Chapter 50

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

THE TRUTH

MASAYANG pumasok si Zoee sa loob ng mansion sa mga Luna. Excited na siyang ibalita rito na buhay si Xylona. Inilibot niya ang paningin sa loob ng kabahayan at ng hindi niya makita ang may-ari ng bahay ay bigla na lamang niyang kinalabit si Lanny.

"Sorry, magtatanong lang sana ako kung nasaan sina Tita Margarith?" Tanong niya rito.

"Nasa harden po sila ma'am."

Tinanguan niya lang ang katulong saka siya naglakad patungo sa harden.
Aakmang tatawagin na sana niya ang ginang ng may marinig siyang kausap rito. Sa likod ng malaking halaman na nasa harden ay doon siya nagtatago. Mula roon nakita niya ang ginang, si Haydyn at si Patricia.

"Nagka usap daw kayo ni daddy, kahapon. So, what's your plan? Are you gonna come with us?" Masaya nitong wika kay Haydyn.

Kahit gusto nang sumulpot ni Zoee sa kanilang pag-uusap ay pinilit niya lamang pinigilan ang sarili.

"Patricia, how many times, do I have to tell you that I'm not going to you at New York. I have a life here, I can't easily leave. And, also my family is here, wala doon sa New York ang buhay ko. Narito sila, naintindihan mo ba iyon?"

"Patricia, bakit kailangan isama mo pa ang anak ko. Why it seems na hindi ka mapakali?" Tanong ni Margarith sa dalaga.

Mula naman sa kanyang pinagkakataguan ay nakita niya ang dalaga na hindi mapakali.

"Tita, kung gusto niya po ay sumama kayo sa amin. We can start a new life there. Saka, pwede mo namang ipagkatiwala ang kompanya sa mga empleyado mo na mapapagkatiwalaan." Saad nito.

Ano ang ba ang nangyari sa babaeng ito at hindi mapakali. Pero, kataka-taka ang mga kinilos nito parang gusto nitong ilayo si Haydyn.

Nang hindi na mapigilan ni Zoee ang pagtatago sa likod ng halaman ay lumabas siya mula roon.

"Oh, Patricia your here? It's been two years and I thought you change. But, maybe I assume about you. Wait, what are you doing here pala?" Tanong ni Zoee habang naglalakad siya palapit rito.

Ang kanyang mga kamao ay handa ng sumamba sa mukha ng dalaga. Naalala niya palang kung ano ang ginawa niya sa kaibigan nito ay kumukulo na ang dugo niya.

"Iha, na bisita ka ata ngayon."

"Tita, I have some good news to tell you. Magugulat ka kapag malaman mo ito. Pero, dapat nandoon din si Haydyn."

Nagtataka namang tumingin sa kanya ang ginang pero binigyan niya lamang ito ng matamis na ngiti. Bumaling siya Kay Haydyn na naka pamulsa habang taas noo siyang tiningnan. Saka, siya bumaling kay Patricia na parang takot.

You are trap now, Patricia!

Sabay silang pumasok sa loob ng mansion at dumeretso sila sa living room. Si Haydyn at Margarith ang magkatabing umupo habang siya namang ay nasa pang isang sofa at si Patricia ay nasa katapat nina Haydyn.

"So, what is this about, Zoee? Make sure na seryoso ito. I waste my time of work because of what you said na kailangan nandoon din ako. So, speak!"

"Aba! Hoy, marunong kang mag-antay, ha. Mas importante ito, kaya mag-antay ka. Remember, patient is a virtue." Matamis siyang ngumiti rito bago siya kumindat rito, nang-aasar.

Umayos na siyang umupo at tiningnan niya isa-isa ang mga tao.

"First, of all. I have some good news to tell y'all, but before we go that. I just wanna know you all that Patricia was just lie to us," nagtataka namang tumingin sa kanya si Patricia. Nakita niya ang paglunok nito kaya hindi niya maiwasang mapangiti sa likod ng kanyang seryosong mukha.

"What do you mean?" Margarith asked.

"Naalala niyo ba noong mga panahon na sinabi niya sa atin na wala siyang kinalaman sa pagkawala ni Xylona. Nagsisinungaling lang siya nun! Ang totoo siya ang dahilan kung bakit nawala si Xylona. Pinilit niyang pinasakay si Xylona sa bangka at dinala niya ito sa gitnang bahagi ng karagatan kung saan walang tao na makakita sa kanyang ginawa. Mabuti nalang at may isang taong sumunod sa atin hanggang sa sinundan din niya si Patricia at Xylona." Kalmado ngunit galit niyang binibigkas bawat salita.

"What are talking about, Zoee? Sinabi ko na sa inyo na wala akong kinalaman sa pagkawala ni Xylona. Teka, bakit mo ba hinukay ulit ang tungk diyan?"

"Bakit, takot ka bang malaman nila ang totoo? At, may nakapagsabi sa akin na ng makita mo daw siya takot na takot ka. Baka, bukas o sa makalawa niyan ay sa mental ka na namin makikita."

Dahil sa sinabi ni Zoee ay galit na tumayo si Patricia at biglang sinugod si Zoee. Mabuti na lamang at na alerto si Zoee kaya sa halip na siya ang sampalin ni Patricia, siya na ang sumampal kay Patricia. Gulat namang tumingin sa kanya ang dalaga.

"Hayop ka talaga kahit kailan Zoee! Bwesit ka!"

"Oh, Haydyn, may I ask you? Are you gonna come with here going to New York? Yes or No lang ang sagot."

"Of course...no"

Matamis siyang ngumiti rito bago binalingan ng tingin ang dalaga.

"Okay, that's a good enough for me. At, ikaw naman Patricia alam ko naman na gusto mo lang ilayo si Haydyn kay Xylona. Takot ka lang na magtagpo ulit ang kanilang landas kaya pinipilit mo siyang sumama sa iyo. Right?"

"What do you mean by that, iha?"

"Xylona, is alive Tita. Nakabalik sila rito noong nakaraang araw lang, kasama ang nagligtas sa kanya at ang anak niya. And, sinabi niya sa akin na may papasabugin daw siyang katawan sa makalawa. Hindi kaya yung nagtulak sa kanya sa dagat ang babaliwin niya."

Nanlisik ang mata ni Patricia na tumingin sa kanya.

"Tita, Haydyn, huwag kayong maniwala diyan. Saka, magtiwala kayo sa akin wala talaga akong kinalaman sa pagkawala ni Xylona. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi nitong si Zoee. Marahil binibilog niya lang ang ulo niyo."

"Aba, baka ikaw ang bumibilog sa ulo nila! Ang sabihin mo takot ka lang na mawala si Haydyn sayo!"

"Bakit nakausap mo ba siya? Aba, baka ikaw ang nagsinungaling dahil gusto mo lang na pigilan sila sa pag-alis. Alam ko naman kung anong mga klase ang kagaya. Your a gold digger!"

"Yan, ba talaga ang tingin mo sa mahihirap, Patricia De Jesus."

Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Zoee nang biglang pumasok ang isang dalaga sa living room. Lahat sila ay gulat na tumingin dito.

And, she's back!

Chapter 51 will be posting!

______________________________________________________

A/N: Last 3 chapters before we go to the Epilogue!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro