Kabanata 59

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 59

Exactly

Mas lalo kong iniwasan si Rozen. Hindi ako nagpapakita sa kanya. Mabilis akong umaalis sa trabaho para lang hindi niya ako maabutan at sa tuwing pumupunta siya sa bahay ay lagi akong nagkukulong sa kwarto. Mahal na mahal ko siya, sabik na sabik ako sa kanya, kaya lang natatakot ako dahil buntis ako. Natatakot ako sa mangyayari sa amin. At naiirita ako nang di ko alam kung bakit.

"Coreen, you are acting really strange. Ano bang nangyayari sayo?" Narinig kong sinabi ni Rozen sa likod ng pintuan ko.

"Just... go home, Rozen." Sabi ko.

Alam kong nagkakagulo na ang buong pamilya ng mga Elizalde dahil sa nalalapit na kasal ni Reina. At first, inayawan ng kanyang parents si Wade dahil pobre ito. Pero ngayon ay natanggap na nila. Of course, sinong magulang ba ang aayaw kay Wade? Sobrang mahal niya kaya si Reina. Hindi ko alam kung tumutulong ba ito si Rozen sa kanila dahil napansin kong halos gabi-gabi siya dito sa amin at nagdadala pa ng kung anu-anong pagkain.

Biglang lumubog ang paanang parte ng kama ko. Tumindig ang balahibo ko. Akala ko may halimaw ng umupo doon, pero oo, totoo palang may halimaw talaga. It was him, the sexy beast with his sexy smile and his sexy lips.

OH I MISS HIM SO MUCH! Pero naiirita ako... Shit! Di ko alam!

"Ano ba?" Nilagyan ko ng kumot ang mukha ko.

Hinawakan niya ang binti ko. Hinaplos niya ito pababa.

"WHY ARE YOU HERE?" Galit kong utas sabay upo para maiwasan ang panghahaplos niya.

Hinawakan niya ang kanyang labi saka tinitigan akong mabuti gamit ang naglalaro niyang mga mata.

"Why are you so moody?" Tanong niyang nakapagpakabog sa puso ko.

Naghuhuramentado na naman ako, pati ang mga kulisap ay nagliwaliw na sa loob ng tiyan ko.

"I'm not. I just..."

"Come on, Coreen. Apat na linggo na yung issue. Is there something wrong?" Tanong niya.

"Nothing!" Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Are you pregnant?" Diretso niyang tanong.

Nagulantang ako pero hindi ako nagpahalata sa kanya.

"What? Bakit naman ako mabubuntis?" Umiling ako.

"Really?" Ngumisi siya.

SINADYA NIYA BA ITO? Bakit may feeling akong sinadya niya ito? Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siyang ngumingisi sa harapan ko.

"I'm not pregnant!" I lied.

"Ows?" Hinagis niya sa kumot ko ang tatlong Pregnancy Test. "Then try that."

"I said, I'm not! Nagkaperiod pa ako last week! Don't be crazy!" Umirap ako.

Napanguso siya, "Kung ganun bakit ganito ka?"

Lumapit siya sa akin.

"Nasaan si mommy at daddy at bakit ka nila pinapasok?" Tanong ko.

"I told them na tayo na. At nag away tayo, Coreen. I need to say sorry."

"YOU MANIPULATIVE FREAK!" Sabay turo ko sa kanya.

Humalakhak na lang siya sa sapak ko sa kanya. "Alam mo kung anong sinabi nila sa akin?"

Tinaas ko ang kilay ko.

"'Si Noah yung gusto niya, ah. Di ako makapaniwala na ikaw.' Iyan ang sabi ng mommy mo."

Nag iwas ulit ako ng tingin. Bumuntong hininga si Rozen at inangat ang mukha ko para magkasalubong ang tingin namin.

"Do you still love me?" Medyo nanginig ang boses niya sa tanong na iyon.

Nairita ako, "Bakit mo ako tinatanong? Kailangan pa bang magtanong ng ganyan."

"Answer, Coreen. Coz this past few days, pakiramdam ko inaayawan mo na ako."

"Of course I love you!" Sabi ko.

"Then are you pregnant?"

Napalunok ako at nag iwas ulit ng tingin.

"I said, I'm not."

Kumunot ang kanyang noo, "Nakita kitang kumain sa mall ng spare ribs. Imbes na yung paborito mong mga damo ang kakainin mo, bakit iyon ang kinain mo?"

Magsasalita na sana ako pero hindi niya ako pinagbigyan.

"And you're really getting moody. Sigurado ka bang last week nagka period ka?"

"OF COURSE!"

"Bakit ka magkakaperiod last week, dapat nung first week pa ang period mo, diba?"

SHIT!? Pati ito?

"What? Of course iba-iba yung schedule!" Sabi ko.

"Ako nag aayos ng schedule mo noong college, Coreen. And I still remember everything about you. Nakatatak na iyon sa akin. Kasama na iyon sa buong pagkatao ko, you can't fool me."

"Hormonal imbalance. Hindi ba pwedeng ganun? Don't worry, bibili ako ng pills para hindi na ako magkaganito." Umirap ako.

Tumayo siya at humalukipkip.

"Don't you dare do that when I know you are pregnant!" Medyo iritado niyang sinabi.

"I said I'm not pregnant!" Iginiit ko.

Mas lalo lang siyang naging iritado sa sinabi ko.

"Anyway, ichicheck ko pa ngayong araw yung pinagawa kong gown for Reina and me. Pakiharid ako sa bahay niyo, please?" Ngumisi ako at tinulak siya palabas ng kwarto ko.

Nakasimangot lang siya at nagpatianod sa ginawa ko.

"Maliligo lang ako tsaka magbibihis."

Sinarado ko ang pintuan at bumuntong hininga. That was close!

Ganun ang palaging eksena. Hanggang sa umabot ako sa point na gusto ko ng sabihin sa kanya. Palagi na kasi siyang nakasimangot. Nakakakilabot pa kasi pinagmamasdan niya akong mabuti. Parang isang lawin na nag aantay ng makakain niya. Ni hindi na rin siya naapektuhan tuwing lumalapit ako kay Noah. Nakatitig lang talaga siya at naghihintay na may mangyari sa katawan ko.

"Bakit mo naisipang puno na yung VIP?" Tanong ni Reina nang papunta na kami sa Araneta para sa comeback concert ni Wade.

Ang hindi niya alam ay wedding day niya rin ito. Pinlano ito ni Wade at tutulong ang fans sa gagawing surpresa niya.

"Inimbitahan ko kasi si Liam tsaka Shan..." Nag peace sign ako.

"P-Paano mo sila napapayag?" Laglag panga niyang tanong.

Paanong hindi ko sila mapapapayag kung sabihin kong kasal 'to ni Wade at Reina?

"Kumpara sayo, mas malakas ang charm ko kaya..." Kumindat ako sa kanya.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Rozen ang nag text.

Rozen:

Nasa harapang upuan na ako. Where are you? Wa'g kang dumaan sa maraming tao.

Ngumuso ako at nireplyan siya.

Ako:

Almost there.

Rozen:

Wa'g kang dumaan sa maraming tao. Wade's fans are going really crazy. Baka madaganan ka lang. Pwede bang sunduin na lang kita?

Ako:

Stay there. Importante ang upuang yan.

Rozen:

We can always tell the fans na hindi pwedeng upuan dito? Or I can ask Rick to stay here for you. I'm really freaking worried Coreen.

Ako:

Ba't ka worried? I'm not some fragile girl na mababasag pag nadaganan nino.

Hindi siya nagreply. Siguro ay nairita na naman iyon. Gusto niya talaga kasing igiit na buntis ako habang lagi ko naman itong itinatanggi.

"Bilisan mo na, Reina! Maghahanap pa tayo ng upuan." Sabay kaway ko kay Reina nang busy siya sa pag ientertain ng fans ni Wade.

Nasa Araneta na kami at nakikita ko na ang upuan naming dalawa. Nakadekwatro si Rozen habang diretso ang tingin sa aming dalawa.

Papalapit na kami ng papalapit. Mas lalo lang nangatog ang binti ko dahil titig na titig ang Rozen Elizaldeng naka dekwatro at nakahawak sa ulo ang kanyang kamay. Nakataas ang isang kilay niya at pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

Nag iwas lang ako ng tingin.

"Thanks..." Nahagip ko ang tingin niya.

Nagulat ako nang tumayo siya at tinignang mabuti ang tiyan ko. Kinagat ko ang labi ko. Lumapit siya sa akin. Sa sobrang lapit ay hindi na makikita ang mabilis niyang pag haplos sa tiyan ko. Nagtindigan ang balahibo ko.

"You are always welcome..." Malamig na sagot nito.

SHIT! Talagang sigurado siya sa pakiramdam niya. Inilahad ko ang upuan kay Reina at pinagmasdang mabuti ang kapatid niyang bumababa at pumupunta sa VIP section.

"Sana kayo na lang dito. Doon na lang ako sa VIP seat." Ngumisi si Reina sa akin.

"Weh? Ano ka? Bestfriends tayo, kaya dahil napahamak ako sa pag iimbita kina Shan at Liam, dadamayan mo ako sa kamalasan ko."

"Dadamayan ka rin nun." Mas lalo siyang ngumisi.

Yeah, right! Lalo na pag malaman nung may laman ang tiyan kong anak niya.

Nagsimula ang nakakapanindig balahibong concert-wedding. Epic yung naging reaksyon ni Reina sa ginawa ng fans at sa kanyang nakakabiglang wedding. Ako naman ay umiiyak habang pinagmamasdan siyang ikinakasal. Masaya naman ang pangyayaring ito pero umiiyak ako ng sobra sobra.

Nakita kong tumaas ang kilay ni Rozen habang pinagmamasdan akong umiiyak. Kumikinang ang earring niya dahil sa neon lights ng nasa concert. Hinaplos ni Noah ang likod ko. Nilingon ko siya at tumango siya sa akin.

"I'm happy for Reina." Aniya.

Tumango ako. Hindi ako makasagot dahil sobra sobra ang pag iyak ko.

Niyakap ako ni Noah. Niyakap ko rin siya dahil kinailangan ko ng masasandalan sa sobra sobrang ka emohang nararamdaman ko ngayon. May biglang umubo sa tabi ko. Alam ko agad kung sino. Kumalas kami ni Noah sa pagkakayakap sa isa't-isa.

"Pwede bang bawiin ang asawa ko?" Malamig na sambit ni Rozen sa kapatid niya.

Umatras si Noah at ngumisi.

"Sure, bro." Aniya. "Hindi mo naman kailangang bawiin dahil simula palang sayo na siya."

Napatingin ako sa reaksyon ni Rozen. Ngumisi siya sa kapatid niya. Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko alam kung masamang ngisi o mabuting ngisi ba iyong ipinakita niya.

"Buti alam mo."

Shit talaga ang isang ito! Baka mag away pa ito dito, ah?

"Alam ko. Syempre, noon paman, minarkahan mo na siyang sayo, diba?"

Pinadausdos ni Rozen ang kanyang kamay sa baywang ko at inilapit niya ako sa kanya.

"Of course. It's Coreen over everything, Noah."

Nag high five silang dalawa. Pagkatapos ay marahan niyang hinigit ako palayo sa buong lipumpon ng mga tao sa kasal ni Reina.

"Where are we going?" Utas ko habang pinapahiran ang luha sa mga mata ko.

"Date." Aniya.

"Date? May reception pa ang kasal nina Wade at Reina!"

Nakalabas na kami ng Araneta bago niya ako sinagot.

"I know. Pero di pa matatapos ang concert niya. I want to be with you." Ngumisi siya.

"Okay."

Napapaluha parin ako habang nasa loob na kaming dalawa ng sasakyan. Pinaandar niya lang muna ang aircon saka bumaling sa akin.

"What do you think about their wedding?"

"Maganda, unique." Sabi ko.

"Anong wedding ang gusto mo para satin?" Tanong niya.

Napanguso ako, "Ewan ko... Traditional?" Nanginig ang boses ko sa sinabi ko.

Maging iyon ay hindi ko pa napag iisipan. Ayokong pakasalan niya lang ako kasi nabuntis niya ako. Namuo ulit ang luha ko.

"Pakasal na tayo next week?" Diretso niya lang sinabi.

"Ha? Bakit?" agad kong tanong.

"Because I want you pregnant, Coreen."

SHIIIIIT! Iba't-ibang mura ang sumagi sa isip ko. Pakiramdam ko matatamaan na ako ng kidlat sa sobrang pagmumura ko. Mas lalo akong umiyak. Tinulungan niya ako sa pag punas.

"W-Why do you want that, Rozen?" Tanong ko habang inilalapit niya ang sarili niya sa akin.

He lifted my chin. Naaninag ko na naman ang nakakasilaw niyang evil smile.

"That's my way to end the chase, Coreen. We'll end it there. I'm your dead end. It's the end. We'll start a new life with our family."

Napalunok ako sa sinabi niya, "Why do you hate the chase so much?"

"Hindi ko naman iyon hate. Gusto ko. Kahit anong paghahabol, hahabulin kita. Pero gusto kong makasiguro na akin ka lang. Na mahihirapan kang ayawan ako. Dahil palaging madali sayo ang iwan ako."

SHIT! SHIT! SHIT! Hinaplos ko ang mukha ni Rozen habang namumuo na naman ang luha ko. Hinawakan niya ang kamay na nakahaplos doon at hinalikan ito.

"Hindi naman madali sa akin. Mahirap, a? Mahal na mahal kaya kita."

"Puro salita. Kung mahal mo ako, you'll marry me, then?"

Hindi niya na ako pinasagot. Hinalikan niya lang ako. Yung mababaw at nakakakiliting halik. Naglakbay ang kamay niya sa likod ko. Pabalik balik niya iyong pinaglakbay sa likod ng leeg ko pababa. Habang ang isa naman ay naka hawak sa dibdib ko.

"I want you pregnant." Bulong niya.

Napaliyad ako sa bawat paghawak niyang ginagawa sa akin. Shit talaga! Ang bilis mag init ng katawan ko.

"I am." Mabilis kong sinabi.

Tumigil siya sa paghalik at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Napaawang ang bibig niya hanggang sa unti-unti itong ngumisi.

"You are?" Tanong niya.

Namuo ang luha ko habang tumatango sa kanya.

"Really?" Sabay hawak niya sa tiyan ko.

Nakangisi siya. Kinagat niya ang kanyang labi nang tumango ulit ako. Kumislap ang kanyang mata at suminghap siya.

"Is this for real, Coreen?"

"Hindi ba lagi mong ginigiit na buntis ako? O eto na, inaamin ko na!"

"Oh my shit!" Tumawa siya at nakita kong kumislap lalo ang mata niya sa luha.

Inatake niya ang labi ko. Ngayon mas mariin ang bawat pag siil niya ng halik dito. Unti-unti itong naging sabik at maiinit na halik. Kinilabutan ako. Mabilis ding gumalaw ang kanyang kamay.

"Rozen, b-baka di ako pwedeng mag... alam mo na."

"I asked the ob. Pwede."

Nanlaki ang mga mata ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"Kelan mo tinanong?" Napapikit ako sa bawat halik niyang bumababa sa dibdib ko.

"Nung nagduda ako na buntis ka. Weeks ago." Bumalik ang halik niya sa labi ko.

Nang naramdaman kong hinaplos niya na ang gitna ng hita ko ay napaungol ako.

"B-But I'm pregnant, Rozen."

"Exactly why I'm so turned on right now."

SHIT!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro