Epilogue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

101022 Epilogue #HatemateWP

Finally, after twenty-seven months of being in a relationship, nalaman ko nang merong seventeen na nunal sa Deion sa likod niya. Di pa counted 'yung ibang black dots parang gatuldok lang ng ballpen ang laki.

Tinanggal ko ang huling page flag na dinikit ko sa likod niya ginawa kong marker para mabilang kung ilan ang taling niya. Itinapon ko 'yon sa trash bin sa gilid ng kama niya. "Seventeen kaya," sabi ko. Fifteen lang kasi ang hula niya.

Kumamot siya sa likuran niya bago hayaan ang sariling mapahiga sa kama. Inabot ko ang comforter at tinaklob sa torso niyang walang kabalot-balot na kahit ano. Nang mahagip niya ang bewang ko ay tinampal ko kaagad ang braso niya. "Magpapalit na 'ko."

Sumimangot siya pero sumagot ng "Okay." Dedemonyohin niya pa 'ko para mag-extra tulog e baka ma-late ako.

"Matutulog ka pa ba?" tanong ko.

Galing sa firm kaninang umaga ay dumeretso kami rito ni Mark sa condo. Pagkauwi ni Deion sa pinag-i-intern-an niya ay iniwan din kami ni Mark na sabi ay magla-lunch sa labas. Kanina pang 11 a.m. 'yon. Magfo-four na ngayon ng hapon, di pa rin siya umuuwi. Convinced na akong ayaw niyang mag-third wheel kaya siya umalis. Sino namang tumatagal ng five hours para mag-lunch?

Umiling si Deion pero nakapikit na naman. Before 8 a.m., nando'n na siya kung sa'n siya nag-i-internship. Pag-uwi niya kanina before lunch ay mukhang sabik na sabik siya sa tulog kaya sinabayan ko after naming kumain. Pagkagising ko, gising na siya at nalaman kong wala pang one hour ay iniwan na niya ako sa kama dahil may gagawin pa raw siya.

Dahil sa recommendation ng upperclassmen, napakuha kami ng itnernship as early as now. Magkasama kami ni Mark at nahiwalay lang si Deion dahil ayaw daw niyang sa firm nila kumuha ng experience.

"Anong oras ka ba pinababalik? Hatid kita," sabi ni Deion habang kinukuha ko sa aparador niya 'yung formal attire na suot ko kanina. Nagpalit ako kanina dahil ayaw kong magusot 'yon sa pagtulog.

Maaga akong pumasok dahil sinama kami ni Architect on-site, pero pinauwi rin kami agad at pinabalik na lang ngayong hapon. Sumabay na ako kay Mark at dito na ako umuwi dahil mas madali at mabilis bumiyahe mula rito papunta sa office kumpara sa apartment. Wala rin naman akong makakasama sa apartment dahil nag-i-internship din si Je.

"Before 5 p.m. daw," sagot ko at sinarado ang aparador. Tsinek ko ang digital clock sa ibabaw ng cabinet ni Deion. May oras pa naman. Mag-aayos pa kasi ako ng buhok kong bumuhaghag dahil sa tulog.

"Okay," tumatangong sabi ni Deion habang nakapikit. Ewan ko ba rito ba't di sinulit ang tulog kanina; mukha tuloy siyang antok na antok ngayon. Makakapag-drive ba talaga 'to?

Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa banyo para magbihis. Habang nasa loob ay narinig kong may bumukas na pinto habang nagsusuot ako ng skirt. Paglabas ko ay nalaman kong si Mark 'yon na kababalik lang sa condo. Inorasan talaga niya ang pabalik, pusta ko.

"Tulog si Commander?" tanong niya, tukoy kay Deion, habang nagtatanggal ng socks habang nakaupo sa couch.

"Baka," sagot ko. "Sa'n ka galing?"

"Lunch nga."

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Mag-isa? Ang tagal mong kumain, a? Wala ka bang pambayad kaya nagligpit ka pa?"

Inangat niya ang tingin sa 'kin, nakaawang ang bibig. "Oo na, ako na mag-isa. Ikaw na may kasabay," sabi niya bago pumunta sa kusina.

Natawa ako. Di naman 'yon ang point ko! Ang pinagtataka ko lang ay bakit sobrang tagal niya sa labas. "Puwede ka naman kasing sumabay sa 'min."

Nagkibit-balikat siya bago tumalikod sa counter at humarap sa 'kin nang may hawak ng mug ng kape. Akala yata niya di ko makikita 'yung smile niya kung sasabayan niya ng pag-inom.

"Mag-isa, Mark, ha?"

Inirapan niya lang ako bago talikuran uli. "Secret."

So ano na ang nangyari do'n sa sinabi niya kaninang 'ako na ang mag-isa'? Bakit nag-iba na? Huling-huli tuloy na nagsisinungaling. "Secret mo mukha mo." Di na naman secret sa 'kin, or sa 'min ni Deion, na crush niya si Je. Ewan ko ba ba't ayaw niyang mag-share sa 'kin! Parang di tropa.

Wala naman akong problem sa kanilang dalawa, pero si Deion, parang meron pero slight lang naman. Di naman niya tinututulan, pero sabi niya sa 'kin once dati, iniisip niya na 'pag nag-away sila, baka madamay or maipit kami dahil parehas namang BFF 'yung dalawa. Or vice-versa na baka 'pag kami ang mag-away e madamay sina Mark at Je.

Feeling ko naman hindi dahil alam kong hindi gano'n si Je, saka di pa naman ako gano'n ka-advance mag-isip. Pag-e-LQ agad iniisip ni Deion e ni wala nga yatang progress 'yung dalawa. Ang alam ko lang is umamin si Mark months ago pa dahil kinuwento 'yon sa 'kin ni Je; di raw kasi niya alam ang sasabihin pabalik.

After that, wala na akong significant change na nasagap. At grabe talaga magtago ang dalawa sa 'kin kasi kasama ko sa apartment si Je pero never akong nakakuha ng ganap sa kanilang dalawa ni Mark unless siya ang magsabi sa 'kin. It's either that, or wala talagang sasagapin in the first place. I mean, lumalabas si Je kasama si Mark minsan gaya nitong lunch siguro nila kanina na pilit tinatago sa 'kin ni Mark, pero hanggang do'n lang. Kasi ang alam ko, 'pag may nag-aaya kay Je na iba, sumasama rin naman siya. Di ko rin talaga gets ang set-up nila.

Pagbalik ko ng kuwarto, naabutan ko si Deion na nakapikit at most probably ay nakakabuo na ng tulog. Maingat kong tinanggal ang salamin niya at itinabi. Pumuwesto ako sa upuan sa tapat ng study table niya para mag-ayos ng buhok.

Katatanggal ko pa lang ng pagkakabuhol ng buhok ko nang marinig ko siyang magsalita. "B . . ."

"O?" Saglit akong sumulyap ako sa kaniya bago nagpatuloy sa ginagawa. Nakamulat na siya at nakahiga patagilid, paharap sa 'kin. Ang kulit; di na lang matulog. Paano ko ba siya na-knockout-in para mapuwersa siyang magpahinga at nang mabawas-bawasan 'yang eyebags niya? Ayaw bumawi ng tulog kung kailan bakasyon.

"Baby," tawag niya kaya di ko mapigilang mapatingin sa kaniya. L-um-anding ang malaki niyang kamay sa hita ko at pilit akong hinila papunta sa kama. Pinitpit ko ng hairbrush ang kamay niya kaya tinigilan niya ang ginagawa at nag-stay put na lang ang kamay niya kung nasa'n 'yon. "Di ka naman male-late."

"Hindi nga. E mag-aayos pa ako," paliwanag ko. Kapag sinamahan ko siya sa kama, magugusot ang blouse ko at magugulo ang buhok ko. Wala naman akong ibang blouse na dala rito at ayaw ko namang sa kotse mag-ayos. "Ihahatid mo ba kami? Nakabalik na si Mark."

"Yes," sagot niya. T-in-race ng daliri niya ang hem ng pencil skirt na suot ko. Tumigil 'yon sa wala pang half-inch na split sa hem na design nito. "Suot mo?"

Sumulyap ako sa kaniya at natawa nang makitang bumangon na siya at umupo sa gilid na parang biglang nabuhayan. "Oo."

Ang tinutukoy niya ay 'yung favorite niyang palda ko. Di niya naabutang suot ko kanina dahil pag-uwi niya ay nakapagpalit na ako ng pajamas na iniiwan ko na rito.

Pinitpit ko ulit ang kamay niyang subukan n'ung hilahin ang upuan ko palapit sa kaniya. Di ako matatapos e!

"'Wag ka ngang magulo. Nand'yan si Mark sa labas," saway ko sa kaniya. Saka di nga ako matatapos!

Napasimangot siya pero nakinig naman at pumirmi. Habang pilit kong pinahihiga ang baby hair ko para mas malinis akong tingnan ay bumalik ang kamay niya sa hita at tinapik ako roon. "B."

"Ano?" tanong ko, sa maliit na table mirror ang tingin. Ako pa'ng bumili nito dahil sa banyo lang ang salamin nila ni Mark.

"Baby."

Tinigilan ko ang ginagawa at nilingon siya. Nahuli ko ang pagpipigil niya ng ngiti. Inirapan ko siya bago ibalik ang tingin sa salamin. Alam na alam kung ano'ng gagawin para lingunin ko siya e. "Ano nga 'yon?" mas mahinahon kong tanong.

"Girlfriend ba kita?"

Kumunot ang noo ko roon at walang tanong-tanong na bumalik ang tingin ko sa kaniya. Hobby niya yatang tanungin kung girlfriend niya ba ako every three months na parang naka-subscription plan 'tong relationship namin at 'pag nalimutan niyang i-renew ay break na kami. Last time na tinanong ko siya kung bakit panay ang tanong niya sa 'kin n'un, ang sinagot lang niya ay gusto niyang manigurado. Parang di kami halos araw-araw magkasama at magkausap. "Malamang. Bakit, may iba ka pa bang girlfriend?"

Mahina siyang natawa. "Wala," sagot niya. Dapat lang. "Tapos ka na?"

Tumango ako bago ayusin ang mga abubot ko sa isang pouch na tinatago ko sa isang spot sa aparador niya. Mabilis akong napalingon sa kaniya nang luamgapak agad ang palad niya sa puwetan ko pagkatayo ko. Nginitian lang niya ako nang pagkabait-bait na hindi bagay sa kaniya sa ganitong sitwasyon. Tumayo siya at inagaw ang pouch ko sa 'kin at nilagay 'yon sa aparador niya bago kumuha ng t-shirt para sa sarili.

"'Yang kamay mo," saway ko nang panay pa rin ang magaang tapik niya sa puwet ko habang naglalagay ako gamit sa bag na dadalhin. Di naman siya tumigil. Favorite niya nga talaga 'tong palda kong 'to. Patas lang siguro dahil may pants siyang favorite kong suot niya dahil ang cute din ng puwet niya roon. Gantihan lang.

"Kailan ka uuwi sa inyo?" tanong niya.

"Next week na siguro. Baka kami lang ni Je." Hindi lang naman kami ni Deion ang may love life sa paligid, so hindi lang kami ang may okasyon. Birthday kasi ni Luke next week, at parehas kami ni Je na walang interes mag-third at fourth wheel (pero mas lalo na si Je) kaya uuwi kami at hahayaan 'yung lovebirds na makapag-solo. Pagdating sa pagtu-third wheel sa 'min ni Deion, di naman yata nananawa si Je dahil convenient sa kaniya, lalo na last year na halos every weekend ay laging naka-volunteer si Deion na ihatid kami both.

Kilala na si Deion nina Mommy at Daddy. Di siya formally kilala na boyfriend ko pero parang gano'n na rin siguro. Isang beses no'ng hinatid niya kasi ako sa bahay, in-invite na siya sa loob ni Daddy na mag-breakfast. Na-hot seat siya pero slight lang. Tinanong lang kung bakit ako laging hinahatid, at ako na ang sumagot at nagsabing gustong manligaw kahit ang totoo ay kami na no'n.

More than a year later, ewan ko na lang kung tingin pa rin nina Daddy sa kaniya ay manliligaw.

"Manliligaw mo pa rin 'yon?" itatanong ni Daddy 'pag nakaalis na si Deion.

"Opo," isasagot ko kahit naka-ilang monthsary na kami.

"Wow, tagal na a? Ganda pala ng bunso ko," sasabihin niya na di ko alam kung sarcastic o hindi. Feeling ko hindi na sila naniniwala kapag sinasabi kong manliligaw ko lang si Deion, dahil super tagal na talaga, pero di naman nila ako pinipilit umamin.

Ang importante ay nakakapagsabi na naman ako kapag si Deion ang kasama ko. At 'yon din naman ang gusto n'ung isa dahil ayaw daw niyang nagsisinugaling ako kina Mommy tungkol do'n.

After masigurong dala ko lahat ng kailangan ko, niyakag na namin si Mark na bumiyahe. Sa backseat ako umupo katabi ni Mark kaya naman pagdating namin sa firm, pabirong tinapik ni Mark ang balikat ni Deion pagdating namin sa café parking at nagsabing, "Thanks, Kuya Driver. Dito na lang kami" as if hindi majority ng firm kung sa'n kami naka-park ay kina Deion. "'Lika na, Billie. 'Wag mo nang bigyan ng tip 'yan. Nakasimangot buong biyahe."

Lumabas din si Deion ng sasakyan pagbaba ko. Nagpaiwan ako at hinayaan si Mark na maunang pumasok sa café na katapat namin. Kumaway ako nang makita si Ate Maggie at Kuya Yael sa loob na naghihintay din siguro ng calltime. Iisang team ng architects lang ang umampon sa 'min sa internship kaya buong summer, kami ang magkakasama.

Hinarap ko si Deion pagkatapos. Humawak ako sa braso niya nang pumunta ang kamay niya sa bewang ko. "Hanggang d'an lang 'yan. 'Wag mo nang ibababa," warning ko. Kumunot ang noo niya at natawa. Umalis saglit ang kamay niya sa bewang ko, pumisil sa ilong ko, at bumalik ulit do'n sa spot na iniwan nito.

"Nasa labas tayo, baby," sabi niya na parang ako pa ang may masamang thoughts dito.

"Naninigurado lang 'no," depensa ko sa sarili. Favorite niya nga kasi 'tong pencil skirt na 'to! E baka mamaya makalimot siyang nasa labas kami, glass ang walls ng cafe, at nasa loob n'un sina Ate Maggie na sure akong sumusulyap kung hindi man kami pinanonood. "Bye na."

"Baon mo," aniya bago ako bitiwan at buksan ang pinto ng backseat.

Kumunot ang noo ko. Ano'ng hinahanap niya sa likod? Kami lang naman ni Mark ang nando'n kanina at ang mga bag namin. "Hindi na ako nagbaon. Saglit lang naman kami sabi ni Architect."

Tumigil siya sa paghahanap ng kung ano roon sa backseat at nilingon ako, isang kamay sa tuktok ng sasakyan at isa sa car handle. "Naiwan mo?"

"Ha? Alin?"

"Ito."

Napapikit ako nang lumapat ang labi niya sa noo ko. Tinawanan lang niya ako nang mahuli akong nabigla. Need ko talagang paalalahanan ang sarili na natututo 'tong jowa ko every day. Ginawa ko 'to sa kaniya last week e! Mukhang mas magaling siyang um-acting dahil di ko man lang napansin na ginaya niya lang 'yung trick ko.

Sinara niya ang pinto ng backseat at humalik ulit. "Good luck, Arki."

"Ingat ka," paalala ko. Tumango siya at pinabaunan ulit ako ng isa pang kiss sa pisngi bago pumasok sa sasakyan. Nang makalayo-layo siya ay saka ako pumasok sa café sa tapat. Umupo ako sa tapat ni Ate Maggie at sa tabi ni Mark na parehas walang ginagawa. Si Kuya Yael lang ang may laman pang iced coffee ang plastic cup at umiinom.

"Gentleman pala ni Deion as a jowa, 'no?" sabi ni Ate Maggie, nasa labas ang tingin. After two years mahigit nang pagiging sanay sa presence niya, naging ate figure na siya sa 'kin. Mula no'ng naging kami ni Deion, tatlo na ang ate ko—'yung mga ate niya saka si Ate Maggie.

"Soft-soft lang, palambing-lambing." Nagtaas-baba ang kilay ni Ate Maggie sa 'kin. "Ang gentle-gentle. Walang ka-harsh-harsh sa katawan niya."

Napanguso ako. "Hindi a."

Two words lang naman ang sinabi ko, pero grabe ang ni-react nilang tatlo. Parang may kung anong kagimbal-gimbal na narinig si Mark at diring-diri siya, habang si Ate Maggie naman ay kitang-kita ko kung pa'no nanlaki ang mga mata at umawang ang bibig. Si Kuya Yael, inabutan ko ng tissue dahil nabulunan sa iniinom niya at panay ang ubo sa braso niya. Nang makabawi ay siya lang ang tumatawa dahil 'yung magpinsan, natahimik at parang di maka-move on.

Ano'ng mali sa sinabi ko? "Bakit?" tanong ko.

"Ay 'tang 'na." Napalingon ako kay Mark dahil sa violent reaction niya. Tinulak niya ang upuan palikod at umiiling na tumayo. "Ayokong marinig 'yan, Billie."

"My god, ako rin," sabi ni Ate Maggie sa parehas na tono. Napatayo rin tuloy ako dahil mukhang aalis na silang dalawa. Kami ni Kuya Yael—na tumatawa pa rin—ang makasabay maglakad dahil parang biglang ayaw akong dikitan n'ung magpinsan. Ano ba'ng masama roon?

E hindi naman talaga always gentle-kuno 'yon si Deion! Mukha lang. Like, literally 'yung mukha niya lang yata ang consistent na mukhang mabait kung hindi mukhang bored. Magaspang din 'yon minsan 'no! 'Pag nag-aaway kami, dahil twenty-seven months is a long time at di naman kami perfect, minsan sinasadya niya ring pikunin ako. O kaya kapag nahuhuli niya akong unang bumabangon kapag umiidlip kami sa condo niya, hinahaltak niya 'yung t-shirt ko para mapabalik ako sa pagkakahiga. Di naman ako nasasaktan pero hindi gentle 'yon, a? Bigat pa ng braso niya kapag gusto niyang mag-stay talaga ako sa tabi niya. Gusto ko rin naman, pero mabigat pa rin 'no!

Si Kuya Yael tuloy ang kasama ko buong hapon dahil ayaw talaga akong dikitan n'ung magpinsan. Ano ba'ng inisip nilang ikukuwento ko? Di ko naman ishe-share sa kanila 'yung hilig ni Deion mamisil ng puwet 'no! Amin lang 'yun.

Before 7 p.m., nakauwi na kami ni Deion sa apartment after mag-dinner sa labas. Wala si Je sa apartment kaya pinili niyang mag-stay muna. Di ko alam kung bakit wala si Je, pero on the way home, sila ni Mark ang pinagtsismisan namin ni Deion. Malamang sa malamang ay may kinalaman 'yung pagpapahatid ni Mark sa mall kanina imbes na sa condo kung bakit wala si Je rito ngayon.

Nag-aayos ako ng gamit habang prenteng nakahiga si Deion sa kama ko, kinakawawa ang kumot kong bitin sa buong katawan niya at ang unan kong nasobrahan na sa lambot dahil lamog na lamog na kayayakap niya kapag nandito siya. Ayaw pa niyang umuwi para 'yung kama niya ang ginugulo niya, e wala naman siyang gagawin dito.

"Tingnan mo," sabi ko. Binaba niya ang unan kong nakatakip sa mukha niya. Pinakita ko sa kaniya ang maliit na plastic na puno ng mamisong chocolate galing kay Architect na may kasamang note. "Mali na naman spelling niya ng surname ko." Ang bait-bait at sweet niya, pero palagi na lang Miss Ainsa imbes na Ainza ang nakalagay sa label ng mga binibigay niya sa 'kin. 'Yung ID na ginagamit ko, nakadalawang palit bago nila naitama ang spelling ng pangalan ko.

"Pahingi," tugon ni Deion imbes na pansinin ang sinabi ko. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama ko bago kuhain 'yung maliit na plastic bag kasama ng sticky note na may name ko. Every Friday, may libre kaming something kay Architect. Mabait siya kaya di ako kinakabahan mag-internship kahit na alam kong borderline bobo pa 'ko kahit malapit na akong mag-fourth year. Gano'n talaga, some things never change.

Binawi ko kay Deion ang note dahil tinatago ko ang mga 'yon na parang souvenir. "Di naman mahirap i-spell 'yung surname ko."

"Baka nakakalimutan lang niya," sabi ni Deion habang nilalamon na 'yung chocolates na para sa 'kin dapat. Hindi naman niya sinolo at pinagbalat ako ng isa at sinubo 'yon sa 'kin.

"Apat lang naman kaming interns niya."

Hinigit niya ang upuan ko palapit sa kaniya. Di na ako nagulat. Kinasanayan ko na 'yung lagi siyang nakahila ng inuupuan ko. "Palitan na lang natin 'yang apelyido mo, di na 'yan magkakamali . . ."

"Waley," sita ko sabay hagip ng papeles sa drafting table at ihampas 'yon sa tuhod niya. Malamang di na magkakamali. Apelyido niya 'yung V sa acronym name ng firm e.

"O?" Umangat ang isang kilay niya bago ako ipagbalat ng chocolate na nakabalot sa foil at subuan ulit. "Ayaw mo n'ung akin? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin?" tanong niya na parang offend na offend. Nahampas ko siya sa hita dahil muntik nang tumakas palabas 'yung chocolate na kasusubo ko lang dahil natawa ako sa acting niyang exaggerated. D-in-rop niya rin naman ang act at sinabayan ako sa pagtawa.

"Kulit mo e."

"Nagsisisi ka nang sinagot mo 'ko?"

Hinalikan lang niya ako sa pingi nang irapan ko siya. Tinapik niya ang hita niya, senyales na lumipat ako roon. Di na kasi niya mahihila ang upuan ko palapit pa sa kaniya dahil tumatama na 'yon sa frame ng kama. Patagal nang patagal na kami, nari-realize kong siya ang mas clingy.

Hindi pa ako nakasasagot nang umiling siya. "'Wag."

"'Wag akong sumagot?"

"'Wag kang magsisi."

"Wow, nag-utos, a?" natatawa kong sabi bago siya pagbigyan at lumipat sa hita niya.

Dahil nakakailang halik na siya sa 'kin at di ko pa nagagantihan for today, k-in-iss ko siya sa cheek. "I love you," bulong ko.

Laki ng ngiti niya after. "Mas mahal kita."

Dapat lang dahil wala naman siyang kailangang ika-worried. Dahil sa dami ng desisyon ko sa buhay so far na kadalasan ay mali, 'yon ang sure akong di ko pagsisisihan.

THE END

# # #

thank you for seeing billie and deion every 6pm.

see you next time.

email: [email protected]
facebook: Alyna Yllana (/fromynativity)
twitter: /fromynativity | ig: /ynativity

#HatemateWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro