Chapter 01

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

102521 Chapter 01 #HatemateWP

My gosh. Maling-mali yata na binati ko 'yong swerte ko kanina. Masyadong malaking malas 'tong si Deion at hindi ko alam paano ko siya ididispatya.

Napahinga ako nang malalim. Nagtatanong na ang tingin ni Je pero nginitian ko lang siya at hindi na pinaliwanagan. Walang nakakaalam nung matindihang four-year crush ko 'no.

Nung nag-transfer ako for SHS, bagong buhay ako kung bagong buhay. Malakas 'yong power ng ka-bitter-an ko kaya binaon ko 'yang si Deion sa limot. Two years din 'yong success na 'yon. Considering na four years kong crush na crush 'yung mokong, feat na 'yong two years na hindi ko siya naisipang kausapin. B-in-lock ko pa nga everywhere. 'Galing ko kaya.

E kung 'di naman 'to nagkaro'n ng appearance ngayon, 'di ko naman siya maiisip. Effective yata sa 'kin 'yung out of sight, out of mind.

'Tapos biglang ganito. Five years siyang magpapakalat-kalat diyan sa paligid. Mas matagal pa sa haba ng Junior High. Dapat ba 'kong kabahan? Mahina pa naman ako sa guwapong matangkad.

Pero sabagay, 'di ko naman siya nakita sa room kanina. Magkaiba naman kami ng section. Hindi naman 'yan mahilig lumabas-labas at magpakalat-kalat kaya hindi ko rin siguro siya madalas na makikita. Keri naman 'yung five years kung wala kami sa iisang room.

"Ano'ng section ninyo?" bulong ni Mark kay Je habang tinutulak 'yong sliding door. Tanaw ko na si Deion sa loob na nauna talaga sa 'min 'tapos sinarado pa 'yung pinto. Rude pero okay lang. Paki ko ba.

"Ah, buti pa kayo," rinig kong sabi ulit ni Mark. 'Di ko man lang narinig 'yung sagot sa kaniya ni Je. "Kami kasi madi-dissolve eh."

"Ano?"

Napalingon sa 'kin si Mark. "Walo lang kami eh."

Natigil kami sa pag-uusap dahil may nagpatahimik sa 'min. Umupo na raw kami.

Nakita ko si Deion na nakatayo lang sa isang gilid. Tinitingin nito?

Shit, teka. Magkaklase nga yata 'tong mag-BFF na 'to. Madi-dissolve sila. Ang tanong e gaano ba kalakas at hanggang kailan 'tong dumapong malas sa 'kin?

Ilan ba ang lilipatan nila? Apat, limang sections? Wala naman akong problema sa bagong kaklase dahil literal na wala pa naman kaming nasisimulan. Pero please lang sana 'wag sa 'min. Baka mabuwag 'yung out of sight, out of mind ko.

Hindi rin naman ibig sabihin na nasa mind e good things na agad ang iniisip. Baka mabuwisit lang ako sa buong taon. 'Di rin puwede 'yun. Dami-dami ko nang isipin e, dadagdag pa siya.

Hay, ewan. Jusko. Think positive na lang.

"Upo na," utos ni Mark.

Napatingin ako kay Deion na nakatayo pa rin. Umiling lang siya. Napatingin ako sa upuan sa tabi kong free pa.

Shit talaga tong si Mark. Doon pa talaga sa may side aisle umupo. Puwede namang kami na lang ang tabi.

"Mark," pabulong kong tawag. Baka masungitan pa kami ng residents dito. "Dito ka na kasi."

"'Yoko diyan, pagpapawisan ako," katuwiran niya na parang hindi naman abot 'yong puwesto ko ng air con.

Ang lamig-lamig na nga sa room. Sana tumayo na lang siya at siniksik 'yong sarili sa blade ng air con. Nagdadahilan lang 'to e.

Hndi naman ako puwedeng makipagpalit kay Je. Naka-jacket na nga ang gaga kanina pang umaga dahil mahina siya sa lamig. Saka bakit ba ako ang mag-a-adjust? Kung ayaw ni Deion umupo, e di humiga siya sa sahig. Paki ko ba sa comfort niya.

Uupo lang naman sa tabi ko, bakit ayaw niya?

Affected masyado?

Bakit affected?

Bakit ba 'ko curious? Ang dami kong tanong. Wala nga 'kong pakialam.

May nagsabi na kay Deion na umupo na. Inalis ko na ang tingin sa kaniya at nilipat sa harap. Gaano katagal ba 'to? Sana saglit lang.

"Uy, gago, ako na nga diyan," si Mark.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Ang mokong, mukhang balak buhatin 'yung monobloc chair para lang mailipat kung saan. Ayaw na ayaw yata akong makatabi. Ayaw ko rin naman sa kaniya.

Ang ending, si Mark ang nakatabi ko. Si Deion ang pumuwesto sa aisle sa tabi ng column air con. Sana magyelo siya sa lamig diyan.

"Grabe, saan mo naman ililipat 'tong upuan?" tanong ni Mark na wini-wish kong manahimik na. Nahahawahan ako ng curiosity dahil sa katatanong niya e.

"Basta ayoko diyan," sagot ni Deion kaya nagpanting ang tainga ko. Ayaw ko rin naman sa kaniya pero 'di ko sinasabi. Gawa-gawa pa siya ng eksena kanina na parang close kami, e ayaw naman pala niya sa 'kin.

Sabagay, ayaw naman talaga niya sa 'kin ever since. Sino ba'ng tangang nagka-crush for four years? Ako, 'di ba? Ano kayang inisip ng 13-year-old self ko at nagwapuhan nang malala dito? Ginayuma yata ako nito noon e. 'Buti na lang nahimasmasan ako. Natagalan, pero at least nangyari.

"Ayaw ko rin naman siyang katabi." Hindi papayag ang bibig ko na hindi gumanti. Hindi lang naman siya ang puwedeng mag-express, 'no. Ako rin.

Four years ko siyang pinuri-puri diyan e. Saan ako dinala nu'n? Wala. Nganga.

Tumikhim si Mark. Ayan, daldal niya kasi. Kasalanan niya 'to e. Dapat 'di niya 'ko binangga kanina.

Sinamaan ko ng tingin si Mark na nangunot ang noo sa 'kin. Kasalanan niya talaga 'to. Kung 'di siya nagpakita e di sana 'di ko iisiping naputol 'yung swerte ko.

"Ilang taon na nga ulit tayo?" tanong ni Mark na akala mo naman kung sinong ang mature-mature. Nagtutulakan nga sila ni Deion kanina sa pila. "Move on, guys. Ano ba."

May gana pa siyang tumawa. Nagkukunwari pa siyang bigger person e alam ko namang sa loob-lobo niya ine-enjoy niya 'to. Favorite niya kaya mambuwisit.

Tandang-tanda ko pa ngang pinag-trip-an niya si Deion nung birthday eh. Kung crush daw ba ako. Tanda ko rin 'yung sagot du'n. Hindi.

"Naka-move on na naman kasi ako," sabi ko.

Napalingon tuloy sa 'kin si Je. Kanina pa 'to curious, sure ako. Inilingan ko lang siya.

"Oh, naka-move on na naman pala . . . ." Feeling yata ni Mark , lahat ng sasabihin sa kaniya, kailangan niyang mag-reply. My gosh. Kung nananahimik siya, e di tahimik na kaming tatlo.

Napabalik ang tingin ko kay Je nang siko-sikohin niya ako. Pinakita niya 'yong screen ng phone niya. Sa kaayawang magsalita, nag-type na lang siya. Ewan ko nga kung paano niya ako natagalan, e sa totoo lang madaldal din naman ako gaya ni Mark.

Ex mo?

Buti na lang kanina pang lunch 'yong huling kain ko kaya 'di ako nasuka sa tanong ni Je. Inirapan ko lang siya at tinulak pabalik sa kaniya 'yong phone niya.

"Move on ka na rin, Paps," bulong ni Mark du'n sa isa. Pang-inis lang; halata naman sa tono.

"Bakit ako magmu-move on? Wala naman akong pagmu-move on-an."

Awkward 'yong tawa ni Mark pagkatapos. Sa wakas, umayos din siya ng upo at mukhang 'yun na 'yung signal niya para manahimik.

Tama naman si Deion.

Wala naman talaga.

Ako lang naman kasi 'yung may feelings.

Kaya ako lang 'yung kailangang mag-move on.

Sana talaga bumalik na 'yung swerte ko bukas. Ayaw ko siyang maging kaklase.

* * * 

Hindi bumalik 'yung swerte ko. Dumalaw agad 'yung malas kinagabihan.

Ni-lock ko agad ang phone ko at nilayo sa 'kin. Maling desisyon, na naman, na mag-check ng phone.

May gumawa ng group chat. May bagong salta. Si Mark 'yung una. E kaso, nung iche-check ko na ulit, may pa-warning na si Messenger.

An account you blocked is in this chat.

Hindi naman ako puwedeng mag-leave. Makikita ba ako ni Deion kapag nasa iisang group chat kami?

Shit naman. Dito pa nga lang worried na 'ko. E magkikita pa kami nu'n bukas, jusko—for five days a week, for ten months or more.

Sana talaga next year, 'tapos na 'tong malas ko.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Je na ready na mag-beauty sleep. Ang aga niyang matutulog kasi daw wala namang gagawin. Favorite niyang matulog.

"Kakain. 'Sama ka?"

May convenience store naman sa malapit. Magandang takbuhan ang pagkain kapag stressed. Walang judgment. Pakikinggan ka. Busog ka pa pagkatapos.

Umiling si Je. Binilinan lang niya akong i-lock nang ayos 'yung pinto bago umalis.

Walang curfew sa apartment. Big deal 'yon kina Mommy nung una pero pumayag din naman sila dahil kasama ko naman si Je. Siya kasi 'yung mapagkakatiwalaan ng parents sa lahat ng kaklase ko nung Senior High. Marami kasing bulakbol sa nalipatan ko.

Kinuha ko lang ang jacket kong nakasabit sa likod ng pinto, at saka wallet, bago umalis. In-Ignore Messages ko muna 'yung group chat dahil napapalalahanan ako na may bagong salta du'n—'yung naghihintay na kamalasan sa 'kin bukas. For the next ten months.

Kapag humaba na talaga ulit 'yong bangs ko, 'di ko na ipapa-bangs ulit. Pinahaba ko for the last two years at pinabalik lang last month. Baka 'yun 'yung kinakapitan ng malas.

Napabuntonghininga na lang ako bago kuhain 'yong mga binili ko. Magastos din pala magtanim ng galit.

Ch-in-eck ko ang phone ko nang mag-vibrate 'yon.

Joseph: Hi, Billie :)

Kahit na ayaw ko siyang reply-an, ginawa ko pa rin. Alam ko kasi 'yung feeling na ma-ignore ng crush.

Pumait bigla ang soft drinks ko. may girlfriend na kaya 'yon? May pumatol sa kasupladuhan nu'n? 

Sana wala. Uunahan ko siya. Ako dapat ang maunang magkajowa.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro