Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"Where have you been?" Iyan agad ang bungad ni KirJack nang makarating ako sa apartment ko.

I have had a long day and I haven't had the chance to take a break. Dahil kay Arlie kanina, mas lalong nadagdagan ang pangangalay ng buo kong katawan.

"None of your business," malamig kong sabi rito, bago ko buksan ang pinto.

Napatingin ako sa kaniya nang sumandal siya sa pintuan. He didn't say a single word, but he, instead, looked at me.

Napansin ko naman agad ang bandaid sa gilid ng labi niya.

"What happened to you?" I asked. Inalis ko na muna ang sapatos ko't nagpalit ng tsinelas panloob.

Hindi siya umimik at dumiretso sa sofa upang umupo. Napaangat ako ng kilay nang makitang may nilapag siya roon sa mesa.

"Your phone." Napatingin siya sa akin, saka niya pinikit ang mata niya habang naka-ekis ang kamay.

"Saan mo 'to nakuha?" Lumapit ako para tingnan kung totoong cellphone ko ba talaga 'yon.

Ngumiti lamang siya at nagpatuloy sa pagsiksik sa sofa.

"I have my ways."

"Did you—"

"Shhh. Kailangan kong magpahinga." He halted me.

Dumiretso ako sa kusina matapos kong ibulsa ang luma kong cellphone. Kinuha ko sa ibabaw ng gabinete ang nakatagong first aid saka bumalik upang gamutin ang sugat niya.

Alam kong hindi siya nakakaramdam ng sakit, pero sa lagay niya ngayon ay parang isang tulak na lang sa kaniya'y himlay labas nito.

Napakaraming pasa sa kaniyang mukha, at maging ang buo niyang katawan ay tila sinalo lahat ng kung ano mang matigas na bagay na hinampas sa kaniya.

"I shouldn't have let you take the opposite direction." Bigla niyang basag sa katahimikan.

Nagpatuloy ako sa paggamot sa kaniya. I can feel how pitiful he thinks I am, while looking at me. He probably knows about what happened to me yesterday.

"It's not your fault." Tinapos ko na ang paglinis sa kaniyang sugat saka pumuntang kusina.

"I should have protected you from those m*therf*cker!" Naikuyom niya ang kamao niya.

"Seeing them in bars doesn't satisfy me. Dapat pala talaga dinurog ko na lang ang mukha nila." I can feel his range.

Pero kahit magbaga pa siya sa galit sa mga tao na 'yon ay hindi na niya mababago ang nangyari. It's already done and the cause of their cleverness had already registered on my skin and their minds.

Lumapit sa akin si KirJack at agad na inabutan ako ng tissue.

"You're bleeding." Tukoy niya sa umaagos na dugo mula sa aking ilong.

"Thanks." Tumalikod ako sa kaniya't agad na tinapon ang tissue na may dugo sa basurahan.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago niya ko sinundan sa kusina. Inabot niya sa akin ang makakapal na papel.

"What's this?"

"Papers."

"I know. What I mean is, what is this for?"

"Can't you read?"

Tiningnan ko ang nakasulat sa unang pahina. Mas lalong nagdugtong ang kilay ko.

"What the f*ck is this?"

"You're moving with me into the mansion. Pirmahan mo na 'yan at magiging tagapagmana ka na ng Emperyong tinayo ng lola mo para sa iyo."

"Ang swerte niyo naman." Hinugasan ko ang kamay ko.

"Of course..."

"Iyan lang ba ang pinunta mo rito?"

"May iba pa 'kong pakay, bukod pa roon."

"Lumayas ka na. Wala kang mapapala. "

"Hindi mo ba 'ko tatanungin kung ano ang iba ko pang pakay?"

"Bakit naman?"

"Binalik ko ang phone mo, at pinakulong ko rin ang mga lalaking nanakit sa 'yo--"

"And? So? I don't remember I asked you to babysit me." I crossed my arms, and leaned on sink.

"Can you at least show me how grateful you are for what I have done?"

"No."

"C'mon, Bright! I'm starving!"

Napaangat ako ng kilang sa sinabi niya na 'yon. Hindi ko alam kung ano'ng konek sa sinabi niya.

"I haven't eaten anything since yesterday..."

"Bakit hindi ka na lang kumain sa iba. Bakit parang ako pa ata ang sinisisi mo?"

"I'm not blaming you..." He suddenly looked at the floor. "It is just that I can't trust anyone."

"And you trusted me?" Tumaas ang kulok ng labi ko.

"You're the first person who didn't attempt to poison me."

Natahimik ako. I remember the first time he joined us at dinner. He mentioned that, that was the first time he had eaten homemade food.

"How sure are you that I will never poison you?"

Napaangat siya ng tingin. "I know you can't do that."

"What if I put blood on your food... It's not poisonous, but you know I have a cursed disease."

"I don't mind."

Tumaas ang sulok ng labi ko lalo na noong narinig ko ang pagkalam ng sikmura niya.

I shook my head and put my apron on. Nakita ko naman ang pagliwanag ng kaniyang mukha bago niya pinasok mula sa balkunahe ang mga grocery.

Nag-angat ako ng kilay.

"I climbed to bring this, but you're not home. So I climbed on the balcony. But sudden the door is lock, kaya iniwan ko na lang muna roon." Pangangatuwiran niya.

"Cut the onion." Utos ko sa kaniya.

We cook together. Tinulongan niya ko sa paghiwa habang pinapanood niya kong ihalo lahat ng sahog na dala niya. Hindi naman ganoon karami ang niluto ko't sakto lang para sa kaniya. Nagtakal na rin ako ng bigas at sinalang ito sa kalan.

"I just realized how good your hands are at knives." Napatingin siya sa kamay ko habang naghihiwa ng carrots.

"Do you know what else my hand can do?" Napatingin ako sa kumukulong pantika at sa kamay niyang nakapatong sa ginamit kong pan.

Bigla niya namang tinakpan ang pribadong parte niya.

"'Yong kamay mo."

Agad naman siyang napatingin sa kamay niyang nalabnos na ng mainit na pan.

"Oh, sh*t!"

Napailing na lamang ako't nagpatuloy sa pagluluto hanggang sa natapos ako. KirJack prepared the table and even brought the clean utensils to the table.

"Hindi ka kakain?"

"Busog na 'ko." Binunot ko ang upuan at umupo sa harap niya.

Nilapag ko rin ang baso ko na may lamang beer at tsokolate. Inabot ko ang tumpok na papel na nasa gilid ng mesa.

Ito iyong binigay niya sa akin kanina. Binasa ko ang ilan doon at curious din ako kung bakit ba nila gusto akong patirahin sa mansion na sinasabi ni KirJack.

"If you sign that contract, lahat ng utang niyo noon ay babayaran ng lola mo. Maging ang pamana ng iyong mga magulang ay mapupunta sa iyo lahat."

"Bakit pangalan ko ang nakalagay at wala man lang ang pangalan ng mga magulang ko?"

Natigil siya sa pagsubo at pinunasan ang labi niya.

"Hindi pumayag si Señora na ibigay lahat sa mga magulang mo ang mana niya."

"That doesn't make sense. Obviously, my mother is her daughter. Bakit ipinagkait niya pa iyon?"

"They are died, what's the purpose anyway?"

Tiningnan ko siya nang masama. I know what he meant. Parang hindi lang kasi tama na lahat ng mana niya'y ibibigay sa akin, samantalang naalala ko noon na pinaglaban ng nanay ko ang karapatan niya para sa mana na 'to.

"Hindi niya pinagkait. Binigyan naman ang mga magulang mo ng parte noong hindi ka pa lang naisisilang. Pero dahil nalulong sila sa sugal ay pati ang mana at savings ng nanay mo sa panganganak sa iyo ay nagamit din nila."

"That's obviously a lie. I never see my parents gamble."

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit kahit saan ka magpunta ay may nakakakilala sa iyo upang singilin ka ng utang na hindi mo naman alam kung saan ginamit?" Biglang sumeryoso ang mukha niya. 

"Ang mga utang na 'yon ay dahil sa pagpapagamot ni nanay. Nilumpo siya ni Ruby kaya naman nagkabaon-baon kami sa utang para ipagamot siya." I slammed my hands on the table.

"I'm just telling the truth."

"And you think I'm f*cking lying here? You don't know everything!"

"Matagal na kitang minamanmanan, Bright. Simula sa iyong paglaki ay nandoon ako upang bantayan ka. Kaya alam ko lahat."

"Kung ganoon alam mo rin na nakapatay ako?" Napangisi ako. 

Bigla niyang tinikom ang bibig niya't natahimik.

Pinipigilan kong hindi umiyak. My face remained cold as if I hadn't revealed the thing that was bothering me every night.

"Kung wala ka ng kailangan pa ay hugasan mo na 'yang pinggan at umalis ka na." Umalis na 'ko sa kusina habang dala ang tasa ko.

I locked the door and jumped on my bed. Ilang minuto rin akong nakatitig sa kisame. I tried to digest what happened today and earlier with KirJack. I close my eyes firmly and murmur a curse.

I open my eyes and look at the contract. Inangat ko ang papel na hawak ko. I've read some of the term and conditions between two parties. Mukhang legal naman 'to at hindi ako niloloko nang sabihin ni KirJack ang mamanahin ko galing kay Ruby.

It's a huge money. Hindi lang pera, kundi pati na rin mga ari-arian at isang kompanya na matagal na naghihintay. I can't even believe that old Ruby prepared an empire for me in other country.

Napabuntong-hininga ako. Kung totoosin ay wala namang masama sa contract na 'to. I'm her legal granddaughter after all.

Pero ang hindi ko lang gets ay kung bakit wala man lang natanggap noon ang magulang ko kahit sentimo galing sa kaniya para tulongan ang anak niya? My mother is her flesh too. Bakit niya pinagkait iyon?

Muli akong bumuntong hininga. But, I have to accept the reality and be clever on this. If I sign this papers, may posibilidad na mabayaran ko lahat ng utang namin. Pero ang kapalit naman noon ay kailangan kong manatili sa mansion na hinanda ni Ruby at akuin lahat ng mana.

And it's a huge responsibility. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang lahat ng responsilidad, lalo na at alam kong marami ang gustong pumatay kay Ruby. If I tangle myself under her custody, then, it's like I'll putting myself at the edge of the gun.

Binaba ko ang papel at napatingin sa kisame. I don't know what to do anymore.

Bigla kong naalala ang sinabi kanina ni KirJack. Palaisipan pa rin sa akin ang sinabi niya. Kung matagal na niya akong minamanmanan, bakit parang hindi niya alam na nangyari sa akin 'yon?

I've killed someone... It's a sort of accident. Nasa sixteen pa lang ako noong nagawa ko 'yon. My family often accused as thieves in our place and even my schoolmates named me as 'anak ng magnanakaw.' Because of that I was bullied, walang araw na hindi ako nabubugbog o hindi naman kaya ay nakakatikim ng mga masasakit na salita.

It was rainy night, while on my way to my home, a daughter of a well-known mayor followed me and wasn't satisfied for filming me while I was naked under the rain. I had enough that day. Kakatapos lang ang graduation namin kaya bilang regalo niya sa akin ay kinalat niya lahat ng videos sa internet. I pushed her, but her feet aren't that strong to keep her balance so she fell down and hit on the rock.

Nang araw din na 'yon nangyari ang bangungot sa buong buhay ko.

Pinikit ko ang mata ko.

"Bright, aalis na 'ko." He knocked on my door.


"Bright, aalis na 'ko."

"Bright."

"Bright." He moaned my name.

Mabilis kong minulat ang mga mata ko. Basa na sa pawis ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip pero napakalakas ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko't naghabol ng hininga, when suddenly a flash of yesterday replay on my head.

That voice.

Kahit wala akong nakita noong araw na 'yon ay hinding-hindi ko makakalimutan ang boses na 'yon. That voice doesn't put me in sane every night and it keep hunting me.

"That m*therf*cker." I clenched my fist.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro