Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ilang oras kong tinitigan ang pamilyar na building kung saan nakaukit ang sikat na pangalan sa buong mundo. Sa labas pa lang ay halata mong isang sikat at kilalang tao ang namamahala sa eleganteng party. Marami ang naka-park na mga kotse sa labas, bukod pa roon ay may natatanaw din akong mga paparazzi at dispatch from Korea upang kunan ng litrato ang mga sikat na celebrity na sunod-sunod na pumasok sa loob.





Tiningnan ko ulit ang card na binigay nong estrangherong lalaki. Tama naman ang address. Ilang beses ko na rin na tinanong ang driver kung nasa tamang destinasyon ba kami. Pero iisa lang din naman ang sagot niya.





And I guess we're in the right place.





Nagbayad na ko sa driver. I didn't bother to wear a gleaming dress or any outfit that fit their luxury status. I'm just wearing my faded jeans, a black v-neck shirt and leather jacket. Hindi rin naman kasi ako nandito para maki-party.





Dumaan ako sa mataong lugar, at naghintay sa gilid kung saan matatanaw ko kung sino-sino ang pumapasok sa loob. Bago sila makapasok ay kailangan nila na dumaan sa lalaking naka-tux saka sila dadaan doon sa parang laser para sa face authentication.





Napatingin ako sa mga nadukot ko mula sa hawak na mga purse bag nilang dala karamihan sa nadukot ko ay mga mamahalin nilang singsing, ID at cash na mukhang gali pa sa ibang bansa. I was minding my own business while waiting KirJack's number to appear, when I heard a rustling from the tree.





Agad akong napalingon sa lalaking may bitbit na kamera habang nakadapa sa malaking sanga. Napatingin ako sa ID niyang suot. Myembro rin siya ng dispatch galing sa Korea.





"Hi!" He smiles at me.





"Are you here to take photos of celebrities too?" Dahan-dahan siyang bumaba nang makita na maganda ang pwesto ko.





"Mind your own business."





"Okay, chill." Tinaas niya ang kaniyang kamay. "I'm just asking."





"May nakikita ka bang camera na hawak ko?" Binunot ko mula sa bulsa ang isang kaha ng sigarilyo.





"Wala." Slang niyang sabi sa akin.





"Then shut the f*ck up." Sinindihan ko ang sigarilyo saka binuga ang usok.





Hindi na siya muling nagsalita at sunod-sunod na click na lamang ang narinig ko mula sa kaniyang camera.





I'm amazed how persistent he was while taking those photos of the celebrity. Medyo bata pa ang mukha niya, but you know Koreans have an amazing product that surely makes you feel 10 times younger. May katangkaran din siya. Mas bagay sa kaniya ang maging model kay sa naman sa trabaho na 'to.





"Matanong ko lang."





I didn't answer him, and continued to wait just like what KirJack said. Yeah, I named him that way. Kirby Jackson is kinda long to mention.





"How'd you know that there's a big party here? I mean to judge from your style. You're not a celebrity... I mean you look like one. But your dress..." Medyo alanganin pa niyang ituloy kaya ako na ang dumugtong.





"I'm here to kill someone."





Biglang nanlaki ang mata niya. Nilabas ko sa bulsa ko ang ID niya na hindi niya napansin na nawala niya kanina nang lumapit siya.





"What the heck? How did..."





"You're not from dispatch, aren't you?" I smirked at him, revealing his true identity.





Mabilis niyang binunot ang baril niya pero pinakita ko lang sa kaniya ang mga bala nito at isa-isang tinanggal.





Kanina habang bumababa siya sa kahoy ay napansin ang tattoo sa batok niya. Maliit lamang iyon. I didn't mind it since I have no business to do with him. Pero noong lumapit siya ay mas lalo kong nakita kung kanino siya galing.





He's from the 4th empire. Isa sa kalaban ng aming angkan. Hindi rin tugma ang ID niya sa dispatch na nakuha ko kanina lang.





"Do you think I wouldn't recognize you?"





Nagsimula nang nagkagulo sa loob ng hotel at sunod-sunod na putukan ang narinig ko. I saw men with the same tattoo of him holding a gun, and it looked like they were looking for someone.





Nilabas niya ang patalim niya. I'm impressed that he's good at it. But not as good as I am. Mabilis niya akong inatake, pero mabilis ko rin naman na naprotektahan ang sarili ko mula sa kaniya at agad niyang nabitawan ang patalim nang matamaan ko siya ng kamao ko.





Iniwan ko siyang halos tulog na sa malaking kahoy. Dumating din naman agad si KirJack bitbit ang motor niya nang matanaw niya ako. Marami rin siyang pasa sa mukha at dugo sa damit.





"You good?" He asked me.





"Next time you'll invite me, make it simple. I hate big parties." Agad akong umangkas sa likod ng motor niya.





"Yeah, it looks like you're not a big fan of parties like this."





"I hate it, as much as I hate the music on your phone." Tukoy ko sa ringtone niya na kanina pa tunog nang tunog.





"¿, señora?"





", estoy con él."





"Sólo nos retrasamos cinco minutos"





"Lo haré. Yo me ocuparé de él."





Matapos niyang ibaba ang tawag ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya. Hindi naging madali para sa amin na makalusot sa rami nang nagkalat na mga terorista mula sa 4th empire.





Binubot ni KirJack ang baril niya't pinatamaan ang mga nakaharang sa amin. But it wasn't enough for us to pass through. Isang truck pa ng kalaban ang nadagdagan.





"Stop it! I'll drive," I told him.





"What!?"





Binunot ko mula sa kaniyang paa ang isang baril at pinatamaan ang mga nakasunod na lalaki sa aming likuran. Nasa apat silang naka-motor at pinapaulanan kami. I heard KirJack groans nang dumamplis sa kaniya ang bala.





"Iliko mo!" I commanded. Tumayo na ko sa upuan niya, while aiming a headshot. Walang tapon naman lahat ng bala ko. Iyon nga lang ay hindi iyon sapat sa dumadami nilang humahabol sa amin.





"Biglan mo ko ng baril."





"Wala na 'kong baril."





"Then, stop this goddamn thing!"





"Can't you see we're in the middle of an emergency!?"





Napatingin ako sa likod ko. Marami-rami pa sila at hindi na rin sapat ang gas ng sasakyan namin.





"Tsk." Mabilis akong tumalon at halos lumuwa ang ugat niya habang napamura dahil sa ginawa ko.





Nagpagulong ako sa kalsada hanggang sa maabot ko 'yong lalaking nakahandusay sa sahig na may bitbit na baril. Agad kong kinuha iyon at pinatamaan ang mga sagabal sa aming daan.





It wasn't my intention to get tangled in the middle of war, but I a have to escape. And I know they're looking after me. Nakita ko kasi sa nakahandusay na lalaki ang cellphone niya kung saan nakandoon ang mukha ko. Na mukhang kaka-send lang din no'ng nagkunwaring dispatch kanina.





No wonder lahat ng mga bikers are chasing us.





Naglakad ako papalapit kay KirJack na ngayon ay nagtatago sa malaking kotse.





"What the f*ck is wrong with you!?" sigaw niya nang makalapit ako.





"I told you to stop that goddamn thing."





"What!? Bakit parang mali ko pa!?"





Pareho kaming napatingin sa motorbike niya na nagliliyab na sa apoy.





"It's because women are always right." Tumingin ako sa kaniya. Kung hindi pa ko tumalon kanina baka tadtad na kami pareho at baka nabarbeque na rin.





I heard him groan.





"Alright." Huminga siya nang malalim.





"You know what? Let's go." Tumingin siya sa motorbike ng kalaban namin.





"I'll drive."





"No. You can't drive!" Mabilis niyang nilaslas ang laylayan ng damit niya at tinali sa natamaan kong braso.





Hindi ko man lang napansin iyon. Napatingin ako sa kaniyang mga sugat. Mas parami pa siyang daplis at dugo kay sa akin.





He should take care of himself first.





Tinanggal ko ang jacket ko tulad ng utos niya. He suddenly stopped when he saw my tattoo, hindi lang 'yon pati na rin ang mga bakas ng tinurok ko na syringe.





"I'll drive. Hindi mo na kakayanin na magmaneho sa lagay mo." I told him, nilaslas ko rin ang laylayan ng damit ko upang itali sa braso niya.





"Maraming dugo ang nawala sa 'yo. If you want to protect me, you should take care of yourself first."





Bigla siyang napadaing nang mapansin niya ang tama sa kaniyang tyan.





"I can. Kaya ko pa."





"Cover me."





"Wh-what!? Shit!" Mabilis niyang dinampot ang baril saka pinaulanan ang mga kalaban. Habang ako naman ay tinahak ko ang motorbike ng kalaban. 





I started the engine pero ayaw gumana. Narinig ko ang panghuling bala mula sa baril ni KirJack. The next thing he pulled the trigger, it was empty.





Napatingin siya sa akin na pilit ko pa ring binubuhay ang makina ng kaniyang motor.





I can see the red spot aiming for my chest. Hindi lang dalawa kundi maraming snipper ang nakatutok ang kaniyang pulang ilaw sa buo kong katawan. Isang kalabit at sabog ako.





I successfully made the engine restart. Bago pa man ako sumabog ay pinaharurot ko ang sasakyan. Halos gumawa ng malaking butas ang mga bala na sana'y sa akin tumama. Sunod na narinig namin ay ang mga motorbikers at sunod-sunod na putok.





"Now this is a fan." Binalikan ko si KirJack and help him ride behind me.





Inabotan ko siya ng helmet but he declined. I shrug, and plug the earphones I've been hiding in my jacket.





The music started to vibe the night. Inayos ko ang helmet ko't mabilis na pinaharurot ang motor bago pa man kami abutan ng bala.





Napatingin ako kay KirJack. He was cursing on air, making me calm down my maneuvers, but I couldn't.





This feels like the wonderful old days.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro