naestatwa ako. Sumubsob si Katelyn sa balikat ni Logan. Mabilis ang paputok ni Logan ng baril sa lalaki dahilan kung bakit ito humandusay.

Yumuko si Logan kasama si Katelyn at nakita ko ang dugo sa mga kamay ni Logan.

"Katelyn!" sigaw ko.

Bumukas ag pintuan ng van nina mommy at nakita ko siyang tumakbo patungo kay Logan. Mas lumakas ang barilan. Dalawang agent ang lumapit kay Logan at tumulong sa pagpapatigil ng dugo sa may tiyan ni Katelyn. Umiiyak na si mommy sa gilid ni Katelyn.

Nagkausap si Logan at si mommy at ilang agents ang bumuhat kay Katelyn pabalik sa kanilang sasakyan. Mangiyak-ngiyak na ako habang pinagmamasdan ang nangyayari.

Isang agent ang pumasok sa driver's seat ng sasakyan nina mommy. Pumasok din si Logan sa likod ng SUV. Sumulyap siya ng isang beses sa aming sasakyan bago tuluyang sinarado ang pintuan.

Nagpatuloy ang barilan hanggang sa tumakbo na iyong SUV nina mommy. Unti unti ring humupa ang barilan. Ilang lalaking nakaitim ang hinuli ng mga agents nina Logan. Nang nakalayo ang SUV ay dumating din ang dalawang sasakyan ng mga pulis. Umingay ang buong crime scene. May mga ambulansyang pumunta roon. Gising na gising na ang langit at kitang kita ko na ang mga dugo sa daanan.

Ilang sandali pa bago kami nakaalis doon. Kinausap pa ng mga awtoridad ang mga pulis. May nakita akong mga katawang tinabunan na lamang ng puting kumot. Hindi ako makapagsalita sa sobra sobrang pagpapanic. Katelyn's shot! Oh my God!

Pumasok iyong agent na may duguang braso sa likod ng sasakyan namin.

"Sumama ka na sa ambulansya!" saway ni Ben.

"I'm fine..." aniya sabay punas niya sa dugong lumalabas sa kanyang braso.

"Anong nangyari? Kamusta? Nahuli ba?" tanong ko, natataranta. Hindi ko alam kung alin ang uunahin.

"May mga nakatakas pero may mga nahuli. That's enough, I think. They can interrogate those who survive. Baka kumanta rin pagkatapos."

"How about Katelyn?" tanong ko. "Nabaril siya!"

Parang hindi niya nakuha ang tanong ko. Umupo siya sa tabi ko at sinarado ang pintuan. Ang lalaking katabi ko kanina sa kaliwa ay pumasok ngayon sa front seat dahil wala na si Logan.

"Iyong nabaril na babae? I don't know. Natamaan siya sa gilid ng tiyan. Your father is Christopher Cayetano?" tanong ng lalaki.

Umiling ako. "He's my tito..."

"He got shot too. And their other bodyguards, puro sugatan. His driver's dead," mataman niyang sinabi.

Pumikit ako ng mariin.

"Saang ospital ba sila dinala? Gusto kong pumunta!" sigaw ko.

"No! Logan said you should stay where you are safe!" sigaw niya pabalik sa akin.

Kinagat ko ang labi ko. Dammit!

"But I want to see my family!" sigaw ko.

Hindi na nila ako dininig. Kahit siguro anong pagwawala ko dito ay mariin nilang ipapatupad ang utos ni Logan sa akin at sa kanila. Inatras ni Ben ang sasakyan. Ang ibang agents nila, iyong mga babae, at isang beterano ay nanatili sa intersection para kausapin ang mga pulis. Kami ay pabalik sa Headquarters.

I can't help but feel so useless. Pinanood ko lamang silang naroon at nakikipagbarilan. And Katelyn was shot! Oh my God!

Pumasok kaagad ako sa loob ng mansyon. Sinalubong kami ng iilang natitirang agents sa Headquarters at si Ret. Gen. Torrealba.

"Are you okay, Portia?" tanong ng matanda sa akin.

Pinalis ko ang mga luhang kanina pa lumalandas sa aking pisngi. Paulit ulit kong naiisip ang lahat ng nangyari kanina at lubusan ang pag aalala ko sa aking pamilya.

"My sister got shot..."

Bumaling si General sa kay Ben. "I received the reports from Jun. I will talk to the AFP. We have a witness," ani General.

Natigilan ako. Napatingin ako sa kanya. Bumaling din siya sa akin.

"Pancho Fuentes is our primary witness. Mag uusap din kami ng Tito Christopher mo. If he's going to file a case, then he needs to talk to Pancho..."

Tumango ako at huminga ng malalim. Bumaling si General sa kay Ben at isang tango niya lang ay sumunod ang dalawang agents sa kanya.

"Sanya..." tawag niya sa babaeng kasing edad ko at may maiksing buhok. Naka itim na racerback top at itim na jogger pants siya.

"Po!"

"Paki gamot itong si Boris..." ani General sabay tingin sa lalaking duguan ang braso.

"Sir, yes, sir!" sigaw ni Sanya at sinipat ang lalaking nasa tabi ko.

"Come on..." Humalakhak siya.

"Pumasok na muna kayo sa loob. I'm sure Logan will be here in an hour, Portia."

Umismid ako sa sinabi ni General. I know it's going to be difficult in the hospital. At maiintindihan ko kung hindi siya makakauwi dito ng maaga.

"I know you want to check on your family pero mas mabuting hintayin mo siya dito bago mo gawin iyan," ani General.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro