Chapter Four

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Four

Justice

"Mama..."

"D-Dream?"

Mula sa mumunti naming kubo ay lumabas si mama. Bakas sa mukha nito ang labis na saya nang makita ako. Agad ko ring napansin na mas lalo siyang pumayat at hirap pa ring makalakad gaya no'ng dati. Ayokong makaramdam ng awa kasi alam kong ayaw na ayaw ni mama ang kinakaawaan siya. Kaya naman nag-iwas nalang ako ng tingin at nagpanggap na napuwing upang punasan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Huwag kang iiyak, Kill!

"D-Dream... anak..." Masayang-masaya si mama ng malamang umuwi ako ngayon. Weekend kasi at pinadalhan ako ng pamasahe ni Ate Kary. Nang maikalma ko na ang sarili ay saka lamang ako muling humarap at agad itong sinalubong ng yakap.

Maliban sa sakit na hika, masyado ring mahina ang resistensiya ng kanyang katawan. Kaya kahit gaano ko pa kagustong higpitan ang yakap ko, hindi pwede.

"I miss you, ma!" Naiiyak ako. Halos isang buwan din akong hindi umuwi dito sa amin kasi masyadong mahal ang pamasahe. Mas gugustuhin ko nalang gamitin sa allowance ko ang mga padala ni ate sa akin kaysa gamitin ko pauwi dito sa amin.

"Medyo pumayat ka, 'nak..." malungkot na saad nito habang masuyong hinahaplos ang mukha ko. Pinilit ko pa ring ngumiti kahit gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng naranasan ko simula ng tumuntong ako sa kolehiyo.

Pumapasok na puyat at uuwing pagod at gutom. Akala ko dati kapag college na, medyo magaan na ang buhay. Kasi sabi ng iba, mas marami raw ang vacant sa college. Pero mahirap talaga maniwala sa mga sabi-sabi lang. Mas ramdam mo ang hirap at pagod kung ikaw na mismo ang nakakaranas.

"Ma, si Ate Kary?" Agad kong iniba ang usapan. Ayokong sabihin sa kanya ang mga pinagdadaanan ko sa pag-aaral. Alam ko kasi na may problema rin dito sila mama. Kaya ko pa namang solohin ang lahat. Umaasa ako na matatapos din ang lahat ng problema namin ngayon.

"Wala ang ate mo dito, Dream. N-Naghanap ng bagong trabaho..." mahinang bulong nito pero rinig ko pa rin naman. Natigilan naman ako. Hindi ko rin maiwasang magtaka.

Naghanap ng bagong trabaho? Pero may maayos na trabaho naman si ate, ah?

"Ma, may nangyari ba? Noong isang araw sinabi pa sa akin ni Ate Kary na okay lang daw kayo dito, pati siya. Bakit kailangan niya pang maghanap ng ibang trabaho?"

Mabilis na nag-iwas ng tingin si mama sa akin. Kaya naman hindi ko maiwasang kabahan at mag-isip ng kung ano-ano. May nagawa ba ang ate ko? Nagkasala ba siya?

"Ma! Anong nangyari kay ate, ma? B-Bakit siya naghahanap ng bagong trabaho?" Masama talaga ang kutob ko. Kinakabahan ako para sa kapatid ko.

"Dream, anak—"

"Ma! Ma, nasaan ba si ate?" Naiiyak na ako. Iniisip ko palang na may masamang nangyari sa ate ko, parang hindi ko na kakayanin. "Ma, please..."

"Dream—"

Hindi na nagawa pang ituloy ni mama ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang bulto ng isang pamilyar na tao. Si ate!

"Ate Kary!" Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lihim din akong nagpasalamat nang makita na ligtas ang kapatid ko.

"D-Dream?" Hinawakan ni ate ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kanya. Malawak pa akong ngumiti sa kanya para sabihing ayos lang ang lahat. Pero bigla ring nawala ang ngiti ko ng makita ang hitsura ng kapatid ko.

Putok ang labi at may pasa sa kanang pisngi nito. Hindi ko magawang i-alis sa mukha niya ang mga mata ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglandas ng mga luha sa aking mga mata.

"A-Ate—"

"Akala ko hindi ka uuwi—"

"Anong nangyari sayo? Bakit may pasa ka?"

Gulat pa rin ako habang pinapasadahan ng tingin ang mukha at buong katawan ng ate ko. Tirik na tirik ang sikat ng araw sa labas pero nakasuot ng jacket si Ate Kary. Hindi ko na nagawa pang pigilan ang sarili ko at agad na hinawakan ang sleeves ng jacket niya at pilit iyon na itinataas.

Mas lalo lamang akong napaiyak ng makita ang ilang pasa na naroon. Nagpalipat-lipat rin ang tingin ko sa kanilang dalawa ni mama.

Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Hindi ko maiwasang isipin kung anong nagawa ng kapatid ko kaya humantong sa ganito ang lahat? Mabait na tao si Ate Kary. At habang iniisip kung gaano kasakit ang lahat ng mga nangyari sa kapatid ko, parang ako ang unti-unting nanghihina.

"A-Ate... bakit?" Tuluyan na akong napahagulhol, gano'n din si mama. Niyakap ko lang ng mahigpit si Ate Kary at umiyak ng umiyak. Anong ginawa nila sa ate ko? Bakit nila sinaktan ang ate ko? Kung hindi ako umuwi dito, baka hindi ko man lang nalaman ang mga nangyayari sa pamilya ko.

"D-Dream, sorry..." Umiling-iling ako habang umiiyak na nakatingin sa mukha ng lumuluha na ring mukha ni Ate Kary. "I'm sorry, I'm sorry!"

Halos puro iyakan lamang naming tatlo ang maririnig sa buong bahay. Magkayakap pa rin kami ni Ate Kary habang tahimik namang umiiyak sa tabi namin si mama.

"Bakit, ate? Ano bang nangyari? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"

Umiling-iling naman si ate na para bang sinasabi niya na ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko. Mas lalo lamang akong napahagulhol ng iyak. "Ate..."

Ang kaninang mahinang pag-iyak ni mama ay mas lalong lumakas habang hinihintay kong sabihin sa akin ni Ate Kary ang totoong nangyari. Hindi ko naman maiwasang kabahan lalo.

"D-Dream..."

"Ate Kary... please!"

"Na-rape ako, Dream! Pinagsamantalahan ako ng manager namin! Ayoko ng bumalik sa impyernong iyon, Dream! Ayoko na!"

Awang ang labi na napatitig ako sa kapatid ko. Halos hindi kayang prosesohin ng utak ko ang nalaman ko kay ate. Bakit? Bakit kailangang mangyari sa amin ang lahat nang ito?

"B-Binaboy nila ako! Pinagsamantalahan nila ang kahinaan ko... Porket ba ganito lang tayo? Mahirap pa sa mahirap?" Bawat salitang lumalabas sa bibig ng kapatid ko ay ramdam ko ang sakit at galit. Hindi ko lubos maisip na pati ang ate ko ay magiging biktima rin ng rape.

Lord, gabayan niyo po kami...










A/N: I'll try to update twice or thrice a week starting next week. Enjoy reading, Arkiess!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro