Chapter 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

With Him

NAGISING si Xylona sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mukha. Kaagad siyang bumangon ng napagtanto niya na hindi pamilyar sa kanya ang bahay na kanyang hinihigaan. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kubo saka siya napatingin sa kanyang katawan. Kumunot ang kanyang noo nang napagtanto niya na hindi pamilyar sa kanya ang suot niyang mga supot.

Nabaling ang kanyang tingin sa lalaking pumasok sa kubo. Kaagad dumapo ang mga mata niya sa hubad nitong katawan. Napaiwas siya ng tingin ng tumikhim ang binata sa kanya.

"Bakit pala tayo napadpad dito? Hindi ba't nasa syudad na sana tayo, bakit dito ang punta natin?" tanong niya kay Hendrix.

Iniligay muna ni Hendrix ang kanyang mga dalang prutas at gulay sa isang maliit na mesa saka siya lumapit kay Xylona at tinabihan itong umupo.

"Nalunod ang sinasakyan nating bangka kaya tayo napadpad dito." Ani ni Hendrix sa kanya.

Tumayo siya mula sa kanyang hinihigaang kama saka niya inilibot ang kanyang paningin sa kabuuan talaga ng kubo kapag-kuwa'y humarap siya sa binata.

"Kailangan gumawa tayo ng paraan upang makabalik kaagad tayo ng syudad. Hindi pwedeng magtagal tayo dito sa isla na ito." Wika niya sa binata sa nag-alalang tono.

Marami siyang kinatakutan kapag magtagal sila sa isla na iyon. Nasisiguro niya na dumating na ang kanyang asawa galing Spain. Lumabas siya sa kubo saka niya inilibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng isla. Nakita niya ang pagsikat ng haring araw sa ibabaw ng kabundukan. Wala siyang nakikita na kahit anong palatandaan sa paglunod ng kanilang bangka.

Ang nakikita niya lamang sa isla ay ang kubo nila at ang ilang mga bangka na nasa baybayin. Ang dapat ay bumalik na sa sigla nitong kay asul, ang mga kakahuyan naman ay bumalik na sa sigla nitong kinatatayuan. Nasisiguro niya na malayo sa syudad ang isla na kanilang tinutuluyan.

"Pumasok kana sa loob medyo masakit na sa balat ang sikat ng araw."

Nabaling ang kanyang paningin sa lalaking nakatayo sa hamba ng kanilang kubo.

"Ilang araw na pala tayo rito?" Sa halip na sumunod sa sinabi ni Hendrix ay nagtanong siya sa binata.

"Mahigit isang buwan na."

Halos lumuwal ang kanyang mata dahil sa gulat sa sinabi ni Hendrix. Lumapit siya dito saka niya kinapa-kapa ang noo nito kung mainit ba. Baka kasi gino good time lang siya nito o di kaya binibiro lamang.

"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan."

"Do you think I'm kidding. Mahigit isang buwan na talaga tayo rito."

"So, ibig mo ding sabihin ay mahigit isang buwan din akong tulog?" Tanong niya sa binata.

Tumango sa kanya si Hendrix na ikahilamos niya sa kanyang mukha. Mababaliw talaga siya kapag magtatanong ulit siya sa binata. Pumasok na lamang siya sa loob ng kubo saka umupo siya sa kanyang kama na gawa sa kawayan.

TININGNAN lamang ni Hendrix ang pintuan kung saan pumasok ang babaeng pinakamamahal niya. Tumingin siya sa dagat at sa kabilang isla kung saan siya gumawa ng operasiyon para sa mga bata at matatanda. Isang buwan na silang namalagi sa isla pero masaya si Hendrix lalo na't walang naghahanap sa kanila.

Nasisiguro niya na hindi masyadong kilala ang isla na kanilang tinutuluyan. Napatingin muna si Hendrix sa loob saka siya nagpunta sa bahay na tumulong sa kanila.

"Oh! Iho, nagising naba ang iyong asawa." Tanong sa kanya ni Mang Pedring nang makita kaagad siya nito.

Isa rin sa pinagsasalamat ni Hendrix ay walang ni isa ang nakilala sa kanila. Kaya malaya niyang tinatawag na asawa si Xylona kahit ang totoo ay hindi masusuklian ang kanyang naramdaman.

"Gising na ho siya, Mang Pedring."

"Mabuti naman kung ganun, nakatutulong pala ang gamot na ibinigay ko sa iyo, "wika nito habang may sinasandok sa mangkok. "Ito, oh tinulang manok, mainit pa ito't masarap pang kainin." dugtong nito sabay bigay sa kanya ng tinulang manok.

Tinaggap iyon ni Hendrix sabay pasalamat dito, lalabas na sana siya sa kubo ni Mang Pedring nang may nalimutan siyang sabihin rito.

"Mang Pedring yung sinabi ko sa inyo, ha. Kapag may naghahanap sa amin dito ang sabihin mo na wala kang kilalang Hendrix at Xylona."

"Naipasok ko na iyan sa aking utak, iho."

Nginitian lamang ni Hendrix ang manong saka na siya tuluyang nagpaalam rito. Nang pabalik na siya sa kanilang kubo ay may nakita siyang bangka sa di kalayuan sa kanilang isla. Lakad-takbo ang kanyang ginawa upang kaagad niyang marating ang kanilang kubo. Kaagad siyang pumasok sa kabahayan at isinarado niya ang pinto.

Napatingin sa kanya si Xylona na may nagtatakang tingin. Nginitian niya lang ito ng hilaw saka bahagya siyang tumingin sa bintana. Nakita niyang unti-unti ng lumayo ang bangka kaya nakahinga siya ng maluwag. Hangga't maaari ay itatago niya muna si Xylona sa mga taong naghahanap sa kanila. Hindi pa siya handang makita si Xylona na makitang masaya sa piling ng kanyang kapatid.

"HINDI kaya patay na si Xylona,"

"Nay!"

Lumabas na lamang si Zoee sa kanilang bahay dahil sa inis niya sa kanyang ina. Parang pang isang daan na niyang narinig sa kanyang ina ang salitang hindi kaya patay na si Xylona. Mahigit isang buwan na ang lumipas simula nung nalunod ang bangka na sinasakyan nina Xylona.

Hindi naman tumigil sa paghahanap si Haydyn dahil baka daw nasa kabilang mga isla lamang ang mga ito. Bumalik ulit siya sa loob ng kanilang bahay upang kunin ang kanyang sling bag na nasa kanyang silid. Nagpunta siya sa likod ng kanilang kusina at nagpaalam muna siya sa kanyang ina na pupunta muna siya sa bahay ng mga Luna.

Isang oras ang dumaan bago siya nakarating sa village kung saan nakatayo ang bahay ng mga Luna. Bago siya pumasok sa village ay pinakita niya muna ang kanyang valid ID sa security guard na naababantay sa gate. Araw-araw kasing pinapalitan ang mga guwardiya sa kanilang village kaya kapag may bibisitahin kang nasa loob nito ay kailangan mong magpakita ng valid ID upang makasiguro sila sa kaligtasan ang nasa loob.

Pinindot niya ang botton ng door bell nang makarating siya sa bahay nina Hendrix. Binati niya ang kasambahay na si Teresa nang binuksan nito ang malaking gate. Nang makapasok siya sa loob ay kaagad siyang nagtanong sa mayordona kung na saan ang kanyang Tita Margarith. Kaagad niya itong pinuntahan sa harden at doon nakita niya itong nakatanaw sa malayo.

"Hi, Tita!" Bati niya dito.

Binalingan siya ng tingin ni Margarith saka ito ngumiti ng tipid. Umupo siya sa bakanteng upuan na gawa sa metal saka niya hinawakan ang kamay nito. Muli na namang nagsilabasan ang mga luha ni Margarith habang ang ang paningin nito ay nasa mga bulaklak na.

"Paano nalang kung nawala o namatay talaga sila, Zoee? Hindi ko pa kayang mawalan ng isang anak. Hindi." Mahinang wika nito sabay punas sa mga luha na patuloy na dumadaloy sa pisngi nito.

"Para ho sa akin, walang masamang nangyari kina Xylona at Hendrix. Baka nga ho nasa kabilang isla lamang ito kung saan kami gumagawa ng operasiyon, diba. Saka, ho Tita huwag kayong mag-isip ng ganyan, segi ka ho pag-umuwi yung dalawa dito baka pagalitan ka nila dahil ang payat muna."

Natawa na lamang si Margarith saka sila tumayo upang pumupunta ng kusina. Malaki ang tiwala niya na buhay ang kanyang kaibigan at si Hendrix at nasa kabilang isla lamang ito tumutuloy.

Chapter 32 will be coming!

___________________________________________________

A/N: [ The most painful thing in life is losing yourself in the process of valuing someone too much and forgetting that you are special too. You ARE special too! ]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro