Chapter Three

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Chapter Three

Argument

Ang buhay ay parang trial and error. Minsan kailangan mo munang sumubok para malaman kung kakayanin mo ba o hindi. Wala naman kasing madali sa buhay. Kailangan mo munang dumaan sa maraming pagsubok bago mo makamit ang tagumpay na ninanais mo.

May mga taong rin na pilit na hihilain ka pababa para tuluyan ka ng mawalan ng pag-asa. Naalala ko dati, 'yung pilit kong ipinagtatanggol si Ate Kary mula sa lola namin. Sobrang liit kasi ng turing nito sa amin na para bang hindi niya kami mga apo at kadugo.

Well, gano'n talaga ang reyalidad ng buhay. Hindi ka tatanggapin ng ibang tao kung wala kang pandagdag sa bulsa. Na sa halip tulungan ka, mas lalo ka pang gigipitin para lamang ma-satisfied sila sa gusto nila.

"Wala ka talagang kwenta! Ikaw na nga lang ang inaasahan ng pamilya niyo, puro pag-iinarte pa inaatupag mo!" Bawat masasakit na salita na lumalabas sa bibig nito ay tila patalim na tumutusok rin sa puso ko para kay Ate Kary. Na para bang ako pa ang mas apektado sa mga sinasabi nito kaysa sa kapatid ko.

"Sinasayang mo lang ang pera at sakripisyo ng nanay niyo!"

Hindi ko talaga maintindihan kung paano naging sayang ang pagsasakripisyo ni mama para lamang pag-aralin si Ate Kary dati. Hindi man nagawang tapusin ni ate ang kolehiyo, nagamit niya naman ang natutunan niya kahit papano. Sa sobrang hirap kasi ng buhay, parang mas gugustuhin mo nalang sumuko at hayaan ang panahon na ayusin ang buhay natin.

Napatingala ako sa kalangitan habang nakaupo sa ilalim ng isang puno ng kamagong. Hindi ko maiwasang balik-balikan ang mga pangyayari noon, at kung paano kami i-down ng sarili naming kamag-anak. Tanaw na tanaw ko rin ang oval field mula sa kinauupuan ko. Wala si Hilary dahil may practice daw sila para sa sepak takraw. Malapit na kasi ang intrams dito sa Northwest. Pinipilit nila akong sumali sa kahit anong sport pero hindi ako pumayag. Mas gusto ko kasing mag-focus sa acads kaysa sa mga extracurricular activities.

Though hindi naman required ang pagsali sa mga sports, compulsory naman ang pagsali sa ibang activities ng Northwest for this coming intramural.

"Kaya Dream, ayusin mo ang pag-aaral, ah? Huwag kang gumaya sa akin na hanggang senior high school lang. Kung sa ibang tao ayos lang ang gano'n, ibahin mo ang pamilyang kinabibilangan natin..."

"Tandaan mo, hindi tayo mayaman. Pero kahit gano'n, sa kabila ng mga sinasabi nila at nang ibang tao, hindi sana iyon maging hadlang para sa mga pangarap natin. As you can see, hindi ako nakatungtong sa college. Subalit nagsumikap naman ako na buhayin ang pamilyang ito sa araw-araw..."

"Ate, what if—"

"Huwag mong i-depende ang desisyon mo sa mga 'what if' na naiisip mo, Dream. Life isn't all about what ifs, it's all about final  decisions. Magdesisyon ka, hindi 'yung hanggang sa choices ka lang..."

Kasabay ng pagdampi ng malamig na hangin sa mukha ko ay ang pagtulo ng isang butil nang luha sa kanang mata ko. Sa tuwing naaalala ko ang mga sinasabi ni Ate Kary sa akin, hindi ko talaga maiwasang maiyak. At kung paano niya mas piniling patatagin ang loob niya sa kabila ng mga masasakit na salitang ibinabato sa amin.

I really salute her and really love her. I owe her everything. Siya ang pilit pumupuno sa mga pagkukulang sa amin ni mama kahit alam ko na kailangan niya ring punuin ang sarili niya. She didn't fail to remind me about the reality of life. Iiyak, pero papahirin pa rin ang luha. Madadapa, pero pipiliin pa ring tumayo at i-angat ang ulo upang muling bumangon.

Pagkatapos kong magmuni-muni sa gilid ng oval field ay bumalik na ako sa room namin. Wala pa rin si Hilary. Mukhang hindi pa tapos ang practice nila. Dumiretso lang ako sa upuan ko at tahimik na naupo. Napatingin ako sa isang classmate ko na kanina ko pa nahuhuling patingin-tingin sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin at inilabas nalang ang sketch pad ko. Vacant pa naman. I need to divert my attention into something useful. Baka kasi hindi ko nalang mamalayan na muli na naman akong nahuhulog sa malalim na pag-iisip.

"Hi!" Hindi na siya nakatiis at lumapit na nga ng tuluyan sa akin. Parang kanina kung nakatingin siya ay may atraso ako sa kanya.

Natigil naman ako sa pagguhit at nag-angat ng tingin sa babaeng nasa harapan ko. Pasimple ko ring inayos ang drafting table ko at tipid na ngumiti sa babae.

"Hi..."

"Where's Hilary?" Ngumiti pa ito sa akin sabay tingin sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Nandoon kasi ang bag ni Hilary.

"Ah, may practice sila, bakit?" Hindi naman ito ang first time na nilapitan nila ako, pero madalas lang nila ako kausapin. Kung hindi about sa assignment, at sa grouping, hindi talaga ako nagkakaroon ng kausap dito sa room namin, aside kay Hil.

"Can I sit here?"

Bawal. Gusto ko sanang sabihin iyon pero nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi niya ba nakikita na may bag na nga? Pasimple ko ring inilibot ang tingin ko at nakitang marami pang vacant seat.

"Ah-eh—"

"Good afternoon, Dreamy!" I sighed in relief. Buti nalang at pumasok na si Hilary habang pawis na pawis pa ang buong mukha dahil sa practice. Hindi ko na rin tinapunan pa ng tingin itong nasa harapan ko.

"Shoo, Cynthia! Shoo!" Parang manok na ibinugaw ni Hilary ang babae kaya naman sumama ang tingin nito sa kanya. Lihim naman akong natawa at nag-iwas ng tingin para itago ang ngiti.

"Shoo? Do I look like an animal to you?" naiinis na tanong ni Cynthia.

"Ahm, yes?"

"How dare you—"

Nagulat naman kami ng pabagsak na inilapag ni Hilary ang bitbit niyang tumbler ng tubig at malditang tiningnan ang babae. "Eh kung umalis kana lang kaya at maghanap ng ibang mauupuan? Sira na ba ang mata mo at hindi mo kayang makita ang ibang vacant seat na nasa unahan? Bida ka, teh? Bida?"

"Aba't—"

"Opss! Sorry, huh? Hindi pala kita kilala. Saan ka ulit nag-aral? Transferry ka yata, eh!" pang-aasar pa nito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito niya sagut-sagutin ang babae. As far as I remember, mag-classmate sila sa high school.

"Stop acting like a bitch, Hilary!" Nagtitigan pa sila ng masama bago ko hilain paupo si Hil at agad naman itong sumunod. Akala ko tapos na sila pero may sinabi pa ito.

"Gusto mo itong upuan? Oh, sayo na!" Muli itong tumayo at naghila ng bagong upuan.










A/N: Enjoy reading, Arkiess! Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro