Chapter 34

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

100322 Chapter 34 #HatemateWP

Isang buwan pa lang naman ang nakalipas mula no'ng bumalik kami sa school, pero parang one year na akong inaalipin ng requirements. Isinubsob ko ang ulo ko sa armchair, not minding kung masáyang ang manipis na layer ng make-up na nilagay ko kaninang umaga para naman magmukha akong fresh sa harap ng bebe ko kahit papaano. Antok na antok talaga ako! Parang 'pag na-late si Architect sa first period, makakatulog na ako at around lunch na magigising.

Ang pampalubag loob ko ay after ng pagod na 'to at ng weekend na paparating, may jowa na ako.

Itinukod ko ang babâ sa armchair nang maramadaman ang palad ni Deion sa buhok ko. Nando'n lang ang tingin niya, unaware na after ng ilang tulog, may girlfriend na siya.

Nag-decide akong ayaw ko nang patagalin ang buhay single ko. Maghihintay lang ako ng kaunting araw para cute ang anniversary date namin.

Lalo lang akong inantok sa gaan ng pag-brush ng daliri niya sa bangs ko. "Anong oras ka na ba natulog?" tanong niya, nakatayo sa tapat ko. Di ko na siya na-reply-an kagabi sa sobrang pagod. Nag-time management something-something naman ako pero bumaha talaga agad ng gawain kaya parang naging useless lang. Lugi talaga kapag slow learner.

"Di ko alam," sagot ko. Bumaba ang kamay niya sa pisngi ko at magaan na pumisil. "Inaantok pa ako." Imposible namang makakuha ako ng tulog ngayong umaga unless may a-absent na prof. Uuwi na lang ako nang maaga mamaya tapos iidlip bago mag-dinner para makabawi-bawi.

"Natapos mo naman 'yung ginagawa mo?" tanong ni Deion. Bumalik ang kamay niya sa buhok ko na lalo lang nagpaantok sa 'kin. Tumango ako at umupo nang ayos para itsek 'yung tinutukoy niya sa bag ko.

Umupo si Deion sa seat sa tabi ko at itinukod ang siko sa sandalan ng armchair ko.

Inisa-isa ko ang lamang mga papel ng dalawang file cases na dala ko. Napatigil ako nang mapansing di ko makita ang isa sa mga pinagpuyatan ko kagabi. Tinapik-tapik ko ang pisngi para magising dahil baka nawawalan lang ako ng focus bago naghanap ulit.

Parang bigla akong binuhusan ng isang timbang nagyeyelong tubig nang mapansing kulang talaga ang dala ko. Inisa-isa ko ulit ang laman ng cases ko at binukod ang mga ipapasa ngayon. At, shit, wala nga! Nasa'n 'yon?! Wala namang aso sa apartment para kumain n'un kaya biglang nawala. Kinain ng bag ko?!

"Bakit?" tanong ni Deion nang bigla akong humarap sa kaniya. Umiling ako bago huminga nang malalim at umulit sa paghahanap for the third time. Baka pinagti-trip-an lang ako ng mga mata ko, so 'wag munang magpa-panic.

Sus, nandito lang 'yon e, nagtatago kasi alam na kinakabahan ako. Mayamaya magpapakita rin 'yon.

Siniguro kong hindi nagdodoble ang fini-flip kong pages. Napakurap-kurap ako nang mapansing wala talaga 'yon sa cases ko. Binuksan ko ang backpack at tsinek ang laptop compartment dahil baka sa sobrang antok ko kagabi, do'n ko 'yon siningit. Napatayo ako nang makitang walang kahit na anong papel ang nakasingit do'n bukod sa resibo ng binili namin ni Je na pang-stock sa mini ref last week.

Ayos.

Puwede na 'kong mag-panic.

"Pota." Napaupo ako sa sahig. Hinalukay ko ulit ang backpack ko at nabalewala na nang tuluyan ang antok na ramdam na ramdam ko kanina—sinipa na ng kaba paalis sa sistema ko. Naman! Kung alam ko lang na maiiwan ko 'yung pinagpuyatan ko, sana di na lang ako gumawa talaga! Kung male-late din naman ako ng submit, at least late nang may tulog. Di 'yung late nanga, puyat pa.

"Bakit?" tanong ulit ni Deion sa 'kin, tinatapik ang mga kamay kong naghahanap. Inangat ko ang tingin sa kaniya pero di nakapagsalita. Di rin na-relieve ng cute na concerned niyang mukha ang stress ko.

Ay naku! Ba't ko ba kasi inalmusal ang katangahan today?

Paglipat ko ng tingin kay Je ay naabutan kong pinanonood na niya ako. Inalis niya ang earphones na suot. "Naiwan mo?" tanong niya. Tumango ako bago tumayo.

Di ko alam kung kinakabahan pa ba ako o nasa pagluluksa part na. Tsinek ko ang wall clock at imposibleng makabalik ako ng apartment at makabalik dito on time para sa first period. Second period pa naman ang submission ng naiwan ko, pero unless si Ken lang ang mangongolekta n'un at wala si Architect, wala talaga akong lusot. Ang tanga kasi talaga! Sayang 'yung points na hindi naman sana deducted!

Bumalik ako sa pagkakaupo nang ayos dahil . . . ano pa nga ba'ng magagawa ko? Shit talaga. Sa susunod magdo-double check na ako ng dala bago umalis ng apartment.

Bumaling ako kay Deion nang ikaway niya ang palad niya sa mukha ko. "Wala bang puwedeng maghatid sa 'yo n'un dito?" tanong niya. Umiling ako dahil kami lang naman ni Je ang magkasama sa apartment. Wala rin naman kaming ka-close na iba sa apartment para mapakisuyuan n'un.

Napa-facepalm na lang ako. Wala talaga sa option na umalis ngayon dahil halos limang minuto na lang ang natitira bago magsimula ang first period. Tumayo na nga si Deion dahil may uupo na roon sa pinupuwestuhan niya. Tinanguan ko lang siya at sinenyasang pumunta na sa seat niya nang mapansing nakatingin pa rin siya sa 'kin. Sumunod naman siya.

"Text ko si Jo," mahinang sabi ni Je kaya napalingon ako sa kaniya. Pumasok na kasi si Architect. "Di 'yon papasok e."

"Bakit? Nasa'n siya?" Na kay Jo ang last duplicate ng susi ng apartment. At paaakyatin naman siguro siya sa unit dahil alam nang kapatid siya ni Je.

"Dorm. May sakit," sagot niya na parang wala lang 'yon. "Sa'n ba niya hahanapin? Sa cabinet mo lang? Sa table?"

"Okay lang ba 'yon? 'Wag na," kontra ko bago ibalik ang tingin sa harap para magpanggap na kaya kong mag-focus sa lecture this morning.

Baka mamaya mataas ang lagnat ni Jo at lalo lang magkasakit e. Makulimlim pa naman sa labas at mukhang uulan.

"Di pa naman siya nag-aagaw-buhay," sabi ni Je na muntik ko nang ikatawa. Parang di niya kakambal 'yung uutusan niya e. "Okay daw. Sa library daw siya muna mamaya para naka-aircon."

"Sabihin mo hulog siya ng langit," bulong ko. Kumunot ang noo sa 'kin ni Je at nakita kong in-exit lang niya ang inbox niya at tinago ang phone nang di sinusunod ang utos ko. Ako na nga lang ang magte-thank you kay Jo mamaya.

Pagka-dismiss na pagka-dismiss, lumabas na ako para puntahan si Jo sa library dahil hindi naman ga'nong kalaki ang window bago mag-start ang second class. Napahawak ako sa dibdib nang biglang may tumawag sa 'kin sa tabi ko habang halos liparin ko na ang hallways. Sumunod pala si Deion sa 'kin nang di ko namamalayan.

"Dinala ni Jo," paliwanag ko habang umaakyat kami ng hagdan.

Naunahan pa nga niya ako dahil kung hindi doble ay tripleng steps ang bawat hakbang niya paakyat. Puwede bang magpabuhat na lang sa kaniya?! Nagmamadali na ako kanina pero parang mas lalo ngayon dahil nahihirapan akong mag-keep up kay Deion at nakaka-pressure 'yung malalaking hakbang niya. Hinila ko nang bahagya ang polo niya nang mahagip siya ng kamay ko para bagal-bagalan niya nang kaunti. Sana siya na lang ang pinakuha ko e. Kaloka.

Sa tapat ng library namin naabutan si Jo. Umangat ang tingin nito nang sitsitan ko at buti na lang sa labas siya naghintay dahil di ko napigilang tumakbo palapit sa kaniya kaya nag-ingay sa sahig ang sneakers na suot ko. Parang naka-program na pumulupot ang braso ko sa kaniya. Hulog talaga ng langit! "Thank you! Thank you!"

"May sakit ako" garalgal niyang sita pero ramdam ko namang tumapik nang isang beses ang kamay niya sa bandang likuran ko. "O, in-envelope ko kasi baka magusot."

Bumitiw ako sa kaniya at tsinek ang brown envelope na dala niya. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makitang tama naman ang kinuha niya. Dahil library pa rin ang katapat namin at kapag tumili ako ay maririnig sa loob, binunton ko na lang ang tuwa sa pagyakap ulit sa kaniya. Napahigpit pa yata dahil narinig kong dumaing siya pero di ko pinansin. Di naman siya mamamatay sa yakap! "Thank you! Thank youuu! I love you! I love you na talaga!"

Nang bitiwan ko si Jo ay dumako agad ang isa niyang kamay para masahehin ang balikat niya. Tumango-tango lang siya nang di sa 'kin nakatingin kundi sa likuran ko. Nang bumaling ako roon ay nakita ko si Deion na for a moment ay nakalimutan kong kasama ko.

"Bumalik na kayo. Daan muna akong clinic para makauwi ulit," sabi ni Jo.

"Thank you," tugon ni Deion bago ako lingunin. "Tara na," sabi niya sa 'kin bago kami talikuran.

Napabaling ako kay Jo nang marinig siyang tumawa. Napasabay ako sa paglalakad niya dahil nakakapagod sabayan si Deion kapag nagmamadali. "Bilisan mo na, Bills. Bad trip yata 'yung manliligaw mo sa 'kin," mahinang sabi niya.

"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Hindi a," sabi ko. Mukha namang normal si Deion for me. Bakit siya maba-bad trip? E siya naman ang nag-decide na samahan akong puntahan si Jo? Nauna pa nga siya sa pag-akyat e.

"Tsk, tsk, tsk . . ." Nang bumaling ako sa kaniya ay panay ang iling niya sa 'kin. Bakit ba? Ano'ng nagawa ko? Di ko gets. "Pa'no kung 'yung babaeng kasama niya lagi . . . . Ano nga'ng pangalan n'un?"

Bumalik ang pagkakasalubong ng kilay ko. Ano namang kinalaman ni Ate Maggie?

Di ko sinagot ang tanong niya at binalik lang 'yon sa kaniya, "Bakit?"

Tumigil kami sa babang hagdanan dahil tatawid na siya papuntang clinic, at ako naman ay dapat sinusundan na si Deion na malalaki ang hakbang papunta sa opposite hallway pabalik ng classroom.

"Pa'no kung mag-I love you 'yon kay Deion? Ano'ng gagawin mo?" tanong niya.

Natigilan ako. Pagbaling ko ulit sa direksyon ni Deion ay wala na siya; nakaakyat na yata ng hagdan. Iniwan ako!

"Baka ma-late ka pa, alis na 'ko," sabi ni Jo na nakalakad na paalis pagbalik ng tingin ko sa kaniya. Di na ako nakapagpaalam dahil bawal naman sumigaw dahil sa ongoing classes sa first floor. Bakit ba dinadaig ako ng people around me sa pagmamadali? E ako nga 'yung may dilemma in the first place.

Tinakbo ko ang corridor pabalik sa room at napatigil halfway sa hagdan nang maksalubong si Deion na pababa. Kumunot ang noo niya bago hagilapin ang kamay ko at pasabayin sa kaniya paakyat. "Akala ko kung saan ka na napunta," sabi niya na parang sa 'ming dalawa, ako ang may higher chances na maligaw sa loob ng campus.

Binaba ko ang tingin sa kamay naming magkahawak. Di naman siya tunog-galit. Di rin siya mukhang galit.

Actually, ewan ko pala! Hirap basahin ng isang 'to kung galit or hindi e.

"D," tawag ko sa kaniya.

Bumaling lang siya sa 'kin saglit pero hindi umimik.

* * *

Ang lakas magpaisip n'ung sinabi ni Jo. Saturday morning pagkagising ko, 'yon agad ang laman ng isip ko. Ilang beses kong in-imagine 'yung situation na sinabi niya at sa lahat ng version, iisa ang outcome: maiinis ako, magtatampo, magseselos, at iba-ibang range lang ng emotions of the same kind. Mas lumala ang pagka-bother ko dahil hindi ko masyadong nakausap si Deion kagabi. Nagpaalam kasi siya kahapon after dismissal na pupunta sila sa lola nila this weekend, so baka busy siya roon.

Parang wala namang mali sa 'ming dalawa. Well, sana nga wala kasi Valentine's na sa Monday! Baka maudlot pa 'yung plano ko na cute ang anniversary date namin kung hindi kami okay. Saka jusko naman, unang V-day ko 'to na may ka-something, 'no. Ayokong masira.

Ang last message niya is kagabi, pagdating nila roon sa bahay na inuwian nila. Di na siya nakapag-message after at in-assume ko na lang na super pagod siya sa biyahe kaya nakatulog agad. 'Yon din ang reason kung bakit di ako bothered na wala siyang message kaninang umaga bago kami sumakay pauwi nina Je; baka kasi natutulog pa.

Pagkauwi ko, natulog na lang ako imbes na pagurin ang sarili ko kaiisip. Lunch time na ngayong nagising ako ulit at nag-resume ang pag-iisip ko nang makitang wala pa rin siyang message. Tulog pa rin ba?

Paano kung gising na tapos nagtatampo lang?

E wala namang meaning na gano'n 'yung I love you kay Jo.

Pero 'pag nabaliktad ang sitwasyon, magseselos ka? Siguraduhin mong hindi, a.

E iba naman 'yung kay Ate Maggie!!!

Pa'no naging iba 'yon? E friends lang din naman sila?

Tinuktukan ko ang sarili nang ilang beses gamit ang unan bago ibaon ang mukha roon at sumigaw. Ang clingy ko naman masyado! Di lang na-message, parang mag-e-end of the world na. Napaghahalataang hindi pa nagkaka-jowa ever. E kasalanan ko rin naman kung bakit ako nag-o-overthink ngayon.

Napapitlag ako nang biglang kumulog nang malakas. Parang pinagagalitan din ako ng langit. Dinampot ko ulit ang phone at ako na ang naunang mag-message bago iwan ang phone sa kuwarto at kumain sa baba.

After one hour, wala akong na-receive na reply kaya nag-text na ako. Nang wala pa ring makuhang reply sa text after another hour ay kinulong ko ang sarili sa kuwarto. Inakyat ako ni Mommy at nang mahuling nakatalukbong ng kumot ay tinanong kung may sakit ako. Puwede bang magpa-admit sa ospital nang ang reason ay mamamatay dahil walang natatanggap na reply?

* * *

What's worse than hindi ma-replyan sa buong weekend ay salubungin ng Valentine's after. Hindi naman mukhang sumabog ng red and pink sa campus, pero meron pa ring mangilan-ngilang Valentine decor.

Di naman ako bitter tuwing Valentine's kahit buong buhay ko so far ay single ako, pero ngayon, naiinis ako! Nag-look forward ako sa araw na 'to dahil judgment day ko na kay Deion, pero pa'no ko 'yon hahatulan kung two days kaming di nag-usap? Walang hi or hello, at di ko akalain na kahit seen hiniling ko nang dumating. Pero pati 'yon, pinagdamot. Bad trip talaga. Ayaw yata akong pag-celebrate-in ng universe ng Valentine's day nang masaya.

Pagdating namin ni Je ng classroom, si Mark ang una kong nakita kaya agad na naghanap ang mga mata ko sa kambal-tuko niya. Nasa'n na si Deion? Wala rin ang backpack niyang itim sa seat niya. Baka nag-CR at dinala ang gamit? Imposible naman kasing mauna si Mark sa kaniyang pumasok kung iisa lang ang panggagalingan nila.

"Happy V-day, Bills," bati sa 'kin ni Mark nang umupo ako sa tabi niya, sa upuan ni Deion. Umangat ang tingin niya kay Je na lumagpas sa row namin. "Happy Valentine's," sabi niya kay Je na ni-reply-an siya ng 'thanks.' Kumunot tuloy ang noo ko. 'Thanks' ba ang tamang reply sa 'Happy Valentine's'? Ngayon ko lang nalaman 'yon.

"Sa'n si Deion?" tanong ko, di na makatiis at wala nang pakialam kung asarin ako. Aba, dalawang araw kaming di nag-usap, 'no. Tapos di ko pa alam if nagseselos siya kay Jo gawa n'ung nangyari no'ng Friday. And di ko rin alam saang lupalop siya ng Earth nagpunta at bakit hindi nagde-deliver lahat ng messages ko at di rin nag-connect lahat ng calls ko no'ng weekend.

"Naku, ang lover boy mo," umiiling niyang sabi sabay kuha ng phone sa bulsa ng pants niya. Akala ko may ipakikita siya sa 'kin pero mukhang may kausap lang siya. "Nasa condo, nagpapahinga. Di 'yon papasok," aniya habang nasa screen ang tingin at dere-deretso ang mga daliri sa pagta-type.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Nagpapahinga?" May nangyari ba? May sakit? Paulan-ulan pa naman lately. Kung hindi dere-deretso ang ambon, sobrang tirik naman ng araw tapos biglang bubuhos nang malakas. Or pagod lang dahil sa kung anomang ginawa niya for the past two days?

Inalis ni Mark ang tingin sa phone at nilapag 'yon saglit sa armchair niya. Lalo lang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang hesitance sa pagsasalita niya. Niyugyog ko siya nang niyugyog sa braso para di niya lunukin ulit ang kung anomang sasabihin niya. Nag-aalala na 'yung tao o!

"Teka, teka," natatawa niyang saway bago tapikin ang parehas na kamay ko. Hindi ko inalis ang kapit sa kaniya. "Okay lang 'yon. Magpapahinga lang 'yon ngayon, baka pumasok na 'yon bukas. Masyado kang ano e."

Tinampal ko siya sa braso bago alisin ang kapit ko sa kaniya. Masyadong ano siya d'an. Try niya maging ako. "Ba't di mo pa sasabihin?"

"E siyempre, kilala mo naman 'yon . . . ayaw n'un mag-alala ka," paliwanag niya. At okay na sana kung hindi lang siya nagpahabol ng, "YIIIEEE! Kilig naman ang singit ni Billie!"

"Mark! Alis!" sita ko sa kaniya habang nakaipit ang mga daliri niya sa leeg ko dahil kiniliti ako ng gago. Naputol lang ang malakas niyang tawa at napabitiw siya sa 'kin nang pisilin ko nng mariin ang bandang tuhod niya. "Kainis 'to!"

"Pikunin ka na rin? Kadidikit mo kay Deion 'yan! Parehas na kayo! Baka bukas magkamukha na kayo e."

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko at tumayo na dahil baka maisipan na naman niya akong kilitiin. Nahawakan lang niya ako sa braso kaya hindi ako agad nakaalis. "Ano na naman 'yon?"

Pumihit siya para kumuha ng something sa bag niya nang hindi binibitiwan ang braso ko. Pagharap niya sa 'kin ay may dalawang chocolate bars siyang hawak kaya naman napangiti ako. Ini-snatch ko 'yon sa kamay niya at di na naghintay na alukin niya. "Bati na tayo," sabi ko na ikinailing niya.

"Ba't dalawa? Kay Je 'yung isa?" tanong ko. Tumango siya. "Di 'yon mahilig sa gan'to. 'Pag ayaw niya, puwede akin na lang?"

"Oo na," sagot niyang parang napipilitan lang. "Sisingilin ko na lang si Deion."

Inirapan ko lang siya bago siya iwan do'n at pumunta sa tabi ni Je dahil malapit nang mag-first period. Inabot ko kay Je ang chocolate. "Bigay ni Mark," sabi ko sabay abot sa kaniya n'un.

Tiningnan lang niya 'yon nang matagal. As in matagal, parang full two minutes yata! Di ko alam kung ii-interpret ko nang ayaw niya at aangkinin ko na 'yon or sadyang pinag-iisipan lang niya kung tatatanggapin. Wala yatang tiwala kay Mark (di ko naman siya masisi). Or baka na-o-awkward-an siya kasi di naman talaga sila close.

"Thanks," aniya bago kuhain 'yon sa kamay ko at itago sa loob ng bag niya.

Lumipat ang tingin ko kay Mark na nakatingin pala sa 'min. Kinunutan ko siya ng noo nang magtagpo ang mga mata namin.

Grabe, tingin niya ba sosolohin ko 'yung binigay niya nang di man lang inaalok si Je? Pinakita ko tuloy sa kaniyang isang chocolate bar lang ang hawak ko dahil binigay ko nga kay Je 'yung isa. Natatawa lang siyang umiling bago ipaling ang tingin sa harap.

* * *

Pampalubag-loob yata sa 'kin ng universe na umuulan halos buong maghapon. Ibig sabihin kasi n'un, walang parada ng couples na pakalat-kalat at patambay-tambay sa labas. Mukhang maraming plano ang cancelled. Walang nagde-date na pakalat-kalat sa paningin ko.

Di puwedeng masyado silang masaya habang nilalamon ako ng worry dito dahil wala pa ring paramdam si Deion. Na naiintindihan ko naman dahil baka tulog siya maghapon at nagpapalakas. Pero gusto kong magdabog kapag naiisip kong di ko man lang siya makakausap today. Three days na!

Lalo lang akong napasimangot nang makita si Mark. Napansin rin niya kami ni Je na naghihintay ng masasakyan kaya lumapit siya sa 'min. Nasanay kasi akong 'pag nakikita ko si Mark, automatic makikita ko rin si Deion. Saka baka asarin na naman niya ako.

"Kaya lumalakas 'yung ulan kasi nakasimangot ka e." At 'yan, nagsimula na nga siya. "Sa'n kayo pupunta?" Tiniklop niya ang payong na dala.

"May bibilhin si Je," sagot ko.

"Di mo pupuntahan si Deion?" tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Supposedly, today na nagtatapos ang pagiging NBSB ko. Pero hindi umaayon ang health ni Deion at ang panahon, so baka ang sinasabi ng universe ay 'wag muna. Mag-iisip pa ako ng bago at magandang anniversary date na before birthday ko dahil masyado naman 'yung matagal; eight months away pa.

Kumunot ang noo niya. "Tinatanong ka nga e! Di mo pupuntahan?"

Napanguso ako. Umuulan at nagpapasama si Je somewhere at ayaw ko siyang iwang mag-isa. Baka siya naman ang magtampo sa 'kin if ever. "Ayoko, aasarin mo kami e," sagot ko. "Saka sasamahan ko si Je."

"Di ko talaga kayo aasarin," tanggi niya. Siniko niya pa ako nang bahagya nang irapan ko siya. "Hindi nga! 'To naman."

Nagkibit-balikat ako. "May pupuntahan kami ni Je."

"Ako na lang ang sasama kay Jerica."

"Close kayo?" tanong ko na nagpatikom ng bibig niya. Bumaling ako kay Je na tahimik lang na pinapanood ang ulan.

Nang ibalik ko ang tingin kay Mark ay nagtataas-baba siya ng kilay sa 'kin. "Alam ko namang miss na miss mo na si Deion—"

"Ewan ko sa 'yo." Di raw mang-aasar e kaninang umaga pa nga siya nagsimula mambuwisit. Tinutuloy niya pa ngayon.

"Puntahan mo na." Mabilis na lumipat ang tingin ko kay Je nang magsalita siya. Sumulyap siya sa 'kin bago ibalik ang tingin sa tapat. "Valentine's naman."

"Ayoko. Wala kang kasama."

"Kaya ko namang pumunta mag-isa. Di naman masyadong malakas ang ulan," katuwiran niya.

"Ako na lang ang sasama," offer ni Mark. Inagaw niya sa 'kin ang payong na hawak ko at binuksan 'yon. "Do'n ka na sumakay para mas mabilis," aniya at inginuso ang street makatawid sa puwesto namin. Pinilit niya sa kamay ko ang handle ng payong.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. Hinawakan ako ni Mark sa balikat bago ilipat sa kabilang gilid niya para sila ni Je ang magkatabi. Di pa rin ako umalis at tiningnan lang silang dalawa. May tiwala naman ako kay Mark, pero parang ayaw ko pa ring umalis gawa ni Je kahit na sinabi niyang okay lang. 'Pag nag-LQ naman kami ni Deion, sa kaniya rin ako tatakbo or kay Jo e.

"Sure kayo?" tanong ko dahil nagdadalawang-isip talaga ako. Makikita ko pa naman si Deion this week. Saka, may Valentine's pa naman next year.

"Go," sabay nilang sabi. Natawa si Mark at narinig kong bumulong ng 'jinx' pero hindi natinag ang blangkong mukha ni Je na nakatingin sa 'kin. Tinanguan niya ako na parang kinukumbinsing umalis na.

Hay. Okay.

Binilinan ko silang mag-ingat bago umalis. Madali naman akong nakasakay, pero kinailangan kong i-sacrifice ang sapatos at buong outfit ko. Di ko naiwasang maulanan dahil sa pagmamadali. At by the time na nakarating ako sa condominium complex, haggard na talaga ako kung haggard. Kaya habang hinihintay ang nasa reception na tawagan si Deion para payagan akong umakyat, nag-ayos ako ng buhok habang tinitingnan ang sarili ko sa glass wall. Wala na akong magagawa sa malaking basang spot sa blouse ko sa bandang balikat na ramdam kong umaabot hanggang sa likod. So mukha ko na lang ang inayos ko.

Nang bigyan ako ng go signal na puntahan si Deion ay panay pa rin ang ayos sa ko hitsura habang nasa elevator at habang naglalakad. Ilang hakbang na lang ako layo ko sa unit nila ni Mark nang buksan niya ang pinto at sumilip sa opposite side ng hallway.

Napatigil ako sa paglalakad nang mahagip ng mga mata ko ang tuwalyang nakasabit sa batok niya. At sure akong walang ibang piraso ng tela sa ilalim n'un. Balát na ang next.

Nang pumaling siya sa side ko ay kumunot ang noo niya at tinuro ang basang parte ng t-shirt ko bago lumabas ng unit niya at higitin ako papasok. Napapikit ako for a few seconds at huminga nang malalim ng ma-confirm na wala ngang ibang piraso ng tela sa upper body niya kundi 'yung tuwalya.

"Ba't ka nagpaulan? Di mo kasama si Mark?" tanong niya pagkatapos akong bitiwan sa salas at duemeretso sa kusina. Sinaksak niya ang electric kettle at kumuha ng dalawang mugs at dalawang kutsara sa loob ng dish rack. "Ano'ng gusto mo? Kape? Gatas? Chocolate?"

Nang di ako nakasagot agad ay pumaling siya sa 'kin nang nakaangat ang isang kilay. Pinilit kong mag-stay ang mga mat ako sa mukha niya.

'Yung two days na pagiging-missing in action niya? Poof, wala na. Ang laman na lang ng utak ko ay ang tuwalyang di ko alam if gusto kong alisin, or gusto kong ibalot sa kaniya gaya ng ginagawa ko sa 'kin pagkatapos maligo.

Dahil di ako makasagot sa tanong niya ay lumapit na lang ako at ako na ang nag-take over sa kusina. Kailangan ko ng ibang thoughts, jusko.

Nang di siya maka-take ng hint na gusto ko siyang umalis ay paulit-ulit kong binangga ang balakang ko sa kaniya. Automatic na napatigil ako nang lumipad ang parehas niyang kamay sa bandang bewang ko para pigilan ako. "Ano ba 'yon?" natatawang tanong niya.

Pinitpit ko ng kutsara ang kamay niya sa bewang ko kaya napabitiw siya. Walang awang lalaking 'to! Di ba siya aware na matagal mawala sa 'kin 'yung feeling kapag hinahawakan niya ako?

"Magbihis ka na!" sabi ko dahil parang di niya ma-gets na nadi-distract akong wala siyang suot na t-shirt! At saka akala ko ba may sakit siya? Di ba siya nilalamig ngayong basa ang buhok niya, wala siyang suot na pantaas, at for sure medyo basa rin ang tuwalyang nakasampay sa batok niya kung kagagamit lang niya roon?

Saka lumayo-layo nga siya sa 'kin bago ko pa ma-trip-ang bilangin ang taling niya sa likod. Di nga siya nagsisinungaling no'ng nabanggit niyang marami siya n'un dahil sa mabilis na pagsulyap ko sa kaniya ay napansin ko agad 'yon. At bukod sa curious akong tao, maharot din talaga ako, so 'wag niya akong tine-test ngayon.

"Ah, okay," simpleng tugon niya bago sumunod sa utos ko at pumasok sa kuwarto. Madali naman palang kausap. Kabubunot ko lang ng plug ng electric kettle nang lumabas siyang naka-t shirt na puti, at may bitbit pang bukod na damit.

"Magpalit ka munang damit. Ba't ka nagpaulan?" sabi niya mula sa salas. Isinalin ko muna ang mainit na tubig sa mugs namin bago lumapit at kuhain 'yung dala niyang t-shirt at jacket. Mukhang may iuuwi na naman ako sa apartment mamaya. After six months siguro, magmumukha nang extension ng aparador niya ang lagayan ko ng damit sa apartment.

Napatingin ako sa dinampot niyang polo na nakasampay sa sandalang ng couch. Pinagpagan niya ang niregalo kong light blue na button down bago bumalik sa kuwarto niya. Di na niya sinara ang pinto. "Ba't nakalabas 'yan?" tanong ko at sumilip sa loob ng kuwarto mula sa pintuan.

Pumaling siya sa 'kin bago buksan ang aparador niya at itago 'yon sa loob. "Pupuntahan dapat kita e."

"Bakit? Di ba may sakit ka?" tanong ko.

"Wala akong sakit," kunot-noo niyang sagot bago isara ulit ang aparador. Napaatras ako nang lumabas siya ng kuwarto at isara ang pinto sa likuran niya.

"At ano'ng ba't ka pupuntahan?" Napapikit ako nang kalabitin niya ang tungki ng ilong ko. "Valentine's ngayon. Ba't di tayo magkikita? Isusuot ko dapat 'yung gift mo tapos ide-date kita. Saka sa'n nanggaling na may sakit ako?"

"Kay Mark." Kinapa ko ang leeg niya. Naiiwas niya ang mukha sa 'kin bago ko mailipat ang kamay ko sa noo niya. Pero nang panliitan ko naman siya ng mga mata ay nagkusa siyang lumapit ulit at siya mismo ang naglapat ng kamay ko roon. Wala ngang sakit.

So ibig sabihin ba nito in-ignore lang talaga niya ako for two days?

'Yung switch ko sa paghihinala na pinatay ko kanina dahil sabi ni Mark ay may sakit siya, nabuhay ulit. Intentional bang hindi niya ako pinansin buong weekend? Dahil ba kay Jo? So tama nga si Jo na baka nagselos si Deion kasi sinabihan ko siya ng—

"Magbihis ka muna," iiling-iling niyang sabi. "Baka lagnatin ka d'yan sa suot mo," dagdag niya bago ako hawakan sa balikat at ipihit papunta sa bathroom door. "Order na lang ba akong pagkain? Luto? Ano'ng gusto mo?"

Imbes na lingunin siya ay tumingala ako at inangat ang tingin para magtagpo ang mga mata namin. Bumangga ang ulo ko sa dibdib niya. Sinadya kong ibangga ulit 'yon nang slight. Wow. Puwede kayang pagbasagan ng yelo 'to? "Gusto ko ng noodles." Nararamdaman ko na 'yung lamig ng ulang sinuong ko kanina kaya gusto ko ng mainit na sabaw.

"Sure ka? 'Yon lang talaga?" tanong niya. Tumango ako. Mainit ang mga palad niyang galing sa balikat ay lumipat sa magkabilang braso ko at ilang beses akong tinapik. "Okay. Bihis ka na."

Sumunod ako sa sinabi niya. Di gaanong makapal ang gray na t-shirt na pinahiram niya sa 'kin pero nabawi naman ng jacket niya. Pagkatapos ay pumuwesto ako sa dining at pinanood siyang magtrabaho sa kusina habang pinaiinit ang kamay ko gamit ang surface ng mug ng kape ko.

Sumulyap siya sa 'kin saglit at ngumiti bago bumalik sa ginagawa niya. "Ano'ng sinabi sa 'yo ni Mark?"

Napasimangot ako bigla nang ipaalala niya 'yon. Kinuha ko ang phone sa bag ko para i-text si Je at kumustahin. "Nilalagnat ka raw," sagot ko. "Naniwala naman ako kasi two days kang walang paramdam."

Mahina siyang natawa. Pumunta siya sa fridge at may kinuhang box do'n na pinatong niya sa table pagkatapos. "Ginawa na sa 'yo ni Mark 'yan dati no'ng 'naaksidente' ako, gumagana pa rin ngayon?" aniya bago ako talikuran para balikan 'yung noodles namin.

O e di ako na crush pa rin siya until now. "E di ka nga nagparamdam nang two days, saka paulan-ulan," katuwiran ko. Saka sorry naman na concerned akong tao. Buti pala pinaalala ni Deion kasi kukutusan ko 'yon si Mark bukas.

"Sorry na," sabi niya bago kumuha ng dalawang mangkok sa dish rack at isalin do'n ang noodles. Dinala niya muna ang mga 'yon sa table bago bumalik sa sink para itambak do'n ang ligpitin.

Pagbalik niya sa table ay may dala siyang dalawang kutsara at ang isa ay nilagay niya sa mangkok ko. Inangat ko ang tingin sa kaniya at pinanood siyang umupo sa tapat ko. Pumopogi siya lalo sa paningin ko kapag pinagsisilbihan niya 'ko, sa totoo lang. Di ko alam kung dahil ba sa dream come true ko 'to, pogi lang talaga siyang sadya, or tamad lang din talaga ako.

"Walang signal at Internet no'ng Saturday kina Lola kasi paulan-ulan. Sunday, nasa ospital ako, nagbabantay. Naiwan ko phone ko sa bahay tapos walang naging mabait sa mga ate ko na dalhin 'yon sa 'kin."

"Ospital?"

Tumango siya. "Si Lola, pero okay na siya. Kami ni Mama nagbantay. Kauuwi ko lang din kaninang umaga. Pagod pa ako masyado kaya di na ako pumasok." Napatigil siya sa pagnguya at biglang tumayo. "Di ko pa nga nacha-charge ang phone ko. Wait lang."

"Akala ko nagtatampo ka sa 'kin," sabi ko pagbalik niya.

Sandaling nangunot ang noo niya. "Bakit naman?"

"E kasi sabi ni Jo . . ." Umangat ang dalawang kilay niya nang di ko agad tinuloy ang dapat na sasabihin. ". . . sabi niya baka raw nagselos ka."

"Saan?" parang gulong-gulo niyang tanong. Mukha namang hindi niya 'yon pinepeke, so baka nga masyado lang 'yung binigyan ni Jo ng meaning at nahawa naman ako.

"E kasi di ba siya 'yung nagdala n'ung naiwan ko last time?" Tumango si Deion. Kanina pa nakabalot sa tinidor niya 'yung noodles at kanina pa rin 'yon nakatambay sa ere an inch away sa mangkok niya. Abang na abang siya as if kapag kumain siya at inalis ang tingin sa 'kin ay di niya maririnig ang sasabihin ko. "E dinala niya . . ."

"Tapos? Ano'ng meron?"

"So siyempre masaya ako, di ba?"

Kumurap-kurap siya. "Okay?"

"E di 'yon nga . . . masaya ako masyado . . ."

Umawang ang bibig niya bago tuluyang natawa. Binitiwan niya ang tinidor na hawak at sumandal nang ayos sa upuan niya nang naka-cross arms. Mahina kong sinipa ang binti niya sa ilalim ng table dahil, pucha, ang pogi! Kakagigil. Kumunot ang noo niya bago silipin ang legs niya. Binalik niya sa 'kin ang tingin nang nakangiti pero umiiling. "Wala akong naiintindihan, B. So masaya ka. Bakit ako magseselos? Sa'n ako nagtampo?"

"Kasi nga in-I love you-han ko si Jo," mabilis kong sabi para matapos na. "Natuwa lang ako masyado kasi dala niya 'yung plate ko. E baka nagtampo ka kasi . . ." Kumunot ang noo ko nang makitang nakangiti pa rin siya. Ano'ng nginingiti nito? "May past kami ni Jo, 'no—slight." Kahit na one-sided 'yon, past pa rin 'yon. "Ta's nauna ko pa siyang sabihan n'un," mahina kong dagdag. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang parang mas lumiwanag pa 'yung ngiti niya. Hala siya, okay lang ba 'to?

Tumango siya na lalo lang ikinagulo ng isip ko. So okay nga lang sa kaniya 'yon? "Okay."

"Okay?"

Nagkibit-balikat lang siya bago, finally, nagpatuloy sa pagkain. "Friends nga kayo ni Joseph. Saka sabi mo, masyado ka lang masaya. Bakit ako magagalit?"

"Seryoso ka ba?"

"Oo naman. Why not?"

"'I love you' pa rin 'yon, 'no . . ." paliwanag ko. Bumalik 'yung ngiti niya. Naba-bother tuloy ako.

Binitiwan niya ulit ang tinidor niya at sumandal nang ayos, tinititigan ako. Malamig na siguro 'yung noodles niyang kanina pa niya hindi maubos-ubos.

Akala ko kung ano'ng sasabihin niya pero natawa lang siya bago humigop sa kape niya. Umiiling niyang nilapag 'yon sa table nang nakangiti pa rin. "Okay nga lang," mas malumanay niyang sabi kaysa kanina. "Dinala na nga niya 'yung plate mo sa 'yo e, bakit ako magagalit do'n? At friends nga kayo." Inubos niya ang sabaw na laman ng bowl niya at pinatong do'n ang akin na kanina pa ubos ang laman. Tumayo siya, pumunta sa sink, at binuksan ang gripo.

So 'pag friends okay lang? Gets ko naman 'yon dahil wala namang masama mag-I love you sa friends. Pero di 'yon okay para sa 'kin.

"'Pag nag-I love you ka kay Ate Maggie magseselos ako," pag-amin ko.

Kasabay ng pagpaling niya sa 'kin ay ang pagpatay niya sa faucet. Wala na ang ngiti niyang nando'n kanina at napalitan na ng pagkagulat. Dali-dali niyang pinunas ang kamay sa nakasabit ng towel sa tabi ng pot holders. Napanguso ako nang lumapit siya sa tabi ko at naramdaman ko ang braso niyang pumuwesto sa sandalan ng inuupuan ko.

Ilang beses siyang tumango. "Okay. Boundary noted."

Sinamahan niya ng magaang pisil sa pisngi ko ang pagbalik ng ngiti niya. Inabot niya ang box sa table na nilabas niya kanina sa ref at tinanggal ang lid n'un. "Ayaw mo ng flowers, baka ayaw mo ng gifts, 'tapos di ko alam kung mabubusog ka sa chocolates, kaya 'yan na lang inuwi ko rito," aniya, tukoy sa malalaking chocolate muffins sa box. Dumampot siya ng isa at siya pa ang nag-alis ng wrap. "Tikman mo, dali. Masarap 'yan."

Kumurot lang ako ng kaunti roon sa hawak niyang muffin. Di masayadong tamis; sakto lang. "Thank you."

Iniwan niya ako sa table kasama ng muffins at bumalik sa pagliligpit. Ine-enjoy ko ang panonood sa likuran niya habang kumakain nang mag-ring ang phone ko. Pagkita ko, si Mommy, kaya napainom ako sa natitirang kape ko.

Di naman 'yon pupunta sa apartment nang di nagsasabi sa 'kin. Saka ang alanganin ng oras kung nandito sila ngayon—gagabihin sila sa daan kahit pa kasama niya si Daddy at may sasakyang dala pauwi. At wala namang reason para dalawin ako rito.

Pero shet, kung nandito sila, ano'ng sasabihin ko? Nakauwi na ba pati si Je? Mas okay kung hindi para wala silang abutan sa apartment. Madaling sabihin na nasa labas pa kami ni Je, which is true naman, kaso di nga lang kami magkasama.

"'My?" nag-aalangan kong sagot sa tawag. Sumulyap sa 'kin si Deion na kapapatay lang ng gripo.

"Ang lakas ng ulan diyan?" tanong ni Mommy sa kabilang linya kaya nakahinga ako nang maluwag. Dumampot si Deion ng towel at pinunasan ang mga mangkok na kahuhugas lang niya, nakaharap pa rin sa 'kin at tahimik na tahimik sa paggalaw na parang maririnig ni Mommy ang paghinga niya kung hindi siya magiging maingat. "Nakauwi na ba kayo?"

"Opo," mabilis na sagot ko. A, shit. Magyayakag talaga akong magsimba sa Linggo kasama sila ni Daddy. "Apartment na."

Nagbilin lang si Mommy tungkol sa mga nakasaksak na appliances at ng emergency light dahil panay daw ang brownout sa 'min. Nang ibaba niya ang tawag ay saka lang inalis ni Deion ang tingin sa 'kin at pinunasan ang counters. a"Ba't sabi mo nasa apartment ka?" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. Sinilip ko ang oras sa phone ko at alam kong di na ako puwedeng magtagal dito. Baka kapag mamayamaya pa ako uuwi, mas malakas na ang ulan. Di naman ako puwedeng magpalipas ng gabi rito dahil may pasok bukas.

Huminga ako nang malalim. Pinanood ko si Deion na busy pa rin sa pag-aayos ng kitchen.

Ano na, Billie? Game na?

Tsk, pa'no ba kasi 'to?

Sasabihin ko lang?

Sabihin mo na lang!

Pa'no kung di niya ma-gets? Dense pa naman 'to minsan.

Tumikhim ako at sinilip ang laman ng mug ko. Sinaid ko anng iilang patak ng kapeng natira do'n dahil baka sakaling makatulong na magpalabas ng confidence. Ang dami-dami kong baon na confidence no'ng Friday, at sure na sure akong today is the day, pero di ko alam ba't ako kinakabahan ngayon.

Ba't nga ba kasi ako kinakabahan! Dapat nga si Deion ang kinakabahan sa 'kin e.

"Duh," sagot ko. Starter muna, pampawala ng tensiyon. "Baka mapagalitan ako n'un 'pag nalamang dumayo ako sa condo ng boyfriend ko, 'no."

Ramdam ko sa ulo ko ang heartbeats ko. Lahat ng daliri ko sa paa, nakatiklop na sa sobrang kaba. Mababali ko yata ang sariling mga daliri sa kamay sa sobrang higpit ng kapit ko roon.

Kumunot ang noo ko nang makitang dere-deretso lang si Deion sa ginagawa niya—tuloy sa life na parang di napansin ang sinabi ko.

Wow, pota. Take the hint naman, 'lang 'ya! Kinakabahan ako rito tapos ikaw pa-chill-chill lang diyan?

E ano? Uulitin ko?

Pucha e paano ko uulitin?

Napapalitan na ng stress ang kaba ko nang biglaang tumigil si Deion sa ginawa niya—parang video na biglang p-in-ause. Ilang segundo rin siyang naka-stay put sa puwesto niya bago niya ako lingunin, salubong nang slight ang kilay at panay ang buka ng bibig na parang may sinasabi pero di ko marinig.

Nilapag niya ang basahan sa may sink at nang lumapit siya sa table, bumalik lahat ng kaba ko. Nakatingin pa rin siya sa 'kin at pakurap-kurap, pero walang sinasabi.

Shit ayan na, gets na niya.

Tapos, dinampot ang dalawang mugs namin at dumeretso sa sink para hugasan 'yon.

Di nga yata na-gets 'yung sinabi ko!

Ready na akong magdabog nang patayin niya ulit ang gripo at lingunin ako. Matagal niya akong tinitigan bago umiwas para tuyuin ang kamay niya. Nang lumapit siya sa 'kin ay napatuwid ako ng upo at 'yung kaba kong natunaw kanina, bumalik nang dobleng intensity. Nang gano'n-gano'n lang! Ni di ko pa nga alam if nasa same page na kami pero ang bilis niyang napabalik ang kaba ko.

Nakatukod ang isa niyang kamay sa table, at ang isa sa sandalan ng upuan ko, bago siya yumuko para i-try na hulihin ang tingin ko. Which is di ko pinayagan, thanks sa muffins sa table na nagkunwari akong busy unti-untiin.

"Ano?" tanong niya.

Sumulyap ako sa kaniya. 'Yon lang naman pala ang sasabihin, jusko. Kung makatingin, akala ko ready na siya to take everything to the next level e, parang kasal gano'n. Paka-intsense e!

"O? Biglang di ka makarinig ngayon?" Winagwag ko ang isang kamay para lubayan ako ng kaba kahit papaano.

"Tsk."

Woosh. Wala ring nangyari. Isang gano'n lang bumuwelta ulit 'yung kaba ko.

"Ano nga?" tanong niya ulit. Bakit ba ang serious nito?! Di ba puwedeng fun-fun lang 'to? Normal, casual, gano'n?!

"Ba't ka galit?"

"Billie."

"'Wag ka ngang magseryoso," sita ko na sinundan ng pagkunot lalo ng noo niya. Gumaguwapo lalo e! Lalo tuloy akong natetensiyon. "Ayaw mo ba?" seryosong tanong ko pero di kasing-serious ng hitsura niya. "Para tipid nga e. Same lang Valentine's saka anniv." Cute pati 'pag February 14 ang anniv. Heart's Day kung Heart's Day.

Nakailang kurap siya sa 'kin bago, "Tayo na?"

"Ayaw mo?"

Kung ayaw niya . . . aba, teka! Mare-reject ako on Valentine's Day?!

Babawiin ko na lang tapos sasabihin kong joke lang.

"Di naman 'yon ang sinabi ko," bubulong-bulong niyang sabi kaya tumakas ang ngiti sa 'kin. Number one, di ako rejected. Two, may jowa na 'ko. At three, pinakaimportante sa lahat, si Deion ang jowa ko. Need i-specify 'yon at counted as a different win kasi, hello, parang ilang years ko 'yon pinagtrabahuhan!

Parang di pa totoo 'yung last two at panaginip lang. Pero base sa lamig na halos tumagos sa buto ko, imposibleng di totoo ang lahat ng 'to.

Mas dramatic at grand 'yung in-envision kong moment kung kailan magiging kami no'ng high school. Tipong may pa-props and everything, pero parang doble ang heartbeats ko rito sa reality naming noodles ang Valentine's Day food, umuulan sa labas, di ako nakapag-ayos, at nakapambahay lang siya't magulo pa ang buhok kaysa roon sa mga ini-imagine ko dati.

Tumalikod siya sa 'kin kaya akala ko, babalik na siya sa sink. Akala ko, ito na 'yung part na casual-casual lang na sinasabi ko kanina. Na, poof, okay mag-jowa tayo, gano'n. Kaya lang ay nagtaka ako nang nag-stay lang siya sa puwesto niya for a while, tapos ay humarap ulit sa 'kin. Ginagawa nito?

"Ano nga?" mahinang tanong niya.

Di ko napigilan ang tawa sa hitsura niya. Wala na 'yung parang galit niyang look kanina. Ngayon, mukha siyang di naniniwala at paiyak na sa kaba. Cute.

Di siya natinag sa puwesto niya kaya di ko alam kung ano'ng hinihintay niya sa 'kin. "Ano?"

"Ano nga sabi?"

Lalo lang akong natawa sa tono niya. Bakit ba siya naii-stress?! "Oo nga! Alis na! Tapusin mo na 'yung nililigpit mo. Shoo!"

Nag-stay pa rin siya roon na parang di narinig ang sinabi ko. Hala, di ba talaga siya naniniwala? Di ba akong mukhang seryoso enough? Natatawa lang naman ako sa hitsura niya e.

Uulitin ko na sana ang mga sinabi ko nang mapangiti siya, e di siyempre naitikom ko ulit ang bibig para maka-get over. Parang pinipigilan niya pa nga no'ng una pero nakawala rin naman.

Tumalon nang slight ang balikat ko sa pagkabigla at napatuwid ako ng upo nang hilahin niya ang chair ko palapit sa kaniya. Ibinalik niya ang pagkakatuon ng isang kamay sa table at ang kabila sa sandalan ng upuan ko.

Napigil ko ang paghinga. Teka. Parang mas gusto ko 'yung Deion kanina na kinakabahan a? Ayoko ng ako ang kinakabahan sa kaniya e!

Di niya binitiwan ang tingin ko nang mahuli niya. Lintik.

"'Yan na pa-Valentine ko sa 'yo, ha?" Nagsalita ako dahil ang tahimik, as in! Di ko alam kung ano'ng nasa isip niya at trip niyang makipagtitigan in silaence at nang ganito siya kalapit. "D-Di na 'ko nakabili ng kahit ano kasi umuulan sa labas." Di pa rin siya tumitigil. Kahit nang subukan kong ilipat sa pisngi niya ang tingin ko ay hinuhuli niya. "Tapos nung weekend nga iniisip ko naman kung galit ka, k-kasi di ka nga naman nagre-reply? E di mo naman ako n-nasabihan agad na—" Nang puwersahin ko ang sariling pumaling sa muffins ay lalo lang siyang lumapit. Di ko nga alam kung dahil sa kaba ko kaya nag-i-imagine na akong hininga niya ang nararamdaman ko sa bandang sentido ko. "Basta 'yon! Akala ko tuloy galit ka o ano. Tapos kinabahan ako kasi Valentine's tapos magkaaway tayo." Okay shet di ako nag-i-imagine! Hininga niya nga 'yon dahil nag-iba sa pakiramdam nang mahina siyang tumawa. "Ta's nag-alala pa 'ko kasi s-sabi ni Mark—"

"Daldal mo."

SHET. Lumapit pa siya lalo at parang lintik na magnet ang mukha niyang kailangan kong harapin. Nanlaki ang mga mata kong agad kong pinikit.

Jusko. ANG LAPIT!!!

Lahat na yata ng emergency alarm na puwedeng tumunog sa utak ko, tumunog na. Pinakamalakas among them ang heartbeat kong parang nakikipaghabulan sa kung ano dahil sa sobrang bilis.

My gosh, ito na ba 'yon?

First kiss na ba 'to?

Pucha. Wait. Ano ba 'to? Lasang noodles? Kape? Lsang muffin?

Huy!!!

HALA. Teka lang, puwede bang timeout? May toothbrush naman ako sa bag.

Ano'ng gagawin ko!!!

Napamulat ako nang marinig kong tumatawa siya. Kasabay n'un ang pagkawala ng hininga kong di ko napansing kanina ko pa pinipigilan.

Nang mapansing tawang-tawa talaga siya dahil napatungo pa siya sa katatawa, nasampal ko siya sa braso. Pulang-pula ang mukha niya at di ko tuloy malaman kung dahil sa pagkahiya 'yon sa 'kin or dahil sa pagtawa niya. Nakakatawa ba 'yon?! Nag-expect 'yung tao dito o!

"I hate you! Nakakainis ka!" Inisod ko ang upuna ko palayo sa kaniya. Kakagigil in a bad way! Parang di ako natuwa sa outcome kahit na nakahinga ako nang maluwag dahil napaasa ako.

Nang mapawi ang tawa niya ay humilig ulit siya palapit kahit na pilit kong iniwas sa kaniya ang ulo ko. "I hate you, too," bulong niya sabay halik sa sentido ko kaya sure akong humawa ang pula ng mukha niya sa 'kin. 

### Epilogue next Monday! October 10, 6pm. See u!! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro