Kabanata 50

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 50

Babalik Na Si Reina



Alam nating lahat na pag siya na ang magyayaya, wala ng makakapigil. Kaya heto at papasok kami sa bahay nila. Abot tainga ang ngiti niya. Hinila niya ako paakyat ng hagdanan nila.

"Rozen, gagawa tayo ng requirements ko." Mariin kong sinabi.

"Kaya nga, diba?" Ngumisi siya.

"Ikaw? Tapos ka na ba sayo?" Tanong ko.

"Syempre. Ipapakopya pa kita."

Mabuti sana kung pwedeng ganun. Kaya lang hindi. Iba-iba dapat yung case study at mga report. Limang case study ang gagawin. May isa pa akong kulang. Ito dapat ang inaatupag ko ngayon. Well, okay na rin naman siguro kasi may sources na ako at kailangan na lang pagtagpi-tagpiin ang mga nakalap kong impormasyon.

Nabunutan na lang ako nang tinik nang nasa tapat na kami ng kwarto ni Rozen. Pagkabukas niya dun ay sobrang lamig agad na aircon ang bumungad sakin. Tumindig ang balahibo ko.

"Ang lamig naman!" Sabi ko.

Nilingon niya ako at ngumisi siya.

"Ooopppz, Sorry." Tsaka nilapitan ang aircon para hinaan. "Ang payat mo kasi, bilis mong nilalamig. Yan napapala mo sa kakakain ng damo." Humalakhak siya.

Inirapan ko na at pumasok ako sa loob.

Hindi matanggal ang tingin ko sa isang frame sa taas ng kama niya. Isang babaeng nakatalikod. Kulot ang buhok nito. Nanliit ang mga mata ko. Hindi ko makita ang soot na damit nung babae kaya hindi ako sigurado kung sino.

"Wait a minute. That's me!" Sabay turo ko sa frame.

Mabilis ang pintig ng puso ko. Tinignan ko si Rozen sa kinatatayuan ko kanina pero wala na siya dun. Bigla na lang akong napatalon dahil naramdaman kong niyakap niya ako galing sa likuran.

"Ano ba, Rozen!" Sabi ko sabay layo ng konti.

Hinila niya ako.

"Come on, I won't rape you." Humalakhak siya.

"Ako yan, ah!?" Sabay tingin ko sa frame. "You're obsessed with me!?" Napangiwi ako kay Rozen.

"So what if I am?" Tumawa siya.

"Ikaw talaga!" Sinapak ko siya.

Lumayo siya ng konte tsaka hinila ang bag kong may laman ng mga requirements.

"Teka, Rozen!" Kukunin ko sana pero nilapag niya na sa table ang mga requirements ko.

Wala na akong nagawa. Inisa-isa niya ang mga papel na nakalap ko. Kumunot ang kanyang noo habang binabasa ang mga natapos ko na. Ako naman, abala sa pagtingin-tingin sa buong kwarto niya.

Mint green ang kulay ng walls nito. Malaki ang kwarto niya, may sariling banyo at halos may sariling living room. Mahahaba ang mga kurtina, hanggang sahig. May halaman pang nakatayo malapit sa balcony. May ashtray sa side table. May refrigerator na nakatayo sa kabilang wall. Binuksan ko ito at tinignan kung anong meron. Nakahanap ako doon ng isang bote ng Black Label, ilang lata ng Heineken, at isang box ng chocolates na may nakalagay pang, "For Coreen."

Napatingin ako kay Rozen na hanggang ngayon ay busy sa paghahanap ng maaring magawa sa requirements ko.

"Adik." Napangiti ako.

May naka stock pala akong chocolates dito sa ref niya, huh?

"Rozen." Sabi ko.

"Hmmm?" Nagpatuloy parin siya sa pag kukumpara sa mga ginawa kong report.

"Grabe ka talaga! Ano 'tong mga hard liquor sa ref mo?"

"Hmm... Kung gusto mo palitan mo yan lahat ng mga pagkain mong gusto." Wala sa sarili niyang sinabi.

Uminit ang pisngi ko at natahimik. Napansin iyon ni Rozen kaya tumingala siya at hinanap niya ang tingin ko.

"O baka gusto mong bumili ako ng condo?" Tumaas ang kilay niya. "Para sating dalawa."

"Heh! Ano ka? Adik! Hindi naman tayo magpapakasal or something."

"Doon din naman tayo pupunta. Tss." Napatingin ulit siya sa mga papel ko.

HIndi na ako nakipagtalo. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang seryoso siya sa kanyang ginagawa sa mga papel ko. Nagawa niya pang buksan yung computer nila. Samantalang ako ay nakatitig lang doon sa frame.

"Kelan ito?" Tanong ko.

Tumayo si Rozen para lumipat sa mesa ng computer nila. Panay parin ang panliliit ng mata ko habang pinagmamasdan ang frame.

"High school?" Tanong ko.

"Uh-huh."

"Talaga? Kaya pala medyo maiksi pa ang buhok ko at kulot. Ngayon, maliit na lang ang waves sa likod. I should probably cut my hair para ganyan ulit kaganda."

"Lagi namang maganda." Aniya.

Nilingon ko siya at nakita kong naka topless na siya. Tumunganga ako habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan niya. Malaki na ang katawan ni Rozen noon. Ngayon, mukhang mas lalong nag firm at defined ang muscles niya. Nakakalaway ng sobra-sobra ang abs niya. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya.

Oh my God!

Ngumisi siya. Nag iwas agad ako ng tingin at pumikit. Damn it, Rozen Elizalde!

"Ang inet. Ayaw mo kasi ng malamig. Hindi pa naman ako sanay." Humalakhak siya.

"Heh! Whatever, Rozen."

Mas lalo akong pumikit nang narinig kong humakbang siya palapit sa akin. Tumawa siya sa reaksyon ko. Brace yourself, Coreen! Feeling ko hahaplusin niya na ang baywang ko. Nangangatog na ang tuhod ko ngayon pa lang. Pero ilang sandali ang nakalipas, narealize ko na walang haplos na dumating.

"Hey, babe, itatype ko na, ah?" Humagalpak siya sa tawa nang nilingon ko siya at nandoon na siya sa tapat ng computer.

HMP! Kainis! Kabanas! Ay ewan ko! Pakiramdam ko ay nanunuya siya sakin. Alam niya. Alam niyang gusto ko siya kaya ayan at nagpapa hard to get!

"Okay." Sabi ko.

Umupo ako sa kama niya at pinagmasdan siyang seryosong nag tatype ng aking mga reports.

"Okay lang ba yan?" Tanong ko.

"Uh-huh." Nakita kong hinawakan niya ang labi niya habang tinitignang mabuti ang mga papel.

Hindi ko na maintindihan ang mga kulisap sa tiyan ko. Grabe na sila kung mag wala. Pakiramdam ko konting move lang ni Rozen ay agad silang nagwawala. Ganito ba talaga? Pati ang pagpasada niya ng palad sa buhok at ang pag masahe niya sa batok niya ay naninindig ang balahibo ko.

He's just so damn sexy. Lalo na pag topless. Kahit nakatalikod siya ay kitang kita ko kung paano mag flex ang muscles niya sa likod.

Hindi ko na namalayan na sa sobrang kahalayan ng pag iisip ko ay nakatulog na ako sa kama niya. Nagising na lang ako na sobrang lamig na at may kumot nang nakabalot sakin.

"Oh my!" Tikhim ko sabay hawak sa dress kong soot ko parin naman sa awa ng Diyos.

"What?" He chuckled.

Nasa harap parin siya ng kanyang computer.

"Akala mo nirape na kita?" Tanong niya nang nakatalikod parin.

Kinusot ko ang mga mata ko, "Ilang oras akong natulog?"

"Isang oras lang."

Nanlaki ang mga mata ko, "Talaga?"

Nilingon ako ni Rozen. Hanggang ngayon ay topless parin siya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Agad kong sinilip yung monitor ng computer at nakita kong Facebook ko yung nandoon.

"Yes, tapos na yung requirements mo. Isubmit mo na lang bukas tapos sabay na tayong mag take ng final exams." Sabay upo niya sa kama.

"Are you stalking me again?" Tanong ko.

"So what if I am? Nirereport ko yung mga nag wa-wallpost sayo. Lalo na kung lalaki."

Sinapak ko agad, "Ano ba? Pakealamero 'to! Bakit naman? Hindi naman ako binastos ng mga yun, ah?"

"Eh na ooffend ako? Kaya nirereport ko." Tumawa siya.

Kinurot ko yung abs niya. Matigas, huh! "Ow!" Kumindat siya.

Ngumuso ako.

"Wa'g diyan, masakit." Humalakhak siya at hinawakan ang kamay kong nakakurot sa kanya.

Babawiin ko na sana pero pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

"What else do you want to do, Coreen?" Biglaan niyang marahang tanong sa akin.

Uminit ang pisngi ko, "I know what you're thinking Rozen! Tumigil ka ah!"

Hinila niya ako gamit ang pinagsalikop niyang mga kamay namin.

"Ano? I just want to make out! Is it wrong?" Nilapit niya ang mukha niya sakin.

"Ugh! Tumigil ka!" Tinulak ko siya pero mas lalo siyang lumapit.

Ngayon, ramdam ko na ang bigat ng titig niya sakin. Nakaangat ang kanyang labi at matama niyang tinititigan ang buong kaluluwa ko gamit ang kanyang mga mata. Bumilis ang paghinga niya nang dahan-dahan niyang binaba ang paningin niya sa labi ko.

"Coreen, you can explore my body if you want to."

Ang dami kong gustong sabihin pero walang lumabas ni kahit isang salita sa bibig ko. Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya. Nanginig ito lalo na nang naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo niya dahil sa haplos ko. Siya mismo ang nagbaba ng palad ko pababa sa abs niya.

"Don't tell me wala parin akong epekto sayo hanggang ngayon?" Ngumisi siya.

Binuka ko ang bibig ko para magsalita pero wala talagang lumabas ni taghoy.

"I told myself, pagbalik ko, maglalaway si Coreen sakin. Hindi niya na ako matatanggihan. Don't tell me wala parin... Don't tell me, Coreen." Bulong niya.

Sobrang lapit na ng mga labi namin. Bahagya niyang tinagilid ang kanyang ulo para hindi magbanggaan ang mga ilong namin. Ramdam na ramdam ko na ang hininga niya sa labi ko. Nakaawang na pareho ang labi namin. Pareho na rin kaming nakatingin sa labi ng isa't-isa.

"I love you, Coreen." Aniya bago pinaglapat ang mga labi naming dalawa.

Napapikit ako sa halik niya. Nanunuya ito at nakakabitin. Parang kulang. Kahit anong ulit niya sa paghalik sakin ay hindi napapawi ang kasabikan ko sa kanya.

"Rozen..." Napadaing ako.

Mas lalo niyang nilapit ang sarili niya sakin. Nakita ko ang ngisi niya dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya. Hinila niya ang buong katawan ko palapit sa kanya. Nilagay ko na ang magkabilang braso ko sa leeg niya.

"Hindi pa tayo nito, ah? Paano na pag tayo na?" Humalakhak siya.

Nababaliw na talaga ata ako. Parang naiirita ako kasi nagagawa niya pang humalakhak at magsalita gayung ako, sobrang sabik na sa mga halik niya. Come on, Rozen! I want to kiss you some more!

Pinaglapat niya ulit ang mga labi naming dalawa. Ngayon, ibang halik naman ang ipinamalas niya sakin. Malalalim at mas nakakalasing. Ito yung tipong halik niyang nakakawala sa ulirat. Kusa ng gumagalaw ang kamay ko para haplusin ang buhok niya.

"God, Coreen! You are making me excited." Bulong niya sabay haplos sa dibdib ko.

Nagsitindigan ang balahibo ko sa bawat haplos niya. Sarap na sarap na ako sa halik niya na pakiramdam ko ayaw ko nang tumigil nang biglang may kumatok sa kwarto niya.

Agad ko siyang tinulak sa kaba. Kaya lang ay hinila niya ako at nagpatuloy siya sa paghalik.

"Rozen!" Sabay tulak ko ulit sa kanya.

Suminghap siya at umirap.

"Sino yan?" Mariin niyang tanong.

Tumayo siya at ginulo ang buhok. Mabilis kong inayos ang comforter niyang magulong-magulo na at ang dress kong medyo nagusot. Binuksan ni Rozen ang kanyang pintuan.

"Ikaw na naman?" Galit na utas ni Rozen.

Napatayo agad ako. I knew it was Noah. Nanlaki ang mata ni Noah nang nakita ako sa loob.

"Bakit? Istorbo!" Sabi ni Rozen.

Nakita kong kumunot ang noo ni Noah bago nagsalita ng diretso kay Rozen. "Tumawag si mommy. Dalawang linggo na lang babalik na si Reina. May mga bilin siya."

"Ano?"

"Nasa office yung linya. Kausapin mo na lang siya dun." Malamig na sinabi ni Noah.

"Okay." Sabi ni Rozen.

Sumulyap si Noah sakin bago pumihit para umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro