Kabanata 51

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 51

Wade and Reina

Panay ang study ko para sa finals. Graduating, e. Sabayan pa ng pag tatrabaho ko sa bank. Nakakastress. Buti na lang at nandyan palagi si Rozen. Lagi niya akong sinusundo at lagi siyang may surpresa. Ice cream, bulaklak, chocolate, etc.

Hindi ko pa nababanggit kay Mommy o kay Daddy ang tungkol kay Rozen. Hindi rin naman ako nangangamba dahil kilala na nila si Rozen noon pa. Ang problema ko lang ay kung paano ko kukumbinsihin si mommy na si Rozen at hindi si Noah ang Elizalde'ng gusto ko. Lumaki kasi ako na si Noah ang iniisip niyang crush ko.

"Done?" Tanong ni Rozen sa akin pagkatapos ng final exams namin.

Tumango ako at ngumiti.

Sure bet ang exam na iyon. Sigurado akong papasa kaya walang problema kung gagraduate ba ako o hindi. Ngayon, ang iniisip ko na lang ay ang nalalapit na kaarawan ni Noah at Rozen, at syempre ang pagbabalik ni Reina.

Syempre, dumalo ako sa birthday ni Noah. Sa bahay lang nila ginanap. Aniya'y ayaw niyang sa labas at baka magpakita daw ulit si Megan. Hindi naman siya masyadong nagrereact sa aming dalawa ni Rozen. Sinasaway ko rin kasi ang isang iyon pag nasosobrahan na sa PDA.

"Coreen, anong gift mo para sakin?" Tanong ni Rozen nang dumating na ang birthday niya.

"Wala!" Pagbibiro ko kahit na bibigyan ko siya ng cake.

"Ano?" Niyakap niya ako galing sa likuran. "Anong wala. Dapat meron." Aniya.

"Wala!" Sabi ko ulit.

"Kahit Oo mo na lang." Tumawa siya.

"Ayoko nga!"

"O baka naman, 'Oohh at Ahh' mo na lang?" Humagalpak siya sa tawa kaya hinambalos ko na ang lintek ng bag ko.

Madalas kong makasalubong si Elle. Hindi gaya ng dati na pinapalibutan siya nina Kristen, madalas na siyang mag isa ngayon. Pilit kong pinansin siya nang sa ganun ay maramdaman niyang wala akong hinanakit sa kanya o ano man. Pero napagtanto ko, nang di niya ako pinansin, na kahit wala akong hinanakit sa kanya, maaring siya ang may hinanakit sa akin.

"Rozen, nag uusap pa ba kayo ni Elle?" Tanong ko.

Kumunot ang kanyang noo bago ako tinignan, "Hindi. Bakit?"

"Wala lang." Nagkibit balikat ako.

Ang awkward siguro ng sitwasyon nila. Magkaklase at nagkikita araw-araw pero hindi na nag uusap tulad ng dati. Napabuntong hininga ako at napatingin sa nag dadrive na si Rozen. Mukhang walang pake ang isang ito.

Ang saya-saya ko nang gumraduate na ako. Sa wakas! Ngayon, mapag tutoonan ko na ng pansin ang pagtatrabaho.

"Congratulations, Coreen." Sabay halik ni mommy at daddy sa akin.

Ang saya-saya ko nun. Naaninag ko agad si Noah na nakapamulsa at kasama si Ate Julie at Kuya Luke. Noong una, akala ko nandito siya para icongratulate ang kanyang kapatid, pero napagtanto ko na nandito siya para sa akin.

Binigay niya sa akin ang mga roses na dala-dala.

"Uyyy." Tumawa si mommy.

"Mom! Nakakahiya ka." Tumawa ako.

Kinakantsawan niya kami ni Noah. Si Ate Julie naman ay panaya ng kindat sakin. Kanina pa umalis si Rozen at ang kanyang mommy at daddy. Ayaw nung dinudumog. Pagkatapos kasi agad ng graduation ay ang dami agad nag papapicture sa kanya para souvenir daw. Kaya hayun at nabadtrip, umalis.

In speaking of dinudumog, may isa pang dinudumog dito. Gumraduate ng Magna Cum Laude ang pinaka aabangang artist ngayon sa Pilipinas! Walang iba kundi si Wade Rivas! Kaya hayun at panay ang picture sa kanya. Yung ibang gumraduate ay sinama pa ang isang barangay ng pamilya para lang maaninag ang graduation ni Wade.

Napakamot si Noah sa ulo nang nilapitan ako at nakatutok ako kay Wade.

"Coreen." Tumawa siya.

"Oh?" Bumaling ako sa kanya.

"Can I ask you another favor?" Tanong niya.

"Sure, Noah. Ano yun?"

"Bukas kasi magpe-perform kami sa Moon Records."

Natigilan ako sa sinabi niya. Niluwangan ko ang itim na kapa para magsink in sakin lahat ng sinabi niya. Mag peperform sila sa Moon Records! Iyon lang naman ang record label na pinasukan ng Going South (ang banda ni Wade)! Sumikat sila dahil magaling talaga magpasikat ang Moon Records! Kaya nawindang ako nang sinabi iyon ni Noah.

"Kukunin na ba nila kayo?" Tanong ko.

"Hindi pa. May mag ju-judge pa samin. Actually, sina Wade." Aniya.

"Talaga? Bukas? OMG! Dapat nandun ako? Wait! Pwede bang sumama."

"Oo. Actually..." Ngumisi siya. "Kaya nga ako hihingi ng pabor. Si Megan kasi pupunta dun."

"WHAT?"

"Oo. Dapat hindi pwedeng manood. Kaso... may kilala kasi si Megan na taga Moon Records."

"Talaga? Kaya siya makakapasok?"

"Oo. Magdadala pa nga ata ng mga kaibigan niya kaya ayun, kakailanganin kita." Nagseryoso ang kanyang mukha ngayon.

"O-O sige." Medyo nagdadalawang isip kong sagot.

"Nabanggit mo na ba ito kay Rozen?" Tanong niya.

"H-Hindi pa, e."

"Naku! Kung maari, sabihin mo na kay Kuya. Alam mo naman yun. Sorry talaga, Coreen." Agad niyang sinabi.

"Oo. Sasabihin ko rin. Teka nga... grabe yang Megan na yan, ha? Masyadong persistent. Sinong kilala niya sa Moon?" Tanong ko.

"Actually, si Madame Alejandra. Yung mommy niya, president sa Moon."

Napangiwi ako sa sinabi ni Noah. Hindi ako makapaniwala. Kaya naman pala malaya siyang makakapasok ay anak pala siya ng presidente.

"Are you sure na okay lang kung pumunta ako?"

"Oo, Coreen. And I will appreciate your help." Untag niya.

Pinag isipan ko itong mabuti. Hindi ko kayang biguin si Noah. Minsan lang naman siya humihingi ng pabor. Kaya lang, si Rozen... Okay, pagkatapos nito, sasabihin ko din agad kay Rozen nang di na iyon mag alburoto. Napaparanoid tuloy ako dahil sa mga galamay niyang maaring nakaaligid sa akin palagi.

Hindi naman kasi siya palaging free. May ginagawa din siya para sa negosyo nila. Balita ko ay gumawa talaga siya ng sariling branch nila. At tulad ng negosyo ng mommy at daddy nila, barko barko din kung maka pag angkat iyon. Kaya madalas siyang busy dahil doon.

Halos isang oras akong tumunganga sa cellphone ko. Inisip ko kung itetext ko ba ang isang iyon na lalabas ako ng saglit o hindi.

Ako:

Rozen, ngayon ang uwi ni Reina, diba? I'll see her.

Nagreply siya ng isang cryptic message.

Rozen:

Mag ingat ka dyan sa 'I'll see her' mo, ah.

Natawa naman ako. I promise, sasabihin ko din agad sa kanya ang nangyayari samin ni Noah bago pa yun pumutok sa inis. Baka mag away silang dalawa. Kaya mamaya, pag nagkita na kami, sasabihin ko sa kanya.

Nandoon na si Noah sa Moon. I'm sure nininerbyus na iyon. Alam kong kahit cool lang siya at puro kasupladuhan lang ang alam ay kinakabahan parin iyon. Ito yung pangarap niya kaya syempre conscious siya sa bawat gagawin niya.

Pumasok ako sa Moon. Pahirapan ang pagpasok. Buti na lang at binasbasan ako ni Noah. Buong akala ko banned ako dito dahil iyon ang iuutos ni Megan pero nagkamali ako.

Nag si-set up sina Noah sa stage nang dumating ako. Wala pa sina Wade pero kumpleto na sina Megan at ang mga kaibigan niyang gaya niya ay kikay na kikay. Not that I'm not kikay, too. Kaya pag sumama ako sa kanila, hindi ako mapagkakamalang outsider.

"Coreen!" Sigaw ni Noah sabay takbo papunta sakin.

Napatalon ako sa ginawa niya. Binuhat niya ako at inikot pa.

"I missed you!" Aniya sabay halik sa pisngi ko.

Uminit ang pisngi ko at napatingin ako sa mga babaeng nakatingin din sa amin. Nakita kong napangiwi ang iilan sa kanila. Nakita ko namang inosenteng nakangisi si Megan.

"I missed you, too." Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Goodluck kiss naman diyan!" Panirang sigaw ni Warren habang inaayos ang drums.

"Heh!" Sigaw ko.

"Ayeeee!" Sigaw nila.

Nakikiuso din ang mga ito. Alam naman nilang hindi ito totoo pero sumasabay sa panahon. Pasakay lang.

"Sige na, please?" Nag puppy eyes si Noah.

"Noah." Bulong ko sabay iling ng bahagya.

"Coreen, they are watching us. Kiss lang naman sa cheeks." Sabi niya.

Humugot ako ng malalim na hininga. I'm sure Rozen won't approve. Promise, mag eexplain ako sa kanya mamaya. Patay! Iniisip ko pa lang ang reaksyon niya parang ikinamamatay ko na.

Inilapit ko ang lips ko sa pisngi niya at hinalikan siya ng mabilis.

"Thanks!" Kumindat si Noah at bumalik na sa stage.

Tumawa ako at pinagmasdan silang nag aayos ng gamit.

"Coreen!" Tawag bigla ni Megan sa akin.

"Huh?" Tinaas ko ang kilay ko.

Nakita kong ngumunguso siya sa tabi niya. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong pumunta sa kanya at tumabi.

Malaki ang room na iyon. Parang pang sine. Maraming upuan. Pero kapansin-pansin ang mga upuang nasa harapan. Doon siguro uupo sina Wade. Marami ding lights sa likuran na hindi ginagamit.

"Nakakainggit talaga. Sana palit na lang tayo ng kapalaran." Bulgar na sinabi ni Megan sa akin.

"Huh? Bakit?"

Bigla niyang itinaas ang t shirt na soot. Halos mapasigaw ako. Ako pa ata ang na ooffend sa ginawa niyang pagpapakita ng tiyan. May nakita akong 'Noah Elizalde' na naka tattoo sa ilalim ng left boob niya.

"My God!" Napasinghap ako.

"Hehe. Sorry, ah? Crush na crush ko talaga siya, e. Noon, sayang talaga, nung na in love siya sakin, umalis ako kaya ayun at..." Nagkibit balikat siya, "Binasted ko."

Tumalon talon siya na parang walang sinabing ganun nang nakita niya sina Wade.

"Wade Rivasss! WOHOOO! GWAPO MO PO! AKIN KA NA LANG!" Pumalakpak siya at tumili pa lalo.

What? Na inlove si Noah kay Megan noon? Hindi ko alam kung totoo ba iyon o pinapalabas niya lang iyon para matinag ako. Syempre, as girlfriend kuno ni Noah, dapat ngayon ay nagseselos na ako o nag aalburuto na, pero dahil hindi naman iyon totoo... imbes na magselos ako ay nagulantang ako sa sinabi niya.

Nakatunganga parin ako kahit maingay na ang mga kasama ni Megan dahil sa pag dating ni Wade at ang iba pang miyembro ng Going South.

"Hello, Zeus!" Tumawa si Wade at dumiretso sa stage.

Naglahad siya ng kamay sa kanilang lahat, maging kay Liam.

"Miss na miss ko na kayo mga bro." Nagtawanan pa sila at nag biruan. "Sige, pakitaan niyo daw si Zac, Adam at Austin. Maghuhugas kamay ako dito dahil kung ako sa inyo, pasok na kayo lahat." Tumawa ulit si Wade.

"Wa'g kang bias, Wade! Kailangan din namin ng constructive criticism." Biro ni Warren.

Nag tawanan pa sila at nag kwentuhan bago sinimulan nung Zac ang pag papaliwanag kung paano mangyayari itong audition. Kasama din nila ang isang staff ng Moon Records na gumagabay sa bawat proseso na ginagawa nila. Kami naman ay walang ginawa kundi tumili.

Kaya nang nagsimula nang kumanta si Liam ng isang kantang kay Wade originally, bumuhos sa akin ang mga alaala ko noong hindi pa umalis si Reina at Rozen papuntang France. Lahat ng mga desperada kong moves para lang makuha ang atensyon ni Noah noon.

"Thank you!" Ani Liam sabay yuko sa audience nang natapos na ang kanta.

"I like it." Sabi ng matandang babae na staff ata ng Moon Records.

"Thank you! Thank you!" Sabi ni Liam nang nakangiti.

Pumalakpak kami. Unti unti kong nasaksihan ang pagbabago ng ekspresyon ni Liam. Kung noong una ay nakangisi lang siya, ngayon ay halos mapatalon siya sa saya nang katingin sa likod. Binaybay ko ang titig niya at doon ko nakita kung sino ang nagbalik. It was Reina!

And oh my God! Wade is freaking here!

"REINA!" Sigaw ni Liam.

Kumaway si Reina. Ang laki ng pinagbago niya! Mas makinis ang kutis niya ngayon. Walang traces ng mga tigyawat niya noon. Pumuti siya at mas lalong naging resemblance niya ang soft features ni Noah, pero ang mga mata niya ay sinisigaw ang kay Rozen. She really is a true Elizalde. Very, very stunning.

"OMG! REINA!" Napahiyaw ako at tumalon.

Diretso ang titig ko kay Wade Rivas na ngayon ay hindi parin lumilingon kahit na isinisigaw ko na ang pangalan ng pinakamamahal niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro