Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Brigggghttt!"

Kumaway sa akin si Carmella nang makita niya ko. Nasa malaking mesa siya kasama ang mga kaibigan niya na ngayon ko lang din nakita. Dati kasi mga ka-trabaho niya lang ang kasama niya.

I creased my forehead. Kahit kailan ay hindi ko siya nakita na dumayo rito sa maliit namin na kainan, o kahit sumilip man lang. She's always busy sa work niya, kaya hindi ko na lang din siya kinukulit. Bukod pa roon ay malayo rin ito at opposite rin ang daan niya.

Nasa dalawang oras ang biyahe ng pinagta-trabahuan niya sa lugar na 'to. Pero kung mamalasin ka't nagkaroon pa ng traffic sa 3rd Avenue, na palagi naman, ay tiyak makakarating ka rito ng tanghali.

Lumapit ako sa kaniya bitbit ang tray. Kakarating lang nila at swerte nila dahil may bakante na silang malinis na mesa.

"Napadayo ka ata rito?" I greeted her.

"Oo, namilit kasi itong mga kaibigin ko na pumunta rito para tumikim ng bagong putahe." Nakita kong sinundan ng mata ni Carmella ang bago naming empleyado namin.

We actually didn't hire him. He insisted on getting into this kind of business. Kung business ba talaga matatawag sa ginawa niya. Sino ba naman kasing tanga na papayag magtrabaho para lang sa libreng tanghalian. Na kung tutuosin mas mayaman pa siya kay sa amin.

Hindi naman nalulugi ang maliit na business namin, kung tutuosin ay maganda nga ang kita namin nitong mga nakaraang araw.

"Ah, ganoon ba. Omorder na ba kayo?"

"Hindi pa nga, e." Iyong isang kaibigan na niya ang sumagot.

"By the way, guys. Nakalimutan kong ipakilala sa inyo." Tumayo sa gilid ko si Carmella at umangkla sa akin.

"This is Bright. She's one of my patients. Bright, this is Jennifer, Danica, Alice, Ryle, Kyle and Christian."

"Ah, siya pala ang sinasabi mo noon na special season," Jennifer gave me an enthusiastic smile.

Napaangat ako ng kilay. Special Season? I don't remember how she told me that. She never treats me as her patient.

"Ang ganda niya. May boyfriend ka na ba?" Ryle gave me a seductive smile.

"Kumalma ka nga riyan, Ryle." Nakita kong siniko siya ng kaibigan niya.

"Dude, she's pretty. Hindi ka na makakahanap ng ganiyang kaganda kahit sa halughogin ang buong mundo."

"Pokpok nga lang." Bulong ng katabi niyang si Danica, saka nagtawanan sila ng katabi niyang si Jennifer at Alice.

Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Carmella. She cleared her throat.

"Ano ba kayo. Omorder na nga lang tayo." Agad na tinanggal ni Carmella ang kamay niya't umupo sa tabi ng kaibigan niya.

"By the way, tumatanggap ba kayo ng credit card dito?"

"Hindi. This is a traditional eatery. We only accept cash." Tipid kong sagot dito.

"How cheap naman pala." Nagkibit balikat si Alice.

"It's okay guys, it's on me." Biglang sabi ni Carmella.

"Oh, that's sweet. You're really a true best friend, Carmella."

"Of course. Anything for you."

Tumingin sa akin si Carmella habang naka-ngiti.

I remember she borrowed money from her father last night. Alam ko iyon dahil nitong umaga lang ay pinadala ng tatay niya ang pera sa akin para ako na lang daw ang magbigay sa kaniya.

I take their orders, busy pa kasi iyong dalawa at si nanay Tasya naman ay nasa kusina at nag-tatake over sa akin sa kusina.

Bumalik na ko sa kusina na nakalukot ang noo. I suddenly feel unease, betrayed, and humiliated. Para bang bigla 'kong hindi na kilala ang nag-iisang kaibigan na meroon ako. Kung makatitig siya at ang kaibigan niya sa akin ay para akong isang nakakahawa at nakakadiring na peste.

Napansin iyon ni nanay Tasya kaya marahan niyang tinapik ang kamay ko para sana kunin ang atensyon ko.

"Hija!" Napatingin siya sa kamay ko't mabilis na kumuha ng malinis na tuwalya para pigilan ang pagdurugo.

Nagulat na lang ako nang biglang pumasok si Arlie at agad na ginamot ang sugat sa kamay ko. Pumasok din si KirJack para sana kunin ang orders nang napansin niya ang dugo sa lababo.

"Are you okay?" They asked in unison. Pati si Nanay Tasya ay natataranta na makita ang malalim na sugat sa kamay ko.

"What happened po?" tanong ni KirJack sa matandan na may-ari ng kainan.

"Aksidente niyang naibaon ang patalim sa kamay niya. Kaya ayon," paliwanag ni nanay Tasya.

"I'm okay," saad ko kay Arlie.

"Let's go to the hospital," he suggested. "Marami ang nawalang dugo sa 'yo. You might experience-"

"I'm fine."

"Okay lang nga siya, doc." Nakita kong napatingin si KirJack sa kamay namin ni Arlie. His jaw stubbornly clenched.

"Pakibitaw na lang ng kamay mo kung ayaw mong ikaw ang balutan ko ng band-aid." Dadag niya pa.

Mahina naman siyang pinalo ni Nanay Tasya. "Masamang magbiro ng ganiyan! Ano ba kayo. Asikasuhon niyo na lang iyong niluluto ko't ibigay roon sa bagong dati."

Mahina akong natawa nang makita ko kung paano pagtabuyan ni Nanay Tasya ang dalawa niyang bagong empleyado.

Umakyat kami ni Nanay Tasya sa rooftop. Hindi naman ganoon kainit rito, kung tutoosin ay mas malamig pa rito kay sa sa baba dahil sa malaking puno na nagsisilbing bobong namin. Bukod din doon ay may hitik rin sa bunga ang maliliit na prutas niya kagaya ng orange, at bayabas na nakatanim sa pot. Maging ang mga bulaklak ni Nanay Tasya na araw-araw niyang dinidiligan ay nagbibigay rin ng kulay.

Umupo kami at pinagmasdan ang mga bulaklak. Kahit na maliit lang ang espasyo rito ay nagagawa pa rin nilang makibagay at magbunga.

"'nak, may problema ka ba?"

"Wala naman po 'nay."

I heard her sigh. "Noong nakita kitang walang malay sa gilid ng Gong river. Alam kong may rason kung bakit nagkatagpo ang landas natin." Ngumiti sa akin si Nanay Tasya habang nangingilid ang luha.

"That time. I lost my only daughter. Siguro magkasing edad lang kayo ngayon."

Napatingin ako kay nanay Tasya. Sa tagal naming magkasama ay kailan man hindi siya nagkwento tungkol sa anak niya.

I just remember the time when she first saw me. She takes me to the nearest hospital and takes care of me. Kahit na hindi niya 'ko kilala ay inalagaan niya 'ko hanggang sa gumaling ako. She even paid the bills without hesitation.

"She took her life. Bukod pa roon ay napag-alaman ko rin na naging positive rin siya sa HIV." Napatingala siya sa kalangitan at pinikit ang mga mata.

"Maagang namatay ang ama niya dahil sa isang aksidente kaya sa akin napako lahat ng responsilidad sa pagpapalaki sa aming anak. Sa sobrang busy ko sa trabaho. Hindi ko napagtoonan ng pansin ang anak ko at naging biktima siya ng sexual abuse. Napag-alaman ko rin na hindi lang ang professor nila ang bumaboy sa kaniya kundi, halos lahat ng mga kaklase niya." Huminga siya nang malalim. "Napakabait ng anak ko. Kaya naman, napapatanong na lang ako. Kung bakit siya pa?"

"Hindi na niya nakaya ang lahat ng pangungutya mula sa kanilang paaralan, hanggang sa internet. She left me a suicidal note and a CD." Hindi na niya napigilan at nag-uunahan ng magsilaglagan ang mga luha ni Nanay Tasya.

Sino ba ang mag-aakala na sa kabila ng kaniyang masigla at mapagbirong amo, ay isang mabigat na pagsisisi ang nakalimbag sa kaniyang konsensya?

"Idinulog ko na 'to sa mga pulisya, pero binasura lamang ng korte ang kaso. Kaya hanggang ngayon ay malaya pa ring nakakagawa ng krimen ang mga sangkot sa pagkamatay ng anak ko." She inhaled.

"Kaya 'nak. Kahit ano mang mangyari, huwag mong hahayaan na mangyari sa 'yo ang nangyari kay Cresus. Kung tatalikuran, o pandidirian ka man ng iba. Hayaan mo sila. Hindi man nila makita ang kabutihan mo ay nandito lang ako palagi sa 'yo. Hindi ka nag-iisa. Hindi kita iiwanan."

Napatango ako't niyakap si nanay Tasya. Naramdaman ko rin ang luha na bumababa mula sa aking mata.

She probably saw me getting viral because of that video.

Bumaba na kami ni Nanay Tasya matapos ang pag-uusap namin. Nagpaalam siyang uuwi na muna siya sa bahay nila't may kailangan siyang asikasuhin na lupa.

"Ano'ng pinag-usapan ninyo ni tanda?" Agad na lumapit si KirJack, habang bitbit pa ang pinggan na pinaghugasan niya.

"Girl's stuff." Maikli kong sagot.

Napasilip ako sa bintana. Nandoon pa rin sila Carmella at kinakausap si Arlie.

She looked at me and gave me a smile that I couldn't recognize. Parang ibang tao ngayon ang sumanib sa katawang lupa niya.

Napatingin sa akin si Arlie. He immediately excuses himself and walk straight to the kitchen where KirJack and I are talking.

"How's your wound?" He asked.

"It's fine." Ngumiti ako sa kaniya saka lumabas. Nakita ko kasing lumapit sa si Carmella sa counter.

"Hey, bill out na kami." Napatingin siya agad sa kamay ko.

"What happened to that?" Agad na bumakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"It is just a small cut." Inabot ko na ang bill niya.

Napatingin siya roon at agad na nagtaas ng kilay.

"I paid it."

"But, Bright. Makakaltas ito sa sweldo mo."

"Pasalamat ko na rin iyan sa pagbisita niyo sa maliit na kainan namin. And for..." Tinitigan ko siya sa mata. "The special season you said to them."

"Bright, it's not like that."

Hindi ko siya pinakinggan at agad na kinuha ang naka-envelope na pinadala ng tatay niya.

"Here. Galing 'yan sa papa mo. Allowance mo raw." Ngumiti ako sa kaniya.

"Carmella, let's go na!" Tawag ni Jennifer.

"Coming."

Tumingin siya ulit sa akin. "I'll talk to you later."

"No need. Lilipat na 'ko ng apartment."

"What do you mean?"

Biglang lumabas si KirJack at tumabi sa akin para kunin iyong isang bill ng kabilang table.

Napatingin siya kay KirJack na naglagay ng toothpick sa gilid ng taenga niya. He gave me a look.

Huminga ako nang malalim. Nilabas ko ang ballpen at ang contract na binigay sa akin ni KirJack kagabi.

"I just realized you're right. I need to give my grandmother another chance." Pinermahan ko sa harap niya ang kontrata.

"You're living in KirJack's mansion?" Taka niyang tanong.

"My mansion." I corrected her.

Napatingin ako kay KirJack na hindi rin makapaniwala sa ginawa ko. Kanina habang nag-uusap kami ni Nanay Tasya. Napagtanto ko na, kahit kailan man ay hindi makakamit ang hustisya kung walang panggatong.

And maybe I can make a small move to change that perspective. And for Nanay Tasya, I would do anything to bring justice to her, and for her daughter, Cresus.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro