Prologue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

IMPT Author's Note:

Hi! Thanks for checking Hatemate. 

Obviously, Part Two 'to (nakalagay naman sa title, haha). For a better reading experience, I advise you to read Part One first. It's an epistolary with 85 chapters, which you can easily finish in less than an hour, most probably. 

The blurb of this story provides some context about the characters and their backstory, but I personally think that it is better for you to know the characters more before proceeding. Or at the very least, check Part One's blurb. 

Pero if prefer niyong ma-confuse muna 'tapos sa padulong part na maliwanagan (Ah-iyon-pala-iyon moment), then go ahead and proceed with the next chapters. Makukuha ninyo pa rin naman 'yung bits of history ng two main characters here as you read on hehe~ 

This is the first draft of the story. Thanks! 

* * * 

101121 Prologue #HatemateWP

Madalas talaga, hindi ko alam kung tama pa ba ang mga desisyon ko sa buhay. Ewan ko rin kung bakit ko binabasta-basta, pero paano ko naman kasi mapag-iisipan nang ayos kung parang laging may deadline, 'di ba? Parang kapag hindi ako nakapag-decide agad, mapag-iiwanan ako, gano'n. E siyempre sino ba namang gustong mapag-iwanan? Baka merong ganu'n, pero hindi ako.

Kino-compute ko na kung ilang taon pa akong pahihirapan ng school. Kung hindi ako kakapitan ng malas, five years lang siguro. 'Tapos, two years internship at field experience. Mag-e-exam pa. Pero paano kung bumagsak ako?

Gusto ko na lang manalo sa lotto. Pero imposible naman 'yon dahil hindi ako marunong tumaya. Sana umulan na lang ng pera.

"May bayad daw 'yung membership."

Napatingin ako kay Je nang magsalita siya. Three weeks na kaming magkasama sa apartment, kaya hindi na ako nagugulat kapag bigla siyang nagsasalita. Ang tahimik kasi ni Jerica kumilos. Kaya no'ng una, nagugulat ako kapag magsasalita siya bigla.

"Bente yata, pero may nagsasabing 50."

"Okay." I nodded.

Kanina ko pa inaaral 'yong curriculum namin. Parang mali yata ang desisyon ko. Nagsimula 'to nung hindi ko alam kung anong strand ang kukuhanin ko. 'Yan tuloy, puro unsure na ako sa mga ginagawa ko.

"Required ba 'yan?" tanong ko.

Hindi naman ako nagrereklamo sa bente o singkwenta na bayad. Okay lang 'yun. Pero narinig ko kasi na hassle din 'yung pagpapa-member. Dagdag gawain daw. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko na 'yong workload ngayong sem, iisipin ko pa 'yong madadagdag.

Tumango si Je. Sumalampak siya sa kama niya. "Oo raw e. Bukas ng hapon daw agad 'yung orientation."

"Saan?" tanong ko. May mga nabasa akong may libreng food sa gano'n. Sana meron bukas.

"Magbasa ka kaya ng announcements?"

"Ih." Ayoko na ngang mag-Facebook. Naririndi ako kapag puro tungkol sa opening ng class 'yung nababasa ko. "Nandiyan ka naman e. Ikaw na lang. Sabihan mo na lang ako."

Tinawanan lang ako ni Je. 'Buti nga kasama ko siya rito. Ang hirap kaya mag-worry mag-isa. Hindi ko pa kilala kung sino 'yong mga kaklase namin. Surprise na lang yata bukas.

Naunang natulog si Je. Ako, hindi makatulog kasi iniisip ko kung ano ang gagawin bukas. Tiningnan ko 'yong mga binigay na materials ng upperclassmen kahapon. Nahilo lang ulit ako. Araw-araw yata akong mahihilo kasi wala akong naiintindihan. Iniwan ko rin naman 'yon at nagbasa na lang ng mga experiences ng iba sa public forums. 'Yon na ang kinatulugan ko.

"Maswerte pala tayo, 'no?" sabi ni Je habang hinahanap namin 'yung venue para sa orientation.

So far, so good. Nakakatakot lang 'yung isang prof sa Design, pero wala pa naman siyang pinagawang kahit na ano. Pare-parehas lang sila ng rules sa attendance. Sabi ni Je kanina, magtatanong-tanong daw siya sa ibang nakakuha na ng subjects sa mga prof namin kung mahilig bang kulayan ng red ang plates o hindi.

"Ba't naman?" Tumigil kami sa tapat ng isang hall. My gosh, air-conditioned. Thank you Lord talaga sa swerte ko today. Umaapaw.

"May isang section yata, madi-dissolve. Eight lang daw kasi 'yung students."

"Paano mangyayari du'n?" Forty lang kami sa class namin. I heard maximum na 'yun. "Paghihiwa-hiwalayin?"

Jerica nodded. 'Buti na lang hindi ako du'n. Paano kung magkahiwalay pa kami ni Je? Si Je na nga lang ang kilala ko. Hindi ko pa alam kung kailan dadami ang friends ko dito. Ang hirap mag-adjust kapag halos lahat, new faces.

May mga nagturo sa amin kung saan unang pupunta. Pinapila muna kami, may sasagutan lang daw. Late na kami ng 10 minutes dahil medyo naligaw pa kami ni Je kaya nasa dulohan na kami ng pila. Hindi pa naman nagsisimula, so okay lang yata 'yun.

Basic info lang naman 'yung hiningi—pangalan, nickname, contact number, e-mail, adviser. Nauna si Je na magsagot pero hinintay na niya ako.

Dahil huli na naman yata kami, nag-isip-isip pa ako kung anong ilalagay ko sa nickname. Si Je kanina, Jica ang pakilala sa class. Nagulat pa nga ako kung bakit ganu'n. Trip lang niya daw. Parang gusto ko rin, pero Billie na 'yong tinawag sa 'kin ng mga prof, kaya hindi ko na 'yon mababago sa room.

Lulu ang sinulat ko sa form. Hindi ko ulit alam kung pagsisisihan ko ba 'yon. Bahala na. Nickname lang naman, 'di ko na kailangang i-overthink. Masasanay din naman siguro ako sa bagong nickname.

Nagsusulat ako ng contact number nang may bumangga sa 'kin. Nabangga ko din tuloy si Je, tapos medyo naalog 'yung flimsy na table na gamit. Sinaway ng nagpapalista 'yong tatawa-tawang lalaki. Saksakin ko kaya ng ballpen 'yong likod nito? 'Di man lang mag-sorry.

"Sorry po, Ate." Napatigil ako sa pagsusulat. Nilingon ko 'yong nagsalita. Nakailang kurap din kami bago ma-realize kung sino ang isa't isa. "Billie?"

Si Mark, parang tore sa tangkad. Parang mas maputi lang siya kumpara no'ng huli ko siyang nakita, pero walang nagbago sa mukha niya. Sabagay, sasaglit lang naman 'yung two years.

"Buhay ka pa pala?" tanong ko. Makikipagkumustahan pa sana ko nang mapansin ko kung sino 'yong kasama niya.

Sabi na nga ba, babawian din ako ng mundo. 'Di daw puwedeng swerte ako all day. Kaya nagpadala si Lord ng kamalasang may judgmental na tingin, perfect na ilong, at . . . ayaw ko nang tingnan ang lips niya.

Sinamaan ko ng tingin si Mark dahil nakita kong siniko niya 'yong kasama niya, sumisignal. Narinig kong bumubulong si Je sa gilid ko kung sino si Mark, pero hindi ko nasagot. Na-speechless ako for a moment. Pero hindi dahil sa na-starstruck ako sa more matured look niya. Malamig kasi. Downside ng air-conditioned ang venue. Kainis.

"Na-miss mo 'ko, Billie?" tanong ni Mark. Kahit na gusto kong tumalikod at hilahin na si Je para umupo, hindi ko magawa. Parang kahit hindi naman sinabi ni Mark, kailangan namin silang hintayin. Ano ba 'yan.

"Hindi," sagot ko. Napatingin ulit ako sa kasama niya. My gosh bakit ang sama ng tingin nito? Inaano ko siya?

Tinawanan lang ulit ako ni Mark. Nilingon niya si Deion na kanina pa tahimik.

"P're, si Billie . . . . Remember?" sabi ni Mark, na obviously nambubuwisit lang. Ang OA pa nung pagtanong niya ng 'remember?'. Hindi pala siya nagpalit ng hobby over the years—hilig niya pa ring mang-inis. Hindi naman siya sinagot ni Deion.

"Lulu?" tanong ni Mark. Hindi rin siya marunong manahimik. Itinuro niya 'yong sagot ko. Napatingin din tuloy do'n si Kamalasan. "Bakit Lulu? Luella?"

"Hindi naman ako nag-comment sa Makoy mo," sagot ko, in-emphasize ko talaga 'yong nickname na nilagay niya. Natawa lang ulit siya. Nag-hello siya kay Jerica. Hindi ko alam kung gusto ko ba silang maging friends.

"Bakit Lulu?" Automatic na tumaas ang kilay ko nang si Deion na ang nagtanong. Wala akong balak sagutin 'yon nang ayos. Bakit ba niya 'yon piankikialaman?

Napatingin ako sa sagot niya. Deion lang ang sinulat niya sa nickname.

Umayos siya ng tayo. May gana pang angatan din ako ng kilay. Akala mo close kami. E hindi naman.

Hindi na.

"Ano ba dapat?"

"Ayaw mo ng Bibi? Suggestion lang."

Malamig na malamig sa hall, super. Pero parang pinaso ang mukha dahil biglang uminit. Narinig ko pang nag-Ooooh si Mark kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nilagpasan ako ni Deion. Hindi guwapo 'yong pagngisi-ngisi niya. Nakakabuwisit lang.

Buti na lang 'di ko na siya crush. 'Yon lang yata ang choice kong 'di ko pagsisisihan. #1222

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro