Chapter 29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

081722 Chapter 29 #HatemateWP

For one week straight, hindi pumalya si Deion sa good morning messages niya kahit hindi ko siya nire-reply-an. Very maliit na bagay, pero bigyan ko siya kahit papaano ng points for effort kasi laging same time ang dating ng messages niya. Except na lang no'ng undas na medyo na-late dahil gabing-gabi na raw sila nakarating sa bahay ng lola nila kaya late na rin siyang nakatulog at nagising.

Same-same lang ang routine namin. Magkasama kami sa pila tuwing lunch, tapos kapag puwede, hinahatid niya ako pauwi. Palapit na rin kasi nang palapit ang super hell week—super kasi parang lahat ng week starting November ay considered hell week na. Hindi lang kahinaan ng technical skills ang challenge sa 'min, pati na rin cramming skills dahil nag-meeting yata ang mga prof namin na sabay-sabayin ang deadlines nila at i-encourage kaming mag-shift na ng program habang maaga pa.

"Matatapos ka na?" tanong ni Deion. Sinilip ko siya sa laptop screen. Hindi siya sa 'kin nakatingin kundi roon sa tinatapos niyang plate.

I never thought na dadating 'yung panahong siya ang mag-aaya sa 'king mag-aral together. Pero ito na siya, happening. At naiinis ako kasi siya 'yung nampu-pursue pero ang tibay ng commitment niya sa acads dahil mukhang di siya affected ng beauty ko at di man lang nadi-distract.

No'ng nagplano kami kanina before dismissal na gagawa ng plates together virtually, sumabay na ako kay Je pauwi para nga maaga akong makapag-half bath. Inayos ko pa ang buhok ko at nag-blush on pagkatapos maligo! Tapos di man lang siya na-distract.

Samantalang ako, for the first five minutes yata ay t-in-ry ko siyang daldalin kasi di ako makapag-focus. E ni hindi nga siya nagsuklay ng buhok nang humarap siya sa camera kanina! Naka-white shirt at plaid pajama pants lang siya at may nakapatong pa na towel sa ulo. After niyang tanungin kung nag-dinner na kami ni Je, nagsuot lang siya ng salamin tapos start with work na. Eventually ay nahiya rin akong dumaldal nang dumaldal dahil baka ma-annoy siya sa 'kin.

Di naman ako makapagreklamo dahil alam kong di naman dapat landi ang first priority. Na-pressue pa ako nang slight dahil nakakahiya maging petiks kapag super dedicated ng jowa mo.

Di pa naman jowa, pero gano'n na rin 'yon.

Kaya naman, ako rin ang umayaw sa virtual gawa-ng-plates-together kahit nakaka-two sessions pa lang kami. Ako ang nadi-distract e; unfair! Napaplano ako bigla para mas maayos ang time management ko. Kung gusto kong isingit 'tong kaharutan ko, kailangan kong ayusin ang time ko para may paglagyan 'yon.

"May gagawin ka mamaya?" tanong ko kay Deion habang nasa pila kami for lunch. As usual, naghihintay sina Je at Mark sa 'min sa table.

Bumaling siya sa 'kin. "May deadline sa Design bukas. Tapos 'yung Early Christian, Friday."

Tumango ako. Memorized ko lahat ng deadlines until next week. That is, kung walang madadagdag. Sana wala. "Roman 'yung assigned akin," sabi ko, tukoy do'n sa deadline ko para sa History sa Friday. "Di ka pa tapos?"

Katatapos ko lang do'n sa Design kagabi. Kung gusto ko ngang mas maaga matapos, ginawa ko na pero di talaga keri. Pero at least medyo changed person na ako. 'Yung old me, siguro ika-cram pa 'yon mamayang gabi. May gagawin pa rin naman ako mamaya, pero sulat na lang about elements do'n sa Roman plate ko at tapos na ako. Di naman 'yon masyadong matagal kung hindi ako mamalasin.

Sinabi niya muna sa nagtitinda ang order namin bago bumaling ulit sa 'kin at sumagot. "Patapos na. Bakit?"

Patapos na, so di pa siya tapos. Napanguso ako bago umiling.

Kumunot ang noo niya bago tanggapin ang tray ng food. Kinuha ko sa tray ang dalawang fruit shake namin ni Je para hindi masyadong mabigat. "Bakit? May gusto kang gawin?"

"Wala a," sagot ko. "Naitanong ko lang." Actually, wala naman talaga akong gustong gawin. Kasi wala akong maisip. Di naman kami puwedeng magsayang ng oras together kasi di pa siya tapos sa plates niya. Ako rin naman, kaso alam kong kaya ko na 'yon tapusin within an hour maximum. 'Yung kaniya, di ako sure.

"Hatid kita mamaya?"

"May plates ka pa a?"

Nagkibit-balikat siya. "Patapos na nga ako."

"Sure?" tanong ko. Tumango siya. "Okay."

Hindi na ulit namin 'yon napag-usapan after naming bumalik sa lunch table, kaya di ako sure after dismissal kung tuloy ba kami. Na-confirm ko lang na ihahatid niya ako dahil siya mismo ang lumapit sa akin.

"Sabay ka?" tanong ko kay Je. Di namin kasama si Mark, dahil lagi namang gano'n kapag hinahatid niya ako. Pero ayaw ko namang hindi alukin man lang si Je na sumabay sa 'min.

Napanganga ako habang natawa naman si Deion sa parang diring-diring mukha ni Je. "No." Binitbit niya ang file case niya at sinukbit ang bag. Bumaling siya kay Deion. "Uwi in one piece. Walang aksidente."

"Okay," simpleng tugon ni Deion sa kaniya. Kumaway lang si Je sa 'min habang naglalakad palayo at hindi na pinansin ang pagtawag ko.

Binitbit ni Deion ang bag ko. "Sa'n tayo magmemeryenda?" tanong niya.

"Diyan na lang sa tabi-tabi, may plates pa tayo e," sagot ko. Wala naman kaming ibang pinupuntahan ni Deion kapag ihahatid niya ako. Kumakain lang kami saglit, tapos uuwi na.

Surprisingly, hindi na siya gano'ng ka-awkward. Di pa rin naman siya madaldal, pero wala na masyadong tension. Reminds me no'ng high school, except lang sa kahit papaano, may blanket of security ako dahil umamin na siya.

'Pag talaga hinulog niya ako sa sahig pagkatapos akong ilipad nang ganito . . . . Naku, 'wag na niyang balakin.

Bumili lang kami ng sweet corn at juice sa labas ng campus, tapos ay naglakad na ulit pabalik sa parking. Tumigil kami sa labas ng sasakyan niya dahil nililipat niya sa cup ko 'yung ibang cheese powder galing sa kaniya. Ayaw daw niya dahil masyadong matamis. Sabi ko dapat nagnilagang mais na lang siya.

Nag-aya na akong umuwi pagkatapos naming kumain. Tatapusin ko pa 'yung plate ko sa History at gano'n din siya. Motivated na naman akong gumawa ng plates dahil dito. Seryoso ako roon sa time management, 'no. Pinangako ko 'yon sa sarili ko. Mas kumo-couple goals kung parehas kaming maganda ang academic standing. Dahil next time na 'yung couple, 'yung academic standing muna.

"Madami ka pang gagawin?" tanong ko habang nasa biyahe kami. "Kaya mo bang mag-cram ng Design?" Di ko in-expect na crammer si Deion, pero di ko rin siya masisisi dahil parang pinarusahan talaga kami sa sobrang dikit-dikit ng deadlines. Kinailangan ko ngang mag-sacrifice ng tulog para lang di ako masyadong ngarag this week.

"Hindi ako magka-cram," sagot niya. "Patapos na ako. Bakit? May gusto ka ngang gawin?"

"Wala a," natatawa kong sabi. Nagtatanong lang naman ako kung may gagawin pa siya. Ang dating ba sa kaniya n'un ay nanghihingi ako ng time niya? "Sa History, tapos ka na?" Friday pa naman 'yon. Meron pang tomorrow night para tapusin. "Magsusulat na lang ako ng description ng elements mamaya," dagdag ko.

"Patapos na rin," sabi niya.

Bumaling siya sa 'kin pagka-park sa tapat ng apartment. "Saturday? Hatid kita?"

Umiling ako. Ang aga kong gumigising kapag Saturday mornings, at baka mamaya makatulog na naman ako sa kotse tapos di niya ako gisingin at maihatid pa door-to-door. Itulog na lang niya 'yon dahil ina-eyebags na rin siya. Guwapo pa rin naman. "'Wag na."

Napasimangot siya. "Why? Di naman ako maliligaw."

"Di kasi 'yon!" sabi ko at natawa. "Matulog ka na lang. May deadline ng Monday."

"So, pang-weekdays lang talaga ako?"

Inirapan ko ang paandar niya. "Sinasabi mo? Pang-weekdays ka lang ano? E wala naman 'tong something."

Natawa ako sa pagbagsak ng panga niya, parang na-offend. Umiling lang ako bago abutin ang bag ko sa backseat. "Next Saturday na lang."

"Ihahatid kita?" Parang excited pa siyang mautusan. Baka ang pangarap talaga niya ay maging driver. Di lang niya na-realize before dahil bobo siya sa directions.

Umiling ako. "Di ako uuwi next Saturday."

Napakurap-kurap siya. "So . . . ?"

Napasimangot ako. Ang hina pa rin ng radar niya. "Bahala kang mag-isip."

"Date?" tanong niya bago ko pa ma-unlock ang car door. Kailangan yata muna niyang mag-panic na aalis ako bago bumilis ang thinking niya e.

"Kung hindi magbabago isip ko," pabiro kong sabi bago itulak ang pinto pabukas. Nang marinig ang click ng pagtanggal niya ng seatbelt ay mabilis akong napabaling sa kaniya. "'Wag ka nang lumabas, Deion Angelo!" saway ko. Tinawanan ko lang ang simangot niya. Wala pang 30 seconds, nasa apartment na ako so di na niya ako kailangang ilakad papunta roon, kaloka.

"Ingat," bilin ko bago isara ang pinto. Umalis lang ang sasakyan niya nang silipin ko 'yon mula sa second floor.

* * *

After kong i-finalize ang elements sa History plate ko, wala na akong magawa. Masyado pang maaga para matulog at di pa ako inaantok. Di rin ako motivated na simulan 'yung may deadline for Monday, unlike Je na kanina pa 'yon sinimulan sa salas. Deserve ko rin ng pahinga, 'no! Saka wala pa ako sa level ni Je ng sipag.

Naka-ilang rolyo ako sa kama ko bago mag-decide na manood na lang ng kung ano-anong videos para makatulog. Wala pang chat si Deion, so ia-assume ko na lang na di pa siya tapos sa plates niya.

Nagso-scroll ako sa phone ko nang may lumabas na notification.

Deion: Tapos ka na?

Billie: kanina pa, ikaw???

Deion: Anong ginagawa mo?

Billie: manonood. Bakit??

The next thing I knew, nagyayakag na siyang manood together. Nabigyan pa ako ng Netflix email at password na di ko naman hinihingi. Nakaupo na ako sa kama at nasa hita ang laptop na nakapatong sa unan. Sa kabilang screen ay si Deion na wala sa camera ang tingin at nasa kung anong kini-click niya sa ibang tab sa laptop niya. Ilang bses kong nakita si Mark na nagpabalik-balik sa kuwarto, at convinced na akong gusto lang niyang ma-confirm kung magka-video call kami ni Deion dahil nahuli ko siyang nag-try sumilip. Nagkunwari pa ang mokong na nag-uunat lang ng leeg bago lumabas ng kuwarto at isara ang pinto.

After two movies—three hours ng panonood, at ilang minutes na pananaway kay Deion na manahimik kasi bumubulong siya sa mic ng earphones niya kapag may side comment siya sa movie at nadi-distract ako sa boses niya—ay saka lang ako dinalaw ng antok. Just in time din for Je na pumasok sa kuwarto dahil matutulog na rin siya.

"Good night," sabi ni Deion. Pinanood ko si Je na pumunta sa cabinet niya, nakatalikod sa 'kin. Binalik ko ang tingin kay Deion na nakahalumbaba sa tapat ng laptop niya. Pinakitaan ko siya ng thumbs up na ikinakunot ng noo niya. "Wala kahit good night pabalik?"

Dinampot ko ang phone ko at nag-send ng message sa kaniya.

Billie: good night!!!

Narinig kong nag-ping ang phone niya. Nang makita ko ang pag-smile niya ay pinatay ko na agad ang video call nang walang pasabi.

Baka mahuli niya rin akong nakangiti.

* * *

"Punta tayo?" Inangat ko ang tingin kay Deion nag magsalita siya. Nasa pila kami for lunch. Inginuso niya ang phone ko kaya binalik ko roon ang tingin. "Saturday? Di ka uuwi, di ba?"

"Puwede," pag-agree ko. Post ng isang newly opened wings place sa mall ang nasa feed ko at nasilip niya sa phone ko. "Lunch?"

Ngumiti siya. Kalahating part ng isip ko ay nagsisigaw. 'Yung other half, t-in-ry na patahimikin ang mga sigaw na 'yon. "Okay. Sunduin kita?"

"'Wag na." Umiling ako. Malapit lang naman ang mall sa apartment. Mapapalayo pa si Deion kung dadaanan niya pa ako. "Do'n na lang tayo mag-meet."

"Sure?"

Tumango ako.

"Wala pa ring meaning?"

Napanganga ako roon. Tinawanan lang niya ako bago iiwas ang tignin. Mahina kong hinampas ang braso niya. "Nagmamadali ka?"

"Hm? Nagtatanong lang," palusot niya. Napailing na lang ako.

* * *

Hindi nag-MIA si Deion buong weekend. Ako pa ang hindi makapag-reply dahil sa pagsunod ko sa time management ko. Kung di ko naman kasi siya isi-seen, wala akong matatapos sa mga gawain ko.

Nakapagsabi na ako kay Mommy na hindi ako uuwi next Saturday. After akong payagan, na-guilty ako for five minutes kasi sabi ko dahil sa acads kaya di ako makakauwi. After another five minutes, na-shove na sa pinakalikod ng utak ko 'yung guilt kasi napalitan ng excitement.

Nga lang, pagdating ng Monday, umimpis ang excitement na 'yon. Maingat kong kinuha ang plate ni Deion sa History na ilalagay pa lang sana niya sa folder niya. Binilang ko kung ilang red circles ang nilagay ni sir do'n. Masuwerte pa siyang naka-80 siya rito. Kung Design 'to, baka hindi man lang sumabit sa 70 ang score niya.

Narinig kong tumawa si Mark. "Puyat pa," sabi niya, pang-ilan na since ma-distribute sa 'min ang plate namin no'ng Friday na may grade na.

"Manahimik ka nga," saway ni Deion sa kaniya. Walang-imik kong ini-slide pabalik sa tapat niya ang plate niya.

"Okay lang 'yan, di ka naman perfect," sabi ni Mark bago umalis sa seat niya nang tawagin siya ni Ken.

Sumulyap sa 'kin si Deion bago itago ang plate niya. Di ko maalis ang simangot ko lalo na't halata kong uneasy siya sa 'kin.

"Sabi mo tapos ka na," sabi ko sa kaniya, not minding kung may pakialam ba sa 'min si Je na katabi naming nag-aayos ng mga plates for Finals portfolio. "Bakit gano'n?"

Nagtagal ang tingin sa 'kin ni Deion bago magkibit-balikat. "Di mo naman 'yon kasalana—"

"Kahit pa." Hindi naman talaga ako ang may kasalanan dahil hindi naman ako ang nagsulat ng elements do'n na tadtad ng spelling errors at ink bleeds. Di ko rin naman gustong mangialam ng scores niya dahil di naman niya 'yon ginagawa sa 'kin.

"Nagsinungaling ka pa rin." Sabi niya tapos na siya. 'Yon naman pala e nagpuyat gawa ng inuna ako. Di naman niya 'yon maitatanggi dahil napakadaldal ni Mark na paulit-ulit sinabing gabing-gabi na niya 'yon ginawa.

Nagbuntonghininga siya. "Okay . . . sorry," aniya. Naputol ang balak niyang idagdag sa sasabihin niya dahil d-in-ismiss kami. Dahil mukhang nagmamadali si Je na umalis sa tabi ko, I guess ayaw niya kaming marinig ni Deion na mag-usap.

Umiling ako. Alam kong di ko naman kasalanan dahil personal choice niya 'yon pero ayokong maging bad influence, 'no. "Wala kang date sa Saturday." Kahit pa nakapagsabi na ako kay Mommy na di ako uuwi.

Umawang ang bibig niya at humigit agad ng upuan para tabihan ako. "No."

"Anong no?" Tinampal ko siya sa braso bago tumayo para bumalik sa room sa baba. "Bahala ka sa buhay mo, Dieon Angelo."

Nakadikit siya sa 'kin habang bumababa kami ng hagdan. Di ko siya pinapansin dahil naiinis akong nag-cram siya for me. Napatigil lang ako sa paglalakad papunta sa seat ko nang hawakan niya ako sa braso.

"Okay, sorry. Di na mauulit."

Kinunutan ko siya ng noo. "Wala ka pa ring date."

Hinigit niya ako papunta sa kabilang side ng room. Tinuro niya ang nakapaskil sa board na list of deadlines namin. "Babawiin ko."

Napanguso ako. May deadline kami ng Thursday sa History, last plate na raw before Finals sabi ni sir. "'Pag nabawi mo na, saka ka lumapit sa 'kin."

Narinig ko siyang huminga nang malalim bago ko siya iwan sa tapat ng board. Nilingon niya ako at umiwas ako ng tingin dahil baka rumupok ako sa paamo eyes niya. Hindi puwede 'no!

Mukhang serious naman si Deion no'ng sinabi nyiang di siya magpapabaya. Nagcha-chat pa rin naman siya at nag-uusap kami sa school, pero hindi na niya ulit ako naihatid pauwi. Wala namang hard feelings do'n dahil di ko naman siya driver. Sabi ni Mark e kahit daw siya di masyadong pinapansin sa condo dahil lagi raw may ginagawang acads-related si Deion. Naiwan pa nga siya sa campus one time dahil sa kamamadali ni Deion na umuwi.

Moment of truth pagdating ng Friday. Pagkatapos kong itago ang kababalik lang na plate namin sa History ay hinanap agad ng mga mata ko si Deion. Di ko siya nakita at wala ring nakaupo sa seat ni Mark. Lumabas yata sila both after namin ma-dismiss.

"Magsi-CR lang ako," paalam ko kay Je. Tumango siya.

Nasa loob ako ng cubicle nang may marinig na boses. "Sama ka bukas!" Si Mark 'yon. Kilala ko ang boses niya at kakaunti lang naman ang walang pakialam sa lakas ng pagsasalita nila sa hallways habang may ongoing classes sa mga lecture rooms. "Alam mo naman 'yon si Mags. . . . Grabe, ganiyan ka na kasi magjojowa . . ."

Napatigil ako sa pag-tuck ng shirt ko. Hinintay ko ang kadugtong n'un pero wala na akong narinig. Sumilip agad ako sa halls paglabas ko ng cubicle at natanaw sina Deion at Mark na papasok na ng classroom.

Bumalik ako sa loob para maghugas ng kamay. May pupuntahan siya bukas? Ano'ng meron kay Ate Maggie? May gagawin ba sila?

Pa'no 'yung . . . pa'no 'yung date namin?

Pagbalik ko sa room ay naabutan ko si Deion na nakaupo sa seat niya. Di niya binitiwan ang tingin ko nang mahuli niya, at hinawakan ako sa wrist para di ko siya lagpasan pagdating ko sa tabi niya.

"Ano?" tanong ko.

"Saturdate," halos bulong niyang sabi at pinakita sa 'kin ang score niya.

Di ba may lakad siya? Sila ni Ate Maggie? Ika-cancel niya 'yon? "Bakit kaya ang laki ni sir mag-check tapos sa gitna pa? Ganda pa naman ng render mo," pag-iiba ko ng usapan. Totoo naman 'yung p-in-oint out ko. Ang laki naman talaga mag-check ni sir, parang may galit sa papel.

"Billie." Naitikom ko ang bibig. Napigil ko ang paghinga nang bumaba nang kaunti ang kamay niya at naramdaman ko ang mga daliri niya sa palad ko. Pota. Ang hina-hina ko sa lalaking 'to talaga kahit kailan. "Saturdate."

Ano muna 'yung gagawin niya bukas? "Oo na."

Saka lang niya ako binitiwan. "Okay," aniya sabay ngiti.

Pabiro ko siyang inirapan bago pumunta sa seat ko. Sinubukan kong alisin sa isip ko 'yung lakad na ika-cancel niya para sa date namin dahil may next class pa kami.

Hindi 'yon nawala sa isip ko hanggang sa makauwi.

Di maganda sa feeling na magka-cancel siya sa nauna niyang commitment dahil sa 'kin. What if importante 'yon?

What if hindi?

What if itanong mo na lang kasi?

Binaon ko ang mukha ko sa unan. Hindi naman ako bothered na si Ate Maggie 'yung kasama niya. Bothered lang talaga ako na hindi siya sasama sa kung anoman 'yung pinag-uusapan nila ni Mark dahil sa date namin na puwede namang i-resched.

Kinuha ko ang phone kong nakapatong sa cabinet. Next week na lang kaya? Sabihan ko na siya habang maaga pa?

Paano kung mas busy kami next week?

After finals na lang?

E Christmas break na after finals! Uuwi ako sa 'min. Di ko naman puwedeng bitbitin si Deion sa bahay. Buti nga di na nagtanong si Mommy kung sino siya.

E paano . . . next year na lang?

Next year PA???

Ano naman? Patay ka na ba next year?

Ugh.

Inabangan ko siyang mag-online. The moment na nag-appear 'yung green na circle sa account niya, nag-send na agad ako ng message. Sabi ko, di ako puwede bukas dahil nagpapatulong si Jo sa paper niya. S-in-een niya 'yon agad, pero ilang minutes na ang nakalipas at wala pa ring reply.

Hala ka, nagtampo.

Baka naman na-seen lang?

Hindi ko binitiwan ang phone ko hangga't di siya nagre-reply

Deion: Uwi ka?

Huminga muna ako nang malalim bago mag-reply—bago magsinungaling.

Billie: Di kami uuwi ni Jo. Si Je lang.

Ang tagal na naman ng sumunod niyang reply. Nase-sense kaya niyang nagsisinungaling ako?

Deion: Okay. May utang kang date.

Nakahinga ako nang maluwag. Mukhang naniwala naman siya sa excuse ko dahil nag-usap pa kami hanggang sa makatulog ako. I just hope na kung anoman 'yung pupuntahan nila bukas, mapuntahan niya.

* * *

Lonely ang Sabado ko. Umuwi si Je so mag-isa lang ako sa apartment. Ang aga kong nagising kaya naglinis muna ako ng place, tapos tumutok na ulit sa acads. Pagdating ng tanghali, nag-crave ako ng wings—wings na dapat sana ay kinakain na namin ni Deion ngayon kung hindi ko lang ni-resched 'yung date namin.

Hay. Inisip ko na lang na for the good naman 'yung ginawa ko para di ako masyadong manghinayang. Saka puwede pa rin naman akong pumunta sa mall at kumain n'un kahit mag-isa. Para di na ako masyadong malugmok, naligo at nagbihis na ako para 'yon nga ang gawin. Dadaan na rin ako sa laundry bago umuwi.

Temporary happiness talaga ang pagkain. Pagka-sight na pagka-sight ko sa wings, medyo nawala 'yung loneliness ko. Nag-e-enjoy ako sa kinakain nang mag-ping ang phone ko.

Inalis ko ang isang plastic glove para silipin 'yon. In-unlock ko ang phone dahil sent a photo lang ang rumehistro sa lockscreen ko. Ano kaya ang s-in-end ni Deion? Selfie?

Napatigil ako sa pagnguya nang mag-load ang picture.

Agad na pumunta ang tingin ko sa entrada ng restaurant. Napainom ako sa tubig nang makita si Deion sa labas, naniningkit ang mga mata at mukhang binabasa 'yung menu na nasa taas ng counter. Napayuko ako nang bahagya dahil kahit maraming tao, hindi naman super laki ng place at hindi imposibleng makita niya ako.

Sana nga selfie na lang ang s-in-end niya! Muntik na akong mabulunan nang picture ng opening flowers na nasa labas ng place 'yung nasa picture.

Dahil occupied ang tables sa harap ko at kulang na lang ay isubsob ko ang ulo sa table, di ko makita si Deion. Hindi ako makakain at nakaabang lang sa susunod niyang message habang hawak ang phone ko sa ilalim ng table.

Sad face lang ang sunod niyang s-in-end. Tumalon ulit nang bhagya ang puso ko nang may dumating na picture at misong entrada na 'yon ng retsurant. Huminga ako nang malalim bago nag-type.

Billie: Nandyan ka??

Deion: Sa labas lang. Naghahanap kami kakainan.

Sana hindi dito. Iko-convince ko ba siyang sa iba sila kumain? Ano'ng sasabihin ko?

Di ako nakapag-reply dahil di ko alam ang sasabihin. Pasimple akong sumilip sa entrance at sinuyod ng tingin ang mga tao sa labas kung nando'n pa si Deion. Napaayos ako ng upo nang mapansing wala na siya roon. Umalis na? My gosh, thank you.

Nag-send ako ng ingat message kay Deion bago uminom ng tubig at bumalik sa kinakain. Isinuot ko na ulit ang glove. Kinabahan ako roon a.

Nag-ping ulit ang phone ko at sabi sa lockscreen ko ay image ulit 'yon. Hinubad ko ulit ang isang glove at in-unlock ang phone para i-check.

Napakurap-kurap ako nang picture ng babae ang i-send niya. Naka-shorts na maong, naka-bun ang buhok, nakamalaking t-shirt na white na mukhang pambahay. At may backpack sa sahig na tumatakip sa binti. 'Yung backpack na 'yon ay may lamang maruming damit.

Alam ko dahil ako 'yung nasa picture.

Napapikit na lang ako nang mariin bago dahan-dahang humarap sa kanan ko. Sa kabilang side ng glass wall, a few steps away, nando'n ang tinatanaw ko kanina. Kaya pala di ko na mahanap sa entrance. Hawak ni Deion ang phone niya at sa 'kin nakatingin.

Iniwas ko ang mata sa kaniya. Ano na?! Re-reply-an ko ba? Lalabasin saglit? Ano'ng sasabihin ko?

Maya-maya lang, pumasok na siya sa loob. Buntot niya 'yung magpinsang sina Mark at Ate Maggie na mukhang nabigla ring makita ako. Umupo sa tabi ko si Deion nang walang imik.

Shet. Nilamig ako bigla.

"Mag-isa ka lang?" tanong ni Mark.

"Halata naman," sagot ng katabi ko. Sabay pa kaming napa-pause ni Mark sa pagnguya. Napansin din siguro niya na may something sa tono ng pananalita ng BFF niya.

Nang ibaling ni Mark pabalik sa 'kin ang tingin niya ay nagtatanong na 'yon. Inilingan ko lang siya dahil pa'no ako mag-e-explain kung magkakasama kami sa table?!

"Sus, pinlano niyo 'to e," sabi ni Ate Maggie. Siya ang natitirang oblivious sa low pressure area na nabubuo sa tabi ko. Samantalang napakamot si Mark sa noo at panay ang paglipat-lipat ng tingin sa 'min ni Deion. "Simpleng meet dito for lunch para kayo na ang magkasama sa hapon."

"Ewan. Pinlano ba natin 'to, Billie?"

Tumikhim si Mark sa tapat ko. Nagkibit-balikat lang ako at nginitian si Ate Maggie imbes na sumagot. Ang dami-daming tao dahil kabubukas lang ng branch dito, pero di ko naman ramdam na nakikipag-agawan ako sa lamig ng aircon dahil nilalamig ako gawa nitong katabi ko. Gano'n ang mood sa buong time na kumakain kami kahit na super daldal ni Ate Maggie at ni Mark sa siyang tanging nagre-reply sa sinasabi niya.

"Magsi-CR lang ako," paalam ni Ate Maggie pagkatapos naming kumain. Nagkatinginan kami ni Mark pag-alis ni Ate Maggie, tapos ay nagpaalam na rin siya na magsi-CR din.

Bumaling ako kay Deion na naka-cross arms sa tabi ko. Di siya sa 'kin nakatingin kundi sa table lang. Kinalabit ko siya sa braso pero di niya ako nilingon. "Sorry."

Kinalabit ko siya ulit. Nang paulit-ulit hanggang makulitan siya para harapin ako.

Naitikom ang bibig nang lingunin niya ako. Humalumbaba siya at ang isang braso ay gumapang papunta sa sandalan ng upuan ko. Parang nakakulong tuloy ako sa glass door, sa table, at sa mga braso niya. "Nasa'n si Joseph?"

"Umuwi," sagot ko at umiwas ng tingin. Kinuha ko ang bag kong nasa sahig para may reason ako para di harapin ang mga mata niya. "Mag-isa lang ako."

"Ayaw mo ba akong isama dito?"

Kusang umangat ang tingin ko sa kaniya. "Hindi a," sabi ko. Kinalikot ko ang zipper ng bag ko at do'n nilipat ang focus. "E kasi may gagawin kayo di ba . . . ? Kaya ka nga nandito."

"Magmu-move out kasi si Mags. Sinamahan lang naming bumili ng gamit. Paano mo 'yon nalaman?"

"Narinig ko lang . . . ." Sinulyapan ko siya nang hindi siya nagsalita. Nakakakaba naman 'to! "Baka kasi di mo sila sasamahan gawa ko," dagdag ko.

Malalim ang buntonghininga niya. "Di naman kasi talaga ako kasama, niyaya lang ako ni Mark. Alam naman nila kahapon na may pupuntahan ako ngayon."

"Sorry na nga." Bumaling ako sa kaniya. "May next Saturday pa naman. Or gusto mo, bukas?"

Umiling siya. "Pupunta si Mama bukas sa condo." Sinipat niya ang wrist watch na suot. "Maaga pa naman, di pa tapos ang Saturday."

Pagbalik nina Ate Maggie at Mark, sinama na nila ako sa rest of home shopping spree ni Ate Maggie. Pagkatapos, naghiwalay na kami. Magkasama 'yung magpinsan, tapos kami ni Deion.

"Pagod ka na?" tanong ni Deion habang nakatigil kami sa exit na pinakamalapit sa parking. Tinapik-tapik ko ang binti ko dahil pakiramdam ko, ngalay na ngalay ako. "Ayaw kang pakawalan ni Mags e."

"Mej," sagot ko. "Dadaan pa ako sa laundry."

"Gusto mo na bang umuwi pagkatapos? Pagod ka na yata."

Umiling ako. Kinunutan ko siya ng noo. "Akala ko ba mahaba pa ang Saturday?"

Tumango siya at ngumiti. "Okay." Inabot niya sa 'kin ang pearl shake ko pagkaayos ko ng tayo. Tumuloy kami sa paglalakad papunta sa parking.

Kaunti lang naman ang dala kong damit kaya saglit lang kami sa laundry service. Di ko alam kung saan kami pupunta after pero hindi na ako nagtanong habang nasa sasakyan.

Napaayos ako ng upo at napayakap sa backpack ko habang kinikilala ang daan. Sa condo niya ba kami pupunta?

Doon nga. Wala namang nagbago since huling punta ko bukod sa paper materials na nakalagay sa center table sa salas. Hindi ko siya sinundan sa kuwarto nang pumunta siya roon. Sumunod lang ako nang silipin niya ako at senyasan na pumasok.

Nilapag ko ang bag ko sa kama ni Mark. Lumipad ang mata ko sa ceiling nang isa-isahing tnaggalin ni Deion ang butones ng polo niya. Narinig kong binuksan niya ang aparador at siniguro kong hindi bababa ang tingin ko sa kaniya or kung saanman.

Di ka ba curious sa taling niya sa likod? Now's your chance to count.

HINDI!!!

"B."

Ilang beses akong kumurap bago alisin ang pagkakatingala. Naka-t-shirt na itim na siya at nakaupo sa gilid ng kama. Tinapik niya ang space sa tabi niya kaya kahit nag-aalangan ay lumipat ako.

Ini-stretch ko ang legs kong ngalay na ngalay for some reason. Parang sumali ako sa marathon kahit di naman namin masyadong inikot 'yung mall kanina. Tinalukbong ni Deion ang comforter niya sa legs ko bago tumayo. Inabot niya sa 'kin ang iPad na nasa desk. Naka-unlock na 'yon. "Kuha lang akong snacks," aniya bago ako iwan do'n na parang batang maglalaro lang ng games sa gadget para ma-distract.

In-open ko ang Netflix account niya. Kung ano lang ang unang nakita ko ay 'yon na ang pinindot ko. In-exit ko 'yon at nilipat sa season 1 dahil nasa season 3 na nang i-play ko. Inilapag ko ang iPad sa gilid at minasa-masahe ang binti kong nangangalay pa rin.

Pagbalik ni Deion, may dala siyang bowl ng chips at cheese dip. Tumabi siya sa 'kin, parang walang pakialam kung mamantsahan ang sheets or ang comforter niyang puting-puti. Hinatian ko siya sa comforter at umisod sa gilid para mas magkasya kami.

"Ba't mo inalis?" tanong niya nang i-exit ko ang playing screen.

"Napanood mo na e," sagot ko.

Kumunot ang noo niya bago pindutin 'yon ulit. "Okay lang."

"Sure?" tanong ko.

Tumango siya at inilapit ang chip na hawak niya sa bibig ko. Pinanliitan ko siya ng mata bago 'yon tanggapin gamit ang kamay imbes na kagatin. Nahuli ko siyang sumimangot. Iiskor pa e.

Nakakatatlong episodes pa lang kami nang may lumabas na message notification sa taas ng screen. Mabilis niya 'yung ini-scroll pataas at d-in-ismiss pero mas mabilis ang mga mata kong nabasa 'yon. Group chat nila sa Arts.

Nagsunod-sunod ang chats. Naunang mag-keep up ang mga mata ko para basahin ang mga 'yon kaysa sa daliri niyang panay ang ignore sa mga messages. "Leader ka pala?" tanong ko.

"Oo," sagot niya.

In-on ko ang Do Not Disturb bago i-pause ang episode at bumaling sa kaniya. "Tulungan mo na 'yung mga 'yon," sabi ko bago tuluyang humiga sa kama niya. Isinandal ko sa dingding ang iPad at patagilid na humiga, tinatalikuran siya.

"Ano?" tanong niya, niyuyugyog nang slight ang braso ko.

"Kawawa naman groupmates mo, gawin mo muna 'yon," sabi ko. Inangat ko ang tingin sa kaniya at kitang-kita ko ang pagerereklamo sa mukha niya, di na niya need i-verbalize. "Bilisan mo na para natatapos ka kaagad."

Pumikit siya at napabuntonghininga bago ilapag ang hawak niyang mangkok sa desk. Habang pinipisil ang nose bridge ay tumango siya bago tumayo. Hinagip niya ang comforter at hinigit 'yon paakyat para takluban ang braso ko. "May utang ka pa talaga sa 'king date, Billie."

Tinawanan ko lang siya. Inayos ko ang comforter at binalot ang sarili ko roon, ginagaya kung paano siya matulog. Pinanood ko siyang kuhain ang laptop niya at pumuwesto sa katabing desk, just to make sure na di niya pababayaan ang groupmates niya. Bago niya buksan ang laptop ay nilingon niya ako. Nakasimangot siya habang sinusuot ang salamin niya. Cute.

Tinalikuran ko na siya, humarap na ulit sa dingding at sa pinanonood namin kanina. Baka wala siyang matapos.

* * *

Di ko maalalang na-knockout ako sa kama ni Deion. Siguro dahil bihira na lang akong makatikim ng air conditioned na kuwarto, ng ganitong kalambot na kama, at ng comforter na sobrang fluffy kaya nakatulog ako nang di ko namamalayan. Idagdag pa 'yung feeling na parang pagod na pagod ang legs ko.

"Billie . . . ?" Kinapa ko muna kung naglaway ako bago iangat ang tingin kay Deion na tumatapik sa braso ko. "Palit ka munang damit."

"Ha? Bakit?" Wala na 'yung iPad na nakasandal sa dingding at pinanonooran ko kanina. Ilang oras akong tulog? Sabi ng digital clock na nakapatong sa cabinet niya, pasado alas-sais na.

Hindi sumagot si Deion at dumeretso lang sa cabinets niya. Kinapa ko ang suot kong t-shirt at wala namang mali roon. Bakit ako magpapalit?

Natigilan ako nang makita kung ano ang kinuha niya sa cabinet.

Agad kong sinipa paalis ang comforter na tumataklob sa katawan ko. Di ko alam kung tatakbo ba ako papuntang banyo, o mas gugustuhin kong lamunin na lang ako ng mattress sa kahihiyan. Puting-puti pa naman ang sheets niya tapos minantsahan ko lang! Kaya pala ang sakit ng binti ko!

"Meron ka bang dala?" tanong niya, tukoy sa pack ng sanitary napkins na hawak niya. "Kay Ate 'to e."

"Bag ko, please?" Buti na lang naisipan kong magpa-laundry ng labahin. Paano kung hindi? Ano'ng isusuot ko?

Inabot niya sa 'kin ang backpack kong iniwan ko sa kama ni Mark kanina. Nang makuha 'yon ay dali-dali akong tumayo at ini-snatch as kamay niya ang napkin na hawak niya. Palabas na ako ng kuwarto nang pumihit ako para harapin siya. "'Wag mong hahawakan 'yan," utos ko. Saktong may balak siyang kuhain ang comforter na natagusan ko.

Nagsalubong ang kilay niya. "Magpalit ka na ng damit mo. Ako na bahala rito."

Wala akong time para makipag-argue sa kaniya kaya iniwan ko siya roon. Ni-lock ko ang sarili sa CR para linisin ang sarili at magdabog in between. Nakakainis! Ang fail! Dapat yata talaga next year na talaga kami nag-date.

Nag-pajama pants na lang ako imbes na mag-shorts ulit dahil nilalamig ang legs ko sa aircon. Pinulupot ko ang sleeves ng jacket na dala ko sa bewang ko para if ever malasin ulit ako, di na ako makakaperwisyo ng iba. Pagkatapos ayusin ang buhok at maghugas ng kamay ay lumabas na ulit ako. Naabutan ko siya sa kuwarto na nagpapalit ng kobre-kama. My gosh talaga.

"Nasa'n 'yung inalis mo?" tanong ko. "Ako nang magpapa-laundry."

Umiling siya. "Gutom ka na?" Lumapit siya sa 'kin pagkatapos itulak ang mattress pabalik sa puwesto nito. Inabot niya sa 'kin ang phone. "Order ka."

"Kahit ano?" tanong ko. Nilapag ko ulit sa kama ni Mark ang backpack ko. Maingat akong umupo sa kama. Tumango si Deion. "Sure ka?"

"Yup," sagot niya bago buhatin ang bed sheet at comforter na nakatupi sa tabi ko. Lumabas siya ng kuwarto at pagbalik niya ay di na niya 'yon kasama. Baka iniwan sa salas.

Um-order ako ng Chinese food. Nilapag ko ang phone niya sa desk pagkatapos. Hinigit niya ang study chair palapit sa 'kin at dinampot ang phone niya. "Tapos na?" tanong niya. Tumango ako. Bumaling siya sa 'kin pagkatapos niyang ilapag ulit ang phone sa desk. "Masakit puson mo?"

"Hindi, legs lang," sagot ko. Napanguso ako. "Ayaw mo talagang iuwi ko 'yung bed sheet—"

"Pupunta si Mama bukas. Magpapa-laundry din naman kami ni Mark."

"Di ba magtataka ang mama mo kung bakit may dugo 'yon? Di ka naman nireregla."

Natawa siya roon, malakas. Hinagip niya ang kanang binti ko at pinatong sa lap niya. Sinenyas niyang ipatong ko rin ang kaliwa kaya gano'n ang ginawa ko. Buti na lang malinis ang kuko ko sa paa, jusko. "Iisipin ko na lang 'yon 'pag nagtanong si Mama."

Sinimulan niyang pisil-pisilin ang binti ko gamit ang mga palad niya. Nag-usap kami about finals, plano sa Christmas break, at sa New Year. Maya't maya niya yata b-in-ring up na may utang akong date sa kaniya hanggang sa dumating 'yung in-order naming pagkain.

Pagkatapos naming kumain, nagpahatid na ako sa apartment dahil ayaw kong masyadong gabihin ng uwi at ayaw ko ring gabihin siya masyado sa daan. Kahit sinabi kong 'wag na, bumaba siya pagdating namin sa tapat ng apartment building, bitbit ang bag kong hindi naman mabigat.

"Thank you," sabi ko nang iabot niya sa 'kin ang backpack ko. Pasado alas-otso na which means di na siya puwedeng umakyat sa taas. Baka pati matiyempuhan siya n'ung may-ari. May contact pa naman sila ni Mommy, baka maisumbong pa ako. "Ingat pauwi."

"Okay." Binulsa niya ang dalawang kamay. "Next Sat? Or after finals?"

"Pag-iispan ko pa."

Kumibot ang labi niyang parang nagpipigil ng ngiti. "Okay. Akyat na."

Huminga ako nang malalim.

Gagawin ko ba?

Gawin mo na, gaga. Deserve naman niya.

Sus!!! Gagawin mo lang para sa 'yo e! Kunwari ka pang para sa benefit niya.

Unti-unting kumunot ang noo niya, nagtataka siguro kung bakit tinititigan ko siya nang matagal. Inayos niya ang suot na salamin tapos ay binulsa ulit ang kamay. "Billie?"

Huminga ulit ako nang malalim, sinisigurong may enough air sa lungs ko kapag nag-sprint ako sa hagdan at enough lakas ng loob.

Pagkatapos, k-in-iss ko siya sa cheek.

Sabay karipas paakyat.

Sapat lang naman 'yung inipon kong hangin. Humihinga pa ako pagkarating sa second floor at hindi pa nahihimatay, pero feeling ko magpa-pass out ako. JUSKO.

Sinilip ko ang sasakyan ni Deion sa tapat. Binuksan ko muna ang pinto ng apartment at nilapag ang gamit ko sa loob bago 'yon itsek ulit. Nag-stay akong nakasilip sa pintuan habang inaabangang mag-drive si Deion paalis.

Kumunot ang noo ko nang dalawin na ako nang ngalay ay hindi pa rin siya umaalis. Ni hindi nga yata bukas ang makina. Lumabas ako at maingat na nag-lean sa railings para hanapin siya.

Kaya naman pala hindi umaandar dahil wala pa ang driver sa loob. Nando'n pa rin si Deion sa hagdanan kung saan ko siya iniwan—nakatayo, nakapamulsa, at mukhang nakalimutan na kung paano gumalaw.

### Chapter 30 on August 22, at 6PM.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro