Chapter One

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter One

Classmate

Tahimik lamang akong nakaupo sa upuang nasa bandang likuran. Nakikinig lang ako sa mga tawanan at kwentuhan ng mga classmate kong nakaupo sa bandang unahan malapit sa white board. It's been a month simula no'ng mag-umpisa ang pasukan. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong masyadong ka-close sa mga classmates ko.

Medyo mahirap, pero kinakaya naman. Ayokong makipagsabayan sa kanila kaya mas gusto kong manahimik at magmasid nalang sa gilid. Break time kaya parang mga kiti-kiti silang nagkalat sa loob ng room namin. May iba namang tahimik din sa tabi, pero mas marami ang nag-iingay kaysa atupagin ang task na pinapagawa sa amin.

Muli kong pinulot ang lapis ko at nagsimulang gumuhit. Kailangan kasi naming gumuhit ng sariling logo through free hand drawing. Hindi naman ako masyadong magaling gumuhit, pero kaya ko namang laruin ang bawat linya.

Sabi nga nila, if you can't express yourself through speaking, you can express it all through drawing. Iyon kasi ang isa sa mga kahinaan ko. Hindi ko kayang magsalita ng matagal sa harapan ng maraming tao. Lagi nga akong napapagsabihan ni Ate Kary na wala akong patutunguhan kung paiiralin ko ang pagiging mahiyain ko.

"Hi! Can I borrow your sharpener?" Nilingon ko ang biglang nagsalita sa bandang likuran ko. Isa siya sa mga tahimik din dito sa loob ng room namin. But unlike me, may mga kilala siya dito sa room.

"Sige." Iyon lang ang naisagot ko pagkatapos ay muling ibinalik ang atensiyon sa A4 na vellum paper na nasa harapan ko. Bigla ay na-blanko ang utak ko. Hindi ko na alam kung anong iguguhit ko. Hays! Bakit kasi masyado akong mabilis ma-distract? Hindi ko na tuloy alam kung anong susunod kong iguguhit.

"Anong ginuhit mo?" Muli ay tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako ng tipid sabay pakita sa kanya ng vellum paper ko.

"Bow and arrow ang logo ko. For me, it represents challenges. Itong shell na nasa gitna naman, it represents shelter or house. Kasi 'yun naman ang trabaho natin ng isang architect, di ba? We plan to build a house or building," magiliw kong paliwanag sa kanya. Nakita ko naman siyang tumango at puno ng paghangang nakatingin sa logo na iginuhit ko.

"Ang galing! How about me naman na puro mga linya palang ang nagagawa? Pwede na ako nitong mag-apply bilang lineman!" Tumawa pa ito ng malakas kaya natawa nalang din ako. Napansin ko rin na nakatingin na pala sa aming direksyon ang iba naming classmates.

Muli akong natahimik.

"By the way, I'm Hilary Sy..." pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko. Ilang segundo rin akong natulala sa nakalahad niyang kamay bago ko napag-isipan na abutin iyon.

"Killuie Dream Cortez. You can call me Kill for short," maikling pakilala ko. Nakangiting tumango sa akin si Hilary.

Medyo marami rin kaming napag-usapan. Nalaman ko rin na  schoolmates niya pala ang ibang classmates namin. Kaya pala napapansin ko na medyo close silang lahat dito. Ako lang yata ang nag-iisa na walang kilala sa loob ng room.

After ng class namin sa dalawang major subject, niyaya ako nitong pumunta sa food court. Hindi naman ako tumanggi at sumama nalang. I'm very thankful dahil kahit papano, may nakakausap na rin ako. May pagka-madaldal rin si Hilary, kagaya ng pinsan kong si Dahlia.

"Paano naging pizza roll ito? Eh, hotdog lang naman ang palaman?" nakasimangot pa nitong reklamo habang kumakain ng pizza roll na binili niya. Natawa naman ako pero hindi na sumagot pa. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Itong buko juice din, buko daw pero wala namang buko!" dagdag pa nito. Hindi ko maiwasang mapatulala sa kasama ko dahil puro reklamo ang lumalabas sa bibig nito.

She's right. Wala nga ni isang buko ang naligaw sa buko juice na binili namin. Maliban sa lasang buko siya, hindi talaga siya matatawag na buko juice.

"Siguro nagtitipid sa buko ang tindera kaya 'yung sabaw nalang ang itininda?" naiiling kong tugon. Nagkatinginan pa kaming dalawa kapagkuwan ay natawa nalang dahil sa mga kalokohang naiisip namin.

Hindi rin kami nagtagal sa food court at bumalik rin sa classroom. Tinext ko pa si Dahlia na huwag na akong hintayin dahil may pasok pa ako later, mga 6:00PM to 8:30PM. Baka kasi maghintay na naman ito ng ilang oras doon sa waiting area sa harapan ng registrar, tapos ako pa ang sisisihin niya kung bakit nagutom siya kakahintay.

"Next meeting, please prepare two ¼ illustration boards and rendering materials. We'll proceed to rendering after ng pen and ink activity natin..." paalala sa amin ni Sir Lorhad, instructor namin sa isang major subject, which is Visual Technology.

Tahimik naman akong nakikinig sa mga binibigay nitong instructions, pero ang utak ko ay kung saan-saan na napapadpad. Doon ko lang din na-realized na kulang na ang pera ko para bumili pa ng mga materials na gagamitin. Sakto lang kasi ang perang pinadala sa akin ni mama this week.

Manghiram kaya ako kay Dahlia? Kaso baka kulangin rin siya sa allowance niya. Hays! Sobrang hirap talaga maging mahirap. Kaya hindi ako naniniwala na hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng pangarap natin sa buhay. Kailangan mo talagang maging praktikal sa lahat ng bagay. Dumiskarte para makaahon sa kahirapan.

Hanggang sa uwian ay problemado pa rin ako. Wala akong mahiraman ng perang pandagdag ko sa bibilhin kong materials. Ayoko namang humingi ulit ng pera kay mama. Alam ko kasi na wala rin itong perang maibibigay pa sa akin.

"Uuwi ka sa inyo?" tanong sa'kin ni Hilary habang naglalakad kami papalabas ng main gate. Gabi na pero medyo marami pa rin ang nakatambay sa waiting area ng registrar. Kung titingnan ay parang nakapila sila for appointment, pero ang totoo, nakiki-connect lang sa free wifi for all ng school.

"Hindi, Hil. May apartment ako, kasama ko ang pinsan ko do'n," sagot ko naman. Mukhang natuwa naman ito dahil napapalakpak pa.

"Great! Tambay ako minsan doon sa apartment niyo kapag vacant!" Napatanga naman ako sa sinabi niya.

"Huh? Eh, bawal tumambay—"

"Aysus! Pwede 'yan! Huwag kamo choosy ang landlady niyo! Parang tatambay lang kapag vacant, 'di naman ako do'n titira," reklamo pa nito. Wala na talaga akong masabi sa bunganga ng babaeng ito. Mas demanding pa sa demanding!









A/N: Don't forget to follow, vote and comment, Arkiess! Thank you^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro