Kabanata 58

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 58

Rozen's Child

Wala akong ginawa kundi umiyak pagkarating ko sa bahay. Ang lecheng Rozen na yun!? Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang narinig kong kumakatok ang aming katulong.

"Po?" Sigaw ko sabay tayo bigla.

"Nandito po si Rozen." Aniya.

"HUH?"

Nagsuklay ako agad. Kakarating at kakabihis ko lang, a? Ibig sabihin ay hindi na siya nagtagal? Mabilis akong bumaba. Buti at tulog na ang mga tao. Maging ang aming katulong ay humihikab na.

"WHY ARE YOU HERE?" Pambungad ko.

Nakita ko ang madilim niyang ekspresyon. Para bang may iniisip siyang malalim habang tinitignan ako. Kung ano man iyon, wala akong pakealam.

"Tinulungan ko lang yung guard, Coreen." Paliwanag niya.

Hindi ko matanggap iyon. Agad ng bumuhos ang luha ko.

"NO! YOU LOVE HER!" Sigaw ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

Tumayo siya at umambang aawatin ako sa pagtuturo sa kanya pero hindi ako nagpaawat.

"YOU STILL LOVE HER! O BAKA NAMAN- BAKA NAMAN NAREALIZE MO NA SIYA ANG MAHAL MO NGAYONG TAYO NA?" Humagulhol ako.

Umiling siya at nakita kong bumilis ang paghinga niya, "Wait! What are you talking about, Coreen! Syempre tinulungan ko lang yung tao! Naging mag kaibigan din kami. And you were just jealous..." Aniya.

"JUST JEALOUS? HUH? Eh ako nga pag nagseselos ka kay Noah hindi naman kita sinisigawan, a?"

"I just want to help! Can't you see that? Hindi kaya ng payat na guard na yun na buhatin si Elle! Kung sana ay naghintay ka, saglit lang naman iyon! Pagkalabas ko nakita ko agad na pumara ka ng taxi-"

"I DON'T CARE! I WANT YOU MINE! AKO LANG DAPAT YUNG NAKIKITA MO!" Sabi ko.

Nababaliw na talaga yata ako. Nakita kong umangat ang labi niya. I hated it. Why is he happy? Hindi ko alam. Mukha atang nasisiyahan pa siya sa nangyayari sa aming dalawa. Siguro ay ito ang gusto niyang mangyari... Siguro ay gusto niyang magkasiraan kaming dalawa.

"Why are you happy?" Tanong ko.

Umiling siya at bumalik sa pagkakakunot ang kanyang noo.

"Do you want this to happen to us?" Sabi ko.

"Shhh... Coreen, stop it. Let's stop this. You're just blinded by your jealousy."

"I'm not blind!" Sigaw ko sabay atras.

Nakita kong namutla siya.

"AYOKO NA! KUNG IKAW NAGSESELOS OKAY LANG NA PARUSAHAN MO AKO. AT PAG AKO NAGSESELOS, NAGAGALIT KA, SINISIGAWAN MO AKO! Break na tayo!"

Nalaglag ang kanyang panga. Diretso siyang pumunta sa akin.

"Coreen, hindi. Hindi pwede. I'm sorry. I'm sorry. I just wanna help her. Guilty ako. Pero wala akong magawa kasi mahal kita. She'll get over me. I just wanna help her. She needed the help."

"No... You love her." Pinag diinan ko.

"NO! FOR GOD'S SAKE, NO! Ikaw lang!"

Pumungay ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang siko ko. Hinampas ko naman ang kanyang dibdib.

"Break na tayo." Inulit ko.

"No." Umiling siya.

"Ayoko na. Nakakafrustrate ka."

"No... Tayo parin. Kahit na na fufrustate din ako sayo. Tayo parin."

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Lalo na noong sinandal niya na ang noo niya sa noo ko. Napapikit na lang ako. Bumuhos ang luha ko.

Yes... I hated him. Naiirita ako tuwing naiisip ko iyong ginawa niya. Pero walangya, ano ba itong nararamdaman ko at bakit baliw na baliw ako sa kanya?

"I love you." Bulong niya. "So much, Coreen. Sobra sobra na wala akong pakealam kung sino ang masagasaan ko para sating dalawa."

Humagulhol ako. "No, I want a break for us. Break na tayo."

Hindi ko alam kung paano ko siya natalikuran sa gabing iyon. Siguro ay napangunahan lang ako ng sobra sobrang pagseselos kaya ko iyon nasabi.

"COREEN!" Sigaw niya.

Pinipiga ang puso ko nang narealize na basag ang kanyang boses habang tinatawag ako. Hindi ako lumingon. Sometimes, you need to be heartless.

Natulog na lang ako. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng walang istorbo sa loob ng 12 hours kahit ganun ang nangyari sa amin ni Rozen. Kung hindi ako kinatok ni mommy kinaumagahan ay siguro hindi ako nagising. Buti na lang at Linggo.

"Coreen, may problema ba?" Bumungad sa akin ang concerned na mukha ni mommy.

"Wala naman po." Sabay kusot ko sa medyo mahapding mata.

"Nandito si Rozen kanina. Jusko nakatulog siya sa sofa. Kaya lang pinauwi ko na. Ayaw nga nung umuwi. Nag away daw kayo. Kayo na ba?"

Kumunot ang noo ko.

"Hindi po."

Kumunot din ang noo ni mommy. "Bakit ganun siya? Teka... hindi ba si Noah ang crush mo? Si Rozen... yung boyfriend? Please enlighten me, Coreen." Humalukipkip si mommy.

Ginulo ko ang buhok ko at humiga ulit.

"Wala po akong boyfriend. Inaantok po ako." Sabay lagay ng unan sa ulo ko.

"Coreen, you need to tell me."

Pinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa narinig kong umalis si mommy. Bumangon ako para maligo na sana ngunit wala akong nagawa kundi ang sumuka pagdating sa inidoro.

"Kahapon pa 'to, ah?"

Bigla akong naiyak. Nakakainis! Ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos naiirita pa ako kay Rozen! At ngayon wala siya dito mas lalo lang akong naiirita! Anong nangyayari sa akin? I DON'T FREAKING KNOW!

Sumuka ulit ako. Bakit ako naduduwal? Siguro dahil nahihilo ako. Hindi naman ako uminom kagabi? Siguro magkakasakit ako.

Sa araw na iyon, ni off ko ang cellphone ko para makapagpahinga. Mabuti at naisip din ni mommy na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi niya na ako kinulit. Hindi ako umalis ng kwarto. Nagpahatid lang ako ng mga pagkain sa katulong.

Ganun ang naging eksena sa bawat weekend na nagdaan. At sa tuwing weekdays naman ay nagtatrabaho ako. Naging smooth naman ang flow. Araw-araw na nagpapadala si Rozen ng roses at kung anu-ano pa. Lagi pa niya akong sinusundo sa trabaho kahit na araw-araw ko rin siyang tinatanggihan at sinusungitan.

"Break na tayo, ah. Why are you here?" Ito parati ang pambungad ko sa kanya.

"Coreen, just get in." Aniya sabay nguso sa sasakyan niya.

"Ayoko!" Lagi akong tumatanggi at palagi din niya akong hinihigit papasok doon.

Pinapaandar niya agad. He's acting like it's all okay. Kaya minsan nakakalimutan ko rin na mag kaaway kami at sumasama ako sa kanya.

"Seriously, you should stop thinking that we're off. It's useless, Coreen." Ngumisi siya. "And... don't you miss me?"

Inirapan ko na lang siya.

Ang totoo, miss na miss ko na rin siya. Pero hindi ko mapag tanto kung bakit sobra-sobra na lang ang inis ko. Hindi ko siya pinagbibigyan kahit na madalas niya parin akong hinahalikan at madalas din akong nadadala sa mga halik niya. Tinutulak ko na lang siya.

"Coreen! Ano ba? You're acting really strange! Wala na si Elle! Let's leave her alone! Tinulungan ko lang siya-"

Pinutol ko ang pinagsasabi niya at padabog na sinarado ang kanyang pintuan. Bahala ka diyan, Rozen Elizalde!

Nagmadali akong pumasok sa bahay at nagkulong sa kwarto. Naiinis ako sa sarili ko dahil miss na miss ko na siya at naiirita agad ako tuwing naririnig ko ang pangalan ni Elle. Ewan ko. Hindi ko ma explain basta naiirita ako.

Nang nag weekend ulit, nakita kong na bash si Reina sa buong internet. May kumalat na picture ni Reina at Wade na naghahalikan sa parking lot. Napangiti ako. Alam kong masamang ma bash, kaya lang, masaya ako at malalaman na ng lahat kung sino ang totoong mahal ni Wade. I'm happy for them. Humikab ako, kakagising ko lang kasi. Pagkatapos kong humikab ay napahawak agad ako sa bibig ko kasi naduduwal na naman ako.

"Seriously, what the shit is happening?" Nanlaki na lang ang mga mata ko nang naisuka ko na lahat ng kinain ko sa inidoro. "OH MY GOD?"

Mabilis akong naghilamos. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. AM I PREGNANT? SHIT? AM I? I need to check. Pregnancy test? Wala akong ganun! Bibili ako? Saan? Sa mall? Ngayon na? Anong gagawin ko? Kinagat ko ang labi ko. Lintek na Rozen. May bago bang Elizalde? SHIT! Ni hindi ko pa naamin kina mommy at daddy na kami na ni Rozen. Tapos ngayon, may LQ pa kaming hindi ko tinatapos.

"Coreen?"

Halos atakihin ako sa puso nang bumungad si Rozen sa akin sa labas ng bathroom.

"WHAT ARE YOU DOING HERE?" Sigaw ko sabay turo sa kanya.

Nakataas ang kamay niya sa akin at humahalakhak na.

"I'm just checking on you. Wala yung mommy at daddy mo. Asan sila?"

"I DON'T KNOW! UMALIS KA NGA DITO SA KWARTO KO!" Sigaw ko.

Kumunot ang kanyang noo pero di parin matanggal ang ngisi niya.

Hinampas ko ang dibdib niya at tinulak palabas ng kwarto ko. Hindi naman siya nagmatigas. Tumatawa lang siya habang lumalabas.

Sinarado ko ang pintuan at ni-lock. Binuksan ko naman agad ito nang narealize na may sasabihin ako sa kanya. Naabutan ko siyang nakangisi sa labas ng pintuan ko.

"Kailangan kong pumunta sa mall! At gusto ko hindi ka kasama!"

Mas lumaki ang ngisi niya, "Okay fine. Ihahatid kita pero di ako sasama."

Umirap ako at pinagsarhan ulit siya.

Mabilis ang paghinga ko habang tinitignan ang My Calendar Application sa iPad ko. Limang linggo mula nung huli kong period. SHIT! Is this normal? Oh my great God! It's still freaking normal, ano! Ibig sabihin one of these days magkakaperiod na ako.

Kinalma ko ang sarili ko para makaligo at magbihis.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Rozen nang nakitang dumiretso ako palabas ng bahay namin. Siya naman ay nakadekwatrong nakaupo sa sofa namin.

"Sa mall na ako kakain!" Iritado kong sambit.

"Alright." Cool niyang sinabi saka tumayo para sundan ako.

Wala akong imik buong byahe namin. Hindi matanggal sa isipan ko ang posibilidad na buntis ako. At ayaw ko ring banggitin ito kay Rozen dahil natatakot ako.

"Saan ka kakain?" Tanong niya.

"Don't ask."

"Bakit?" Sabay tigil ng sasakyan niya sa harap ng malaking mall.

"Just don't." Inirapan ko siya.

"Okay." Tumawa siya.

Umalis agad ako nang hindi nagpapaalam sa kanya. Masyado akong preoccupied sa aking mga iniisip. Gusto kong mag shopping ng maraming maraming damit, pero gutom na gutom ako kaya dumiretso ako sa isang restaurant na hindi ko pa nakakainan noon.

"Ano pong order niyo, miss?" Tanong sa akin ng waiter.

Dumungaw ako sa menu at may nakita akong mga salad doon.

"Hmmmm..." Ngumuso ako at tinitigan ang picture ng salad. "Ano ba 'to..."

Tumatabang bigla ang panlasa ko. Parang nasusuka ako or something.

"Uhm may american spare ribs ba kayo?"

"Opo."

"Yun na lang, tsaka juice. Thanks." Sabi ko sabay bigay sa menu.

Pumangalumbaba ako. Nakapagtataka, bakit ayaw ko sa salad? Errr... Hindi ko na lang inisip iyon. Kumain na lang ako nang dumating ang pagkaing inorder. 

Habang kumakain ako, narinig ko ang usapan ng mga tao sa kabilang table tungkol kay Wade at sa bago niyang girlfriend. Kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at nag search ng latest updates sa Google. Nakita ko doon na nag issue ng statement si Shan, umiiyak siya ta parang pinapalabas niya na kabit si Reina. Agad akong nairita. Seriously, bakit ang bilis kong mairita?

Ako:

Lecheng Shan! May paiyak-iyak pang nalalaman! Broken hearted daw!? Leche sha!

Nitext ko agad si Reina. Nag reply din naman siya.

Reina:

Where are you?

Ako:

Kumakain sa mall. I've seen the video.

Reina:

Aling mall?

Sinabi ko sa kanya kung saang mall ako.

Kalahati lang nung ribs ang nakain ko. Iniwan ko na lang ang pagkain at pagkatapos ay inisa-isa ang mga boutique. Habang tumitingin ako sa mga damit ay napagtanto ko yung huling ni text ko kay Reina. Sinabi ko sa kanya kung saang mall ako! Hindi kaya pupunta siya dito? Kaya nitext ko ulit siya.

Ako:

Wait. Don't go out, Reina.

Bawat tao sa mall na nadadaanan ko, puro si Wade at Reina ang pinag uusapan.

"Yung kabit niyang si Reina ang kapal ng mukha." Sabi nung isang babae.

Nairita agad ako. Sinundan ko ng tingin iyong babae habang bumibili ako ng pregnancy test sa Watsons. Nakita niya ang masamang titig ko sa kanya. Buti na lang at umalis din siya agad kaya hindi ko siya nabigwasan. Nakakabanas lang. Kung makapagsalita ang fans na ito, kahit walang alam ay parang ang dami lang alam.

Sinusuportahan nila si Shan kaya kahit anong gawin ni Shan, pakiramdam nila iyon ang tama. Ganun ba talaga pag iniidolo mo ang isang tao? Ganun ba talaga pag minamahal mo ang isang tao? Well, maybe. Dahil kahit anong gawin ni Rozen, kahit na nakakairita siya, mahal ko siya kaya lagi ko iyong pinagbibigyan. Except now, of course. Medyo naiirita parin ako sa kanya. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung bakit. And it's probably the same for Rozen... kahit gaano ako ka irrational mag isip nitong mga nakaraang araw, wala parin siyang ibang magawa kundi ang mahalin ako pabalik.

Pahirapan ang ginawa kong pagsubok ng PT sa CR ng mall. Binasa ko pa ang instructions na nakapaloob doon. Leche, pwedeng magpa ospital na lang? Hindi pwede, magdududa si Rozen, magdududa si mommy at daddy.

Naghintay ako ng ilang minuto. Wala akong ginawa kundi ang tumayo at tumingala sa loob ng inidoro.

"OH SHIIIIT!" Nakita kong may dalawang linya sa PT.

Nicheck kong mabuti yung instructions: Two Lines = Congratulations! You are pregnant!

Dalawang ulit ko itong inulit para makasigurado. Nawindang ako nang dalawang ulit rin akong binati ng PT!

"SHIIIT!"

Lutang na lutang ako palabas ng CR. Tulala akong naglalakad sa gitna ng mall. Natigilan na lang ako nang nakitang nag iissue na naman ng statement si Shan sa isang malaking TV station. Naka air ito ngayon sa TVng nasa harap ko. Natigilan ang mga tao sa kakatingala doon sa TV.

"Hello?" Agad kong sinagot ang tawag ni Reina.

"Nasa mall na ako. Nasan ka?" Aniya.

"Eto... Nasa gitna. Bakit ka pumunta dito?" Naiirita ako sa katangahan niya. "Nag i-air pa lang ng statement ni Shan! Nandito sa malaking TV sa gitna ng mall, Reina! You should have stayed home!"

Lumingon lingon ako para hanapin siya. At nakita ko nga ang bestfriend kong tulala sa gitna ng mall.

"You stubborn girl!" Sabi ko sabay higit sa kanya.

"Siya yung Reina diba?" Sabi ng isang babae sa gilid namin. Itinuro niya si Reina.

"Oo. Yung manggagamit." Dagdag nung isa.

"Hindi siya manggagamit!" Sigaw ko.

Tumataas na ang altapresyon ko sa mga taong lubos kung makapanghusga! Pinanood namin ang walang basehang mga sagot ni Shan sa interview niyong malaking TV station. Puro kasinungalingan ang sinabi niya doon. Nakakairita. Nakakainis. Naiiyak ako sa sobrang inis. Si Reina ay tulala lang at dinirinig ang mga sinasabi ng tao sa paligid.

"Yung plastik!"

"Manggagamit!"

"Famewhore! Sana mamatay na siya! Nakakasira ng relasyon!"

"Kabit!"

"Third party! Cheap! Yuck!"

"Cheap tulad ng gawa niya. Walang talent kaya ayan kumapit sa patalim."

"WadeSha parin ako. Forever. Rot in hell Reina."

Biglang may natapong ice cream sa soot ni Reina. Nakita kong namuo ang luha sa mga mata niya. Ako naman ay tumunganga habang unti-unting nalalaglag ang panga. THIS IS ENOUGH. I'm going to kill all of them!

"WHAT THE?" Sigaw ko sabay hanap sa gumawa noon. "MGA BRUHA! KAYO MAMATAY!" 

Readyng ready na akong mangsabunot sa kahit sinong babaeng nakatingin sa aming dalawa nang hinila ako ni Reina paalis dun. Wala akong ginawa kundi ang mag mura at umiyak.

"Coreen, let's go! Let's just go!"

"Bwisit! Nakakainis! Bwisit sila! Ang dami niyong alam, ha? Bwisit! Mamatay kayo!" Hinihila parin ako ni Reina.

"Coreen, stop it. Okay lang. Naiintindihan ko-"

"Anong naiintindihan? Tanga ka ba? Hindi pwedeng ganun ganun na lang, Reina!"

"Coreen, anong gusto mong mangyari? Sasabunutan mo isa-isa ang mga babaeng yon doon? Tapos ikaw, anong mangyayari sayo? Papatayin ako ni Rozen!"

Nagpatianod ako sa kanya hanggang sa nakarating ako sa sasakyan niya. Napansin ko na may nititext siya bago niya iyon pinaandar. Napalunok ako. Ngayon lang nag sink in sa akin lahat.

I'm not alone. I'm not. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos. Because a child is inside me... It's Rozen's child. OH MY GOD!

Bigla akong naduwal. Yes. Naduwal na naman ako at ngayon sa presensya ni Reina. Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at tumakbo sa likuran.

"Coreen!" Sigaw niya sabay dalo sa akin.

"Bumalik ka nga sa loob! May makakakita sayo-" Nasuka ulit ako.

Hinaplos niya ang likod ko.

"OH MY GOD?" OA na sigaw ni Reina. "B-Ba't ka nasusuka?"

Tinatanong niya kahit alam kong may naiisip na siya kung bakit ako nagkakaganito. Shit!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro