Chapter 49

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

SEEING HER AGAIN

NAPAKUNOT ang nuo ni Zoee ng biglang sumigaw ang kanyang ina papasok sa kanilang sala. Nakita niya ang takot rito na ika kunot niya lalo.

"Nay, anyari sayo, para kang nakakita ng multo." Wika niya sa ina.

Hingal namang tumingin sa kanya ang kanyang ina, "Multo talaga yung nakita ko anak. Minumulto ata tayo ng kaibigan mo! My ghad, naman Zoee hindi muna ba binisita ang kaibigan mo sa sementeryo!" Takot na singhal ng kanyang ina sa kanya.

"Nay, anong multo pinagsasabi mo diyan. Alam mo nay, dahil iyan sa kakanuod mo ng horror movie sa gabi, eh. Yan ang naging resulta."

"Anak, totoo nga yung sinabi ko. Bakit hindi mo puntahan sa labas ng sa ganun malaman mo."

Wala naman sa sariling sumunod si Zoee sa ina saka nilabas niya ang bahay. Pero, ganun na lamang ang kanyang gulat ng makita niya kung sino ang nakatayo sa kanilang gate. Isang magandang babae na kumakaway sa kanya. Pamilyar sa kanya ang babae kaya wala siya sa sariling tumakbo pabalik sa loob.

"Oh, ano, bakit ka tumakbo pabalik rito. Ano rin naman ang nakita mo?" Tanong naman sa kanya ng ina.

"Nay. Nay, minumulto na ata tayo ng kaibigan ko." Mangiyak-iyak niyang saad sa ina.

Bahagya pa silang nagulat mag-ina ng may kumatok sa pinto. Nagkatinginan sila saka sabay napatingin sa pinto na nakasara.

"I lock mo ang pinto, anak. Dali!"

"Nay, multo iyan kaya, kaya iyang pumasok kahit naka sara ang pinto."

Napatingin naman silang mag-ina ng lumapit sa pinto ang pangatlong kapatid ni Zoee. Nagpatuloy sa pagkatok ang nasa labas ng kanilang bahay.

"Nay, Ate, bakit nakatayo lang kayo diyan? May kumakatok sa labas hindi niyo pinagbubuksan. Anyari, sa inyo?" Tanong ng pangatlong kapatid ni Zoee, na walang alam sa nangyari.

"Anak, huwag mong buksan dahil multo iyan. Si ate Xylona mo iyan."

"Nanay, talaga oh. Buhay naman talaga si ate Xylona nakasalubong ko po siya kanina sa kanto. Bakit hindi niyo pinagbuksan, nay?" Tanong ulit ng kapatid.

Walang pasabi-sabi na binuksan nito ang pinto at doon nakita nila ang babaeng kinatatakutan nila.

"Hi, Tita. Hi, Zoee."

"Ahhh! Ahhh!"

Sigaw nilang mag-ina. Bigla namang napatingin si Zoee sa ina nang bigla itong nahimatay.

PARANG nakunsensiya naman si Xylona sa nangyari sa ina ni Zoee. She didn't mean to scare her best friend mother. Ang alam kasi ng lahat ay patay na siya dahil sa hindi niya pagkikita dalawang taon na ang nakalipas.

Habang tulog pa ang ina ni Zoee ay kinuwento niya sa kaibigan ang lahat. Gulat at galit ang nakikita niyang reaksiyon dito dahil sa ginawa ni Patricia.

"So, tama pala ang hinala namin na si Patricia ang may gawa niyan sayo. Si Patricia ang dahilan kung bakit bigla ka na lamang nawala," wika ni Zoee sa kanya. Tumayo ito at naka pamewang na humarap sa kanya. "Alam mo ba kung anong pinagsisinungaling ang pinagsasabi ng babaeng iyon para mapaniwala kami. Sinabi niya pa na wala siyang kinalaman sa pagkawala sayo. May pa iyak-iyak effect pa, yun naman pala siya ang gumawa!" Sigaw ni Zoee sa galit kaya hinawakan niya ito sa kamay.

Kumalma naman ang kaibigan at bumalik ito sa kanyang tabi.

"So, sino naman ang nagligtas sayo? Hindi mo pa sinabi sa akin ang pangalan, eh. Siya rin ba ang nag-alaga sayo?"

Matamis muna siyang ngumiti bago niya sinagot ang tanong nito, "si Hendrix. Si Hendrix ang nagligtas sa akin mula sa ilalim ng mga pangyayari. At, siya rin ang nag-alaga sa akin, sa amin ni baby I mean."

"Si Hendrix. Magkasama kayo ng dalawang taon?" Para namang nalungkot ito bigla.

Kinurot niya ang tagiliran nito kaya napatingin ulit ang kaibigan sa kanya.

"Ginawa niya lang iyon bilang kaibigan at wala ng iba. Wala namang kapalit ang lahat, Zoee. Alam mo bang sinabi ko sa kanya na may naramdaman ka sa kanya. Kaya nga nung luluwas na kami rito, higit pa sa saya ang kanyang naramdaman." Pagku-kuwento niya sa kaibigan.

"Hindi ako naniniwala."

"Oh, edi tawagan natin ng sa ganun maniwala ka."

Aakmang tatawagan na niya sana si Hendrix ng pinigilan naman siya ni Zoee. Napakamot pa ito batok bago siya tiningnan ng nakasimangot.

"Ito naman, hindi mabiro. Saka, ayaw ko nang paasahin ang sarili ko na kaya akong mahalin ni Hendrix, no. Walang-wala ako sa mga nobya niya noon. Saka, ayaw niya sa mahirap. Kaya impossible talaga na magugustuhan niya ako."

Tinampal niya ang noo ng kaibigan dahil sa sinabi nito. Ano bang pinagsasabi nito? Mahilig na ba itong manood ng kdrama at kung pakapagsalita parang pelikula lang ang peg? My ghadness, Zoee!

"Alam mo ikaw, ang sarap mong ipakain sa tigre ng mahismasan ka. Anong drama ba ang napanood mo at nagkaganyan kana. Mahirap naman ako, bakit nagpakasal si Haydyn sa akin?" Bigla niyang naalala na hindi pala siya gusto ni Haydyn ng mga panahon na iyon. "Mali, hindi pala ako nagustuhan ni Haydyn noon. It was just a force marriage. Alam mo Zoee, wala naman iyan sa kung ano ang estado mo sa buhay, eh. Kung parehong tumitibok ang mga puso niyo, o pareho kayo ng naramdaman ay okay na iyon." Saad niya rito sa kaibigan.

"Pero, wala akong gandang taglay na kagaya niyang sayo."

"Walang pangit ang ginawa sa atin, Zoee. Ang makapag pangit lang natin ay iyong ugali natin. Hmm."

Ningitian lamang siya ni Zoee saka yinakap ng mahigpit.

"Maiba pala tayo, noong mga panahon na tinulak ka ni Patricia sa tubig nakunan kaba nun?" Umiling siya.

"So, ibig sabihin buhay ang inaanak ko!" Masaya nitong sabi sa akin. Tumango lamang si Xylona.

"Babae siya. Lalaki. O, kambal. Di kaya triplets."

Napailing na lamang si Xylona dahil sa sunod-sunod na tanong ng kanyang kaibigan, halata rito ang saya na makita ang kanyang anak.

"She is my little angel and a princess. My little baby Zydielle Zydyn."

"O to M to the G! Babae Yung baby mo! Your mini little version."

Napasimangot na siya sa sinabi ni Zoee, "Sana nga mini version ko." Saad niya rito.

Kunot-noo namang tumingin si Zoee sa kanya.

"So, ibig mong sabihin, na kay Haydyn kamukha? Aba, ginalingan talaga niya upang sa kanya magmukha. Dapat nung mga panahon na ginawa niyo iyon ay pumaibabaw ka sa kanya ng sa ganun sa iyo ang mukha."

Nag-init ang pisngi niya dahil sa sinabi rito. Hindi na lamang niya iyon pinansin kapag kuwa'y tumingin siya sa relong pambisig.

"Zoee, I need to go. Baka hinanap na ako ni Zydielle, ngayon. Iniwan ko pa naman iyon ni Hendrix baka naghahanap na iyon ng madidihan."

"Oh, segi ingat kaha. Saka, sa susunod mong punta rito dalhin muna ang anak mo."

Tumango siya saka yinakap ito ng mahigpit. Tiningnan niya muna ang ginang na hindi pa rin nagising hanggang ngayon. Nang lumabas na siya ng bahay ay masaya na siya ng makita niya ang kaibigan.

Her next plan was to crazy and scared Patricia.

I'm going to your condominium Patricia. Be the hell ready!


Chapter 50 will be posting!

______________________________________________________



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro