Kabanata 49

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 49

Rozen Elizalde

Hinatid ako ni Warren at Joey sa bahay. Nag aalala parin ako kay Noah. Hindi maalis sa isip ko yung nangyari sa kanya. Nakipag away pa siya at nalasing. Pagkatapos ay biglaan niyang sinabi sa akin na mahal niya ako.

Kinaumagahan, naghanda na agad ako para sa school. Malapit na ang finals kaya kinailangan ko ng mag handa sa mga requirements. Maaga ang finals namin dahil gagraduate na.

"Coreen, ipagpatuloy mo parin yung pagtatrabaho sa bank pagkagraduate, ah?" Sabi ni mommy.

Tumango na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. Pupunta na kasi ako sa school para tapusin ang mga requirements. Kinakabahan din ako, gusto kong makita si Noah at icheck kung okay lang ba siya. Kaya lang magiging busy ako ngayon sa school.

Kaya nang nasa school na ako at inaasikaso ang requirements ko, laking gulat ko na lang nang nag materialize si Noah sa gilid ko.

"OH MY GOD! NOAH!" Sigaw ko sabay hawak sa pisngi niyang may band aid ngayon.

Tumikhim siya at tinitigan ako habang nag aalala sa kanyang pasa.

"A-Are you okay? Hang over? Masakit ba?" Tanong ko.

"I'm okay." Marahan niyang sinabi. "Sorry nga pala. Inabala ka pa nila."

"That's okay, Noah. Syempre, hindi kita pwedeng pabayaan."

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Oo nga pala. Ako yung nang iwan sa kanya doon kaya kasalanan ko. Ako yung nagpabaya sa kanya.

"Tsaka... sorry kagabi. Umalis ako. Si Rozen kasi..."

"Okay lang." Tumango siya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ako ang unang nag iwas ng tingin dahil masyadong nakaka awkward, lalo na tuwing naaalala ko na may sinabi siya sa akin habang tulog siya.

"Si Megan kaya, okay lang?" Tanong ko.

"I don't care about her." Diretsong sinabi ni Noah. "That's what she get, Coreen."

Napalunok ako.

"H-Hindi ka naman niya tinigilan kahit alam niyang may girlfriend ka ah?" Sabi ko.

"That's because you weren't there."

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway dahil sa utas niya.

"Sorry." Sabi ko. "N-Next time di na kita iiwan. Lalo na pag nandyan si Megan."

"Okay, thank you, Coreen. That's all I ask."

Nilagay niya ang takas na hibla ng buhok ko sa tainga ko. Tumindig ang balahibo ko, hindi dahil sa ginawa niya kundi dahil sa naaninag ko si Rozen sa likod ng kapatid niya.

"Noah..."

Agad kinwelyuhan ni Rozen ang walang ka malay-malay na si Noah.

"Shit!" Sabay tulak ko kay Rozen.

Kitang kita sa kanyang mga mata na high blood siya dahil nakita niya na naman ang kapatid niyang kasama ko. Well, yes, naiintindihan ko siya. Kaya lang, hindi ito ang tamang panahon para mag away silang dalawa. Nakakaawa si Noah.

Tumawa si Noah sa ginawang pagkwelyo ng kapatid niya.

"What, Rozen?" Humalakhak ulit siya.

"Ba't ka nandito?" Malamig na tanong ni Rozen.

Hinawakan ko ang kamay ni Rozen at hinawi ko ang kamay niyang naka kwelyo kay Noah.

"Kinakamusta ko lang si Coreen. Oh, ba't ka galit?"

Marahas na binitiwan ni Rozen ang kwelyo ni Noah. Inayos naman ni Noah ang damit niya. Nagkatitigan silang dalawa. Yung tipong isang kalabit na lang ay magsusuntukan na.

"Ano ba kayo!? Tama na nga! Rozen! Tama na!" Sigaw ko.

Napatingin si Rozen sakin. Mabilis ang kanyang pag hinga at may bahid pang pagkainsulto ang kanyang ekspresyon.

"Kuya, noon nga sagad kang maka istorbo sa aming dalawa. Tapos ngayon, hinihiram ko lang sandali, magwawala ka na-"

Kinwelyuhan ulit ni Rozen ang kapatid niya. Ngayon, mas mariin na ang kanyang pagkakahawak na medyo nairita si Noah.

"ROZEN! TAMA NA NGA! NOAH!" Sigaw ko sabay tulak palayo sa kanilang dalawa. "Ano ba kayo? Nasa school tayo!"

Buti na lang at nasa school grounds kami. Yung mga nakakakita ay yung mga walang pasok lang at palaboy-laboy dito. Ganunpaman, nakakahiya parin dahil pinagtitinginan na kaming tatlo.

"Ano, Coreen? Noah parin ba?" Nakita ko ang nag aalab na tingin ni Rozen sakin.

Agad akong umiling. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Narinig ko namang tumawa si Noah.

"Ano, Rozen? Bwisit ka rin, ano? Nang iinsulto ka ba? Sayo nga sumama kahapon diba?" Sumugod si Noah kay Rozen at umambang susuntukin ang kapatid niya.

Wala akong ginawa kundi ang patuloy na pumagitna sa dalawa.

"Ano ba kayo?" Sigaw ko.

Pinipiga na ang puso ko. Parang hindi ko kayang nakikita silang dalawa na ganito. Totoo, hindi ko pa sila nakikitang sobrang magkasundo. Ever. Pero ayaw ko silang makitang ganito ka tensyonado sa isa't-isa.

"Tama na, Rozen." Sabay lingon ko kay Rozen. "Noah, please."

"Tsss." Umiling si Rozen pero hindi naalis ang pagkamuhi niya.

"Tinulungan kita kahit wala ka dito dahil alam kong mahal ka niya! Kaya wa'g mo akong papakitaan ng ganyan!" Sigaw ni Noah.

"Noah!" Madilim kong utas.

Hindi ko na kayang marinig ang pagbabangayan ng dalawa.

"Pwede ba!? Tama na nga yan!"

"Ewan ko sayo, Coreen." Malamig na sinabi ni Rozen tsaka tinalikuran kaming dalawa ni Noah.

Nalaglag ang panga ko nang nakita siyang humakbang palayo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, agad kong hinablot ang braso niya para hindi siya makaalis ng tuluyan.

Lumiwanag ang kanyang mukha tsaka nilingon ako.

"Paalisin mo yang Noah'ng yan! Mag kita tayo sa sasakyan ko in 5 minutes. I want you there with me!" Utos niya.

Pinakawalan ko siya at hinayaang umalis. Lumabas siya ng school kaya malamang ay nasa labas niya ni park ang sasakyan niya. Napalunok ako tsaka bumaling kay Noah. Nakita ko ang mapupungay na mata ni Noah.

"Please, Coreen. Alam kong kayo na."

"Hindi pa kami." Pagtatama ko.

"You will be together soon enough. Please, just pretend to be my girlfriend pag nandyan si Megan."

"Noah..." Bumuntong hininga ako.

"That's the only way I can get rid of her, Coreen."

"I don't know." Ginulo ko ang buhok ko.

Hindi ko kayang iwan si Noah, pero hindi ko rin kayang iwan ako ni Rozen. What will I do? Siguro dapat ko nang sabihin kay Rozen na kailangan ako ni Noah. Siguro naman ay maiintindihan niya yun. Kapatid niya si Noah at kilala ni Rozen si Megan. He will understand, surely! Who am I kidding? Hindi maiintindihan ng Rozen na iyon kung bakit kailangan kong gawin ito for Noah's sake... because Noah needs me.

"Okay, Noah, Sasabihin ko kay Rozen." Desisyon ko. "But I'll have to leave you now."

Tumango siya at niyakap ako, "Thank you, Coreen."

Hinaplos ko ang likod niya nang magkayakap kami bago ko siya tinalikuran. Diretso ang lakad ko palabas ng school, papunta kay Rozen. I have this strange feeling... No, Coreen, hindi ka pwedeng umalis ng school at sumama na lang sa kapritso ni Rozen. Ang dami mong kailangang tapusin sa school. You should prioritize your studies.

Kinagat ko ang labi ko. Lalo na nang nakita ko si Rozen na nakasandal sa sasakyan niya at mabilis na naninigarilyo at nakatingin sa kawalan.

Unti-unti akong nagdahan-dahan sa paglalakad. Pinagmasdan ko siyang mabuti habang bumubuga ng usok sa sigarilyo. Smoker. Nakita ko rin ang isang palumpon ng bulaklak sa taas ng sasakyan niya.

Tumigil ako sa paglalakad. Naagaw ko agad ang atensyon niya. Lumingon siya at kumuyom ang kanyang panga bago inupos ang sigarilyo. Humalukipkip siya at hinintay na makalapit ako sa kanya. Humakbang ako ng paunti-unti.

Nagkatitigan lang kami. Suminghap siya nang narealize na masyado akong mabagal maglakad. Inabot niya ang kamay ko tsaka hinila palapit sa kanya.

"Sorry." Nag iwas ako ng tingin.

"Alam ko kung anong ginawa mo kagabi." Matabang niyang sinabi.

Kinagat ko ang labi ko, "Sorry."

"Ano? Talo na naman ba ako ni Noah?" Medyo desperado ang boses niya nang tinanong ako nun kaya tumingala ako.

"Hindi! Ano? Bakit ako nandito kung si Noah pala?"

"Bakit di mo sinabi sakin kagabi na umalis ka para puntahan si Noah? Ha? May dapat ba akong malaman?"

Kahit na seryoso kaming dalawa ay parang natatawa ako sa sinabi niya. Kung makapagsalita parang kami na. Parang nangangaliwa lang ako sa aming relasyon, ah?

Hindi ko mapigilan ang pag angat ng labi ko. Nanliit ang mata niya at tinignan ang labi kong nakangisi. Ngumuso ako para hindi niya iyon mahalata.

"You're so heartless." Aniya. "Tuwing nasasaktan ako parang ang saya mo!"

"Ha? Di ah! Eh kasi... ikaw! Anong dapat mong malaman? Mag kaibigan lang kami ni Noah! Bakit naman kita iistorbohin kagabi? Diba nag good night ka na? Tulog ka na nun!" Sabi ko.

"Anong tulog!? Hindi ako nakatulog sa kakaisip sayo! Tapos madaling araw makakatanggap ako ng text na bumalik ka sa bar at dinadaluhan si Noah?"

Napaatras ako. Sinu-sino kaya ang mga galamay ng mokong na ito at bakit laging updated sa mga nangyayari sa akin? Ni hindi ko siya natext kagabi dahil alam kong mag aalburoto siya ngayon!

"Eh anong gusto mo? Pabayaan ko yung kapatid mo dun na lasing at nakipag away?"

"Yan ang bagay sa kanya." Nakangisi niyang sinabi.

Sinapak ko siya, "Ano ba, Rozen! Wala kang awa! Kapatid mo yun!"

"He's just a collateral damage." Sabay dausdos ng kanyang kamay sa baywang ko.

"Anong collateral damage! Hindi ito gyera! At ayokong may mga mawasak para lang magkatotoo tayong dalawa!" Sabi ko.

Napangiwi siya, "Mawawasak lang sila kung hahadlangan nila ako. Get out of the way or I'll crush them, Coreen. Dapat alam nila yan kung ayaw nilang masaktan."

"Ikaw talaga!" Sabay sapak ko ulit sa kanya.

Napapikit siya sa pag inda sa ginawa ko, "Ow!"

"Buti nga sayo!" Sabi ko. "Noah is my friend and for God's sake he's your brother! Kailangan niya ako."

Hindi na siya nakinig. Agad niya lang kinuha yung mga bulaklak sa ibabaw ng kanyang sasakyan at inilahad sa akin.

"Oh! Kahit alam kong may ginawa ka na namang kabulastugan kagabi, ayan parin, meron ka parin niyan. Mahal kita, e."

Ngumuso pa ako lalo. Haaay! Rozen! Ewan ko na sayo. Pwedeng magpakasal na lang tayo? Lintek. Nababaliw na ako. Okay, Coreen! Umayos ka! Ni hindi mo pa yan nasasagot!

Kinuha ko yung mga bulaklak at ni check isa-isa. Mga puting lily ito. Maganda ang pagkakagawa at mabango pa, huh? Humalukipkip siya at tinitigan lang ako nang bumaling ulit ako sa kanya.

"Thanks." Uminit ang pisngi ko.

"Tara. Date muna tayo?" Sabay bukas sa pintuan ng sasakyan niya.

"Ha? Anong date?" Sabi ko sabay hila sa kamay kong di niya binibitawan.

"Wala tayong pasok, Coreen. Malapit na tayong gumraduate." Ngumisi siya. "At pabayaan mo na si Noah."

"Kahit na wala tayong pasok, ang dami kong requirements na gagawin!" Sabi ko.

"Edi ako na ang gagawa!"

Sinapak ko na, "Anong ikaw?!"

Ayan na naman si Rozen Elizalde. Magiging dependent na naman ako sa kanya.

"Hindi pwede! Dapat ako!"

"Edi dun tayo sa bahay gagawa. Tara na, Coreen." Ngumisi siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro