Chapter Five

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Five

Father

Lalaban kami. Ipaglalaban namin ang hustisya para sa kapatid ko. Pero paano? Kung siya mismo ay tuluyan na ring nawawalan ng tiwala sa sarili niya?

Lutang akong pumasok sa school namin. Kanina lang ako nakabalik sa apartment namin ni Dahlia dahil kinailangan pang manghiram ni mama para sa pamasahe ko. Isa lang ang masasabi ko, ang hirap. Sobrang hirap at mapapaisip nalang ako kung paano namin nagagawang lampasan ang ilang problema na dumadaan sa buhay namin.

Maging sa recitation ay napahiya ako. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko kanina. Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ko sa harapan ng klase.

"Miss Cortez! Lumilihis kana sa topic! Ang simple lang ng tanong ko tungkol kay Frank Lloyd Wright, tapos umabot kana sa globalization?"

Napuno ng tawanan ang buong room namin dahil sa nangyari. Hiyang-hiya ako at hindi ko magawang humarap sa buong klase. Pati si Hilary ay hindi rin maiwasang magtaka dahil sa mga inaakto ko.

Ang hirap pala nang wala kang masabihan tungkol sa mga problema mo. Sobrang hirap na kahit 'yung maliit na problema ay pilit na lumalaki. Ngayon lang talaga ako na-distract nang ganito. Paulit-ulit pa ring nagre-replay sa isipan ko ang lumuluhang mukha ng kapatid ko.

I only want peace of mind. Pero bakit ang hirap?

After our last period para sa umaga ay nauna na akong lumabas kaysa kay Hilary. Hindi ko na rin pinatulan pa si Cynthia na kanina pa ako pilit na ipinapahiya sa klase namin. Dumiretso ako sa likod ng architecture building at doon nagmukmok.

Kaya pa ba, Kill? Nagsisimula palang ang journey mo bilang college student, always remember that. Kayanin mo, okay? Kayanin mo para sa sarili, para sa mama mo, at para sa Ate Kary mo...

Doon ko na tuluyang pinakawalan ang lahat ng bigat na ilang araw ko ring kinimkim sa dibdib ko. Totoo nga talaga na kahit anong gawin mong pagpigil sa sarili mo, kapag napuno na ay aapaw nalang bigla. Gusto kong ilabas lahat ng frustration ko sa buhay, sa mga nangyayari ngayon sa pamilya ko, at lahat ng hirap na pinagdadaanan ko ngayon.

Lord, tulungan mo po ako. Tulungan mo po ang mama at ate ko...

"Killuie..."

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa tumawag sa akin. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Hilary na dito pumunta sa likuran ng building namin. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang makita ang awa sa mga mata nito. Lihim ko ring pinunasan ang ilang butil ng luha na naglandas sa pisngi ko.

"What's wrong? Kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo," pahayag pa nito.

Mas lalo naman akong naiyak. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Sobrang hirap na parang gusto ko nalang umuwi sa amin at yakapin si mama at Ate Kary.

"A-Ayoko na, H-Hil... A-Ayoko n-na..."

Mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Para akong isang bata na iyak ng iyak dahil hindi nabilhan ng gusto niyang pagkain at laruan.

"Ano bang pinagsasabi mo, girl? Huwag mo ngang sabihin 'yan! Matapang ka, diba? 'Asan na 'yung Killuie Dream Cortez na nakilala ko noon? 'Asan na 'yung sinasabi mo lagi na hindi ka susuko kahit anong mangyari?" pagpapalakas pa nito sa loob ko.

Napangiti naman ako kasabay ng pagluha. Hindi ko pinagsisisihan na nakilala ko si Hilary. Kahit hindi pa man namin gaanong kilala ang isa't-isa, alam ko sa sarili ko na totoo siyang kaibigan.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil sa mga pinagdadaanan mo ngayon. Isipin mo nalang ang pamilya mo. Kung ano ang mararamdaman nila kapag makita ka nilang ganito. Hindi mo kailangang sumuko para umiwas sa problema, Kill. Lumaban ka kahit anong mangyari..."

Hindi ko magawang sumagot sa sinabi ni Hilary. She's right. Nasasabi ko lang ito ngayon dahil pinanghihinaan ako ng loob. Naalala ko naman ang sinabi sa akin ni Ate Kary dati.

'Lagi mong tandaan Dream, na ang buhay ay parang pagsasaka. Maghihirap ka munang magtanim at mag-ani bago mo makain ang itinanim mo. Gano'n din ang buhay. Walang madali. Walang instant. Lahat kailangan mong paghirapan para makaahon ka sa buhay...'

"Bakit kaya sobrang hirap mabuhay sa mundo? Hindi ko alam kung bakit kami pinarurusahan ng ganito. Ipinapasa-Diyos ko nalang ang lahat ng hirap at bigat na lagi kong dala-dala. Ang Diyos nalang talaga ang tanging sandigan ko, eh..." paliwanag ko pa.

Muli akong nagpunas ng luha.

"I feel you, girl. Swerte lang talaga dahil may maayos na trabaho ang papa ko, eh. Kahit hindi namin siya kasama sa bahay, sinusuportahan niya naman kaming magkakapatid kahit papaano..." pagku-kwento naman ni Hilary.

Tila napukaw naman niya ang atensiyon ko at kusang tumigil ang pagluha ko. I suddenly got curious about her life. Lately lang kami nagkakilala kaya wala pa talaga ako gaanong kaalam-alam tungkol sa buhay niya.

Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit. Lihim kong kinapa ang dibdib ko at sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Hindi ko lang ipinahalata at hinintay si Hilary na magpatuloy sa pagku-kwento.

"My father is a pure Spanish, while our mom is pure Filipina. Kaso wala na si mama kaya ang kapatid niyang si Tita Kate ang nag-aalaga sa aming tatlong magkakapatid. Matagal na rin kasing hindi umuuwi dito sa Pilipinas ang papa namin..."

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang pero lagi kong nahuhuling natitigilan si Hilary everytime na binabanggit niya ang salitang 'papa'. Minsan ay napapatingin rin siya sa akin at mapapatitig ng matagal.

Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Titig na titig na rin ako kay Hilary habang pilit binabasa ang emosyong nakikita ko sa mga mata niya. It's as if she wants to tell me something.

"H-Hilary..."

"K-Kill... S-Sorry..."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Bakit siya nagso-sorry? Wala naman akong natatandaan na may atraso siya sa akin. Muli kong sinulyapan si Hilary at pilit na hinuhuli ang mailap nitong tingin.

Pinilit ko pang matawa para lamang pagaanin ang tension na unti-unting nabubuo sa pagitan namin. Nagtaka naman ako nang makita ang isang bagay na kinuha ni Hilary mula sa loob ng pocket wallet niya. At hindi ko alam kung paano ako magre-react lalo na nang makilala ang taong nasa picture.

Parang echo na paulit-ulit na nagsalita sa isipan ko si mama.

'Siya ang papa niyo, Dream. Iniwan niya tayo noong nalaman niyang ipinagbubuntis kita. Bumalik siya ng Spain at sumama sa totoo niyang pamilya...'











A/N: Sorry sa slow update, guys! Dami lang kasing ginagawa. Babawi ako next time ^^ Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro