Chapter 32

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

                             RESCUE

MASAYANG lumulutang si Xylona sa ibabaw ng dagat habang tinatanaw niya ang kalangitan. Malamig ang tubig at pasapit na din ang gabi. Inaabangan niya muna ang sunset bago siya aahon sa dagat. Inalis niya muna sa kanyang isipan ang mga posibleng mangyari kapag bumalik na sila ng syudad.

"Xylona, umahon kana diyan malamig na ang dagat baka ginawin ka!" Sigaw ni Hendrix sa di kalayuan sa kanya.

Mahina siyang natawa saka siya dahan-dahang lumutang patayo sa tubig. Hinarap niya ang binata at kinawayan niya ito.

"Okay lang ako dito! Halika't sabayan mo ako sa pagligo dito!" Sigaw niya pabalik sa binata.

Kumaway lang ito saka ito umiling tanda na ayaw niyang maligo sa dagat. Simula nang nagising siya naging protektado at maingat si Hendrix sa kanya. Limang araw pa lang ang lumipas pero unti-unti na niyang nakilala si Hendrix. Walang mga araw na hindi siya nito tinatampalan sa noo dahil tutulong talaga siya sa mga gawaing bahay. Ang ginagawa niya na lamang palagi ay kumain, matulog, manuod ng sunrise at sunset saka ito ulit sa susunod pang mga araw.

Masaya siya at alam niya na din ang ugali nito. Pero, para sa kanya si Hendrix ay para na rin niyang kapatid. Nag-iisang anak lamang siya kaya uhaw siya na magkaroon ng kapatid na lalaki. Ang kanyang naramdaman kay Haydyn ay hindi niya pwedeng ipagsawalang bahala at ibigay ito sa iba. Kahit gaano pa ka walang puso ang kanyang asawa ay minahal niya pa rin ito sa kung sino at kung ano ito.

Isang malungkot na ngiti ang kanyang pinakawalan habang siya ay tinatanaw ang paglubog ng haring araw. Pangarap niya noon na sa susunod na tingnan niya ang paglubog ng araw ay makakasama na niya ang kanyang minamahal. Napayakap siya sa kanyang sarili ng humampas sa kanya ang simoy ng lamig sa hangin. Napagpasyahan niya na bumalik sa kubo.

Pagdating niya doon ay kaagad siyang inabutan ni Hendrix ng tuwalya. She smiled to him before she cover the towel in her body. Pumasok na siya sa loob ng kubo saka naman lumabas si Hendrix upang bigyan siya ng privacy.

"Wala ka pa bang nakikitang mga rescuer na dumating?" Tanong ni Xylona habang nasa hapag kainan na sila.

"Wala pa, bakit?" Balik na tanong ni Hendrix sa kanya.

"Hindi ba natin pwedeng gamitin ang bangka na nasa dalampasigan upang makabalik tayo ng syudad."

"We're not able to use the boat here aside nalang kung taga dito tayo."

Napasimangot nalang si Xylona saka siya nagpatuloy sa pagkain. Parang nakikita niya sa mga mata ni Hendrix na ayaw atang bumalik sa syudad.

Isang tahimik na gabi ang naramdaman ni Xylona habang siya ay nasa dalampasigan. Tanging bilog ng buwan at bituin ang kanyang nakikita sa isla na iyon. Payapa. Yan ang kanyang maipaliwanag habang pina kiramdaman niya ang isla. Hindi kagaya sa syudad na maingay at malapit sa pollution. Iba talaga kapag nasa isla ka at malayo sa lugar kung saan marami kang makukuha at malalanghap na mga sakit.

"Bakit tila malalim ang iyong iniisip?"

Nabaling ang kanyang paningin sa lalaking tumabi ng upo sa kanya.

"Gusto ko ng bumalik sa syudad, Hendrix." Wala sa sariling wika niya sabay tingin ulit sa dagat.

Hindi niya maitatanggi na nagustuhan niya ang lugar na ito. Pero, kapag pumasok sa kanyang isipan si Haydyn ay parang gusto na niyang umuwi. Kung hindi lang sana malayo ang pagitan ng isla at syudad ay baka noon pa niya ito nilakad. Ano na kaya ang ginawa ni Haydyn ngayon? Hinanap ba siya nito? Hindi kaya ito nambabae? Marami siyang mga katanungan na hindi niya masasagot. Nagpa kawala siya ng buntong hininga saka tiningnan ang bilog ng buwan.

"Hindi ka ba masaya na narito tayo?" Tanong ni Hendrix sa kanya kaya napatingin siya dito.

Ganun nalang ang kanyang gulat nang biglang sakupin ang kanyang mga labi. Isang malakas na sampal ang naibigay niya kay Hendrix saka siya tumayo mula sa buhangin.

Babalik na sana siya sa kanilang kubo nang biglang hawakan ang kanyang palapulsuhan ni Hendrix. Tumayo ang binata upang magpantay sila at saka siya nito yinakap ng mahigpit. Hindi niya tinugon ang yakap ni Hendrix kaya pinakawalan din siya.

"I'm sorry if I kiss without your permission. Gusto ko lang naman ipakita sayo na nandito lang ako sa tabi mo. Ganun ba ang pagkadisgusto mo sa akin at atat ka ng umuwi ng syudad?" Tanong ni Hendrix sa kanya.

Kaagad siyang lumayo sa binata at pinukol ito ng masamang tingin.

"Hendrix, hindi mo ba naintindihan ang aking sinabi noon na hanggang kapatid lang talaga ang turing ko sayo.  Nothing more but only a brother. You should respect for what my decision towards your feelings. Huwag mo naman gamitin ang panahon na kahit nandito tayo sa isla ay pansamantala mo ako." Wika niya dito sabay walk-out.

Hindi siya makapaniwala na ginawa iyon ni Hendrix sa kanya. Napailing na lamang siya saka kaagad siyang pumasok sa kanilang kubo.



"Hendrix, hindi mo ba naintindihan ang aking sinabi noon na hanggang kapatid lang talaga ang turing ko sayo.  Nothing more but only a brother. You should respect for what my decision towards your feelings. Huwag mo naman gamitin ang panahon na kahit nandito tayo sa isla ay pansamantala mo ako."

Nagpaulit-ulit sa isipan ni Hendrix ang mga katagang binitawan ni Xylona noong nagdaang gabi. Ang akala niya ay nakalimutan na nito ang lalaking laman ng puso at isip sa dalaga, pero parang nagkakamali ata siya. Hindi naman kasi niya matanggap na hanggang kaibigan lamang ang kanilang turingan. He want more than friends!

Pero, hindi siya titigil hangga't hindi magiging sa kanya si Xylona. Ipaglalaban talaga niya ang kanyang naramdaman tungo kay Xylona.

"Tama muna iyan, Hendrix. Kumain ka muna," kaagad siyang napatingin sa dalaga at nginitian niya na lamang ito.

Malaki ang kanyang pasalamat lalo na't hindi marunong magalit si Xylona kaya nung gabing iyon ay humingi siya ng tawad sa ginawa niya at pinatawad din siya nito.

"Maya na, aayusin ko lang ito sandali." Ani niya saka tinuloy ang pag-aayos ng mga yelo.

Habang nasa kalagitnaan siya sa pag-aayos ng mga yelo ay may narinig siyang tunog ng mga bangka. Kaagad lumukob ang kaba sa kanyang dibdib na baka na tunton na talaga sila. Bababa na sana siya upang pigilan ang dalaga na hindi lumabas ng kubo nang ito ay bigla lamang tumakbo sa baybayin. Dali-dali ang kanyang pagbaba habang hindi niya napigilan ang pagmura.



Chapter 33 will be posting!

__________________________________________________________

A small encourage word:

    ~ Today is one of it's kind; it won't come again. Bring joy to someone, speak good words and use them to heal, encourage others and learn to care.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro